webnovel

Glimpse of You (San Ildefonso Series No.1)

j0biyaa_ · 现代言情
分數不夠
11 Chs

Kabanata 5

Mysterious

Hanggang natapos lang ang klase ay siya parin ang bukambibig ng dalawa. Hindi naman ako makasingit kasi ang dadaldal nila. Tiningnan ko ang langit, wala masyadong ulap at nakakasilaw ang liwanag. Papalapit na nga talaga ang summer break.

Nakakalungkot na nakakaexcite.

Patuloy parin sa kakadaldal ang dalawa nang naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa aking bulsa. It's already our lunch break and we're planning to eat our lunch outside of the school.

"Wait lang guys, I have to answer this," Sabi ko sa kanila pero ewan ko nalang kong narinig nila iyon.

"Hello kuya," maligayang sambit ko. Salamat nalang at may kumakausap sa akin ngayon.

"Come here at the cafeteria, I decided to have my lunch with you."

This is weird. Anong nakain ni kuya? Andami niya namang kaibigan paanong nawalan siya?

"What happened sayo, kuya? You're acting weird," sabay ngiwi at irap ko na alam ko naman na hindi niya makikita.

"Nothing," then he groans.

"I have no friends. They all left me." He added niya. Palihim akong tumawa, hininaan ko talaga para hindi niya marinig. Madali pa naman ito mapikon.

"Ows? Anyare bat ka naiwan? Well, as a loving sister of yours, sige samahan na kita."

"Thanks!" and he kissed his phone. Gross kuya! Rinig na rinig ko 'yong tunog.

"Sorry guys, hindi ako makakasama sa lunch today, my dear brother needs my help."

I don't need to explain these types of problems with them. Alam na nila kapag tumawag si kuya either may problema or may good news. Pero I know, mostly he calls me kapag may problema gaya na lamang nito.

"Okay Pat. See you later then," Sabi ni Mina while waving her hand.

"Mamaya ulit," Si Alluiza naman.

I'm heading towards the cafeteria. Hinanap ko agad ang table ni kuya pero sa dami ng tao dahil lunch break, ay nahirapan ako.

"Here, Patricia!" Napalingon ako agad sa kanan kong saan ko narinig ang pagtawag sa akin.

Kuya Gab happily waving his hand sabay turo ng lamesa na parang hindi ko pa alam na nandoon siya. Halos limang lamesa ang pagitan niya sa kong saan ako ngayon. Papalapit na ako ng nakita kong may kasama siya. Nakatalikod at mukhang pamilyar sa akin.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Nabasa ko ang mensaheng galing sa kanya.

"Oh? Late yata na send," sabi niya sabay tingin sa cellphone ko. Nakatalikod sa akin ang lalake at hindi man lang siya tumingin sa akin. Focus na focus siya sa kanyang iced coffee.

And it is the first time that someone isn't interested in me just by hearing my name.

"May kasama ka naman yata dito, kuya." Sabi ko kay kuya sabay sulyap ko sa lalake. Pilit kong pinaparinig sa kanya ang sinasabi ko.

"Bago lang rin siya. It's coincidence, promise and besides I know iniwan ka na ng mga kaibigan mong sina Mina at Alluiza." He said sabay sulyap rin sa lalaking nakaupo sa harap niya.

Wala akong nagawa and wala akong planong umupo sa tabi ng isang complete stranger. Napasinghap lang ako kung sino ang nasa harapan ko.

"This is Chaz. He's my friend. Chaz, this is my sister, Patricia." Pakilala sa amin ni kuya. Gulat parin ako pero hindi ko pinahalata. Pinakalma ko ang sarili ko while clearing my throat. Naglahad ako ng kamay.

"Patricia Jane," matamis pa sa asukal ang pagkakasabi ko.

Mina at Alluiza mahahawakan ko ang kamay ng crush nyo na hindi manlang nakapasok sa standards ko.

"Chaz."

And that is the end. Walang kamayang nangyari. Hindi niya tinanggap iyong paglahad ko ng kamay. So disrespectful and arrogant tsk!

This is the one who makes every girl drool? Wala pala ito eh.

I rolled my eyes showing how annoyed I am. Alam kong nakita niya iyon pero kalmado at tahimik pa rin siya.

What a new guy. Kabago-bago ganito na ang ugali. Ang gwapo pa naman sana pero such a disappointment.

Wait, did I just said gwapo?

Oh well, hindi naman makakaila. Tiningnan ko siya ulit, hindi siya nakatingin at busy lang sa kung ano man ang ginagawa sa cellphone. Pero sorry, he's handsome but not my type.

"What do you want, Pat?" Nabalik lang ako sa kung ano ang pinunta ko dahil kay kuya.

"I'll have chicken curry and 1 cup of rice lang, kuya. Thanks." Sabi ko pagkatapos kong basahin ang mga menu sa araw na ito.

"Drinks?"

"Water nalang kuya."

Umalis si kuya sa lamesa upang omorder ng tanghalian namin and my God! Halos marinig ko na ang ingay ng pagaspas ng pakpak ng mga langaw kahit sobrang ingay ng paligid. Para mabawasan ang awkwardness ay tinanong ko na lamang siya. Baka naman may malaman akong puwede kong maishare kina Alluiza at Mina.

"In which school are you from?" Casual na tanong ko. I don't have any intention to ask about his personal life pero pwede naman siguro ito. Hindi naman siguro ikababawas ng dignidad niya 'pag sinagot niya ang tanong ko.

