webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 现代言情
分數不夠
47 Chs

The Starry Night

Kung hindi lang naaninag ng mata kong may mag-asawang nakatayo sa kabilang side ng stage, hindi matitigil ang pagkakatitig ko sa kaniya na alam kong hindi niya nakita dahil sa sobrang abala sa ginagawa niya. Tumikhim ako at umiwas ng tingin.

Nakatingin sa akin ang mga magulang niya na hindi ko inaasahan na makikita ko sa ganitong klaseng party.

"Your mother and father-in-law are here?" Pa-simple akong nagtanong kay Kiara na kasalukuyang nakatingin sa controller na hawak ni Yohan, siguro nakikinood sa kung anong mahahagip ng camera mula sa ere. The fireworks are still blowing like it's an endless pit of explosions in the air.

"Yep," tumingin siya sa akin. "They're here to support Siggy." Tumaas-baba ang kilay niya nang panandalian niya akong pinasadahan ng tingin. Agad din namang bumalik ang tingin niya sa controller ni Yohan at nakipag-usap dito.

Tumikhim ulit ako at muling tumingin sa direksiyon ng mag-asawa. Mr. Lizares is holding a bottle of Red Horse. Mrs. Lizares is clasping her husband's arms while talking to a woman of her age. Nakatingin lang siya sa kaniyang anak na sobrang seryoso pa rin ngayon sa kaniyang ginagawa, parang hindi niya alam na sobrang hype na ng mga taong tinutugtogan niya.

Bigla kong naalala ang family ni Krane. How are they? Nagkaayos kaya silang pamilya? Ano na ang nangyari sa kanila? I lost contact. And I think it's better that way. Krane partially ruined my relationship with Siggy. Now that I knew that he's clear and he did nothing in the past for me to disgust him, I can come back to him. Pero paano?

"Ate Sandi!"

May biglang umakbay sa akin sabay tawag sa pangalan ko. Nilingon ko ang kapatid ko at medyo nagulat sa biglaang pagsulpot niya.

"Hoov, what are you doing here? Pinayagan ka ni Mommy pumunta rito?"

Fifteen years old lang itong bunso namin at kahit lalaki ito, hindi raw basta-bastang pinapayagang makaalis ng bahay ito't makagala kung saan-saan. Umakbay sa akin si Hoover at nagmukha akong mas bata sa kaniya dahil mas mataas na siya sa akin ngayon. And he's clingy, palaging may hinihingi sa akin. Spoiled din kasi sa akin 'to.

"Mm-Hmm, ang sabi ko sasama ako sa 'yo."

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Halatang galing nga siyang bahay dahil nakapambahay lang siya.

"You better be! You saw your Ate Hannah and Ate Dahlia on the way here?"

Pareho naming hinanap ni Hoover ang presensiya ng dalawa pa naming kapatid sa crowd. Hannah's dancing with her friends now and parang tinamaan na ng alak. Sinenyasan ko tuloy si Chivas na bantayan si Hannah, in case kung mapaano. Naka-stand by naman silang dalawa ni Martin, handang magmatyag sa pagbabantay sa akin at sa mga utos ko.

Nang makitang okay naman si Hannah, si Dahlia naman ang hinanap namin sa pamamagitan lang ng pagtingin sa paligid mula sa kinatatayuan namin. Nang makita ko siya sa dating puwesto niya kanina, napangiwi ako sabay sabing… "Ew!" na sinabayan din pala ni Hoover. Napatingin tuloy kami sa isa't-isa. "Ganiyan ba malasing si Ate Daling mo, Hoover?"

"Oo, Ate. Nagkakalat."

Sa bawat pilantik ng baywang niya, napapangiwi ako. "I think she's fine… for now. I do hope so hindi mauwi sa stripping off ang ginagawa niyang 'yan."

Sinenyasan ko na lang si Martin na i-look out si Dahlia. Nissa's safe from her place which is the isolated part of the whole barricade. Sana pala pinasama ko na lang siya kay Alexa for awhile. Para naman may makasama siya.

