webnovel

Harvesters

Apat na magkakabarkada ang pumunta sa isa sa napakagandang isla ng Iloilo at isang misteryosong mamamatay ang dumating sa kanilang masayang iskursiyon...

jorymarcbebing · 灵异恐怖
分數不夠
8 Chs

Chapter 8

Chapter Eight

Napapasigaw at takot na takot si Anne papasok sa loob ng kusina. Wala manlang siyang armas para para ilaban sa baliw na binata. Kinuka ni Anne ang malaking bread knife sa may lababo at itinutok ito sa humahabol sa kanyang lalaki ng umiiyak sa takot. Napapigil si Grande at may dining table na humaharang sa kanilang dalawa. "Ano?!! Lalaban ka talaga?!" sigaw ng mamamatay-tao, at hinihingal si Anne sa takot, "Gusto mo talagang kunin ang paraiso ko?!!" sigaw ulit ng binata. Itinulak ng baliw ang dining table sa dilag hanggang sa maiipit ang katawan ng kusinera sa lababo. Napasigaw si Anne sa sakit at nabitawan ang hawak na kutsilyo. "Ano?! Huh?!" sigaw ng sira-ulo sabay tulak ng dining table sa babae. Ikinuha ni Anne ang upuan sa gilid ng nasabing mesa, inalsa pataas at inihampas sa ulo ng lalaki. Napasigaw si Grande sa sakit at tumilapon ito sa gilid at humagalpak sa maliit na estante. Inalis agad ni Anne ang mesang nakaiipit sa kanya at tumakbo palabas naman ng kusina. Napatayo si Grande, nadagdagan ang pamumula ang ulo at mukha dahil sa hmpas ni Anne ng upuan sa kanaya kanina. Hinabol ulit ng baliw ang chef. Nadakip nito ang kusinera sa bilis sa pagtakbo! Niyakap niya ang dilag ng sobrang higpit kasama ang mga braso at baywang ng kusinera. Sumigaw agad ang babae sa takot. Nagpupumiglas ang kusinera. Inapakan ni Drew ang kanang paa ng lalaki at napasigaw ang sira-ulo sa sakit. Sa galit, hinagis ng binata ang dilag sa nawasak na center table. Napapasigaw si Anne habang siya ay napatapon. Humagalpak ang kusinera sa gibang mesa. Lumakad si Grande papunta kay Anne Drew. Nanghihina ang chef sa sakit. Nang makita ng babae na lumalakad na papalapit sa kanya si Grande, kinya niyang gumapang papalayo sa sira-ulo. Ngunit naabutan siya ng lalaki at pinatungan pa siya nito. Ipinatihaya ng baliw si Drew sa kanya. Nagpupumiglas at napapasigaw na naman ang kusinera para makatakas sa nakapatong lalaki sa kanya. Dinakip ng baliw ang mga braso ni Anne. Tinititigan ng binata ang maalindog na katawan ng dilag. Napangiti ang binata at napasabi sa babae ng, "Sarap mo sigurong laruin." Nagalit si Anne sa sinabi ng baliw. Sumeryoso ang mukha ng kusinera at bigla nitong inuntog ang sariling noo sa mukha ng sira-ulo. Napasigaw si Grande sa sakit at nabitawan ang dilag. Sinuntok din agad ni Anne sa kanang pisngi ang nakapatong na baliw na lalaki sa kanya at napatapon ang binata sa gilid. Gumapang si Anne papalayo kay Grande. Nagalit lalo si Grande dahil sa ginawa ng dilag at napasigaw. Dumudugo na naman ang ilong nito sa ginawa ng kusinera. Hinabol nito ang gumagapang papalayo sa kanya na si Anne Drew, dinakip ang mga binti ng dalaga sabay na hinila. Sigaw ulit si Anne. Sinakal ni Grande ang leeg ng dilag gamit ang dalawang mga kamay! Sa sobrang lakas ng pananakal ng binata sa kusinera ay naiangat niya ang babae hanggang sa napatayo ito! Hindi na makahinga ang inosenteng babae. Inihampas pa ng sira-ulo si Drew sa dingding gamit pa rin ang pananakal. Sumisigaw itong baliw sa galit! Iniangat niya pa ang kusinera hanggang sa wala ng naaapakang sahig ang dalaga. "Mamatay ka na!!!" sigaw ni Grande. Nang biglang may tumalong dilag hawak ang malaking broken wall mirror sa likuran ng sira-ulo hawak ang nasabing salamin na para bang magso-shoot ng bola sa ring sabay sigaw ng, "Mauna ka!!!" Si Regeena pala iyon at galit na galit na inihampas sa ulo na naman ng baliw na Alfonzo ang malaking broken wall mirror. Napatumba si Grande sa sahig, at nabitawan ang sinasakal na dalaga. Nang humagalpak si Grande sa sahig, ipinagpatuloy pa lalo ng assistant chef ang pag-hampas sa mukha ng binatang Alfonzo ng anim na beses sabay sigaw sag alit hanggang sa mawasak lalo ang salamin. Katulad ng nasabing salamin, wasak nawask din ang mukha ng mamamatay-tao, puro dugo, mga banat at tama ng mga parte ng salamin ang