Chapter 35:Build a Coffee Shop
Arthea Primero de Cervantes' POV
Sabado ngayong araw at wala kaming pasok. Kaya ang ginawa ko ay nag-research ako about the SCA. Kung bukod ba sa akin ay may ganoong sakit din.
Then, meron pala. Naka-confine siya sa Home For The Angel, Orphanage.
Aliyaa Lim, 18 years old. Grade 12, but unfortunately nag-stop siya dahil sa sakit niya. Ga-graduate na sana siya from her senior high school pero ang sakit niya mismo ang humadlang.
Two years, 17 pa siya no'n nang nagkaroon siya ng sakit. At ngayon ay halos hindi na siya makagalaw. Naka-wheelchair na lang siya.
She can't even speak and she looks weak. Kaya natakot ako. Natakot ako sa kung ano na ba ang mangyayari sa akin.
Seeing her Aliyaa like this? Her situation? Ay parang natakot ako, bigla. Paano kung ganito rin ako? Paano kung darating ang panahon ay maranasan ko rin ang nararanasan niya ngayon?
Natakot ako. Ngayon pa nga lang ay takot na ako. What more kung mas lumalala pa ang sakit ko?
"Isang taon na rin ang nakalipas nang dinala siya rito ng parents niya," ang sabi sa akin ng isa sa madre ng Orphanage.
Ang sabi niya rin ay gusto ni Aliyaa ang manirahan dito kasama ang mga bata. Gusto niyang makita raw ang buhay ng mga inosenteng bata at iyong wala ng magulang pero masuwerte pa rin sila dahil wala silang sakit.
Mabubuhay pa sila ng matagal. Gusto ni Aliyaa na bago siya bawian ng buhay ay nais niyang masilayan ang mga inosenteng bata na kontento na sa buhay ng walang pamilya ang gumagabay.
Sino pa raw ang walang mga magulang ay sila pa ang ginagabayan ng Diyos. Sila, kami na mga may pamilya pa ay hindi alam kung sinilip o naririnig pa ba ang mga hiling namin sa Diyos.
Pero ganoon talaga ang buhay. Kaya natatakot ako. Hindi ko kaya ang matulad kay Aliyaa.
Tanggap niya ang kapalaran niya at ganoon din ako. Pero hindi ko maiwasan ang mangamba at matakot. Hindi ko maiwasan ang matakot sa mangyayari sa akin kinabukasan.
Kamatayan? Takot ako to be honest. Pero maluwang ko ito tatanggapin kung hindi na niya ako pahihirapan pa.
Gusto kong mawala na lang na wala ring sakit na iniinda. Walang takot at pangamba.
Ako na may malubhang sakit at may taning na ang buhay? Parang lahat wala ng silbi. Mas gusto ko ang maglaho na parang bula.
Matapos kong pumunta sa Orphanage ay napadpad ako sa beach.
12 pm na ng hapon at medyo hindi na gaano masakit ang sinag ng araw. Masarap ang simoy ng hangin at napakatahimik ng lugar.
Tanging ang paghampas lang ng alon ang siyang maririnig. Isang abandona ang beach na may lumang cottage. Bihira lang ang mga taong nagagawi rito.
Magandang pagmasdan ang asul na kalangitan. Darating pa kaya ang pagkakataon na muli kong masilayan ang magandang tanawin na ito?
O sasabay akong maglalaho katulad ng papalubog na araw? Katulad ng araw ay lulubog at darating ang panibagong araw.
Hinubad ko ang sapatos kong suot at hinayaan kong mabasa ang mga paa ko ng malamig na tubig ng dagat.
Masarap sa pakiramdam, tila kinikiliti ako ng lamig nito. Paika-ika akong naglakad nang diretso.
Kung...k-kung magagawa kong maglaho ngayon ay makakaya ko kaya?
Gusto kong mawala iyong hindi na ako maghihirap. Iyong isang bagsakan ang sakit.
Suicide?