Nagpatuloy ang party at habang mas lumalalim ang gabi, mas lalong lumalabas ang wild side ng mga tao. Sa whole duration na nandito ako, nakatayo sa stage na ito, ay naka pitong bote na ako ng San Mig Light with few shots from the hard drinks na inaabot sa akin ng iba't-ibang klaseng group of friends.

Hoover stayed by my side, hindi man lang nagpaalam na umalis kahit saglit. May kinakausap lang na kakilala pero agad ding bumabalik sa tabi ko. Hindi ko tuloy napigilan na yakapin ang baywang niya for a little appreciation. I've been gone for quite sometime but here he is, still looking at me as his Ate. Naks, mukhang tipsy na yata ako.

Siggy played for more than an hour. Eksaktong isang oras nang matapos siya magmula no'ng makarating ako kanina kaya sa tantiya ko, mahigit isang oras siyang nandoon lang, nakatayo, at minamanipula ang iba't ibang keys for disc jocking.

At isang oras na rin akong nakatayo sa same spot. Kung sino-sino lang ang lumalapit sa akin para makipag-usap. Minsan ding umaalis sina Kiara at Mikan para puntahan ang ilang kakilala. Pero hindi talaga ako umaalis sa kinatatayuan ko. I want it here, it's near to him. Quarter to one na pero buhay na buhay pa rin ang streets ng Escalante City!

Itinatak ko sa isipan ko na kapag natapos siya, uuwi na rin ako. Kahit anong pigil ang gawin nila, uuwi na ako. Ito lang ang pinunta ko rito. Ito lang ang rason kung bakit gusto kong umuwi sa annual fiesta na ito, ang makita siyang mag-play ng personal at malapitan. I've done it and it's already enough for me. Hindi niya talaga alam na kahit sa simpleng ganoong ginawa niya, nagiging proud ako sa kaniya. This is what he wants na hindi ko man lang inaalam sa ilang buwan kong pakikipagrelasyon sa kaniya. Napapa-question tuloy ako sa sarili ko kung naging mabuti ba akong girlfriend sa kaniya dati?

Nang magsalita na si Siggy sa gitna, thanking everyone for a joyous night, napaayos ako ng tayo. Handa na sanang tumalikod nang biglang nilapitan ni Hoover si Siggy, sinalubong!

"Kuya, ang galing mo talaga kahit kailan! Walang kupas!"

Eh? Kuya?

Ngumiti si Siggy at tinanggap ang bro hug ni Hoover. Ginulo niya pa nga ang buhok ni Hoover na parang nakababatang kapatid niya ito. Para tuloy akong natulala sa nakikita ko ngayon. Hindi ko na nasundan ang pinag-uusapan nila.

May gustong kumausap kay Siggy pero hindi makasingit dahil abala siyang makinig sa kung anong sinasabi ng kapatid ko. Close ba sila? Kailan pa? Bakit hindi ko alam? What did I miss?

Their conversation lasted for a minute until Hoover came back to me. Naglakad din si Siggy papunta sa kabilang side ng stage, facing his parents. Pero mas curious ako ngayon sa kapatid kong nakangisi.

"Are you close with each other?" agad na tanong ko nang makabalik siya sa tabi ko.

"Mm-Hmm. Fan kasi ako ng mga EDM. Nagpapaturo lang ako sa mga basics ng DJ-ing. He's an icon na kaya sa ganoon na field, Ate."

What?

"Nagpapaturo? You mean, nagkikita kayo? How?"

"Last year lang akong nagsimulang mag-explore sa EDM at DJ-ing. Dati minsan lang niya akong turuan at online pa pero no'ng umuwi siya this month, 'yon napapadalas na ang pagtuturo niya sa akin. Minsan nga pumupunta ako sa Manor nila at doon niya ako tinuturuan."

Holy mother of monkey! What is going on here?

"Teka, alam ba 'to nina Mommy?"

Mapakla siyang umiling. "Hindi."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? I can recommend you someone na magaling din sa ganiyang field, Hoov."

"Mas magaling magturo si Kuya Siggy, e. Sobrang bait pa sa akin."

Napabuntonghininga ako sa sinabi ng kapatid ko. Ginulo ko ang kaniyang buhok at sumukong pangaralan siya sa nagawa niyang pakikipaglapit kay Siggy. "If it makes you happy, Ate's here to support you."