pisngi, leeg at noo. Hindi na gumagalaw si Grande at hinihingal sa pagod ni Regeena habang nakaluhod at nakatitig sa wala ng malay na sira-ulong lalaki. Nagulat si Anne sa kanyang nakikita. Buhay na buhay pa ang bestfriend nito. Napatayo si chef at napasabi ng, "Bes! Buhay ka!" naluluhang pagsabi ng kusinera. Napatayo rin si Regeena at napasagot ng, "Oo. Buhay pa 'ko. Bakit ayaw mo?" sagot ng kaibigan ng naluluha, sabay na inihagis sa bestfriend nito ang hawak na itak. Sinalo ni Anne ang itak at tinitigan ang kaibigan. "Patayin mo na." sagot ni Regeena kay Anne at sumenyas sa bestfriend na paslangin na ang wala ng malay na si Grande. Ngunit nang tumitig si Anne sa baliw na Alfonzo, nakadilat na ang mga mata nito! at nakatitig na kay Regeena! Nagulat at Natakot bigla si Anne at anapasigaw ng, "Bes!!!" sabay takbo sa kaibigan. Napatitig din si Regeena kay Grande at napasigaw din ito sabay atras papalayo sa binata! Ngunit, dinakip agad ni Grande ang kaliwang binti ni Regeena, at hinila papalapit sa kanya! Napatumba sa sahig ang assistant chef at napasigaw. Dinakip agad ng sira-ulo ang kaibigan ng kusinera, tumayo itong binata, hinila patayo ang buhok ni Regeena at snakal ang dilag gamit ang kanang braso. Napatigil si Anne sa pagtakbo papalapit kay Grande dahil baka kung ano gawin nito sa bestfriend. "Bitawan mo siya!!" galit na sigaw ni Drew sabay tutok ng itak sa binata. Napatawa ang baliw. "Haha!! Ano? Papatayin mo 'ko?! Well then, magparty-party na tayo sa kalayo!!" sigaw ng binata. Ibig sabihin ng kalayo ay apoy! Inihagis ng baliw ang hawak nitong si Regeena, papasok sa loob ng ash pit! Napasigaw si Regeena nang tumilapon ito at humagalpak sa ulingan ng fire box. Nagalit si Anne sa ginawa ng lalaki at sinugod nito ang sira-ulo gamit ang itak. Ngunit naunahan ng lalaki ang kusinera, nadakip nito ang dalawang braso ng dalaga, inagaw ang itak sa dilag, at sinipa ang tiyan ng babae at tumilapon din ang kusinera papasok sa loob ng fire box o ash pit! Humagalpak din sa ulingan ang chef at napaubo. Napangiti lang ang binatang Alfonzo sa ginawa, kinuha ang container ng diesel at itinapon ito papasok sa loob din ng firebox! Nabasa ang mga dilag ng napatapong water gas at pinapahiran lang ng mga babae ang mga mukha nila para di sila mabasa o makalasa ng tinapong diesel. Ikinalat pa ni Grande ang naiwang gas container sa sahig, dingding pati kisame at itinapon ang container sa loob ng kusina. Natakot ang mga kusinera. Halatang susunugin ng sira-ulong may hawak na itak ang bahay nito kasama silang magkakaibigan. Nagpa-panic na ang magkaibigan kung saan sila pupunta. Pinulot ni Grande ang posporo sa sahig at hinigpitan ang pag-hawak sa itak. Tumitig ito sa mga babae at napasabi ng, "I guess, this is goodbye." Natakot na si Regeena at panay ito sa pagtulak sa kaibigan na lumabas ng ash pit. "Bes...labas na tayo... dali..." takot na sinasabihan ang bestfriend nitong si Anne. Ngunit kahit takot, ipinapakita lang ni Drew na kalamado ito para mainis ang baliw na si Grande. Napangiti ang lalaking Alfonzo dahil ang yabang kung umasta ni Anne. Susunugin na nga nito ang bahay pero settle cool at stay calm lang ang mukha ng dalagang kusinera. "What? Wala ka bang planong lumabas diyan? Susunugin na nga kita oh! Di ka ba takot sa apoy?" tanong ng lalaki sabay ngiti. May kinuhang susi si Drew mula sa bulsa ng pantalon nito at ipinakita ito kay Grande, ang susing ipinatago ni Greg sa nobya kanina nang nakatali pa ang chef ito sa center table. Nagulat si Regeena kung ano ang ibig sabihin ng ipinapakitang gold key ng kaibigan sa kalaban nila. Napangiti lalo si Grande. "What now? Aanhin ko 'yang susing 'yan?" tanong ng lalaking Alfonzo. "Well, as far as I know, my boyfriend told me, this susi is the susi of your mansiyon, the susi of your yacht, the susi of your paraiso. Am I right?" sagot ng chef. At doon naintindihan ni Regeena kung ano ang dahilan ng susi. Kinukulit pala ni Anne ang binatang Alfonzo para di na niya sunugin ang bahay nito dahil nasa kusinera ang susi ng pradise. Umaatras ng fire box ang