Maraming tao na ang nagtangkang mag-suicide at ang karamihan ay nagtatagumpay silang gawin 'yon.
Bakit nga ba naisip natin ang mag-suicide? Ang tapusin lahat? Pakiramdam mo kasi ay walang Diyos, walang SIYA ang gumagabay sa 'yo.
Lahat ng bagay ay wala ng kuwenta. Nakakapanghina ng loob, at iyong lakas mo ay unti-unting naglalaho.
Marami pa tayong pangarap, marami pa tayong bagay ang nais makamtam. Pero sa sitwasyon ko? Natin?
Parang gusto mo na lang ang maglaho bigla. At ang pagpapakamatay? Ay siyang naisip mong solusyon sa lahat ng problema.
Paano naging solusyon ang pagpapakamatay? Paano naging solusyon ang tuluyan mong tapusin ang buhay mo nang ganoon na lamang?
Dahil baka hindi mo na mararanasan ang sakit at pighati. Hindi ka na masasaktan. Hindi ka na umiiyak sa kapalaran mo.
Pagod ka nang lumaban.
Hindi ko namalayan na hanggang baiwang ko na pala ang taas ng dagat. Nahihirapan man akong maglakad pero tuluy-tuloy pa rin ako.
Kaunti na lang, Art. Matatapos na ito. Kaunti na lang, Art, matatapos na ang lahat ng paghihirap mo. Kaunting-kaunti na lang, Art ay mawawala na ang kirot sa dibdib mo.
K-kaunti na lang...
"Art! Arthea!"
Isa lang naman ang naisip ko sa mga oras na iyon, eh. Ang tuluyan nang mawala sa mundo.
Pero bakit? Bakit nagpadala ka ng tao para hadlangin ang nais ko? Diyos ka ba? Mayroon ka ba talaga?
"A-Art!"
Lumubog na ako sa dagat bago ko pa man lingunin ang taong tumawag sa akin.
Sa boses pa lang niya ay kilalang-kilala ko na. Si Lervin...
Malamig ang dagat at kahit hindi naman gabi ay madilim. Madilim sa ilalim ng dagat at tahimik. Tahimik na halos wala ka nang maririnig.
Ganitong klaseng lugar ang nais ko. Ganitong klaseng lugar ang nais kong pagtaguan sa lahat.
Dinama ko ang lamig nito at hindi na rin ako makahinga. Ang mga mata kong mariin na nakapikit pero unti-unting may humila sa akin.
Pilit na inaahon ako mula sa ilalim ng dagat. Hindi na ako makahinga. Parang kakapusin na ako nang hininga at bumilis ang tibok ng puso ko.
Takot na naman. Ngunit saan nga ba ako natatakot? G-ganito rin ba ang nararamdaman ng mga taong nagpapakamatay?
Iyong tipong may na-realized kang bagay? Hindi ka takot sa kamatayan pero kung nasa gitna ka na ng buhat at kamatayan? Ay bigla kang matatakot.
Matatakot na tuluyan kang mawala. Bakit sa lahat ng oras ay mare-realized mo lang ang halaga ng buhay mo kung nasa gitna ka na nang kamatayan?
Bakit hindi sa umpisa na maisip mo na mahalaga pala ang buhay mo. Na ang buhay ay hiram lang. Na ang buhay ay dapat mong pahalagahan dahil darating din naman ang panahon na babawiin ito sa 'yo ng Diyos.
Pero sa katulad kong pagod na pagod na? Maiisip mong walang Diyos, wala SIYA dahil pinapabayaan ka niya.
Hinahayaan niyang masaktan ka, hinayahayaan niyang maghirap ka. Ganito ba ang gusto mo, Diyos? Ama namin? Pahihirapan mo muna kami bago mo kami bawiin? Bago mo bawiin ang buhay na hiniram lang namin sa 'yo?
Pero sa naisip ko, iyong buhay ko, buhay natin ay binigay niya sa atin upang masilayan man lang ang mundong nilikha niya.
Binigay niya sa atin ang buhay na buhay rin naman ang tinaya para lamang masilayan natin ang mundo.