"Sayang lang, Ate, at naghiwalay kayo ni Kuya Siggy 'no?" Imamasahe ko sana ang buhok niya pero dahil sa biglang binitiwan niyang salita, I grab some handful of his hair. "Aray, Ate, joke lang!"

"Ang bata bata mo pa, may pa-sayang sayang ka nang nalalaman ha?"

"Sobrang sayang naman kasi talaga!"

Sasagot na sana ako nang biglang nakita ko sa gilid ng aking mata ang paglapit niya sa puwesto namin. Nakasuot na siya ngayon ng hoodie at nakalagay na ang dalawa niyang kamay sa loob ng bulsa ng hoodie. Nakipag-apir siya kay Hoover kaya nabitiwan ko ang buhok ng kapatid ko't napaayos ng tayo.

"You wanna get out of here?"

"H-Ha?"

"Usap lang."

Naguguluhan ako ngayon dahil bigla siyang nandito sa harapan ko't bubuwelo na gusto niyang makipag-usap sa akin. Masiyado akong nawindang sa bilis ng pangyayari na ang una kong inisip ay ang kalagayan ng kapatid ko. At saka, ako ba ang kinausap niya? Baka hindi at nag-assume lang ako? Baka hindi ha? Sasagot na ako.

"I-I can't leave Hoover behind."

Umiwas ako ng tingin nang maramdaman na unti-unti na naman akong kinakabahan. Ano bang trip niya sa buhay?

"I can go home or I can stay here. Sige na, Ate," pang-uudyok pa ng kapatid kong kakasabi lang kanina na sayang at naghiwalay kaming dalawa. Ang walang hiya kahit kailan!

"No! Hindi kita puwedeng iwan dito. Martin and Chivas are busy guarding Hannah and Dahlia. And hindi kita puwedeng hayaang maglakad pauwi nang mag-isa."

"I can go with Ate Nissa."

Napalingon ako sa ibaba ng stage nang ituro ni Hoover ang direksiyon ni Nissa. Nakangisi si Nissa sa akin at naka-thumbs up ang dalawang thumb. Isa pa 'tong udyokera, e. Kahit hindi naririnig kung anong pinag-uusapan namin ngayon parang alam na kung anong nangyayari talaga.

"Sige na, Sandi. Mag-usap na kayong dalawa. You two need that. And don't worry about Hoover. Ihahatid namin siya and we'll make sure he'll be home safely. Pati na rin sa dalawa mong kapatid. Just… go."

Tinapik ni Kiara ang balikat ko, mas lalo akong inudyok sa kung anong gustong mangyari ni Siggy. Pero hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Hindi pa ako handang makipag-usap sa kaniya. Ample time, again, please?

Huminga akong malalim at dahan-dahang tumango. "Fine. I think we really need to talk."

Tumango siya sa naging desisyon ko't tinanggal ang suot niyang hoodie. Inabot niya sa akin 'to.

"Wear this para hindi ka pagkaguluhan sa labas."

Sinambot ko ang hoodie na inabot niya. Nawalan ako ng oras na magreklamo sa biglang ginawa niya nang bigla siyang lapitan ni Hoover at dalhin sa isang sulok para kausapin. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nilang dalawa. Tungkol pa rin ba 'to sa hilig ni Hoover? Masiyado namang seryoso.

"Hala, bakit niya binigay sa 'yo 'yong jacket niya? Nilalamig ka o aalis kayo?"

Halos bigwasan ko si Nissa dahil sa pagsulpot na ginawa niya. Nagkaroon na pala siya ng chance na lapitan ako.

"Mag-uusap lang. At please pakibantayan ang kapatid ko, Nissa."

"Areglado! Yay! Ito na ang chance mong mailabas ang lahat ng gusto mong sabihin sa kaniya. Ilabas mo talaga, Ma'am Sandi, ha? Iparamdam mo talaga!"

Mabibigwasan ko na talaga itong si Nissa kapag hindi siya titigil.

"Tara?"

Tumango ako nang makabalik na sila ni Hoover. Tuluyan ko nang naisuot ang hoodie at itinago ang mukha ko. Siggy wore a ball cap at tahimik kaming lumabas ng barikada. Hindi rin naman nagtagal ang paglalakad namin mula sa stage ng party patungo sa kotse niya dahil nasa malapit din lang naman ito naka-park.

