webnovel

Gaze at the Empyrean and say, Hi!

Filipino- English Rigel Kienne Vasquez, a Silver Steppers dancer from Holy Trinity University of Asia (HTUA), never expected to fall in love again after he broke up with her ex girlfriend 2 years ago. Then, he met Kc a girl drummer with full of dreams and perseverance that will change his perspective in life. But destiny is so mischievous. Do you think their relationship will survive?

Luminous_Stellar · 青春言情
分數不夠
38 Chs

Chapter 33

Nag leave ako ng isang linggo dahil pupunta kaming Palawan sa Lunes kasama ang mga kaibigan ko.

Sabado palang ng hapon kaya naman lumabas kami ni Kieff para maipasyal ko siya.

"Kieff, lets go baby." Tawag ko sakaniya.

Pumunta kami ni Kieff sa play ground ng subdivision upang maaliw siya. Bihira ko lang siyang mailabas ng bahay dahil busy ako sa trabaho.

Nakaupo ako bench habang hawak ko ang tali ni Kieff. Biglang nagvibrate ang cellphone ko, kaya agad ko itong kinuha.

From Rigel:

Where are you Cass?

Nagreply agad ako ng mabasa ko ang text niya.

To Rigel:

Andito kami sa play ground, sa loob ng subdivision.

From Rigel:

Okay, I'll go there.

Nilaro ko muna si Kieff habang wala pa si Rigel. Hinahagis ko ang bola niya at kinukuha niya naman para ibalik sa 'kin. Si Xyrius ang nagtrain sakaniya noong baby pa siya, silang dalawa ang laging magkalaro sa bahay.

Ilang minuto lang ang nakalipas at dumating na si Rigel. Nakasuot pa din siya ng formal attire dahil galing siya sa opisina.

Lumapit siya sa 'kin para bigyan ako ng halik sa noo.

"Okay lang bang sumama ka sa Monday? Wala bang magiging problema sa kumpanya?" I asked him.

"Tito will handle it for a while don't worry."

Lumapit siya kay Kieff upang himasin ang magandang balahibo nito.

"Hi little boy, how are you?"

Malaki na si Kieff pero baby pa din ang turing namin sakaniya.

"Tara, punta tayo sa bahay." Aya ko sakaniya.

"Let's go?"

Pumunta kami sa kotse niya. Binuksan niya ang shotgun door para makapasok kami ni Kieff sa loob, pumasok naman siya sa driver seat at nagsimula ng magmaneho patungo sa bahay.

"Bakit andito ka na pala? Ang aga pa, wala ka na bang trabaho sa opisina?"

He shook her head.

Nakarating na kami sa bahay kaya naman pagkabukas ko ng shotgun door agad na tumakbo si Kieff sa loob.

"Let's get inside." I said.

Pumasok kami sa loob ng bahay at nagtungo sa sala. Walang tao sa bahay dahil busy sila mama at kuya sa pag handle ng negosyo namin. Si Jillian at Xyrius naman ay nasa school pa.

"Kumain ka na ba Rigel?"

"Yes, I eat lunch."

"Magluluto lang ako, dyan muna kayo ni Kieff."

Nagtungo na ko sa kusina, tinignan ko kung ano ang meron sa ref. May nakita 'kong hipon kaya ayon ang kinuha ko dahil iyon ang paborito ni Rigel.

Binabad ko muna ang hipon sa tubig dahil na frozen sa freezer, ng mawala na ang yelo ay niluto ko na ito sa butter.

Buttered shrimp ang niluto ko dahil alam kong madami siyang makakain pag gano'n ang luto ko.

"Cass, It smells good." Sigaw ni Rigel.

"Syempre ako nagluto, halika na dito kain na tayo."

Pumunta siya sa kusina at nilapag niya muna si Kieff. Naghugas siya ng kamay bago siya umupo sa dining table.

"Woah, my favorite. I miss this!"

"Sige na kumain ka na, tumutulo na 'yang laway mo." Pagbibiro ko.