mag-bestfriend. Nakikita nina Anne at Regina na may hagdanan paakyat papunta sa chimney cap. Puwede silang mag-bestfriend na tumakas at dumaan paakyat sa hagdanan ng chimney. Nagagalit na ang mukha ni Grande. Iniinsulto siya ni Anne at binibuwiset siya ng kusinera gamit ang hawak nitong gold key. "What? Hindi mo manlang ba aagawin sa akin ito?" sabi Anne sabay atras, at sabay silip sa hagdanan ng chimney. Habang si Regeena ay nakaapak na sa staircase ng chimney para makahanda na sa pag-akyat kung hahabulin na sila ng baliw. Namumula lalo ang mukha ng lalaki sa galit habang hawak ni Anne ang nasabing susi. "Wala akong pakialam sa susing 'yan. Mabubuksan ko lahat ng mga pintuan dito, wala man ang susing 'yan." Sagot ng lalaking Alfonzo. "Oo nga naman. Sa bagay, di naman kasi sa'yo ang susing 'to, kasi, hindi rin naman sa'yo ang mansiyon, ang yate... at ang prasiso, kundi... pagmamay-ari ng... nobyo ko..." nakakainsultong pag-sabi ni Anne sa sira-ulong binata. Nanlilisik ang mga mata ni Grande sa galit hawak ang itak habang nakatitig sa kusinera at si Anne naman ay bumuibilis ang tibok ng puso sa takot, kaba at galit habang nakatitig din sa binata. Alam nitong chef na susugurin silang kusinera ng baliw na Alfonzo gamit ang itak. Tumagal ng limang segundo ang titigan ng kusinera at ng sira-ulo. Nang biglang tumakbo ng pasigaw si Grande sa dalawang babae bitbit ang itak ng galit na galit. Nang malapit na ang lalaki sa mga dilag na nasa loob ng fire box, sinalubong agad ni Anne si Grande sa kaliwang pisngi ng malakas na hampas ng malaking sanga ng uling! At tumilapon ang baliw na binata sa gilid at humagalpak sa isang mini-book shelf bitbit pa rin ang itak! "Akyat!! Dali!!" sigaw ni Anne kay Regeena. At mabilisang gumapang papasok ng damper ang magkaibigan, pumasok sa smoke shelf at gumapang para maka-akyat sa smoke chamber. Galit na galit at napasigaw si Grande nang ito ay napatayo, agad itong tumakbo, pumasok ng ash pit at hinabol aga dilag! Nakita ng mag-bestfriend na sumuot na si Grande papasok ng fire box at nagsimula ng umenter ng damper! Nag-panic ang magkaibigan! "Go!!Go!!go!!" sigaw ni Anne sa kaibigan na bilisan pa ang pag-akyat sa smoke chamber stairs. Nasa nasabing hagdanan na rin ang mamamatay-tao at ngumingiti na itong umaakyat ng staircase! Naghabulan ang tatlo sa stairway ng chimney chamber paakyat ng chimney cap. Habang hinahabol ng binata ang mga dalaga, ginagalaw ng sira-ulong lalaki ang hagdanan para mahulog ang dalawang dilag! Napapasigaw ang mga kusinera sa takot na baka malaglag silang dalawa. Natatawa lang ang demonyong binata sa ginawa nitong karahasan. Nagalit at nainis si Anne sa ginagawa ng lalaki. Inagaw ng kusinera ang isang high heel na sapatos ng assistant chef nito na nasa unahan niya at itinapon sa binatang Alfonzo sa mukha. "Aray!!" sigaw ng binata dahil natamaan ito ng sapatos ni Regeena. Nagtitigan ang mga kusinera. What if gawin nila iyon ulit para masaktan pa ang baliw na lalaking humahabol sa kanila. Kinuha at hinubad ng mga dilag ang mga suot na sapatos nila at pinagtatapon ang mga ito sa baliw na binatang humahabol sa kanila. Kahit bote ng perfue, cologne at powder na nasa mga bulsa ng pantalon nila ay pinaghahagis nila ito sa lalaki para masaktan pa, tumigil sa pag-akyat at sa paghabol sa kanila. Napapasigaw ang lalaki sa sakit dahil natatamaan ito sa mukha , mata at noo. At dahil sa sakit ng mga pinaghahagis na mga bagay sa kanya, nabitawan ng binata ang hawak at inaapakang staircase ng chimney at nalaglag ito sa ulingan ng ash pit o fire box. "Bilis! Bes!" sabi ni Anne kay Regeena na nasa unahan nito. Binilisan lalo ng mga dalaga ang pag-akyat sa smoke chimney staircase para makalabas sa chimney cap. Nagalit si Grande nang malaglag at humagalpak ito sa ulinga ng as pit. May naiisip na paraan ang lalaki para madakip ang mga babae. Umiwan ito ng galit na titig sa dalawang dilag na umaakyat pataas palabas sa chimney cap, lumabas ito ng fire box, at lumakad ng walang pakialam kahit naapakan na ang picture frame ng ama at ina na nasa sahig, at lumabas ito ng salas.