"Polytechnic," ni hindi man lang ako tinignan. Oh well, it's okay than not answering.

"Sa kabila lang pala. Bakit ka naman nag transfer?"

"Personal matters." He said, ending the conversation. Napa O nalang ang bibig ko. Dumaan ang tamihik at awkward na atmosphere ulit. Hindi na ako nakatanong ulit. Mabuti nalang at dumating na si kuya matapos ang ilang minuto dala ang pagkain namin.

"Parang may pinag-usapan kayo ah?"

"Nothing important, kuya," Sabay tayo ko para tulungan siya sa tray na hawak niya. He ordered fried chicken and two cups of rice then isang iced tea at may nakita rin akong isang siopao sa gilid.

"Are you that hungry, kuya?" I laughed and trying to mock him pero hindi siya naapektuhan.

"It's for Chaz, order niya," Sabay turo ng nguso niya.

"Here." Ibinigay niya kay Chaz iyong siopao. Nangangalahati na siya sa sinisimsim na kape.

And why the hell, should my dearest brother take responsibility of this arrogant guy? Tango nga lang ang isinagot niya sa kuya ko, ni hindi siya nagpasalamat. Ang haba ng pila tapos mahina pa iyong aircon dito, ginawa ni kuya lahat pero tango lang ang naging sagot niya.

"On behalf of this man, thank you, kuya." Nilingon ko siya pero wala pa rin siyang imik. Bwesit! Maybe he's a damn robot.

"Ahh! It's okay, Pat. Wala lang iyon sa akin," kuya said while waving his hand on me.

I know how Kuya Gab socialize with other people. He's the person who is afraid and shy to take the first move. Hindi siya magaling when it comes to initiating a conversation. Pero ngayon, it's weird na kahapon ko lang nakita itong lalaking to but they're acting like friends already.

Busy ako sa kinakain ko, ignoring the view in front of me pero puro siya naman sambit ng utak ko. Nakakairita.

How about, nagkakilala na sila bago ako dumating? Pero sabi niya sa Polytechnic University siya galing, and Kuya Gab studied his High School dito sa San Ildefonso State University. How come they know each other?Mutual friends, maybe.

"Gotta go, Gab." He said na nakatayo na. Hawak niya narin ang bag niya.

Plinano ko na talaga ang mga tanong ko kay kuya at tamang-tama na yata ang oras na ito. Nakaalis na siya kaya pwede ko ng iinterogate si kuya Gab.

"Kuya, nagbayad na ba iyon sayo?" Kinalabit ko si kuya habang kumakain siya ng kanyang fried chicken.

"It's nothing, Patricia,"

"Out of pity ba, Kuya Gab? Mahirap siguro iyon." Sabay turo ko pa sa pinanggalingan ni Chaz.

He smirked. "Kung alam mo lang. Hurry up, malapit na mag bell." Hindi ko agad naintindihan ang sinabi ni kuya. Minadali ko nalang ang pagkain ko.

And besides, if they labeled theirselves as friends, dapat ay nagtanong na si Kuya Gab kung saan siya pupunta. Pero baka sa klase? Eh si kuya nandito pa, so ibig sabihin hindi sila magkaklase?

Maybe his just kuya's acquaintance.

Ilang minuto rin at natapos narin kami ni kuya. Nasa labas na kami ng cafeteria nang nakita ko sina Mina at Alluiza malapit sa study park. Hinihintay yata ako. Sometimes I hate to admit that I still love them even though paminsan-minsan mga buang sila.

"Hinintay nyo talaga ako--"

"My God Patricia Jane! Hindi mo sinabing nandito lang daw si Chaz! Hindi ka nagtetext," ani Mina.

Ang sakit naman non, well maybe I just expected something from them na dapat wala naman. I laughed at myself, hindi ko alam kong tama na tumawa ako pero ganoon ang ginawa ko.

"I don't know that you guys are here," supladang sambit ko sabay irap sa kanila.

"Nasa table lang namin--" agad kong tinakpan ang madaldal na bibig ng kuya ko. This is my revenge. Sounds immature pero ayaw kong ipaalam sa kanila ang nangyari kani-kanina lang. Dapat lang iyan sa inyo.

"Pat ano ba. Get you filthy hand off me!" Nagwawala si kuya Gab pero hindi ako nakinig sa hinaing niya.

"Huwag mong ipagkalat iyon sa kanila, kuya. Madadaldal ang mga iyan," May pahiwatig kong sabi sa kanya.

"Enough with him. Girls, let's go. Bye kuya."

Binitawan ko na si kuya at naintindihan niya naman ang gusto kong sabihin kaya nanahimik narin siya. Balak ko ng kaladkarin ang dalawa ng narinig ko ulit ang boses ni kuya Gab sa likod ko.

"Oh? You're still here, Chaz? Akala ko pumunta kana sa classroom?"

Napalingon ako at nakita ko siyang tumabi at humarap kay kuya.

"I'll go with you." Baritonong sabi niya. Walang emosyon ang kanyang mukha.

"Alis na kami Pat, Alluiza and M-mina," si kuya while waving his hand. Papalayo na sa amin.

"OMG! Magkaklase sila ni Kuya Gab? I'm so jealous!" Nangingiyak na sabi ni Alluiza sa tabi ko. Yinayakap-yakap niya ako habang may pakurot ng mahina sa braso ko.

Punyeta! What is happening with my friends? That guys is really going into my nerves.

"You're a one hell of a mysterious man, Chaz." I whispered.