webnovel

Mapa sa Balat ng Tao (3)

編輯: LiberReverieGroup

Dahil sa paggiit ni Jun Wu Xie, walang nagawa si Yan Bu Gui kundi ang hayaan ito. Ngunit sikreto niyang inutusan ang mga kasama nito na bantayan at protektahan si Jun Wu Xie sa anumang panganib.

Dahil mayroon si Jun Xie ng natatanging Ring Spirit, iba ang instruksiyon na ibinigay sa kaniya ni Yan Bu Gui sa pagpapalakas ng kaniyang spiritual power. Pinanatili niya ito sa lotus pond at pinasamahan ang nagpapagaling na Snow Lotus.

Naghahanap naman ng paraan sina Qiao Chu upang mahanap ang anim pang mapa sa balat ng tao. Maaaring nasa Twelve Palaces iyon, ngunit naiisip nilang mainit sa mata ng iba iyon. Sa halip, lihim na nakipag-ugnayan ang Twelve Palaces sa mga may kapangyarihan sa Lower Realm at ibinigay sa mga ito ang mapa upang ang mga ito ang gumawa ng kanilang maduming trabaho.

Ang wais na taktika na katulad nito ay madalas na gawin ng Twelve Palaces.

Ang yaman sa puntod ng Dark Emperor ay makakapagbigay ng bukod kapangyarihan na burahin ang Twelve Palaces.

Gustong maghiganti ni Qiao Chu at tumugma naman iyon sa kagustuhan ni Jun Wu Xie dahil ito naman ay gustong tupukin ang Palace of Flame Demons.

Sa kabilang banda, ang pagkadisipulo ni Jun Wu Xie ay nakapagpamulat sa kaniya kay Yan Bu Gui at ang karukhaan nito.

May malakas na kapangyarihan si Qiao Chua at ang mga kasamahan nito, ngunit napilitan silang itago iyon para hindi makakuha ng atensyon. Bawat isang misyon ay malinaw, at iyon ay ang kanilang paghanap sa iba pang mapa.

Bukod doon, wala nang ibang kakayahan na makaligtas silang lima sa East Wing ng Phoenix Academy. Pagdating sa paglikom ng pera, wala silang pakinabang sa aspetong iyon.

Hindi iyon ganon kasama noon. Ginamit ni Yan Bu Gui ang ilan sa yaman na kaniyang nadala galing sa Middle Realm ngunit hindi iyon nagtagal dahil kailangan nilang gastusin iyon para sa kanilang pangaraw-araw. Wala nang ibang maibenta si Yan Bu Gui kung kaya naman naghirap silang lima nitong mga taon.

Patunay non ay wala silang nasuot na bagong damit sa nakaraang dalawang taon.

Salungat naman sa napagdaanan ni Jun Wu Xie. Kailanman ay hindi niya naranasan ang maghikahos maging sa kaniyang nakaraang buhay. Maaaring bata pa siya nang kaniyang lisanin ang pugad ng demonyo, ngunit dahil sa kaniyang talento sa medisina, siya ay masaganang namuhay. Pagkatapos ng kaniyang muling pagkabuhay, kahit na puno ng banta ang Lin Palace, hindi sila nasalat pagdating sa pera.

Umabot sa puntong hindi maintindihan ni Jun Wu Xie nang kaniyang pinapanuod ang kaniyang bagong Master at kapwa mga disipulo kung paano makakakita ng pera na ibibigay sa headmaster. Sa unang pagkakataon ay nablanko ang kaniyang isip.

"Bakit hindi kami lumabas ni Fei Yan? Pwede naman siguro kami ng magnakaw?" Inosenteng suhestiyon ni Qiao Chu.

Walang sabi-sabing binatukan ito ni Yan Bu Gui!

Hinimas naman ni Qiao Chu ang kaniyang bato at nagkibit-balikat. Piapalabas nitong siya ay nagbibiro lamang.

"Nagpapagaling pa ang ahas na may dalawang ulo. Di kaya ay pwede akong kumuha ng halaman gamot sa kabundukan." Nakasimangot si Hua Yao at nahulog sa malalim na pag-iisip. Nang sila ay ginipit noon,sikretong pinadala ni Hua Yao ang ahas na may dalawang ulo sa kabundukan upang kumuha ng halaman gamot na maaari nilang ibenta. Ilang beses niya ring ginawa iyon.

Ngunit hindi pa gumagaling ang ahas sa mga pinsalang natamo nito. Hindi magawa ni Hua Yao na pahirapan pa lalo ang kaniyang Ring Spirit.

"Wala...Wala na talaga tayong ibang magagawa...Hay..." Gusto nang maiyak ni Fei Yan sa puntong iyon.

Si Rong Ruo ang pinakakalmado sa kanilang lahat. Ngunit nakakunot din ang noo nito.

"Hay...Kalimutan niyo na! Pupuntahan ko ang headmaster at pa pakiusap ang bigyan tayo ng ilang araw pa." Para namang kinurot ang puso ni Yan Bu Gui habang nakikita niya ang itsura ng kaniyang mga disipulo. Bilang Master ng mga batang ito, dapat siya lang ang namomroblema ng bagay na ito.

Aha, at kung mamalas-malasin ka nga naman. Bago pa makapunta si Yan Bu Gui sa headmaster para sana kausapin ito, ang taong namamahala sa South Wing na si He Qiu Sheng ay sumugod sa East Wing. Nagdidilim ang mukha nito.

Si He Qiu Sheng ang Master ng South Wing at ang bata na ginulpi ni Jun Wu Xie ay disipulo nito. Ginulpi ang disipulo nito ng ito ay magtungo sa East Wing para sana maningil. Hindi nito sukat akalain na magugulpi ito dito dahilan para hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makatayo!