Nang ang mag-bestfriend ay makalabas ng sa chimney, isinara agad ni Anne Drew ang chimney cap nang mapasilip ito at makita niyang may anino ng tao na naman na papasok sa loob ng fire box. "May papsok na naman sa loob ng fire box!" takot na pagsabi ni Anne sa kaibigan. "Si Grande na naman 'yan!" sagot ni Regeena. Napaatras ang mga kusinera papalayo sa chimney nang marinig nila na tumutunog ang chimney staircase o ladder sa loob ng smoke chamber. Halatang may umaakyat sa hagdanan ng chimney para habulin at hulihin silang dalawang dilag. Nang biglang magsalita ang isang tao sa likuran ng dalawang female chefs. "Psst!" sambit ng isang lalaki. Napatalikod agad sa gulat at takot ang magkaibigan at takot agad ang umatake sa kanilang dalawa. Nakita nilang dalawang babae si Grande na halatang kakaakyat lang sa rooftop ng bahay. Napatayo itong lalaki, dala pa rin ang itak nito at may dala pang isang panibagong baril, sabay na ibinali ang wood ladder na kanyang ginamit para makaakyat sa rooftop, at itinapon ito papalayo. Iyon pala ang tumutunog na hagdanan at hindi ang smoke chamber ladder sa loob ng chimney. Lalakad itong si Grande papunta sa dalawang kusinera! Umatras na naman ang dalawang dalaga papalayo naman sa baliw na binata. Biglang itinutok ng binatang Alfonzo ang hawak nab aril sa dalawang dilag at tinamaan na naman si Regeena. Tumilapon ang assistant chef sa malayuan, gumulong papalayo at sumabit ang damit sa antenna ng T.V.. Nahimatay ang kaibigan ni Anne Drew habang nakasabit ang katawan nito sa nasabing antenna at muntik ng mahulog. Nagulat at natakot na naman si Anne sa ginawa ni Grande. "Your time." Sabi ng lalaki sa naiwang dalagang kausap nito. Agad itong lumakad ng mabilisan papunta sa kusinera. Tumakbo naman si Drew papalayo sa baliw pabalik naman sa chimney cap para buksan ito at bumaba muli papasok ng chimney. Ngunit sa bilis ni Grande sa paghabol, nadakip nito agad ang kusinera. Nahawak ng binata ang buhok ng chef, hinila ng malakas papunta sa kanya. Sigaw at pagpupumiglas lang ang nasagot ni Anne. Sa kasakiman ng lalaking Alfonzo, itinapon pa nito ang babaeng kusinera papalayo sa chimney cap. Napasigaw si Drew sa sakit at humgalpak sa rooftop. Kahit masakit, kinaya ng kusinerang gumapang papalayo sa mamamatay-tao, habang ang sira-ulong lalaki ay simpleng lumalakad lang papalapt sa itinapong chef. Agad na tumayo si Anne at tumakbo papalayo sa binata. Hinabol siya agad ng baliw na lalaki. Nadakip ng binata ang buhok ni Drew at napasigaw ulit si Anne nang hilahin ng kalaban nito ang mahabang bangs nito pataas. Sinakal siya ni Grande at inangat ito sa ere gamit lang ang kanang kamay. Halos di makahinga ang kusinera sa pananakal ng sira-ulo. Inihampas ng lalaki ang kawawang dilag sa rooftop. Humagalpak ang buong katawan ng chef nang ito ay hampasin sa red-purple roof nang walang awa. 'God! I can't move!' sabi ni Anne sa sarili sa sobrang sakit. Mabilisang lumuhod at pinatungan ng lalaki ang dalaga. Nagpupumiglas at napapasigaw na naman si Anne sa galit, inis at takot dahil nakapatong na naman ang sira-ulo sa kanya. Dinakip ng binatang baliw ang dalawang braso ng babae. Nainis din sa kakagalaw at sa kasisigaw ng dilag itong si Grande at agad nitong sinakal ang leeg ng chef gamit ang kaliwang kamay. Gulat at takot na naman ang naramdaman ni Anne Drew. "Sa akin pa rin ang bahay at lupa!! Tandaan mo!!" galit na sigaw ni Grande. "Ang kagago mo!!" banat ng dalaga. Sa galit, inagaw nito ang kanang braso sa kamay ng lalaki at agad nitong sinaksak ng hawak niyang napakahabang gintong susi ang dibdib ng baliw at hinulbot agad ang susi pabalik sa kanya. Sumigaw agad si Grande sa sakit at sinuntok ni Drew ang binata, tumilapon ang kalaban sa gilid at nauntog pa sa inaapakang sahig (rooftop). Gumapang si Drew papalayo. Nainis, nagalit at hinabol ang