Kumain lang kami ni Rigel, andami niyang nakain dahil nasarapan siya sa luto ko.

Matapos niyang kumain 'di na siya makatayo sa kabusugan.

"Takaw mo!" I told him.

"Because you're the one who cooked my favorite dish."

"Architect na chief pa, swerte ng mapapangasawa ko."

"I'm the lucky one."

"La? Assuming si Casper papakasalan ko!"

"As if, Nixie will agree?" He raised a brow.

"Magtatanan kami ni Casper!"

"I will never let you go again Kelphie Cassiopeia." He said in a manly voice.

"I'm just kidding."

Lumapit ako sakaniya upang yakapin siya.

"I love you Rigel."

"I love you too."

Matapos naming kumain ay nanood nalang kami ng netflix sa sala, ng mag gabi na ay umuwi na si Rigel.

Kinabukasan ay nag impake na ko ng gamit dahil mamayang gabi na ang alis namin. Gusto kasi nilang mag night trip.

Matapos kong ayusin ang gamit ko ay nagsimba muna kami ng buong pamilya ko at kumain kami sa labas. Namasyal din kami para mag bonding.

"Jillian kamusta grades mo?"

"Siyempre maganda pa din, mana sa may-ari." Jillian proudly said.

"Anong maganda?" My brows furrowed.

"Maganda ate, ibig sabihin walang palakol. Honor student ata 'ko."

"Pagpatuloy mo 'yan at 'wag ka munang mag boyfriend, masyado ka pang bata. Pag 18 ka na tsaka ka mag boyfriend."

"Ate pag may nanliligaw sa 'kin busted agad. Gusto ko, 'yung magiging boyfriend ko kasing talino ko para lagi kaming magdedebate."

"Bustedin mo muna sila lahat, sabihin mo balik sila pag 18 ka na. True love waits." I chuckles.

"Si kuya nga ate may chix na." Xyrius said.

"Hayaan mo si kuya matanda na 'yan Xyrius. Kuya kailan mo kami papakilala?" I raised a brow.

"Pag puti ng uwak." Kuya answered.

"Mga anak, uwi na tayo gabi na aalis pa si Kc mamaya."

Madilim na kaya umuwi na kami.

Pagkadating namin sa bahay nagpahinga muna ako pagkatapos ay naligo ako at nagbihis.

Tinignan ko muna ang cellphone ko dahil baka nagtext na si Migs.

From Migs:

Nasa labas na kami.

From Rigel:

Cass let's go! We're outside.

Bumaba na 'ko dala-dala ang gamit ko. Nakita ko silang kumpleto na sa loob ng van nila Migs, sabay-sabay na kaming pumunta sa Airport dahil mahirap kung mag hahanapan pa kami sa airport.

Buong biyahe namin puro kalokohan lang si Dax, halos boses niya naririnig namin sa loob ng van. Kaya natulog nalang ako sa braso ni Rigel dahil napagod ako kanina mamasyal.

Nakarating kami sa airport ng 9:30, maaga pa dahil 10:30 pa ang flight namin papuntang El Nido, Palawan.

Pumasok na kami sa loob at nag antay ng boarding. Ten o'clock ng simula kaming papasukin sa loob ng aircraft.

Halos lahat kami mukang pagod.

Makalipas ang one hour and thirteen minutes nakarating na kami sa El Nido, Palawan. Dumiretso kami sa isang hotel, sila Alexandria daw ang may ari nito, yung pinsan ni Rigel.

"Cous!" Bati ni Alex kay Rigel pagkadating namin.

"Hi, your staying here?"

"Yeah, I stay here because mom wants me to manage this. Ilan kayo lahat cous?"

"We're eight, so 4 rooms lang."

"Ah miss baka gusto mong samahan 'yung kaibigan namin sa room niya, mag isa lang kasi siya." Migs said, pertaining to Dax.

"Gago! Pero pwede din." Dax said.

