webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 现代言情
分數不夠
47 Chs

The Musical

Habang tumatagal ang pananatili ko sa masalimoot na mundong ito, unti-unti kong nari-realize kung gaano akong pinagkaitan ng lahat, ng sarili kong mga magulang. I'm slowly waking up to the realization that my parents don't own me and they shouldn't be holding my peace.

Sa ilang buwan kong nakasama ang iba't-ibang klaseng tao ng Dulaang UP, doon ko rin na-realize na namulat na ako sa katotohanan. Ibang-iba pala talaga ang gusto ko sa buhay. I realized there's more to life. There's more that I want. With the few right people who helped me see things clearly, I became a rebel.

Hindi ko alam kung rebellion bang matatawag 'yon? I'm just doing what I really want and there's nothing wrong with that. It's just that the first few lies I accidentally did, mas nadagdagan pa. Hindi ko nga alam kung lahat ba ng sinasabi ko sa mga magulang ko sa tuwing tinatanong nila ako ng updates ko sa buhay ko rito sa Manila ay totoo. Lahat yata 'yon kasinungalingan na.

Kapag namulat na ang mata mo sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit.

Gising na gising na ako sa katotohanan na dapat hindi ako hinahawakan sa leeg ng mga magulang ko. If they really love me, they'll understand that I am different. I can't be a doctor just like them. I want to be different. I want to make a name of my own away from their shadow of success. I've been supressing this secret of mine for too long, I think it's time for them to know. Whatever it takes. Dito ko malalaman kung ano nga ba ang katayuan ko sa pamilyang ito.

"Ate, you did what?!"

Napapikit ako ng mata nang marinig ang malakas na sigaw ni Dahlia from the other line. I massaged my temple and exhaled.

"I said-"

"E, bakit ngayon mo lang sa 'kin sinabi? Alam ba nina Mommy at Daddy 'to? Ate, paniguradong lagot ka kapag nalaman nila ito!"

I exhaled again, harshly. Finding some exact words for her to understand what had happened.

The musical was a success! An historic success! Katatapos lang nito and the moment na makapunta ako sa backstage, agad kong hinanap ang phone ko para matawagan si Dahlia to finally broke my long time secret.

Sinabihan ko siya na sumali ako sa isang musical play quite expecting she'll understand me. Pero ganito na nga ang naging reaction niya. Bad idea talaga yata ang sabihin sa kaniya ito.

"How come nakasali ka sa isang play? 'Di ba walang gan'yan sa UP Manila? Did you join independently?"

"Sandi, pinapatawag ka ni Sir Mark. May gusto raw kumausap sa 'yo!"

Naagaw ng isang excited kong kasamahan sa musical ang attention ko kaya hindi ko nasagot ang mga tanong ni Dahlia. Tumango ako sa kasamahan kong iyon.

"I'll call you later when I get home, Dahl, ha? Bye, love you!" Agad kong binaba ang tawag at agad sumama sa kasamahan kong mababakas pa rin ang excitement sa kaniyang mukha.

"There you are… the star of the night!"

Kasama ni Sir Mark ang iilang respetadong bisita na dumalo sa musical play na ito to witness his rendition of Ang Huling El Bimbo. One of them is my super idol in OPM bands, Ely Buendia, the lead vocals of Eraserheads.

Ngumiti ako sa kanila at agad napayuko para bumati. Nakaka-overwhelm naman ito.

"Congrats, Ms. Sandi. You portrayed Ligaya very well."

"Thank you po, Sir Ely."

Nakaka-starstruck naman ito! Hindi ko talaga aakalain na nasa harapan ko na ngayon ang lalaking naging vocals ng mga paborito kong kanta! He's really in front of me, for real! Kahit idle na masiyado ang Eheads ngayon, pero super fan pa rin nila ako at talagang pinapakinggan ko pa rin ang lahat ng songs nila.

Matapos akong batiin ni Sir Ely Buendia, nagpaalam siya sa aming lahat na aalis na muna siya't may mga errands pa raw siyang pupuntahan. Hinintay niya lang talaga akong makalabas from the dressing room to formally greet me bago siya tuluyang nakaalis. Kinilig tuloy ako. Grabe naman 'yon.

"Sandi, this is Mr. Hector Garcia. A talent manager from Broadcasting Network Station. You're familiar naman with BNS and Moon Power Artist Center, right?"