babae, dinakip gamit ang paghila na naman ng buhok, at agad na sinakal gamit na ang kanang braso nito na may hawak na itak. Natakot na si Anne dahil hindi na ito makaalis pa sa lalaki dahil nasasakal na ang leeg nito ng nakakatakot na braso ng binata at baka malaslas ang leeg nito dahil sa hawak nitong itak, bumilis ang tibok ng puso ng dalaga. "Sinasabi ko naman sa'yo, mamamatay ka din, at mapupunta rin sa akin ang lahat ng yaman, paraiso at luho!... ng Alfonzo!" sabi ng binata. Habang nagsasalita ang sira-ulong lalaki, nakikita ni Anne na may anino ng tao na lumalakad ng patago papunta sa likod ni Grande at napaluha si Anne Drew. "Pero... may kayamanan akong alam na hindi mo nalalamann, demonyo..." sagot ng kusinera naluluha. Napangiti ang lalaki at idinikit lalo ng binatang baliw ang isinasakal nitong braso sa leeg ng babae. "Sige, sabihin mo, ano 'yan?" tanong ng baliw na Alfonzo. Napatulo lalo ang luha ni Anne Drew at sumagot lang ng, "Kaibigan..." Everthing was in slow motion... At biglang tumalon ulit si Regeena sa likuran ni Grande hawak ang antenna ng T.V.. Inihampas ng assistant chef ang antenna sa ulo ng baliw na binata na para bang magsa-slamdunk ulit ng bola sa basketball ring. Nasaktan ang lalaki, napaluhod, naduduling at nabitawan ang sinasakal na kusinera. Tumayo si Drew, inagaw ang baril sa lalaki at ang bestfriend nitong si Regeena ay inihampas pa ulit ang hawak na antenna ng T.V. sa panga ng binata. Tumilapon si Grande sa malayuan. Nanghihina ang lalaki sa sakit, kinayang tumayo at napaubo at sumuka ng dugo. Napatingin ang binatang Alfonzo ng masakit kay Anne. Pagod, hinihingal, masakit ang mukha at katawan ngunit galit na sumagot kay Anne itong si Grande ng, "Akin pa rin... itong paraiso..." Galit ding sumagot si Drew sa lalaking Alfonzo. "May paraiso akong alam na babagay para sa'yo." Sagot ni Drew. "Ano?" sambit ng sira-ulo. Itinutok ng kusinerang si Anne ang hawak na baril sa kalaban nito at sumagot ng, "Empeyerno..." sagot ng dilag. At binaril ng dalaga ang baliw na lalaki sa dibdib, sa lakas ng impact ay tumilapon itong Alfonzo sa malayuan, bumagsak at napa-shoot sa chimney cap. Nabasag mismo ang nasabing cap at bubumagsak ang binata, at humagalpak pababa sa fire box o ash pit. Nasaktan ang binata sa tama ng baril sa dibdib pero matapang itong sira-ulo at walang paki-alam sa sugat at tumutulong dugo sa katawan nito. Puro uling ang mukha at katawan. Kinaya nitong tumagilid, lumuhod at kakayaning gumapang palabas ng fire box. Papatayin niya talaga ang kusinerang si Anne Drew dahil dala pa din naman niya ang itak. Gumapang ito palabas ng ash pit. Subalit, sa kasamaang palad, nakita nito ang naapakang picture frame ng ama at ina kanina. Natakot ang binata. Naalala niya agad ang sinabi ng kalaban nitong kusinera. "Isinusumpa ko, babalik dito lahat ng pinaslang mo...Babalik lahat! Sila! Mula sa seaman! Sa guro! Mula sa'yong kawawang ama! At mula sa'yong kawawang ina! Isinusumpa ko! Babalik sila dito, pra patayin ka din!! Tandaan mo!!" Nanginig sa takot ang binatang Alfonzo. Nagulat at natakot lalo ang lalaking baliw nang makita ang apa na paa ng tao namay suot na mga sapatos, isa ay naka vintage leather shoes at isa ay nakasuot ng dark purple Vouge shoes. Hinay-hinay na napatingin si Grande kung sino ang mga nakatayong tao sa harapan nito at gulat na gulat itong makita ang mga pinaslang na mga magulang, nakatindig ng malinis ang mga ito, mayaman at matino subalit galit at matapang na nakatitig sa anak nilang si Grande. Napatayo bigla ang binatang baliw at napahingal sa takot. Nakita rin niya ang mga pinaslang nitong mga personal slaves noon na sina Loulou at Speed sa likuran ng kanilang mga amo. Napasabi bigla ang napapaiyak na si Grande sa mga magulang ng, "...Hindi ko sinasadya..." Nagmamakaawa at humahagulgol sa iyak itong binata.

