Chapter 48:Finally, success
"ANG panaginip ay isang salamin ng buhay," walang ngiting sabi ni Dr.Seraphine.
Nasa loob kaming lahat sa private room ni Art at kasalukuyan na kaming nag-uusap-usap.
Sa laboratory sana kami pero ayaw kong iwan si Art. Natatakot na ako. Mas pinili ko ang manatili na lamang ako rito. Ayoko na siyang iwan pa.
Alam kong hindi dapat na marami ang bisita ni Art sa loob pero dahil private room ito ay malaki ang space niya.
Kompleto ang team Art plus her doctor in-charge. Kompleto rin ang mga kaibigan ng asawa ko. Sina dad, mom at lolo.
Nakaupo kami sa mahabang sofa at iyong mga mata ko ay nakatingin lang sa natutulog kong asawa.
"Pero huwag kang matakot, Dr.de Cervantes. Ang panaginip ay panaginip na lamang. Kung ano ang nakita mo sa panaginip mo ay hanggang doon na lang iyon," nakangiting sabi niya at tipid na ngumiti na rin ako.
***
"Second research, we failed. We failed to search the cure of SCA. Dahil alam natin na walang lunas, walang gamot na puwedeng i-take ng pasyente, but we don't lose our hopes. Patuloy pa rin tayo sa paghahanap and somehow finally..." sinadya ni Kierson na putulin ang sasabihin niya at tiningnan kami isa-isa.
Kami lang ang team Art na nakaupo sa mahabang sofa at nasa likod namin sina mom.
"My formula is finally complete. I have three, acceptable na ito," pagsisimula naman ni Cervin at mabilis na napatingin ako sa kanya.
"Medicine? Y-you mean, a cure for SCA?" gulat na tanong ni Dr.Even.
"May gamot na?" tanong naman ni Taki.
"Maliit lang ang porsiyento ng gamot ni Dr.Cervin. Pero maaari natin siyang kapitan. Acceptable na ang gamot na ito. Depende na lang kung matatanggap din ng katawan ng pasyente. But this medicine is not for brain. Sensitive ang utak ng mga pasyente pero maaari nating ipainom ito," Taki explained.
"This one is, SpinoX," ani Cervin at tinaas ang isang maliit na bote ng gamot. Kulay pula 'yon.
"This is contain her body. Para habang natutulog siya ay unti-unti nitong maibabalik ang pag-galaw or movements ng katawan niya. When I said body ay kasama na nito ang paa niya at mga kamay niya," muling pagpapaliwang niya at napahanga ang ibang kasama namin.
"This one is for her heart, ExpinoC. Ilang beses nang huminto ang tibok ng puso niya but this medicine can help her. Hindi ito makakaapekto sa brain niya. Hindi natin maaaring galawin ang utak ng pasyente at isa pa, there is no operations. Medicine, my formal can help her."
"And we do monitor her body lalo na kung i-inject na ang mga gamot sa kanya. 24 hours ang mabilis na proseso kung may improvement ba sa katawan niya o may pinagbago ba. Pero kung hindi niya ito mai-take, I mean walang signs or something na tumalab sa kanya ang gamot, we need to stop. Doon lang tayo mawawalan ng pag-asa na at mabibigo ulit sa mission natin for the cure," Cervin said.
"At kung tanggap niya ang gamot ay roon natin siya i-undergo ng physical therapy," ani Dr.Even.
"Yes, physical therapy can help her. Dahil may gamot na naman tayo ay makakatulong na ang physical therapy para muling maibalik ang movements ng katawan niya," said Taki.
Mahigpit na nakakuyom pa rin ang mga kamao ko at ang bilis-bilis na nang tibok ng puso ko.
Sana...sana successful na talaga ang research namin.
"Iyon ay kung may tiwala kayo sa mga gamot ko," seryosong sabi ni Cervin at tiningnan ako sa mga mata.
"I trust the team Art. Ito na lang ang pag-asang panghahawakan ko," singit na sabi ni lolo. Sa boses niya ay tila desperado na rin siyang maipagamot namin si Art.