Buhay na galing sa ating ina, siya pala ang naghirap. Siya pala ang unang umiyak nang tayo'y sinilang niya.
Kaya bakit tatapusin natin ang agad ang buhay na pinaghirapan tayong iluwa ng ating ina?
Bakit naisip natin ang magpatiwakal na lang?
Mahina, mahina ka na sa isip mo. Pagod ka na. Akala mo wala nang gumagabay sa 'yo dahil nahihirapan ka na. Sumusuko ka na. Suko ka na dahil pagod ka na. Nahihirapan ka na.
Pero ang buhay pala ay mahalaga. Ang buhay ay alam mong pansamantalang hiram sa 'yo.
"Art..."
Nagpumiglas ako nang hinawakan niya ako sa braso. Hindi ko namalayan na nakaahon na pala ako mula sa dagat.
Basang-basa na kami parehas at habol ko pa ang hininga ko.
"Don't do that again, please..." mahinang sabi niya bagamat umiiyak.
Mahigpit ang kanyang yakap at tila ayaw na niya akong pakawalan.
Tanging pag-iyak niya lang ang maririnig at may mainit na likido na pala ang lumalandas sa aking pisngi.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Napatingala ako sa kalangitan at napapikit dahil sa silaw nito.
Mayroon ka pala. Nandiyan ka pala sa itaas upang gagabay sa aming lahat.
Hinayaan mo man kaming maghirap at masaktan ay nandiyan ka pa rin. Hinayaan mo man kaming magdusa ay hindi mo naman kaming hinayaan ang mag-isang masasaktan.
Dahil kung wala ka talaga ay baka isang malamig na bangkay na ako ngayon. Dahil kung wala ka bakit nandito si Lervin?
Bakit nandito ang mahal ko? Bakit niya ako pinipigilan?
"Lahat ng bagay ay may dahilan. Lahat ng problema ay may solusyon at hindi ang pagpapakamatay. Please... Art. H-huwag mo nang gawin 'yon ulit. P-paano kami? Maiiwan mo kaming umiiyak at nasasaktan nang dahil sa pagkawala mo. M-mahal kita. Mahal ka namin. P-please...lumaban ka naman. K-kung pagod ka na ay kami naman ang lalaban para sa 'yo... Nandito pa kami, Art."
***
Lervin de Cervante' POV
Mabilis na pinaharurot ko ang sasakyan ko patungo sa beach na sinabi sa akin ni Cervin.
Pumunta raw kasi ang asawa niya sa condo ni Art para dalawin at tingnan ang mga ginawa nito. Mag spare key siya dahil pinilit nito na bigyan ng susi at naabutan nitong nakabukas ang laptop ni Art.
May mga ni-research daw ito tungkol sa sakit. Kilala ng asawa ni Cervin ang ugali ni Art.
Kahit daw nakikita nilang masaya ito ay alam nilang deep inside ay nasasaktan na siya.
Nagawa ring i-reach ang location niya through GPS sa phone niyang naka-install.
Hindi naman alam na kung magsu-suicide ba si Art pero baka ganoon nga ang gawin niya.
Para akong nakipag-karerahan dahil sa bilis nito. Out of limits na ang speed ng pagmamaneho ko pero hindi iyon ang iniisip ko.
Nanginginig na ang mga kamay ko at wala ring tigil sa pagkabog ang dibdib ko.
I am afraid... Please Lord, huwag mo namang bawiin sa akin ang asawa ko. I want to prove myself first. Nais ko pang iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya.
Please...not my baby...
Hindi maayos ang pagkaka-park ng kotse ko sa gilid ng kalsada at kaagad na akong bumaba.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko na siya. Parang wala sa sariling naglalakad lang siya.
"Art! Arthea!"
Abut-abot ang kaba ko at kahit nanghihina ay tumakbo na ako palapit sa kanya.
Pero ganoon na lamang ang takot ko nang bigla na siyang lumusob sa dagat.
