Bench by Mikaneko.
'You… were sitting on that bench
Alone like the world is against you
I came near
You stayed away
And that's when our friendship started.
Be my confidant. Be my enemy. Be my everything.
Ooooh, you!
You have been the best memory that ever happened to me
You gave me the best memory
You gave me…
That little bench we shared
That little bench we sitted
That little bench that shed
That little bench who bleed
That little bench that ached… with me as I… slowly fell for you.
You taught me how to fall.
And now I'm about to take the hall.
The hall that we need to take you away.
From everything that my way.'
Just as I anticipated, mag-isa nga akong nag-celebrate ng Pasko. Tumawag naman si Siggy during the midnight pero literal na mag-isa lang talaga ako. Nandito ako sa malaking glass wall ng penthouse. Nakatingin sa city lights.
Hawak ko ang isang kopita na may lamang champagne na binili ko kanina sa supermarket. Nagluto lang ako ng chicken adobo and bought some hamon and queso de bola para perfect ang handaan ko this Noche Buena. I also bought a little cake from the coffee shop na pinagpa-part time-an ko.
Kasalukuyang tumutugtog sa maliit kong stereo ang ni-recommend na song ni Nesto sa akin from last week: Bench by Mikaneko. I've been playing this song since that night. And it's been days pero heto't pinapakinggan ko pa rin at ginawa ko pang Christmas background ko.
Ewan, nakaka-LSS kasi ang melody. Parang ang saya-saya ng kanta. Minsan ko nga ring ginawan ng dance stepping 'to dahil puwede siyang sayawin.
Saktong naubos ang pangalawang kopita ko ng champagne nang matapos din ang kanta. Tumayo ako at nagsalin ng panibagong iinumin kasabay nang napaka-jolly na intro ng susunod na kanta.
Kaibigan by Mikaneko.
'K-A-I-B-I-G-A-N… Kaibigan. K-A-I-B-I-G-A-N… Kaibigan. K-A-I-B-I-G-A-N… Kaibigan.
Kaibigan lang ba talaga ang hangganan nating dalawa
Kaibigan lang ba talaga ang kayang maibigay
Maaari bang ang kaibigan ay gawing ka-ibigan
Isang dash lang naman ang pagitan
Ang dash na magde-depina ng ating pagmamahalan.'
Ewan ko kung anong punto kung bakit ni-recommend ni Nesto sa akin ang dalawang kantang ito. Siguro para ipangalandakan sa akin na magaling talaga ang banda nila. It's good, ha. It's the best, I think. Puwede siyang ihanay sa mga iconic OPM songs. Paniguradong sikat na rin ito sa mga kabataan ngayon.
Sumandal ako sa malamig na pader ng kusina at dahan-dahang pinaikot-ikot ang kopitang hawak ko habang dinadama ang rakrakang nangyayari sa kantang Kaibigan ng Mikaneko.
But the song got interrupted when someone called. Naka-connect kasi ang stereo sa phone ko kung saan naman naka-play ang Spotify. I opened my eyes and lumapit sa coffee table kung saan ko inilapag ang phone kanina.
Agad kong nakita sa screen ang account ni Nesto sa Instagram na tumatawag sa akin. We already followed each other nga pala sa social media platforms and he also informed me about the details of this upcoming gig this thirty-one.
In-accept ko na rin naman ang call niya.
"Hi, Nesto, Merry Christmas!" agad na bati ko sa kaniya.
"'Yon! Merry Christmas din, Sandi! Tumawag talaga ako para batiin ka ng maligayang pasko."
"Thank you, Nest. Hmm, how's your Christmas? Hindi ba busy?"
"Medyo. Actually, katatapos lang naming mag-celebrate sa management. Si Mikan, sumibat na, pupuntahan pa raw mga Ate niya. And speaking of, nag-greet na ba siya sa 'yo? Sinabi ko na sa kaniya na nagkita tayo tapos sinabihan ko na rin siya sa mga new accounts mo."
I smiled bitterly and slowly rested my whole body sa maliit na couch dito sa penthouse.
"Oo nga pala, bago ko makalimutan… tatanong ko lang 'yong tungkol sa reaction mo sa kanta naming Bench at Kaibigan? Ano? Anong naramdaman mo?"
"Ang ganda ng songs. Nakaka-LSS. Alam mo, ang upbeat ng melody ng both songs pero kapag binasa mo 'yong lyrics, ba't ang sakit? Ganito ba talaga 'to?"
"Those songs were supposed to be hurtful, Sandi."
