webnovel

Empress Dowager (3)

編輯: LiberReverieGroup

Ang mga sinabi ng Emperor ay nagpagulat kay Empress Dowager. Hindi niya alam ang tungkol

sa bagay na iyon.

Ngunit ng marinig ni Jun Wu Xie ang mga salitang iyon, malinaw sa kaniya na ang mga tao na

nagpakita sa Emperor ay maaaring ang mga tao mula sa isa sa mga palaces ng Twelve Palaces!

"Imperial Grandmother! Sinabi nila sa iyong apo, kung hindi susundin ng iyong apo ang

kanilang mga utos na ipagpatuloy ang paghahanap sa kung anuman ang nasa mapa, ay

papatayin nila ang iyong apo! Walang balak ang iyong apo na ibigay ang mapa mula sa balat.

Siguradong papatayin nila ako!" nanginig na tila isang dahon ang Emperor, ang kaniyang

mukha ay puno ng takot.

Tumaas ang kilay ni Empress Dowager at lumingon siya kay Jun Xie.

Subalit, sinabi ni Jun Wu Xie sa kaniya: "Ang mapa, kailangan ko."

Ang Empress Dowager ay walang magawa kundi bumuntong-hininga habang sinasabi sa

Emperor: "Magtiwala ka. Matapos mo ibigay ang mapa, ilalayo kita dito at hahanap ako ng

bukod na lugar na ating titirhan. Hindi nila magagawang mahanap ka."

Matindi ang takot na tumingin ang Emperor kay Empress Dowager. Ilang sandali siyang nag-

alangan bago tumango ng marahan. Nagtungo siya sa trono at kaniyang inabot ang ibaba nito

at nilabas ang isang kahon na brokado mula sa isang lihim na lalagyan. Ang kamay ng Emperor

na hawak ang kahong brokado ay nanginginig habang naglalakad siya palapit kay Jun Xie, at

kaniya itong ibinigay.

Sa sandaling iyon, alam ng Emperor na siya ay talunan. Siya at ang kaniyang mga anak ay hindi

na magagawa ang magparami at si Jun Xie ay mayroong mataas na antas ng kapangyarihan.

Higit pa doon, ang Empress Dowager ay nakapag desisyon na at hindi na mahalaga kung gaano

pa katagal niya ito lalabanan, magdudulot lamang iyon sa kaniya ng pagpaphirap.

Mabuti na rin at hindi siya isang tanga, at alam niyan na wala siyang magagawa upang mabago

ang sitwasyon, kaya bakit hindi niya pipiliin na makipagtulungan kung saan kahit paano ay

maisasalba ang kaniyang buhay.

Kinuha ni Jun Wu Xie ang kahong brokado at binuksan iyon upang sipatin, at isang piraso ng

mapa na mula sa balat ng tao ang nasa loob.

"Ngayon ay ihahayag mo ang iyong pagbaba at ang lahat sa pagitan natin ay idadaan sa

kasulatan." maingat na itinabi ni Jun Wu Xie ang kahong brokado at wala na siyang balak na

magsayang pa ng kaniyang hininga sa Emperor. Ang pakay niya sa pagpunta sa Fire Country ay

nakamit na at ang mga taong humamon sa kaniya ay naparusahan na rin. Kaya hindi na niya

gugustuhin na mag-aksaya pa ng oras niya sa lugar na iyon.

Maamong umalis ang Emperor at nagtungo sa tabi ni Empress Dowager. Ang tanging tao na

magagawa siyang protektahan ay ang Empress Dowager lamang. Bagaman ang mga

misteryosong estranghero ay napakalakas, ang mga nagtatagong tagapagbantay ng Empress

Dowager ay hindi rin dapat maliitin.

"Matapos niyang ihayag ang kaniyang pagbaba, ay saka ko ihahayag ang tungko sa Imperial

Decree ng First Emperor sa publiko, at simula sa araw na ito, ikaw na ang Emperor ng Fire

Country." saad ng Empress Dowager, sa wakas ay natupad na ang kaniyang hiling na matagal

ng nasa kaniyang puso.

Itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay at biglang nagsalita: "Hindi na kailangan. Kailangan

mo lamang ibigay ang trono kay Lei Chen."

Nasindak si Lei Chen.

Tila may nais pa sabihin ang Empress Dowager ngunit hindi na nais ni Jun Wu Xie na magtagal

pa sa lugar na iyon. Tinawag niya ang Drunk Lotus at naglakad palabas sa malaking bulwagan

upang sumakay sa likod ni Lord Meh Meh, at kalmadong umalis sa lugar na iyon sa ilalim ng

mga nagsisigawang Imperial Guards.

Sa loob ng malaking bulwagan ay nanaig ang katahimikan.

Nanlaki ang mata ng Empress Dowager habang nakatitig sa maliit na tanawin na papaalis.

Nang siya ay nakatago sa lihim na silid kanina, ay kaniyang narinig ang mga salita na iyon na

sinambit ni Jun Xie, ngunit naisip niya na sinabi lamang iyon ni Jun Xie upang galitin ang

Emperor, hindi niya inaasahan na wala talaga itong interes sa trono ng Fire Country.

"Empress Dowager!" biglang sabi ni Lei Chen sabay lumuhod sa harap ng Empress Dowager.

"Hindi ako ang Emperor ng Fire Country! At hindi ko gustong maging Emperor! Gagawin ko

ang lahat upang kumbinsihin si Jun Xie na bawiin lahat iyon."

May gulat na tumingin ang Empress Dowager kay Lei Chen. Ngunit si Lei Chen ay mabilis nang

tumayo upang humabol kay Jun Xie sa sandaling matapos niyang sabihin ang mga iyon.

Ang Emperor na hangad ang trono ay nakitang si Jun Xie at Lei Chen ay hindi nagpapakita ng

interes kahit bahagya, ang pait na naramdaman niya sa kaniyang puso sa mga sandaling iyon

ay hindi mailarawan sa salita lamang.