"The grandfather is now in, how about you, Lervin?" Jai asked me.
"I trust you, too. Try this one, and...ilang porsiyento ba?" tanong ko.
"30 percent, maliit lang siya pero mas tataas ang percent nito sa oras na ita-take na ng pasyente ang gamot," si Taki naman ang sumagot sa akin.
I glanced at my wife... I trust my friends, the team Art and I'm in too.
"Let's try..." I said.
"We, finally success," sambit ni Dr.Hiro.
"Lumalaban ang pasyente ko, Dr.Lervin. Sa tingin mo ba matutulog lang siya riyan kung hindi siya lumalaban? Lahat ng mga pasyenteng nay SCA ay kaagad na bumibitaw. Dahil pagod na sila. Pero 'yong asawa mo? She still fighting, trust her. Kung talagang sumuko na siya at bumitaw na, wala na siya ngayon. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Huwag kang panghinaan ng loob." Kakilala ko lang sa kanya pero unti-unting napapakalma niya ang pangamba at takot sa puso ko. Parang mga kaibigan ko lang.
"Thank you, man."
***
"LOOK at her, is there any improvement?" Dr. Even asked.
Inilipat namin si Art sa ICU para mai-monitor namin ang katawan niya.
Naka-hospital gown kaming lahat. Gloves and surgical mask.
Dalawang araw na ang nakalipas since we injected the medicine to her body at hindi pa siya maiilipat kaagad sa private room niya.
Nakaupo si Dr.Hiro na nasa left side ng hospital bed ng asawa ko. Nasa right side sina Cervin, Taki at Even.
Nasa gilid ko naman si Jai at Kierson.
"Try to hold her hands," he said.
Kaagad na hinawakan ko ang nanlalamig na kamay ng asawa ko.
"There's improvement but a little bit. Higpitan mo," utos nito at siya namang ginawa ko.
My heart skip a beat...
"D-Did she..." hindi makapaniwalang sabi ko bagamat hindi naman natapos.
"Yes. Kung hihigpitan mo ang mga kamay niya ay mararamdaman mo na unti-unti nitong igagalaw ang kamay niya. Humihigpit din ang kapit niya."
"O-Oh God..."
"We need to wait her for three months or six. Maaari rin na umabot ng taon pero may magandang resulta naman," nakangiti niyang sabi.
Naluluhang napangiti ako at mahigpit na hinawakan ko muli ang kamay niya.
Mahinang ginagalaw niya nga ang kamay niya.
"Right! Impressive," nakangiting sabi ni Even at nakahawak din siya sa kaliwang kamay ni Art.
"Kahit maliit pa ang improvement niya ay okay na 'yon."
***
Pagkalabas pa lang namin mula sa loob ng ICU ay napatayo lahat ang mga nasa labas at may pag-aalalang lumapit sa amin.
"M-may maganda bang balita?" tanong ni daddy.
"Son, huwag mo naman kaming takutin sa hitsura mo," sabi naman ni mommy.
"Look at his face. Fuck! Mas kinabahan ako lalo," pagmumura naman ni Crimson. Tinapik-tapik ito ng kakambal.
"Wait for the result," Drimson said.
"Kung wala kang magandang balita ay ipapasara ko na talaga ang hospital na ito kahit dito pa nagta-trabaho ang daddy ko," walang emosyong sabi naman ni Hillarus.
"Ano na, Lervin?" nag-aalalang tanong naman ni Shin na mabilis na inalalayan ng kaibigan ko dahil nanghihina ito. Dahil sa kaba.
"Maliit lang ang improvement pero may magandang resulta po 'yon sa amin," nakangiting sabi ko at nauupos na napaupo si mommy sa bench at kaagad namang dinaluhan ni daddy.
Si lolo na tahimik na napaiyak.
"We need to wait for three months or more but hindi tayo sigurado kung gising na siya that time," Dr.Hiro said.
I felt relief. Lumalaban ang asawa ko. Lumalaban ang baby ko and any time soon, gagaling na siya.
#GS1:SIBG