"Huh? Hurtful? Pero ba't ang upbeat naman yata?"
"Hmm. Ewan ko kung anong trip no'ng songwriter no'n."
"Bakit? Sino ba? Ikaw ba?"
"Mikan."
"Ha? Si Mikan ang nagsulat ng kantang iyon?"
"Yep, it was for a particular girl sana."
"Particular girl? Wow! May pa-particular girl na siya ngayon, ha? Dati gumagawa lang ng kanta 'yan kahit walang inspirasyon, e."
Narinig ko ang marahas na buntonghininga ni Nesto from the other line. Ako, natatawa pa rin ako sa naisip na gagawa ng isang kanta si Mikan para sa isang babae. Like, never niyang ginawa 'yon. He hated that shit, bro.
"Sige. Baka nga mali 'yong naisip ko na hindi talaga para sa isang babae 'tong Bench at Kaibigan. Sige, Sandi. 'Wag mong kalilimutan sa thirty-one ha?"
"Okay."
Nesto ended the call kaya nag-resume ulit ang song.
So, assume lang niya na para sa isang particular girl ang isinulat na kanta ni Mikan? Bakit kaya hindi niya na lang tinanong ito, total close naman silang dalawa. Parang eng-eng din 'tong si Ernestor Macalintal, e. Minsan, ang hirap spelling-in.
Matapos ang tawag ni Nesto, ilang segundo rin ay pumalit naman si Siggy. Agad kong in-accept ang tawag niya't napangiti na lang sa kawalan habang hawak pa rin ang kopitang nangalahati na ang laman.
"Hey, pangga…" unang bati ko sa kaniya.
"Did it came?"
"The what?"
Biglang may nag-doorbell kaya nawala ang atensiyon ko kay Siggy dahil agad akong napatingin sa direksiyon ng pinto.
"Pangga, wait, baka may tao sa la-"
"'Wag… 'wag mong ibababa, ga."
Holy mother of monkey! Napasapo ako sa bibig ko para pigilan ang sarili kong ngumiti nang malawak nang marinig ang huling sinabi niya. Minsan niya lang akong tawagin sa endearment ko sa kaniya at sa tuwing sinasabi niya 'yon, legit na kinikilig talaga ako.
"Okay, okay, teka lang, chi-check ko lang 'yong labas."
While containing my smile from him calling me 'ga,' naglakad ako papunta sa main door ng penthouse habang nasa tenga ko pa rin ang phone.
Una kong sinilip ang eye hole para makita kung sino ang nasa labas. I saw a delivery guy na may dala-dalang kung anu-ano. Agad kong pinagbuksan ito kasi parang nahihirapan si manong delivery guy, e.
"Yes po, manong?" nakangiting bati ko nang buksan ko ang pinto.
Akala ko isa siyang delivery guy pero hindi pala. He's not wearing a uniform of some delivery company na available dito sa Manila. He's wearing a casual type of clothes at, yeah, hindi nga siya delivery guy.
"Maligayang Pasko po, Ma'am. Ikaw po ba si Ms. Sandi Hinolan, Ma'am?"
Malawak akong ngumiti habang tumatango sa naging tanong ni manong. Mas lalo akong napangiti nang mapansing may dala siyang mga bulaklak at kung anu-anong regalong nagpabilis talaga ng tibok ng aking puso.
"Delivery po, Ma'am, para sa 'yo."
Una niyang inabot sa akin ang isang kumpol ng red roses.
"Pati po ba 'yan, Kuya, akin?" patungkol ko sa isang malaking box na nasa sahig. Aside kasi sa hawak niyang bouquet of flowers, cake, at isang paper bag ng isang well-known brand of shoes, ay mayroon ding malaking box na nakalagay sa floor ng hallway.
"Opo, Ma'am, sa 'yo po lahat 'to."
"Pakipasok na lang po, Kuya." Binuksan ko nang malawak ang pinto ng penthouse at iginiya kay Kuya na ilagay niya lang sa may dining table since 'yon lang ang malapit na lamesa from the main door. "Wala po ba akong babayaran d'yan, Kuya?" seryosong tanong ko kay manong delivery guy.
Una kong narinig ang tawa ni Siggy from the other line. Sunod naman ang mahinang tawa ni manong delivery guy. Napa-purse tuloy ako ng bibig ko't na-realize na nakakaloka nga pala ang tanong ko. Naninigurado lang ako, 'no. Baka pala hindi akin 'to tapos may babayaran pa pala. Edi, minus na 'yon sa pera ko. Mukhang mahal pa naman 'tong nasa paper bag na dala ni manong.