Okay, what is the meaning of this?

"Yes po."

"As you can see, this play is attended by some talent managers scouting for the next generation artists. Actually, they've been contacting me to personally watch this musical because of you. Recently kasi, as the musical was fast approaching, there's a video of your audition that circulates online. It went viral, alam mo naman siguro 'yon?"

It went viral? Holy mother of monkey? Hindi ko yata alam ang tungkol do'n?

"So… Mr. Garcia wants to talk to you, okay lang ba, Sandi?"

Naibalik ko ang tingin ko sa lalaking nasa harapan namin ngayon. He's kind of familiar sa akin kasi minsan ko rin siyang nakikita sa TV as a manager ng iilang sikat na artista sa bansa. Kaya nang itanong sa akin 'yon ni Sir Mark, agad akong tumango, without hesitation.

He talked to me and opened about the possibility of me entering showbiz. Sabi niya ako raw ang kailangan ngayon kaya gustong-gusto niyang i-handle ako for my future success. Hindi n'yo kasi alam, one of my dream is to become an artista. Kaya nang itanong sa akin 'yon, agad akong pumayag. He asked me my number and he also gave me his calling card. He'll contact me na lang for further details and for the formal meeting that will happen in the future.

Sobrang tuwa ko no'n, wala na akong naisip na iba kundi ang kasiyahan na sa wakas ay unti-unti kong natutupad ang mga pangarap ko sa buhay. This is what I want! This is the life I've been aiming to live for so long.

"Mik-mik! Sobrang tuwa ko it feels like I'm in cloud nine!"

Matapos ang lahat ng kapaguran sa araw na ito, me and Mikan decided to have a fair share of beverages here in our usual coffee shop, near Diliman branch. Kaming dalawa lang ngayon and galing pa kami sa after party dinner na para sa lahat ng members and staff ng Dulaang UP. I can't come home yet kasi kailangan ko pang masabi kay Mikan ang lahat-lahat ng kasiyahan ko sa araw na ito kaya inaya ko muna siyang mag-kape. Kaya pagkaupo pa lang naming dalawa, agad na akong nag-share kung gaano nga akong natuwa sa araw na ito.

"Good thing you're happy. I'm happy that you're happy."

Mas lalong lumawak ang naging ngiti ko. It's so euphoric, I can't help it.

"Oo naman! Ang saya-saya kaya kasi sa wakas ay tapos na ang matagal nating pinaghandaan na musical pero a part of me is also sad kasi minsan na lang nating makakasama ang mga kasamahan natin sa theatre. But anyways! Nakakatuwa pa rin! Lalo na sa mga nangyari kanina. First was Ely Buendia personally praised how good I was as a Ligaya tapos may lumapit pang talent manager from a sikat na network! Mikaelo Angelito! Magiging artista na ako! Matutupad na ang matagal kong pangarap!" Tuloy-tuloy na kuwento ko sa kaniya, walang preno.

Natawa siya sa enthusiastic kong pagku-kuwento.

"Ako, may sasabihin din ako sa 'yo."

"What is it?" Tanong ko while taking a sip on my fair share of my usual green tea, nakatingin pa rin ang mga mata sa kaniya.

"May recording na ang banda sa susunod na linggo."

These past few months, and probably years, Mikan was silently striving his way just to be noticed on his own passion. Pinuntahan niya ang lahat ng gig na available, ginawa niya ang lahat para lang mapansin ang bandang meron siya ngayon. Hearing from him na magkakaroon na ng recording ang bandang itinayo niya, ay mas lalong nakadagdag sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon. I am so proud of my bestfriend!

"Mikan! Magiging sikat na tayo! Sabay tayong sisikat nito!"

Natawa siya sa mga excitement na ipinapakita ko sa kaniya pero wapakels ako, basta ang saya-saya ko sa araw na ito! Parang ang gaan lang. Parang nasa tama lang talaga ang lahat.

"Hi, 'di ba ikaw si Sandi? Ang galing mo kanina. Congrats nga pala."

May biglang pumansin sa akin sa kalagitnaan ng aking kasiyahan kaya kahit nahihiya sa pagpansin na ginawa niya, nagawa ko pa ring ngumiti sa kaniya.

