webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 现代言情
分數不夠
47 Chs

The Start Of Something New

Madaling araw na akong nakauwi sa penthouse. Hindi ako nasamahan ni Siggy dahil kinaladkad na siya ng mga kapatid niya pauwi sa mansion nila. Dahil siguro sa pagod kaya binalewala ko na lang.

Mabuti na lang talaga at maaga akong nagising. May oras ako para maghanda sa pupuntahan namin ni Mr. Hector. T-in-ext na niya ako kaninang mga alas-cinco ng umaga kaya paniguradong wala talaga akong kawala sa pupuntahan naming shooting. Pero hanggang ngayon, wala talaga akong idea kung anong shooting ang pupuntahan namin o kung sinu-sinong artista ang makikita ko pagkarating doon. Maybe I'll surprise myself na lang?

I just sent Siggy a message about my errands for today and didn't expect him to reply back. Hindi na nga rin kami nakapag-usap tungkol sa mga nangyari kagabi pero I'm sure kapag magkikita kami, mapag-uusapan din naman namin 'yon.

Gaya nang napag-usapan, dumaan muna ako sa Addicting Nook para personal na magpaalam kay Nigel sa lalakarin ko ngayong araw. Pero nang pagdating ko sa coffee shop, wala si Nigel. 'Yong mga empleyado lang niya 'yong nandoon kaya sinabihan ko na lang sila at nag-iwan na rin ako ng voice message kay Nigel. Paniguradong tulog pa 'yon. Lasing na lasing 'yon kagabi sa party ni Mikan, e. From Inuman Session to the after party na tagayan ba naman.

I ordered a tea na lang while waiting for Mr. Hector. Nag-text na rin naman siya na he's coming.

Maya-maya lang din ay nakita ko na si Mr. Hector na papasok sa Addicting Nook. Mabuti at ubos na ang tea na in-order ko. I'm good to go.

Mr. Hector wore a shades and when he entered the coffee shop, ma-drama niya itong tinanggal at malawak na ngumiti sa akin. Napatayo na rin ako para salubungin siya.

"As usual, kahit underdress ka, you're still spectacular as ever."

"T-Thank you po. Good morning po, Mr. Hector."

"Mm-Hmm… From now on, you will call me Mama Hector!"

"Po?"

"Mama Hector! 'Yan ang tawag ng mga inaalagaan ko sa akin. At since simula sa araw na ito iha-handle na kita kaya dapat lang na Mama Hector ang tawag mo sa akin. Contrata na lang talaga ang kulang at official na magiging one of the stars ka na."

I pursed my lips and pressed a small smile, still in awe with whatever's happening with my life right now.

Hindi na ako nakasagot. Agad din namang nag-aya si Mr. Hector- or rather, Mama Hector na pumunta na kami sa dapat naming puntahan.

Ang ingay ni Mama Hector habang nasa loob kami ng sasakyan. Kuwento lang siya nang kuwento sa akin. 'Yong iba hindi ko na maintindihan. He has also a secretary na kasama inside the car. Nasa likuran lang namin since magkatabi kami rito sa passenger's seat.

"Hay naku, kahit talaga wala naman akong papel sa movie'ng iyon, ako 'yong na-stress nang biglang umatras ang second lead ng story, e."

"Mr- Mama Hector, bakit ako 'yong nilapitan n'yo to offer this kind of role?"

Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo at itinigil ang pagpapaypay na ginagawa niya at marahan akong tiningnan.

"Alam mo, sayang na sayang ako no'ng bigla mong tinanggihan ang offer ko sa 'yo rati. One step na lang at magiging ganap na artista ka na sana pero reasonable enough naman na pagtotoonan mo ng pansin ang pag-aaral mo. Bumabawi lang ako ngayon sa 'yo. Just try this one. I can see potential pa naman sa 'yo."

I didn't ask Mama Hector to what really happened that time. Kung bakit nasabi niya ngayong tumanggi ako sa naging offer niya na well in fact that time ay eager akong puntahan siya. Siguro, pakana na naman ng parents ko. Hawak nila ang phone ko. For sure no'ng tumawag si Mama Hector, sinagot nila or something sinabihan na tumanggi ako or made another story that's near to the situation. Ayoko nang mag-isip. I should move on with my parents' wrath. I am long gone with their life.