Sa katunayan, kabaliwan at pagsisisi lamang ang nangyayari ngayon sa binata. Wala itong kinakausap o nakikitang tao kundi ang sarili lamang mismo. Nakikita sa mga salamin sa dingding at mga glass mirros ng mga estante na wala itong kasama sa salas kundi siya lamang at wala ng iba. Nangyayari lang din naman ang mga ito dahil baliw na siya at mamamatay na siya dahil sa tama kanina ng bala.

Nang lumakad papalapit ang ama at ina nito sa sira-ulo nilang anak, napa-atras agad si Grande. Ngunit may nabanggang bagay ang binatang Alfonzo... at iyon ay ang fire box o ang ash pit. Napatalikod ito, umiyak lalo at hinarap ang mga magulang ng may pagsisisi sa mukha. Para sa lalaki, mukhang inuutusan siya ng ama at ina nito na sunugin ang sarili sa loob ng ash pit. Inaalokan ng posporo ng ama ang anak. Kinuha naman ito ni Grande ng umiiyak.

Sa katunayan, hindi nagmula kay ginoong Alfonzo ang posporo, kundi, ito ay nagmula sa bulsa ng pantalon nitong may lamang tatlong kaha ng red matches, kinuha niya lamang, hinawakan at iniyakan. Sineniyasan ng ama at ina nito na sindihan ang hawak na posporo gamit ang pagtango ng mga ulo nito... ng ngumingiti. Umiyak lang ng umiyak ang binatang baliw.

Sinindihan ni Granade ang isang stick ng posporo ng humahagulgol sa pag-iyak. Binitawan niya ang hawak na munting papat, nahulog ito sa sahig at lumiyab ng apoy ang buong palapag, kumalat ito papunta sa loob fire box pati sa balkonahe at lalo na sa kusina. Nasunog ang lahat ng bagay sa loob bahay, napatumba ang baliw sa sahig ng umiiyak habang nasusunog na siya ng apoy, at habang nakatitig sa mga magulang nitong nakatayo pa rin at hindi nasusunog kahit kumakalat na ang apoy sa kanilang mga suot na sapatos at mga damit. Nakangiti lang sila sa binata habang si Grande ay lumuluha ng nakatihaya sa sahig at napasabi sa tinititigan nitong ama at ina ng, "...Patawad po..."

Habang si Anne at Regeena sa may rooftop ay sumisilip mula sa flue tiles at sirang chimney cap kung buhay o patay na ang binaril nilang binata na bumagsak pa sa fire box. "Nakikita mo ba siya?" tanong ni Anne sa bestfriend. "Hindi eh... baka nakatakas pa siya." Sagot ni Regeena. Nang biglang may lumabas na usok palabas sa flue tiles at sirang chimney cap. "Oh no, takbo tako tayo bes, dali." Sabi agad ni Anne sa takot, sabay atras at hila sa kaibigan. "Huh? Bakit?" tanong din agad ni Regeena. Nang biglang may malakas na putok na nangyari at biglang may lumabas na amount ng apoy palabas sa flue tiles at chimney cap mula sa fire box ng chimney! Sabay na napasigaw ang mag-bestfriend. Patuloy ang pag-apoy at napakalakas ng pag-liyab nito na para bang masusunog ang buong bahay!

Ang malakas napag-ptuok ay galing pala sa sumabog na LPG tank sa kusina at napalakas lalo ang pag-apoy!

Napatakbo ang magkaibigan papalayo sa apoy. Palakas ito ng palakas! At! Hinahabol sila nito! Alam na nilang dalawa na sasabog at masusunog na ang buong bahay. Panay ang habol ng apoy sa tumatakbong mga dilag at sa kakatakbo ay maaabot na ng mga kusinera ang dulo ng rooftop! Apoy lang ng apoy! Sabog lang ng sabog ang bahay ay takot na takot na ang mga babae baka sumali din sila sa pagsabog! Nang sina Anne at Regeena ay nasa dulo na ng rooftop, kinabahan na naman ang mga dilag dahil baka mahulog sila! Tanging parte na lamang ng rooftop na kinatatayuan ng mga kusinera ang hindi pa naabot ng sumasabog at lumiliyab na apoy! "Tumalon na lang tayo bes!!" sigaw sa takot ni Anne sa kasama nito. Ngunit napa-ayaw si Regeena! "Ayoko!! 'Takot ako sa heights'!!" scared and trembling na sagot ng assistant chef. Nagalit si Drew sa sagot ng kaibigan. "Gaga!! Eh, anong masasabi mo sa 'takot ako sa fire'!!?!" galit na banat ni Anne. Napatingin ang dalawang dilag sa kanilang mababagsakan kung sila ay tatalon mula sa rooftop. Babagsak sila sa isang mini dumpsite kung sila ay tatalon mula sa rooftop, nagtitigan at huminga ng malalim ang mga kusinera. Paparating na ang apoy at sabay na napa-isip ang dalawang chef ng "5,4,3,2,1!!" at napatalon nga ang mag-bestfriend mula sa rooftop, sumabog ang buong bahay at bumagsak ang mga kusinera sa mini dumpsite. Tinamaan pa ang mga dilag nga nga debris ng sumabog na bahay. Napatakip lang ang mga babae ng kanilang mga mata, tenga at mga ulo habang sumasabog ang buong bahay.