Nang malamang safe na ako sa loob ng kotse niya, tinanggal ko ang hoodie ng jacket at hinintay siyang makapasok sa loob ng kotse niya.

Agad niyang pinaandar ang kotse at sunod-sunod na bumusina dahil maraming lasing ang nakapaligid sa pinag-parking-an ng kotse. It was then assisted with what I think ay mga traffic enforcer na naka-duty ngayon to ensure the traffic here in rotunda.

Doon siya dumaan sa daan papunta sa bahay namin. Tahimik lang ako. Akala ko ihahatid ako sa bahay pero dumiretso ang kotse niya hanggang sa makarating kami sa likuran ng market, lumiko ulit, at isa pang liko hanggang nasa national highway na ang kotse niya. It's the road going to the bukid part of the city.

Walang sasakyan sa daan, tahimik, hindi katulad doon sa rotunda at sa market ng city. Siguro tulog na ang ibang tao o nandoon sa fiesta. Sabagay, hatinggabi na rin naman.

Gusto kong magtanong kung saan kami pupunta pero dahil ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba, hindi ako makapagsalita. Nanatiling sa daan ang pareho naming tingin. Pinapakiramdaman ang paligid.

He drive and drive and drive and drive hanggang sa kumanan siya at nagdire-diretso na naman ang pagda-drive niya. Ngayon, sigurado na ako, papunta nga kami sa bukid part ng city. Kung saan tahimik, kung saan malamig ang simoy ng hangin lalo na sa ganitong oras.

Dahil sa kaba ko, salitan ang ginagawa kong pagkagat ng labi ko at ang pagpisil ng bawat daliri ko sa kamay. Pinapakalma ko lang ang sarili ko, nag-iisip na rin kung anong mga sasabihin ko sa kaniya at kung ano-ano ang pag-uusapan namin. Mag-s-small talk pa ba kami o diretso na sa totoong pag-uusapan ang usapan namin? Sabi niya 'di ba, usap lang? Usap lang? Wala ng iba?

Tama na, Sandreanna, utak mo may ubo!

"Tahimik mo naman/Anong sinabi ng kapatid ko sa 'yo?"

Tumingin ako sa kaniya pero agad din namang umiwas nang sabay kaming nagsalita na dalawa.

"Sige ikaw muna/Saan tayo pupunta?"

Ayan na naman! Tumikhim ako at pa-simpleng umayos ng upo kahit nakulong ako sa seatbelt na ito nang magsabay na naman kami sa pagsasalita. Hindi ko masiyadong maintindihan kung ano 'yong sinabi niya dahil mas naririnig ko ang boses ko kaysa sa kaniya.

"May kailangan tayong pag-usapan/Anong pag-uusapan nating dalawa?"

Pfft! Teka lang! Hindi ko napigilan ang sarili kong ngumiti at matawa dahil sa pagsasabay naming magsalita. Are we in a verse choir or something? Tinakpan ko na nga lang ang bibig ko para hindi niya makita ang malawak na ngisi na ginagawa ko. Pero hindi ko talaga mapigilan ang mapa-snort ng tawa.

"What's funny?"

Teka, sandali!

"S-Sorry." Matinding tikhim ang ginawa ko at this time, sumeryoso na talaga. Medyo natakot kasi ako sa tono ng kaniyang boses no'ng tinanong niya iyon.

Oo nga, Sandreanna, what's funny?

Itinikom ko na lang ang bibig ko at hindi na talaga nag-dare na magsalita pa. Sandreanna, kasi, tatawa-tawa pa. Nasira mo tuloy ang medyo magaan na atmosphere kanina. 'Nyeta!

Maya-maya lang ay tumigil siya at p-in-ark ang kotse sa tabi ng maliit na burol. May malaking puno sa tuktok at may maliit na ilaw din doon. Pinatay ni Siggy ang makina ng kotse at tinanggal na rin niya ang seatbelt niya. It's also my cue to remove the seatbelt at sinabayan siya sa paglabas ng kotse.

"Can you walk in that terrain?"

