Special Chapter 1:Pregnant~
Arthea Primero-de Cervantes' POV
NAKANGITING tiningnan ko ang Lervin & Art's Café, five years na rin since pinapatakbo ito ni Lervin.
Kahit hindi naman niya ito trabaho at hindi niya kabisado ang ganitong paraan ng pagta-trabaho ay nagagawa na naman niya ng tama. And I am so proud of my husband.
Who would have thought na magbabago pala ang isang Dr.Lervin de Cervantes, eh? Naalala ko tuloy 'yong mga panahon na naging bulag-bulagan siya sa Jillian na ahas na 'yon.
Oh, I wonder kung nasaan na pala ang babaeng 'yon. Hindi pa kasi ako nakaka-ganti sa ginawa niya sa akin five years ago. Remember 'yong bigla siyang pumunta sa bahay namin at nag-cat fight doon.
Tapos talo ako kasi wala akong laban sa kanya sa mga panahon na 'yon. Excited din akong makita siya ulit. Alam niyo na, revenge time ko lang.
Okay, masama ang maghigante, guys. Kung nagkasala sa 'yo ang isang tao at gusto mong maghigante ay huwag mo nang ituloy. Kasi bakit? Hindi naman tayo masa-satisfy sa revenge na 'yan. Mas uusbong lang ang galit mo sa isang tao.
Imbis na mag-revenge ka ay hayaan mo na lang ang taong 'yon na habulin siya mismo ng karma niya.
O kung malambot ang puso mo ay patawarin mo na lang siya. 'Yon ay kung humihingi na ba siya ng kapatawaran mula sa 'yo.
Pero maaari rin na bigyan mo siya ng lessons with a slight cat fight. Para matuto sa mga kasalanan niya.
Wala naman kasing perpektong tao sa mundo. Lahat nagkakamali, lahat nagkakasala. Pero hinay-hinay lang po sa pagkakasala, huh? Mas masakit maningil ang karma, eh.
Hindi naman ako papasok sa café namin ni Lervin at may trusted manager na kami rito. Kung wala akong work sa hotel ni daddy-lo ay ito ang pinagkaka-abalahan ko.
Saka 'yong asawa ko? Balik work na po siya. Uh, two years na rin ang nakalipas at gumaling na ako sa sakit ko. Isang himala 'yon para sa akin.
Dahil 'yong sakit ko ay wala naman talagang lunas not until the team Art cames. Napaka-talino at mahusay na doctors na nakilala ko. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanila.
After ng recovery ko ay umuwi na rin kami sa mansion namin ni Lervin. Kung saan ang lugar na una akong nagmahal, nasaktan at lahat-lahat na.
Ang weird ko, 'di ba? Mas pinili ko ang manatili sa lugar na nagbigay sa akin ng sakit sa puso.
Pero ganoon talaga, mas pipiliin mong bumalik sa lugar na nagbigay na rin sa 'yo ng memorable sa buhay.
"Baby?" tawag sa akin ng asawa ko.
Nakalimutan ko na kasama ko pala siya ngayon.
Hatid sundo niya ako sa trabaho ko at ako na rin ang nag-take over sa position ni daddy-lo.
Ako lang naman talaga ang hinihintay niya before siya mag-retiro sa position niya. Kaya pala maaga akong pinag-settle down ni daddy-lo ay para kung magpapaalam na raw siya sa mundo ay may katuwang na ako sa buhay. Pinili niya raw ang responsableng lalaki para sa akin para raw hindi na siya mag-aalala sa akin.
Hay naku, daddy-lo. Kung alam mo lang kung ano'ng klaseng tao noon si Lervin. Ewan ko na lang sa 'yo.
"What's that smell?" takang tanong ko at lumapit pa ako sa kanya para amuyin ang naamoy kong...mabaho.
"Yuck!" nandidiring sabi ko at lumayo ako kay Lervin.
Nasa loob kami ng kotse niya habang ako nagmo-monologue at nakantingin sa café namin.
Pero nahinto rin ako sa monolgue moments ko nang makaamoy ako ng hindi kaaya-aya sa nose ko.
"What?" takang tanong naman niya.
"You are so mabaho, babe," conyong saad ko.
Nagsalubong ang dalawang kilay niya at inamoy naman niya ang kilikili niya. Kilikili talaga ang inuna?
Tapos 'yong formal suit na niya ang inamoy at muli akong tiningnan.
"That's my perfume, baby. 'Di ba gusto mo ang perfume ko? Inaamoy mo pa nga ako kahit may pawis pa ako saka, pati kilikili ko ay inaamoy mo rin," nakangising sabi niya at bigla akong nairita sa face niya.
"Do I? Really? Well, ayoko na sa pabango mo, babe. Come on, strip! I hate your perfume!" Uminit yata ang ulo ko ngayon at nairita na ako sa asawa ko.
Ewan ko kung bakit nararamdaman ko ngayon. To be honest, hindi lang 'yon ang nararamdaman ko.
Sa tuwing umaga rin ay naduduwal pa ako at feeling ko may lindol. Nahihilo ako tapos sumasakit ang puson ko.
"Okay," maigsing sagot niya at kaagad na hinubad na niya ang coat niya at ang white long sleeve niya.