"Naku, Ma'am, hindi po. Bigay po lahat ni Sir Siggy 'to, Ma'am. Ako nga po pala si Samuel, Ma'am, assistant niya po."
Kusa kong inabot ang kamay ko sa kaniya nang magpakilala siya. Nakita ko sa mga mata niya na nag-aalinlangan siyang tanggapin ito pero in the end, tinanggap na rin naman niya. Isang panandaliang kamayan lang naman kasi kusa rin siyang kumalas.
"Thanks for this, Samuel, ha? And Merry Christmas na rin. Mukhang inabala ka pa ni Siggy para i-deliver ang mga ito."
"Hindi ko siya inabala. It's his job to do that," sabi naman ni Siggy from the other line pero hindi ko pa rin pinapansin.
"Wala po, Ma'am. Trabaho ko po ito bilang assistant ng Lizares brothers, Ma'am."
"Sandi na lang, Samuel. 'Wag na 'yong Ma'am."
"Paalisin mo na 'yang si Samuel," sabi na naman ni Siggy.
"Sige po, Ms. Sandi. Aalis na po ako. Maligayang Pasko po ulit."
Dali-daling lumabas ng penthouse si Samuel at dire-diretsong naglakad paalis. Siya na rin mismo ang nag-close ng main door ng penthouse kaya hindi na ako pormal na nakapagpaalam sa kaniya.
"Can we Facetime?"
Humigpit ang hawak ko sa palumpon ng bulaklak na yakap-yakap ko nang marinig na naman ang boses ni Siggy.
"Y-Yeah, sure."
Kinalikot ko ang phone para makapag-Facetime kaming dalawa. Nang makita ko ang kaniyang mukha, na bahagya pang ginugulo ang magulo niyang buhok which is the cutest thing I always see whenever we Facetime each other, ay lumawak ang ngiti ko't gusto ko nang umiyak.
"Hey! Thank you for this, pangga. Hindi mo na dapat ginawa 'to," I said pouting. "Wala akong gift sa 'yo," dagdag na sabi ko pa.
Nag-settle down siya't umupo sa isang bangko. Mukhang nasa labas siya kasi madilim ang nasa paligid niya pero nakikita ko pa naman ang mukha niya. Sadyang madilim at mukhang tahimik na ang nasa paligid niya. Nasa Brisbane, Australia kasi sila ngayon ng family niya to celebrate their Christmas there. Magmula no'ng pumunta siya ng Negros last week, hindi na siya umuwi rito sa Manila. Dire-diretso na ang naging bakasyon niya kasama ang kaniyang pamilya and by the looks of it, mukhang naging okay na rin ang relationship nila. Mabuti pa sila.
Tapos na silang mag-celebrate ng Noche Buena since advance ng two hours ang time zone nila. Dito kasi sa Pilipinas, quarter to one AM pa lang.
"I can't be with you kaya dapat lang na bigyan kita ng gift. Kung puwede lang talagang i-ditch ang family gathering na ito, hindi na dapat akong sumama, e."
"Hey, sshh, family mo 'yan and it's Christmas season. Dapat lang na sila ang kasama mo sa mga panahong ganito."
"Look who's talking."
I sighed and faintly smiled to him.
"Iba naman kasi ang situwasiyon ko sa situwasiyon mo. Ako mismo ang lumayas kaya mahirap bumalik."
Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Tinitigan niya lang ako sa camera. Akala ko nga no'ng una mahina na naman ang signal ng wifi rito sa penthouse pero talagang hindi lang pala siya gumalaw.
"Maybe my gift for you will change your mind? Open it. I wanna see your reaction."
"Fine," natatawang sabi ko. Unti-unting naramdaman ang light atmosphere.
Isinandal ko muna ang phone ko sa isang vase para makita pa rin niya kung anong gagawin ko habang kinukuha ko ang box at ang paper bag na ibinigay ni Samuel kanina. Isinantabi ko muna saglit ang bulaklak. Mabango nga pala sila. Ang ganda.
Una kong binuksan ang paper bag ng isang sikat at branded shoes. Maingat ang bawat galaw ko habang binubuksan ko 'yon. 'Pag kasi branded, nagiging maingat ang galaw ko, e.
Pag bukas ko, tumumbad sa akin ang isang running shoes. The color is so cute. I think it suits me well. Sa sobrang excitement ko, agad ko itong naipasok sa paa ko para sukatin.