Napalunok ako ng matindi nang maaninag ang daang inilawan niya gamit ang flashlight ng phone niya. Kahit hindi na nailawan ng flashlight ang tuktok mismo ng maliit na burol pero nang makita ang first few steps na dadaanan namin ay enough para makalunok ka ng sarili mong laway.

Nalipat ang tingin ko sa ankle strap pump na suot ko. Napangiwi nang makita kung anong suot kong sandals ngayon. Ang on point pa naman ng heels nito. Paniguradong isang maling hakbang lang, tumba ako r'yan.

Narinig ko ang marahas niyang pagbuntonghininga at saka naglakad pabalik sa kotse niya. Natatakot akong mag-turn around baka kasi may bato akong matapakan at matumba pa ako. Accidents should be the last scene that I'm going to experience now.

Narinig ko rin ang pagbukas at ang pagsara ng pintuan ng kotse. Gamit ang flashlight mula sa phone niya, nagkaroon ng ilaw ang madilim na paligid.

Bumalik siya sa tabi ko sabay abot ng isang pair ng one strap slipper.

"Wear this," sabi niya. Pero bago ko pa man matanggap ang slippers ay bigla na siyang umupo at inatupag ang heels ko. "Can you hold this?" Inabot niya sa akin ang phone niya without even glancing at me. I have no time to decline kasi basta lang niyang inabot sa akin 'yon. Alangan namang bitiwan ko, e, kahit na kaya kong palitan ang phone niya, hindi ko naman gagawin 'yon. Hanggang ngayon, kuripot pa rin ako.

Tahimik niyang tinanggal ang heels ko. Muntik pa akong ma-out balance, mabuti nakakapit agad ako sa hood ng kotse niya.

"I'm fine, I'm fine," agad na sagot ko nang umangat ang tingin niya sa akin.

"Kabila."

Para akong robot na napapasunod sa bawat diktang ginagawa niya. 'Nyeta, Sandreanna, hindi ka naman gan'yan ah?

Nang maisuot ko ang slippers ay tumayo na siya at bitbit na niya ang heels ko. "It's men's size but it will give you comfort while walking that terrain compared to your heels," malamig na sabi niya habang inilalagay ang heels ko sa loob ng kotse.

Bumalik sa normal ang height ko ngayon. Kanina magkasing-height lang kami pero dahil hinubad ko ang heels ko, medyo nakatingala na ako sa kaniya ngayon.

Nang bumalik siya sa harap ko, inilahad niya ang kaniyang kamay na parang may hinihingi sa akin. Confuse pa ako no'ng una pero nang ma-realize kong ang phone nga pala niya ay nasa akin, agad ko itong ibinalik sa kaniya.

Sinundan ko ang paglalakad na ginagawa niya. Dahil siya lang ang may dalang ilaw sa aming dalawa, sunod lang ako nang sunod sa kaniya.

"What was your first question?"

"H-Ha?"

Bigla siyang nagsalita habang paakyat kami sa maliit na burol na iyon. Hindi ko kasi nasagap agad kung ano 'yong sinabi niya. Mahina ang signal. Kaonting lakaran lang naman itong ginagawa namin… teka, kaonti lang ba talaga?

"First question, Sandreanna."

"First question?"

Bigla siyang tumigil sa paglalakad. Nagulat pa ako't muntik nang bumunggo sa kaniya. Lumingon siya sa akin. Hindi ko masiyadong maaninag ang mukha niya nang humarap siya dahil nga madilim at nasa ilalim lang ang ilaw ng flashlights niya.

"'Yong unang tanong mo kanina sa kotse, ano 'yon?"

"Ah! Anong sinabi ng kapatid ko sa 'yo? I saw that he talked to you bef-"

Tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad. "Reminding me of some reminders. Your second question?"

"Ano naman 'yon?" curious na tanong ko.

"Second question, Sandreanna."

Total hindi naman niya ako makikita, I made faces at his back. Ang diin naman niyang magsalita, parang hindi talaga patitibag.

"Saan tayo pupunta?" I stop making faces and answered his question with a question, too.

"Dito."