Nang matapos ang pagsabog, patuloy lang ang pagliyab ng bahay. Napatayo ang mag-kaibigan at tinititigan lang ang nasusunog na bahay. Napatitig si Anne Drew sa bestdfriend. "What?" tanong ni Regeena dahil tinitingnan siya ng bestfriend. "Natamaan ka ng baril kanina... twice!! Saan ka natamaan?" nagtatakang tanong ng kusinera. Napahinga ng malalim si Regeena, at ngumiti. Ipinakita ng dilag kay Anne ang suot nitong kuwintas at may tama ng baril ang pendant nito... also, twice! "My saving grace, thank you Lee!" Napapaiyak na sabi ni Regeena at hinalikan ang nasabing pendant. Napangiti at napaluha si Anne dahil sa suot na kuwintas ng kaibigan. Nang biglang may narinig ang mga kusinera ng lalaking napaubo. Nagulat at nagtitigan ang mga chef. Alam nilang tinig iyon ni Greg, at nalaman nilang buhay pa ang binata! Pinuntahan agad ng mga babae si Greg kung saan ito tumilapon at gulat na gulat ang nobyang si Anne dahil buhay pa ang nobyo nito, namumutla at pagod!

"Greg! Buhay ka pa!" todo sa iyak na pagsabi ni Drew at agad na tinulungan ng girlfriend si Greg na makatayo. Namumutla at duguan ang binata mula ulo hanggang sa katawan. Lumuluha lang si Regeena sa saya habang nakatingin sa magkasinthan. Niyakap agad ni Drew si Greg kahit puro ito dugo sa katawan. Dahil sa tama ng bala sa ulo ng boyfriend, tinanong agad ni Drew si Gregorio ng, "Dumaplis lang ba?" tanong ng naiiyak na nobya ng harvester habang pinapahiran ang tumutulong dugo sa ulo nito. "Ay! Oo my love. One huge unlikable and unpleasant shot. Hindi niya ako napatay." Napapangiting sagot ni Greg. "How about the chest? Nabaril ka din sa dibdib. Di ba?" tanong ni Regeena kay Greg. Nagtitigan ang kusinera at ang harvester. Kinabahan si Anne. Ngumiti lang si Greg at napasabi ng, "Kalma lang, love..." ipinakita agad ni Greg na balikat pala nito ang tinamaan at hindi sa dibdib. Ngumiti at napahinga ng malalim sina Anne at Regeena. "Whooh! 'kala ko multo kana! Never keep secrets to me ulit ha! 'Pag magbigay ka ng birthday gifts sa 'kin ulit, 'yong di naman masyadong expensive! Mansiyon at lupa, ibibigay mo talaga sa akin because of love?... Ikaw my dear, you're a dearest gift to me already... kahit 35 years old ka na?! age doesn't matter to me falangga (palangga [mahal])!... Na suspektahan pa tuloy kita na mamamatay-tao ka!... Dahil I will understand and believe all your sinasabi to me, okay? Huh? Goryo?..." sabi ni Anne sabay ngiti sa nobyo na parang bitchy-sweet slut kung magsalita. Napangiti at napatawa din sina Regeena lalo na si Goryo. "Okay..." sagot ng binata. "So! May masakit ba ngayon sa'yo? Ang atay mo? Kailangan mo bang magpa-dialysis? Kailangan mo ba ng tubig? Gamot? Magsabi ka lang, hahanapan kita--" endearing na nagpapanic ang dalaga para sa nobyo ngunit pinakalma lang siya ni Gregorio at sumagot ng, "Okay lang ako, love, worry no more..." sagot ng boyfriend sabay ngiti. Napangiti ang mag-bestfriend at nahimasmasan si Anne. Nagtitigan ang mag-kasintahan, nagngitian at sa kalaunan... ay naghalikan itong dalawa ng seven seconds. "Gosh!! Kakainggit! Promise!!" naiiyak si Regeena habang nakatingin sa dalawang nagli-lips to lips dahil naalala nito ang Intsik na nobyong si Lee.

Nang biglang may lalaking umubo na naman somewhere! Natakot sina Anne at Greg! Pero si Regeena ay nagulat at parang alam nito ang coughing tune ng tao. "Oh God... si Grande ba 'yon?" tanong ni Anne kay Greg. "I don't know..." takot na sagot ni Goryo. "Hindi..." naluluha ngunit masayang sagot ni Regeena, "...nobyo ko 'yon..." dugtong pa ni Regeena na naiiyak na. At biglang may lalaking nagsalita, "Hey babe..." pagod na pagsabi ng binata. Napaharap lahat sa kung saan galing ang taong nagsalita, at iyon ay si Lee... Napanganga lahat sa kanilang nakita. Pagod na lumalakad ang namumulang Intsik na binata papunta sa kanyang mga kaibigan. Napaiyak si Regeena at tumakbo agad sa nobyo at niyakap bigla ito. "Oh! God! Babe! I can't believe! You are still alive!!" sabi ni Regeena sa nobyo nito sabay tulo ang mga luha. Napatakip ng kanyang mga bibig si Anne sa gulat at galak... at napapaluha pa sa kanyang nakikita. Napangiti lang ang duguang si Greg sa saya dahil buhay lahat ng mga kaibigan nito pati mismo ang sariling kasintahan. "Paano ka pa na nabuhay?! You were electrified?" iyak na tanong ni Regeena sa nobyo. "Bakit? Ayaw mo ba? kung gusto mo magpa-kuryente tayo ulit!" nagpapatawang sagot ng boyfriend. Napangiti lahat sa sagot ng lalaki. "Ano ba... answer me naman ng diretso babe... how?..." tanong ng assistant cook. Ipinakita ni Lee ang nabigting kuwintas sa nobya at mga kasama nito. "Dahil siguro dito. Nang mabigti ako't makuryente, nabali ito eh, so this must be my saving--" naputol ang sinasabi ng binata nang bigla siya nitong halikan ng nobya ng walong segundo, ng umiiyak. "...Grace..." dugtong pa ni Lee ng matapos na silang maghalikan ng kanyang nobya at napangiti ito. Nasiyahan naman ang other lovers na nakatitig sa kanilang dalawa. "Basta buhay ka... okay na sa akin..." umiiyak na pagsabi ni Regeena. Napatitig si Lee kay Anne at magso-sorry sana ito sa ginawang kalandian sa kusinera kanina pero sumenyas si Drew ng 'wala na 'yon, forget it, okay na' gamit ang sariling mga kamay lamang. "Everthing's back to normal na babe..." sabi ni Regeena sa boyfriend. Ngumiti si Lee at sumagot ng, "Agree... Yeah..."