"A-Art..."
Kaagad na lumusong din ako sa ilalim ng dagat at buong lakas na inahon ko siya.
Wala pa rin siya sa kanyang sarili nang iahon ko siya. Mahigpit na nakayakap lang ako sa basang katawan niya.
Natakot ako, sobrang natakot ako. Paano kung nahuli ako? Paano kung hindi namin 'to nalalaman agad? Paano? Ano na ang mangyayari sa kanya? Nakakatakot.
"Nandito pa kami, Art..."
"Art!"
Nagsidatingan naman ang mga kaibigan niya at parang doon lang siya nagising.
Nasa dagat pa man kami na hanggang pang-ibabang tuhod na lamang ang lalim nito. Hinarap ako ni Art. Kahit basang-basa siya ay alam kong luha 'yon. Umiiyak siya.
"Kahit pagod na ako. Gusto ko pa ring lumaban. Perk hindi ikaw ang dahilan..."
Nasaktan ako, inaamin ko. Nasaktan ako sa sinabi niya pero sino ba naman ako para magprotesta? Deserved ko ang galit niya. Lahat-lahat. Deserved ko ang malamig na pagtrato niya at pagtataboy niya sa akin.
Dahil alam ko, wala pa sa kalingkinan niya ang sakit na naramadaman ko sa nararamdaman niya noong sinasaktan ko siya.
"Art..." I uttered her name at umatras siya.
"Tapos na ang laban ko sa 'yo. Lalaban ako hindi lang para sa sarili ko. Matagal na kitang sinukuan... Lalaban ako para sa mga kaibigan ko na alam kong hindi ako sasaktan. Hindi katulad mo," malamig na wika niya at naglakad siya palapit sa mga kaibigan niya.
That should be me... Ako dapat ang nagco-comfort sa kanya. Ako dapat ang nasa posisyon ng kaibigan niya. Ako dapat ang yakap-yakap niya. Ako dapat ang iniiyakan niya.
Ang sakit pala talaga...
***
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang mag-suicide si Art. Dalawang linggo na rin niya akong hindi kinikibo at kinausap man lang.
Sa loob ng dalawang linggo ay wala siyang ginawa kundi ang pagtabuyan ako at malamig na ang trato niya sa akin.
Kahit sulyap ay hindi niya magawa. Miss na miss ko na siya. Ganito pala ang pakiramdam nang balewala ka lang sa taong mahal mo.
Ganito rin pala ang pakiramdam niya noong ako naman ang gumagawa nito sa kanya.
Oh, God... Sisingsisi na ako sa ginawa kong mali sa kanya. Lahat pinagdudusahan ko na.
"Salamat pero sorry, Lervin. Ayaw ka na talagang makita ni Art," malungkot na saad ng asawa ni Cervin.
Una alam ko ay galit siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kaibigan niya. Pero kahit papaano ay tinatrato niya naman ako nang maayos lalo pa na naghahanap na kami ng lunas para sa sakit ni Art.
Kahit nabigo kami ay hindi kami sumuko.
"Ganoon ba?" Tipid na ngumiti na lang ako.
"Narinig ko na gustong magpatayo ni Art nang coffee shop. Pero hindi ako ang kasosyo niya," sabi pa niya at napatingin ako kay Art.
Kasama niya ang tatlong lalaking kaibigan niya. Tila may kung anong bagay ang bumaon sa puso ko.
Ang sakit makitang masaya siya sa iba.
"Susuporatahan ko siya. Sabihin mong ako na ang bahala sa lahat," sambit ko at inabot ko sa kanya ang dala kong bouquet of flowers.
Sa loob ng dalawang linggo ay araw-araw akong nagdadala ng bulaklak para sa kanya.
Pero ano ba ang ginagawa niya?
"Itatapon niya rin 'yan. Sayang lang ang pera mo pambili niyan eh sa basurahan namang babagsak."
"Tell her that I won't give up on her," sabi ko bago ako umalis sa condo unit ni Art.
#GS1:SIBG