Sa wakas at nakarating kami sa tuktok ng maliit na burol na iyon. Tumigil siya sa paglalakad at nasagot niya ang tanong ko kanina pero mas naagaw ng pansin ko ang nakikita ng paningin ko ngayon.

Wow!

Iginala ko ang tingin sa paligid at agad namangha sa aking nakikita. Madilim ang paligid at mas lalong nakadagdag ang kadiliman nito para manaig ang kanilang kagandahan. Umihip ang malamig na simoy ng hangin pero hindi nito nabawasan ang mangha sa nakikitang mga bituwin sa langit.

Ang ganda! Ang gaganda nila! I can also see some houses from where I'm standing. Nakikita ko ang iilang kabahayan na nadaanan na namin kanina. Paniguradong maganda rito kung umaga. Pero mas na-a-appreciate ko ang ganda ng stars tonight. I never thought tonight's a starry night.

"Your third question?"

Huminga akong malalim at ibinalik ang tingin sa kaniya. Nakapatay na ang flashlight ng phone niya and hindi ko na alam kung sa'n niya nilagay 'yon pero dahil sa maliit na posteng nandito sa tuktok ng maliit na burol na ito, tuluyan kong nakita ang kabuuan ng mukha niya.

"Anong pag-uusapan natin?"

"Maupo ka."

"Paano ako uupo, e, wala nama-"

Holy mother of monkey!

"There! Tumingin ka muna kasi bago ka kumuda."

Nagulat ako sa ginawa niyang pagpapaupo sa akin at natigilan pa ako sa pagsasalita. Tiningnan ko ang inuupuan ko ngayon. Isang parihabang bench na purong gawa sa kahoy.

Teka, nandito 'to kanina? Bakit hindi ko naman napansin? Ganoon lang ba talaga kadilim ang paligid para hindi ko 'to mapansin?

Umupo siya sa kabilang dulo ng upuan. Ako naman ang nasa kabilang dulo. Kaonting distansiya lang ang mayroon kaming dalawa ngayon pero enough para sa personal space na kailangan namin sa isa't-isa.

Natahimik kaming dalawa. Diretso lang ang tingin niya, mukhang nakatingin sa madilim na tanawin sa harap. Ilang segundo akong nakatingin sa kaniya, pinag-aaralan ang mga pagbabago sa mukha niya, pero agad ding umiwas para tingnan ang nasa harapan namin. I sigh and feel the coldness of the night. But thanks to his hoodie, hindi ko tuluyang naramdaman ang lamig na hatid ng hatinggabi.

"Can I talk before you do?"

Napaigting ang panga ko nang ilang minutong katahimikan namin ay sa wakas at binasag na niya.

"Sure. Makikinig ako. This time, Siggy, makikinig ako."

Sabay kaming napalingon sa isa't-isa. Matagal na titig ang ipinukol niya sa akin bago niya kusang pinutol ito sa pamamagitan ng pagtango at pag-iwas ng tingin.

Umihip ulit ang simoy ng hangin. Tahimik. Madilim. Payapa. Walang sagabal. A perfect place to talk, indeed.

"Nalaman ko kay Kiara ang naging rason mo kung bakit bigla kang nakipaghiwalay sa akin, six years ago."

Nagsitindigan ang balahibo ko sa katawan nang magsimula ulit siyang magsalita. Nakakapanindig-balahibo ang kalmado niyang boses. Way too different from the tone of voice he use awhile ago, while we're going here.

"Nang dahil sa sinabi niya, natagpi ko 'yon sa mga huling salitang sinabi mo sa akin no'ng gabing nakipaghiwalay ka sa akin. And you really thought I assaulted my own cousin. My own cousin, Sandreanna? Really?"

Napayuko ako at mariin na pumikit. Hiyang-hiya sa ipinaratang sa kaniya noon. Hindi mo ako masisisi, kung ikaw ang nasa posisyon ko, kapag magulang mo mismo ang nagsabi, talagang maniniwala ka.