And it fits very well!
"I like it, pangga! Saktong-sakto sa akin!" I exclaimed while fitting the shoes.
Tumalon-talon pa ako para i-testing kung gaano kagaan ang sapatos and sa sobrang gaan parang hindi ko maramdamang may sapatos akong suot. And it seems like it's one of those new models of this branded shoes. Not even familiar with it pero sa tingin ko lang naman.
"Of course. I make sure it fits for you."
"Grabe, pangga, thank you talaga."
"Anything for you. At saka, it's your stepping stone towards your future fitness journey, ga."
Ayan na naman 'yang 'ga' n'ya! Feeling ko tuloy Valentine's Day ngayon at hindi Christmas day.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko't sa sobrang tuwa ko, nakuha ko ang phone ko't hinalikan siya through screen.
"Thank you talaga, pangga! Sa sobrang tuwa ko, gusto kitang kunin d'yan sa screen at yakapin ng mahigpit at paulanan ng maraming halik. You're so supportive talaga, pangga, naiiyak tuloy ako."
"I miss you more, Sandreanna. Don't worry, ilang days na lang naman at babalikan na kita."
Nangilid ang luha ko habang nakatingin sa kaniyang maamong mukha sa screen ng phone ko. Ang hirap pala ng LDR. Hindi ko kakayanin kapag tumagal pa 'to.
"Miss na miss na kita, pangga. Please, uwi ka na," seryoso talagang sabi ko, hindi na napigilan ang pumatak na isang luha sa kaliwang mata ko.
"Please don't cry in front of me, Sandreanna. Hindi ko kakayanin. Miss na rin naman kita. God knows how much."
"I love you, Freud."
"I love you more, Sandreanna."
Ako na mismo ang nag-decide na tapusin na ang video call namin. Mas hindi ko kakayanin kung mas matatagalan pa ang pag-uusap namin. Mas lalo ko lang siyang mami-miss.
After that call, ang inatupag ko naman ngayon ay ang isa pang box na dala ni Samuel kanina.
My Christmas night is silent. I can only hear the faint sound of the aircon. Pinagpatuloy ko ang pagbubukas ng regalong iyon na maingat pa naman ang pagkakabalot.
Nakalimutan kong itanong kay Siggy kanina kung kaniya rin ba ito. Pinilit ko kasi siyang i-end na ang call dahil nahihiya na ako sa pag-iyak na ginawa ko kanina dahil lang miss ko siya. Panigurado namang kaniya pa rin 'to, siya nagbigay nito, e.
May kalakihan ang box kaya siguro nahirapan si Samuel kanina sa pagdadala. Naka-gift wrap ito. Ayoko mang sirain, pero wala akong nagawa kundi ang sirain talaga 'yon. Paano ko ba mabubuksan kung hindi, 'di ba?
Isang karton na kulay puti ang tumumbad sa akin. Sinira ko ulit ang box nang walang kapawis-pawis.
Holy mother of monkey!
Dahan-dahan akong napaupo sa sahig nang makita kung anong laman ng box na ito. And tears, like falls, become unlimited.
Tuloy-tuloy akong naiyak habang nakatingin sa walang kabuhay-buhay na teddy bear sa harapan ko. At mas lalong nadurog ang puso ko nang mabasa ang sulat na kasama nito.
'Hi, Ate Sandi!
Merry Christmas. I love you and I miss you so much! Where na you? Please uwi ka na. Miss ko na Ate ko. Miss ka na ni Hoover. At kahit hindi sabihin ni Hannah, alam kong miss ka na rin niya. Kung ano man 'yong napag-awayan n'yo ni Mommy at Daddy, please sana mapag-usapan n'yo. Ate, legit, miss na talaga kita.
Sabi ni Siggy, alam niya raw kung nasaan ka kaya bigyan daw kita ng gift at siya na raw ang magbibigay. Ayokong maniwala, baka scam. Paano niya malalaman, e, hindi naman kayo close no'n. Pero I just really miss you, Ate, kaya kumagat ako sa offer niya. Wala akong maibigay na gift kasi biglaan lang 'yong pagkikita namin. Si Yara na lang 'yong binigay ko. Alam kong miss mo na rin siya, e. Kasi miss na miss ka na rin niya.
Please, Ate, contact me kung makarating ang sulat na ito sa 'yo. My line is always open. Merry Christmas. Sana umuwi ka sa bagong taon.
Alam kong corny pero… nagmamahal,
Daling.'
~