"So, what now?" he asked. Uminit 'yong pisngi ko nang tuluyan ko nang makita ang katawan niya na may walong pandesal sa katawan. Ay, ha? Pandesal?
Teka nga! Bakit hindi ako nasanay-sanay na makita ang katawan niya gayong hindi ito ang unang beses na makita ko?!
"Urgh..." I groaned in annoying.
"Gusto mo lang namang tingnan ang katawan ko, baby, eh..." nanunuksong sabi niya at bigla niya akong kinulong sa bisig niya.
Magpo-protesta sana ako kaya lang bigla rin niya akong siniil nang mariing halik sa labi. 'Yong kamay niya ay mabilis na kumilos pero bago roon ay kinagat ko na ang pang-ibabang labi niya at nagmamadaling bumaba sa kotse niya. Naduduwal kasi ako!
"Baby!"
***
"Here baby." Inabot sa akin ng asawa ko ang bottled water at kaagad na inunom ko ito.
"Are you alright, baby?" Lervin asked me, visible sa mga mata niya ang pag-aalala sa akin at hinagod pa niya ang likuran ko.
Nakasuot na siya ngayon ng white shirt na pag-aari naman niya dahil may mga gamit kami rito. Madalas sa café kami natutulog.
Inalala ko naman ang nangyari sa akin these past few days ago... Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang calendar, kumunot ang noo ko nang makitang...isang buwan na pala akong delay sa menstruation ko. Hay...
"Baby? Ayos ka lang ba talaga? Madalas nangyayari 'to sa 'yo, 'di ba?" Napatingin ako kay Lervin at hinaplos naman niya ang pisngi ko saka ko hinalikan sa noo.
"I need to see a doctor, babe," mariing sambit ko and he chuckled.
"I'm in front of you, baby," sabi niya at pinanggigilan ang pisngi ko.
Ang tanga ko! Nasa harapan ko lang naman ang doctor at asawa ko pa. Hmm...I am so lucky to have him.
Bumaba sa pulse ko ang mga kamay niya. Hindi niya tinanggal 'yong eye to eye contact naming dalawa at napanguso pa ako nang mas diniinan niya ang pagkakahawak sa pulse ko.
Maya-maya lang ay niyakap niya ako tapos binuhat na ikinagulat ko.
"Babe!" sigaw ko sa kanya pero hindi na niya ako pinansin.
"Okay, what's with you babe?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
He smiled from ear to ear and I can sense that he's happy for no reason. Baliw na ba ang asawa ko?
"We need to see another doctor, baby. 'Yong skilled pagdating sa pagbubuntis ng isang tao," aniya at muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway.
"Ha?"
"You are pregnant, baby. I know it," nakangiting sabi niya.
"Are you sure, babe? Ayokong umasa, kasi...alam mo na," sa mahinang sabi ko at umiling siya.
"Naka-recover ka na, baby. And it's been two years, maybe this is our time na magkakaroon na ng anak."
"I'm contented to have our Athena, babe. K-Kung hindi na ako magbubuntis ay...okay lang. Kasi alam kong hindi mo naman ako iiwan, 'di ba?" emotional kong sambit at hininto niya sa gilid ng kalsada ang kotse niya.
Tinanggal pa niya ang seatbelt niya at binalingan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.
"Bakit naman kita iiwan, Art? Hindi ba't nangako ako na habang-buhay kitang mamahalin? Bakit kita iiwan kung ilang balde na rin ang iniyak ko noong mga panahong tulog ka at nag-aagaw buhay? Ayoko nang pagsisisihan 'yon, baby. Mahal na mahal kita at ikaw lang ang babaeng huli kong mamahalin. I am deeply, madly in love with you, baby," mahabang sabi niya at niyakap na naman niya ako.
Okay, bigla akong naging emotional.
"We don't lose hopes, ikaw nga binigyan ng Diyos ng isa pang pagkakataon para makasama ko habang-buhay, kaya bibigyan niya rin tayo ng anak, Art."
"I love you, too, babe. But, please, I don't like your smells," sabi ko at tinulak siya.
"Nagpalit naman na ako."
"Yeah? Naligo ka ba?"
"Fuck, that."
"Minumura mo ba ako, babe?"
"Oh, not. Minumura ko lang ang sarili ko," he said and he continue driving...
***
"Congratulations, your wife is three weeks pregnant!" Naiyak ako no'ng sinabi 'yon sa amin ng doctor na kilala rin ni Lervin. Pagkatapos niya akong suriin at gumamit ng pregnancy test.
"Told you baby!" masayang sigaw naman ni Lervin at pinugpog ako ng halik sa pisngi ko at maging sa labi ko.
Natawa na lang ako sa pinaggagawa niya. Mukhang siya 'yong mas masaya. Hinaplos ko 'yong buhok niya nang lumuhod siya sa paanan ko at tinaas ang suot kong damit.
"I know it, I can feel our baby. Oh, G-God. Thank you for the blessing," naiiyak niyang saad at hinalikan ang tiyan ko.
Hay, Lervin. Natutunaw ang puso ko.
"Thank you baby, thank you for making me happy like this. I love you, so much."
"And I love you, too, babe."
"I love you, even more."
***