"Uh… s-salamat." Kumaway pa ako sa kaniya kahit na hindi ako masiyadong sanay na papansinin ako ng mga tao lalo na kung hindi ko naman kilala.

"Sige, nice to meet you. Ang galing-galing mo! Sana mag-cover ka ng ibang songs, ha?"

"U-Uh, sige."

Kumaway ulit siya sa akin at agad din namang nawala sa aking harapan para yata puntahan 'yong table ng mga friends niya. Sinundan ko pa siya ng tingin at nakita ko ring napatingin sa akin ang mga friends niya habang ngumingiti at kumakaway. Ngumiti na rin ako at kumaway kahit maski sila ay hindi ko naman kilala.

"Mukhang mas ma-uuna kang maging sikat kaysa sa banda ko, ah?"

Napatingin ulit ako kay Mikan nang marinig ang boses niya. I pouted to what he just said.

"Hindi naman. Sabay tayo n'yan. Tiwala lang."

"Basta ba kapag sumikat ka na, 'wag lalaki ang ulo, ha?"

"Huh? Bakit? Kapag ba sumisikat, literal talagang lumalaki ang ulo?"

He groaned and slightly closed his eyes. Parang na-disappoint sa naging tanong ko sa kaniya.

"Sandreanna! Hindi literal! It's just a term about not being boastful when you're going to be famous."

"Char. Siyempre, I know. Joke only, Mikan." Tinawanan ko ang sinabi niya pero nanatili siyang seryoso kaya mas nilawakan ko pa ang ngiti ko para sa wakas ay bumigay din siya sa akin. Hindi naman ako nabigo.

Madaling araw na akong inihatid ni Mikan sa may apartment ko. Since I transferred here in Diliman, mas pinili kong lumipat sa isang apartment para mas convenient at walang curfew. No'ng nagpa-practice pa lang kasi kami for the musical, madalas madaling araw na akong makauwi kaya kinailangan ko talaga ng isang matutuluyan na kaya kong control-in. Solo ko rin ang apartment na ito kaya minsan ay nadadala ko rito ang mga naging friends ko paglipat ko sa Diliman. I am so free, so fucking free!

Malayo pa lang from my apartment's door, nakita ko nang mayroong nakalapag sa tapat nito. Medyo madilim sa mismong door ko kaya hindi ko agad naaninag kung ano 'yon. Saka ko lang nakita nang nasa tapat na ako.

I squatted to take a look at this bouquet of white roses. I picked it up and then entered my room before checking the flowers.

I put away all my stuffs above the little couch I have inside this little apartment of mine. I went inside the bathroom and hinubad ko ang suot kong crop-top shirt pati ang sweat pants at agad inilagay sa lalagyan ng maruming damit na nasa ilalim lang ng lababo ko inside the bathroom.

I walked back to the sala with just my undies. Sanay na akong mag ganito sa tuwing nandito ako sa apartment at mag-isa lang. Wala namang nambubuso sa akin since the only window I had in this apartment is inside my room. I told you, I am free.

Pumunta ako ng kusina to find something to eat. It's clean naman at hindi ko na ito nagalaw for a few days since hindi ako madalas na umuuwi rito dahil sa pagiging busy sa preparation ng musical. Nang walang makitang pagkain, kumuha na lang ako ng tea bag sa maliit kong fridge at nilagyan na lang ng mainit na tubig from my little dispenser.

I don't know if the universe is really helping me to achieve my own dream kasi simula no'ng magbukas ang school year na ito, palagi ng busy ang parents ko at hindi na nila ako na-contact simula no'ng June. Automatic na lang na dumidiretso ang allowances ko sa bank account ko. Even my tuitions, bayad sa renta, and everything, inihuhulog lang ng diretso at hinahayaan na akong magbayad sa lahat ng bayarin ko rito. I'm thankful for that kasi hindi agad ako nako-question kung sa'n-sa'n napupunta ang pera. Sa dami nga ng perang inihulog nila sa akin, nakabili na ako ng iilang gamit ko inside this little apartment of mine.

Hindi na sila katulad no'ng nasa first year pa lang ako. Mas maluwag na sila ngayong nasa second year na ako. And I think I need to be thankful enough because of that.

While waiting for my tea to cool down, tiningnan ko ang bouquet na nakapatong lang sa ibabaw ng lamesa ko. Inilapag ko muna ang cup na hawak ko't pinuntahan ang bulaklak.