"I want to talk to you now to clear my name, to clear the things that happened. I don't care if it's too late, I don't care if it's long gone. I should've done it earlier. Kung sana sinabi mo lang sa akin ng klaro, kung sana nakipag-usap ka lang sa akin ng masinsinan. Sana noon pa, nalinis ko na ang pangalan ko sa iyo. But you chose to let go and leave it all behind. Naiintindihan ko 'yong pag-alis mo, kasi pangarap mo 'yon na tinutupad mo lang. Pero sana naman, Sandreanna, binigyan mo ako ng pagkakataon noon na klaruhin muna ang lahat bago ka biglang bumitaw."

"I-I'm sorry…" mahinang bulong ko, nakayuko pa rin at parang maiiyak na sa mga naririnig ko mula sa kaniya.

"Gusto kong klaruhin na hindi ko ginalaw ang sarili kong pinsan. Never in my life na gagawin ko 'yon. Never in my life na sumagi 'yon sa isipan ko. It never happened, Sandi. Not in our family. Our family might be shitty sometimes but that's not how shitty we are, Sandi. Never. And that includes Uncle Nick and his family."

Pinagsalikop ko ang kamay ko't pinisil-pisil ito. Mariin pa rin akong nakapikit, pinipigilan ang namuong luha sa aking mata.

"P-Pero ba-bakit sinabi ni Krane na nang-"

"Because he loved you, Sandi. He loved you to the extent that he will do everything just to get you and for you to stay away from me. It's true that his family and mine are not in good terms kaya niya nasakyan ang istoryang ginawa ng Mommy mo para lang layuan mo ako. Your Mom also hated us, the Lizares."

What? Gulat akong napalingon sa kaniya at dahil hindi ko na napigilan ang bagay-bagay, may bumagsak na luha sa aking mata. Hindi siya nakatingin sa akin, maski ang paglingon ay hindi niya ginawa. Nanatiling sa harapan ang tingin niya.

"W-Why?"

"Recently ko lang din nalaman… your Mom was Dad's ex. It was a long story between the two of them and it's been done, it already happened, and it is finished. Kaya dapat labas tayo sa kung anong mayroon sa kanila. Hindi dapat tayo nadadamay sa kung anong mayroon sila noon. Pero hinayaan mo ang Mommy mo na idamay ka sa galit niya sa amin."

Natulala ako ng ilang segundo habang pinipilit i-sink in sa utak ko ang mga narinig mula sa kaniya. I can't digest it all pero pipilitin ko ang sarili kong maipasok lahat sa maliit kong utak. Holy mother of monkey! What kind of revelation is this!

"I-I'm sorry… I'm so sorry pinaratangan kita ng isang bagay na hindi mo ginawa. I'm sorry kasi muntik ko nang ilabas sa publiko ang issue'ng iyon. I'm sorry kasi muntik ko nang masira ang buhay mo nang dahil lang sa galit ko sa 'yo. I'm sorry, Sig. I'm so sorry!" Sinapo ko ang noo ko at napatingin sa lupa habang tuloy-tuloy na pumatak ang luha ko. For the nth time, dinama ko kung gaano ako ka-pathetic sa nagawa ko noon, sa mga bagay na muntik ko nang gawin dahil lang sa galit ko.

"Please don't cry."

"I-I'm so sorry, Sig!"

Naramdaman ko ang yakap niya pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak at paghingi ng sorry sa kaniya.

"I'm so sorry for letting my emotions ruined us." Patuloy ako sa pag-iyak lalo na no'ng yakapin niya ako. "I'm so sorry I ruined us."

"Please… stop crying. You know I don't like seeing you cry." pero hindi ko alam kung bakit mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. 'Nyeta naman kasi!

I stayed in his arms for quite a minute hanggang sa kumalma ako. Kumalas ako sa yakap at umiwas ng upo. Wala ng luhang lumalabas sa mata ko pero nararamdaman ko pa rin ang sipon na aftermath nito. Sisinghot-singhot ako habang dinadama ang malamig na hangin.

We were silent again. Not until I broke the long silence.

"I also heard from Kiara that you were courting Thelaine Ponsica. And there's a chance na kayo na raw."

"Oh, hell no! Can we talk some time without Kiara's interruption?"

"So, it's true then?" Lumingon ako sa kaniya, seryoso siyang tiningnan.

"What do you think?"

Dead end. Umiwas ako ng tingin at mapaklang tinawanan ang kalangitan. "Then why am I alone and still talking with you?"

~