"Whatever happened in the past, Mama Hector, is nothing anymore. Ang importante po ay nandito ako ngayon with another set of opportunity na hinding-hindi ko talaga palalampasin," assurance ko sa kaniya matapos ang lahat ng aming napag-usapan tungkol sa mga panahong iyon.

"I like that fighting spirit of yours, Sandi!"

Maya-maya lang din ay pumasok ang kotseng sakay namin sa isang village at hindi rin naman nagtagal ay napahinto sa isang malaking bahay. Maraming sasakyan ang naka-park sa labas ng malaking bahay na iyon. I even saw some tents around the area. And people of course.

Habang naglalakad kami papasok sa isang tent na nakatayo sa labas ng malaking bahay, binabati ng mga taong nakakasalubong namin si Mama Hector. Tumatango lang siya bilang response pero hindi siya sumasagot. Wala rin namang nakakapansin sa akin kaya napayuko na lang ako habang nakasunod sa kanila ng secretary niya.

"Hector! Finally you're here!"

"Pasensiya, late ng one minute. Traffic sa may labasan."

Nakipag-beso si Mama Hector sa isang lalaking medyo malaki ang katawan, balbas-sarado, nakasuot ng red polo shirt, six-pocket shorts, loafers, and may scarf siya na suot na siyang ginawa niyang pantakip sa kaniyang ulo before the baseball hat na suot niya mismo. May hawak din siyang makapal na papel at before kaming makalapit sa kaniya, may kausap siya kaninang isang maliit na babae na may headphone na suot at may hawak din na mga folders naman yata. Um-exit na rin 'yong babae nang makarating kami ni Mama Hector.

"Nasaan na 'yong pinagyayabang ni Sir David?"

Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay sa harapan at inihanda ang aking ngiti.

"Here she is! Sandi Hinolan is the name." Lumingon si Mama Hector sa akin at inilahad pa ang dalawang kamay. Hinawakan na rin niya ang balikat ko para ilapit pa sa kausap niya kanina. "Sandi, this is Direk Michael Villegas, an award-winning director of all shapes and sizes and a truly gem of Broadcasting Network Station."

Holy mother of monkey! I almost dropped my jaw nang tuluyan kong makilala kung sino itong nasa harapan ko. An award-winning director! Of course, kilala ko siya! Isa siyang batikang direktor sa larangan ng pelikula at teatro. Hindi ko lang agad siyang nakilala kanina kasi mas pamilyar ako sa mukha niya kapag wala siyang balbas! Tapos balut na balot pa siya ngayon kaya hindi ko talaga agad siya makikilala.

Agad akong napayuko nang mapagtanto kung sino siya.

"Good morning po, Direk Villegas. It's an honor to finally meet you po," overwhelmed pa rin na pagbati ko.

Tumango siya sa aking pagbati at nilingon si Mama Hector.

"Magaling ba 'yan?"

"Why don't you see for youself?"

"Erin, anong scene ang iti-take natin for today? Can you give me a script?"

May tinawag na isang babae si Direk Michael na agad din namang lumapit at mabilis na may inabot na mga papel sa batikang direktor.

"Confrontation scene po ni Ismael at Carrie," sagot no'ng nag-abot yata ng script sa direktor.

"Perfect! Sige. Since inaantay pa si Janine at Austin, isalang na muna natin itong si Sandi. Nand'yan na si Danielle, 'di ba?"

Janine? Austin? Danielle? What?!

"Opo, nandoon po sa tent niya si Danielle, direk. Ipatatawag ko na lang po."

Umalis 'yong kausap ni Direk pero ako nag-iisip pa ako na sana tama ang naiisip ko. Na sana super sikat na mga artista ngayon ang makikita ko sa set na ito.

"Study that script, Sandi. There's no need for you to memorize all the lines. Okay lang na magbasa ka since hindi naman talaga 'yan ang character na mapupunta sa 'yo, if ever. Pero do it with emotion since confrontation scene ito. Okay ba?"

"Okay na okay po!" Tinanggap ko ang script na inabot niya at agad ko itong binasa. Winaglit ko muna panandalian ang naiisip ko tungkol sa sikat na artista na makakasama ko.

Mama Hector just nodded at me and gave me an encouraging smile. Pumuwesto ako sa isang tabi and binasa muna ang script.

It's really a confrontation scene from both protagonists: the female lead and the male lead. Paniguradong hindi naman ito ang role na gagampanan ko kasi ang sabi sa akin ni Mama Hector kanina na parang panakip-butas daw ako ng bidang lalaki tapos ako raw ang magiging way kung bakit nila mari-realize ang feelings nila with each other. Basta parang ganoon 'yong takbo ng istorya.