Nasa loob na ng yate ang apat na magkakaibigan. Handa

ng mag-drive papalayo sa nasabing paraiso ang binatang si Greg kasama ang mga kasama nito nang mapansin siya ng nobya, kahit mismo sina Regeena at Lee. Malungkot ang mukha ni Goryo at parang may tinatagong sekreto na naman. "What is it? Sabi ko 'no keeping of secrets' na di ba? Puwedeng puwede na tayong bumalik sa paraiso mo, natin!... any time!... Napatay na natin ang kalaban natin, ano pa'ng sina-sad ng face mo?" tanong ni Anne sa boyfriend. "Com'on dude, tell us..." sabi pa ni Lee. "Daw sa others timo! Tell us na!" sabi pa ni Regeena gamit ang mga salitang Hiligaynon. Napahinga ng malalim si Gregorio at sinagot ang mga kasama nito. "Remember the newspapers? 'Yong nabasa niyo ni Regeena? About Grace?" tanong ni Goryo sa girlfriend. "Yes... What about her?" sagot ni Anne. "Nasabi doon na... si Grace ay pinatay din... pero, actually... He's not already dead." Sagot ni Greg. Nagulat ang tatlong kasama ni Greg dahil sa nasabing salita nito sa kanyang statement na, 'He'... Sabay na napatanong sina Anne Drew, Regeena at Lee ng "He!??!" Pero napasagot si Greg at napatingin sa kanila ng matapang ng, "Sadly, yes. Grace isn't a woman. He's only a long-haired man. Grace is only his nickname. His real name is... Graciano... He's one of the aides and helpers of his brother Grande in killing donya Graciola and don Grego... eventhough he's too young, that's how dreadful he is... just like his brother..." Sagot ni Gregorio. Gulat na gulat sina Anne, Regeena at Lee sa sinabi ng harvester na si Gegorio.

Sa katunayan, si Grace o Graciano ang lalaking kausap ni Grande sa cellphone nito, ang taong kasabwat nito para malaman kung ano ang mga mukha ng nobya ni Greg na si Anne at mg kaibigan nito. Siya rin mismo ang paparazzi nina Anne Drew at Regeena sa restaurant nila, ang taong sumusunod-sunod noong bumabiyahe ang magkakaibigan papunta sa paraiso, sakay ang isang bangka at nagte-take ng picture sa kanila.

"Hayaan mo na! at least buhay tayo at alam na nating may topak rin 'yang Grancianong 'yan sa ulo." Sabi ni Anne sa nobyo. Napangiti si Greg at sinagot din ang nobya niya ng, "Sa bagay, may point ka my love. 'Pag nakita lang siya natin, patayin lang natin, right?." Sagot ni Goryo. Napatawa ang magkakaibigan at napa-"Oo". "And lets slay him inside the fire box!" dagdag pa ni Lee. Natawa lalo ang lahat. "At ako ang unang kakain sa kanya, together with a saucy sarsa!" sabi pa ni Regeena. Nagtawan na ang lahat. "Hay! Naku! Umuwi na tayo, inaantay na 'ko ng mga customers ko!" sabi ni Anne Drew at nagtawanan pa lalo ng malakasan ang lahat, nagsiyahan at bumaiyahe pauwi sakay ang yate ni Goryo.

Hindi alam ng professional chef, the assistant cook, the wealthy harvester, and the Chinese citizen, na... sa malayuan ay may nakaandar ng isang bangka at handa ng sundan ang kanilang tinatahak na landas. At iyon ay si Graciano... Naninigarilyo si Grace at pinupunit ang mga pictures nina Anne, Regeena, Lee at lalo na si Goryo. "Kita-kits sa city... Kit-anay lang ta 'to ah..." sabi ni Graciano, "I'll get in touch..." dugtong nito. At pinaandar ng sira-ulo ring binata ang kanyang bangka at sinundan ang kalaban nito sa luho at kayamanan na... si Goryo.

THE END