It's all white roses and it's well-arranged. I can't even count kung ilang white roses ang palumpon na ito.

Naghanap ako ng note somewhere and when I found one, agad ko itong binasa.

"Congratulations on your musical. You're the best Ligaya I've ever know. SL."

SL?

May initials na SL sa ilalim ng message na iyon. I had to think more kung may kilala ba akong SL ang initials. Pero my first attempt showed me none.

Hindi lang ito ang natanggap kong flowers kanina after the musical. Actually, marami akong natanggap pero ang sabi idi-deliver na lang daw dito bukas 'yong iba since hindi ko madadala ang lahat ng iyon. Hindi na bago itong natanggap ko mismo sa tapat ng apartment ko. Though, yeah, ito lang ang tanging bulaklak na inihatid mismo sa tapat ng apartment ko.

SL? Do I know someone that stands with SL?

Bago pa man lumalim ang pag-iisip ko dahil sa pag-iisip kung sinong SL ang kilala ko, napunta na ang atensiyon ko sa phone kong maingay.

Inilapag ko ang flowers at kinuha ang phone ko to stop it from wailing. Yeah, I'm alone pero baka umabot pa ito sa kabilang apartment. Ang ingay pa naman ng phone ko.

I saw that Dahlia is calling. Nagtaka ako. It's madaling araw and why is Dahlia calling me at this very hour?

I have no choice but to answer it since it's not stopping.

"Yes, Dahl? Napatawag ka?" Unang salita ko nang masagot ko na ang tawag.

"A-Ate-"

"Give me that phone, Dahlia."

I swallowed hard when I heard Daddy's voice in the background. Para ring nanigas ang buong katawan ko. After so many months, narinig ko ulit ang boses niya.

"Ako na ang kakausap sa kaniya, Bernardo. Just be calm." I also heard Mommy's voice.

Is Dahlia home? Wala ba siya sa Silliman ngayon? Yeah, sure, it's the weekend pero hindi naman madalas umuuwi ng bahay si Dahlia kapag weekend. Kapag uuwi siya, sasabihan naman niya ako. Nag-usap kami kanina, hindi naman siya nagsabi sa akin na umuwi siya. Pinuntahan ba siya nina Mom and Dad? Why? Is there something wrong?

"Hello, Sandi, this is Mommy."

I heard Mommy's calm voice kaya kahit papaano ay nakalma ako't itinigil ang pagtatanong sa loob ng utak ko.

"Mom?"

"Sandreanna, can you come home tomorrow here in Negros? We really need you to help us prepare for Hannah's debut."

"Po?"

"Yes, Sandi. I've already booked your flight for tomorrow. I'll let Dahlia send you the details. Please, come home?"

"Pero, Mom, next week pa po ako dapat umuwi, right?" Kasi next week pa ang debut ni Hannah.

"We really need you, Sandi. Utos din ito ng Daddy mo kaya, please? Okay lang naman, 'di ba?��

The last time I went home was during summer, 'yong wedding ni Kiara. After no'n, hindi na ako umuwi dahil pinalabas ko sa parents ko na busy ako sa pag-aaral. Pumayag naman sila since busy din naman sila.

Ngayon, naka-schedule akong umuwi for Hannah's debut. Kaya nakakapagtaka na bakit kailangan nila ang tulong ko kahit na one week na lang ay debut na niya. No'ng debut nga ni Dahlia, hindi naman nila ako sinabihan na kailangan nila ang tulong ko. Umuwi nga lang ako no'n tapos balik din sa Manila after a day. Bakit ngayon ganito?

I sighed. There's nothing I can do, may plane ticket na at schedule, and si Mommy na rin ang nagsabi na pinapauwi ako ni Daddy ng maaga. I've lied to them so much, accepting this little request of them won't hurt a butt, right?

"Okay po."

"Okay, ingat ka r'yan. Magpaalam ka na rin sa mga profs mo na one week kang a-absent."

I sighed again.

"Sige po."

Nakarinig ako ng kaluskos from the other line na sinundan ng buo at dumadagundong na boses ni Daddy.

"Go back to you room, Dahlia."

Mukhang hindi pa rin pinapatay ni Dahlia ang tawag. I was about to end the call when I heard her talk again.

"Ate… sorry."

And then the line cutted off.

What? Why? What is she sorry for?

~