Mabilis lang silang magbabatuhan ng lines pero mahahaba ang lines ng each character. Kumbaga sa away, isang bagsakan talaga ang lahat. At in fairness, ang sasakit, ha.

I relaxed myself a bit nang matapos kong basahin ang mga lines na ibabato ko, pati na ang ibabato ng makakasama ko. Iginala ko ang tingin sa paligid.

Sinubukan kong i-search sa Instagram ang accounts ng mga pangalang narinig ko kanina. Janina Legaspina, Austin Javier, and Danielle Dela Torre.

Hindi ko pinansin ang mga post nila. Mas una kong cl-in-ick ang story section nila. Both Austin and Danielle only shared one photo. Pareho sila ng hashtag na ginamit. And sa tantiya ko, they're also in the same location. #TanduayBattleOfTheDJs

Janine also used the same hashtag but this time, series of stories - both in photos and videos - were posted on her IG story. At dahil bullshit ang connection ng data sa location ko ngayon, hindi ko na-view nang buo ang mga video niya. But I can see pa naman the texts she used as captions. Like the hashtags and the usernames. #TanduayBattleOfTheDJs @tanduayofficial. She also mentioned the winner yata ng competition dahil nag-congrats siya, e, so I assume it is what it is. She mentioned a username @siggyliz. Kumabog nang panandalian ang puso ko nang makitang pamilyar ang username na iyon.

Just as I was about to click that username, may biglang parang nalalag na metal malapit sa akin. Nagulat ako kaya napaangat ako ng tingin at iginala ang tingin sa paligid.

Then I caught Danielle… I mean The Danielle Dela Torre, one of the in demand actors of this generation, is staring at me. May nag-aayos sa buhok niya pero wala yata siyang naging pakialam. Tipid akong napangiti, na-s-starstruck pa rin. Hindi ko naman siya idol pero the fact na artista siya at sikat na rin katulad ng iba ay naghahatid ng kaba sa aking kalamnan.

Kakayanin ko kaya itong biglaang audition na ito? Akala ko pa naman dadaan lang ako sa camera, bakit biglang may sasabihin na?

"Okay, let's start your audition, Sandi Hinolan."

Napalingon ako kay Direk Michael nang magsalita siya. Kinakabahan akong ngumiti sa kaniya at dahan-dahang tumayo. Mama Hector tapped my shoulder and gave me again an encouraging smile.

"I want silence in the set! Okay, Sandi, Danielle, position sa gilid ng pool."

Nasa loob na pala kami ng malaking bahay na nakita ko kanina. May pool sa likurang parte ng bahay at may camera sa bawat sulok nito. May mga tao rin kaya mas lalo akong kinabahan.

Mahigpit ang naging hawak ko sa script habang naglalakad sa position na sinabi ni Direk. Ngumiti sa akin si Danielle at bahagyang inabot ang kaniyang kamay.

"Danielle…"

"Sandi," sagot ko naman.

"Okay, the camera's rolling. Start as you may."

Marahan akong pumikit at bumuga ng isang magaang hangin. It's like teatro, Sandreanna, the teatro you love.

The starting scene is that the girl protagonist is arranging the messed up poolside table while the guy is beside it, supposedly from the pool or kaaahon lang sa pool. But since this is not the exact scene, Danielle Dela Torre entranced at the far end of the pool.

This is it, Sandreanna! You can do it.

"Kailangan mo ba talagang magdabog?" natatawa pang sabi ni Ismael habang papalapit sa aking kinatatayuan.

Nagpatuloy ako sa pag-ignora sa kaniya, pinagtoonan ng pansin ang aking ginagawang paglilinis kahit alam kong wala namang katuturan ito dahil mayroon kaming kasambahay sa bahay na ito.

"Hindi ako nagdadabog," matigas na sagot ko, hindi pa rin siya pinagtotoonan ng pansin.

"Oh really, huh?" Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa siko ko. Napatigil ako sa ginagawa pero hindi pa rin siya tinitingnan.

"Ano ba! Ano bang pakialam mo kung nagdadabog ako o hindi? Wala ka namang pakialam sa akin, 'di ba? Ba't ngayon kung makapagsalita ka parang may pakialam ka talaga sa akin simula pa no'ng una?"

Padabog kong iwinakli ang kamay niyang humawak sa siko ko at mariin siyang tiningnan. Naiiyak na ako pero kailangan kong pigilan ang emosyon ko.

Bumalatay ang gulat sa kaniyang mukha. Nakataas pa ang dalawang kamay na animo'y sumusuko sa kahit anong laban.

"Y-You don't need to shout. You don't need to get angry at me. Just please ca-"

"Oh, I have! I have all the rights in this world to get angry with you!" I looked at him in the eyes with bloodshot stare. Never letting my eyes blink for a second. "Reputasyon ko ang winarak mo! Dignidad ko ang nasira mo! Kailangan mo ba talagang mag-stoop sa ganoon kababang lebel, Ismael? Por que't ba kaibigan mo lang ako ay kailangan ganoon na ang gawin mo sa akin? Ha?" Dinuduro-duro ko ang kaniyang dibdib. Nagpapadala siya sa bawat kumpas nito't napapaatras sa bawat durong ginagawa ko.

"I said I'm sorry, Carrie-"

"Alam mo, Ismael, puwede kang magpatuloy sa buhay mo nang hindi pinagsasabi sa lahat kung anong nangyari sa akin? Naiintindihan ko naman na hanggang kaibigan lang talaga ako, e. Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya mong ibigay sa akin. You don't see me as a woman. You don't see me as your future girlfriend. You don't see me just like how I see you, Ismael. And I long overdue accepted that fact! Pero kailangan mo ba talagang ipagsabi sa iba na may nangyari sa ating dalawa? Kailangan ba talaga, Ismael?"

Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Nanghina na rin ang boses ko't para akong naubusan ng lakas para sa komprontasiyon na ito.

"I-I'm sorry, Carrie. Hindi ko intensiyon na sabihin sa-"

"Don't give me that bullshit reasoning, Ismael."

"Puwede bang ako naman ang pagsalitain mo?!"

Tumaas ang kaniyang boses. Sunod-sunod na paghinga ang nagawa ko habang nakatingin pa rin ang lumuluha kong mata sa kaniyang mga mata.

"Cut! Wow! Good take!"

I looked away at Danielle Dela Torre and pinahiran ang mata ko. Nakahinga ako nang maluwag. Whoa! That was intense!

Nakarinig ako ng masigabong na palakpakan sa paligid ko. Napatingin ako sa director's side nang mangibabaw ang boses niya. Para akong timang na nakangiti pero naiiyak pa rin.

Sinalubong namin ang pagpunta ni Direk Villegas sa puwesto namin ni Danielle. Hindi na nga rin ako makatingin sa kaniya kasi paniguradong masakit 'yong ginawa kong pagduro-duro sa dibdib niya kanina. Gosh, Sandreanna, you're a mess!

"Direk Mike, hindi mo naman ako papalitan 'di ba? Kinakabahan ako, ang galing niya! Who's she by the way?"

Holy mother of monkey! Napaayos ako ng tayo nang makita kong may iba pa palang kasama si Direk Villegas aside sa mga staff niya at kay Mama Hector na nakita ko na naman kanina. Halos manuyo ang lalamunan ko dahil sa sobrang pagkamangha!

Janine Legaspina, one of the best actresses of this generation! Ka-batch niya si Ate Teagan. I heard they're good friends din. At siya rin ang bida sa movie'ng ito. And beside him is one of the matinee idols na si Austin Javier! Tapos katabi ko pa ang one and only Danielle Dela Torre.

Wow! I never thought ganito ka star-studded ang pelikulang ito! Sinu-sinong mga batikang aktor pa kaya ang makakasama namin? Nakaka-excite ang pelikulang ito! Sana makuha ako sa casting.

"She's Sandi Hinolan and siya ang papalit sa self-proclaimed, irresponsable, not acting in a professional way, at biglang nang-iwan sa set na si Maria Sims."

And little did I know… naging tampok sa takilya ang pelikulang unang sinalihan ko. I was then awarded as a 'Best Supporting Actress' that paved my way of where I am now.

I become well-known. Naging suki ng commercials and endorsements. Naging suki ng iba't-ibang guestings and collaboration. Naging tampok sa iba't-ibang klaseng interviews, shows, and movies, even teleseryes.

I became one of that stars that I once dreamed of. I am shining with them. And this is I should be grateful of… to make a name of my own, to make a shadow of my own.

~