Tinawanan lang sila ni Alex.

Pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming kwarto. May big discount kami dahil kay Alex. Magkasama kami ni Rigel, si Mica, Migs at Faira naman ay nasa isang malaking suite, si Casper at Nixie naman ang magkasama, habang si Dax naman ay mag isa lang sa kwarto niya.

Pumasok na kami ni Rigel sa loob ng kwarto dahil parehas kaming napagod sa byahe. Umupo muna ko sa couch.

"Bagay si Nixie at Dax." I told him.

"Yeah, they look cute together."

"May boyfriend ba si Alex?"

"I don't know, but I will ask her."

Dalawa ang kama sa kwarto, tag-isa kami ni Rigel. Ayaw niyang mag tabi kami dahil hindi pa daw kami kasal.

Pumunta na ko sa kama upang matulog,

"Tulog na 'ko Rigel, Good night."

"Good night I love you." He kissed me on my forehead.

Natulog na kami dahil 12:00 am na, at maaga pa kaming aalis bukas.

Kinabukasan alas-siyete palang ng umaga ay nakagayak na kaming lahat. Excited kami dahil pupunta kami sa Nacpan Beach actually dalawa siya dahil twin beaches ang Nacpan at Calitang beach.

Sumakay kami sa van nila Alex dahil gusto niya ding sumama sa'min. Matagal ang naging byahe namin halos isang oras. Nag private tour kami dahil mas enjoy kapag gano'n kami ang masusunod sa gusto naming puntahang beach.

The Twin Beach is actually a stretch of sand ending with a hill covered by palm trees. It's the place where Nacpan Beach meets with Calitang Beach and it's one of the most secluded and pristine places in El Nido, Palawan.

After we arrived at Nacpan Beach we see the crystal clear water of the sea. And there is a really cute island that looks like a nice smooth green mound with a single tall tree stubbornly sticking out of it.

Nag lagay muna kami ng sunblock bago mag swimming Si Mica, Faira, Nixie at Alex ay mga naka two piece habang ako naman ay nag rush guard dahil nahihiya akong mag swimsuit.

"Kc! Bakit naka rush guard ka? Mag two piece ka nga!" Sigaw ni Mica sa 'kin.

"Ayoko, nahihiya ko tsaka 'di ako bumili ng gano'n."

"Pahiramin kita."

"Ayoko, okay na 'to. Ayoko ding umitim Mica!"

Maya-maya lang ay dumating na ang boys mga naka topless lang sila at naka surf board shorts. Para silang naglalakad na model sa isang magazine dahil sakanilang matitipunong katawan.

"Kc! Ba't nakaganyan ka? Para kang suman, balot na balot ka masyado." Dax said.

"Ayokong mag swimsuit dahil baka silipan mo lang ako." I rolled my eyes.

"You still look gorgeous Cass, whatever you wear." Rigel said.

"Thank you." I kissed him on his cheeks.

"Guys picture tayo! Dali ang ganda ng view."

Lumapit kami kay Mica para mag groufie. Nag pakuha din kami ng picture by couples.

"Dax, Alex! Picture din kayo!" Casper said.

"Tarantado, nakakahiya."

"Huwag ka ng mahiya Dax, akbayan mo na si Alex." Sereia said.

"Ngayon ka pa nahiya, babaero ka nga." Migs said.

"Alex can we take a picture too?" Dax asked.

"Oh sure." Alex smiled at him.

They look cute together. Sana makahanap ng katapat niya si Daxton upang tumino.

Pagkatapos naming mag picture nag sunbathing lang kami saglit habang umiinom ng buko juice sa mismong prutas. Maya-maya lang ay nagswimming na kami dahil gusto ng maligo ni Faira.

Antagal naming nagswimming sa dagat dahil sobrang nakakarelax.

"Try natin mag kayaking mamaya." Aya ni Migs.

Matapos namin mag swimming nag try na kaming mag kayaking at stand up paddle boarding.

Nakakapagod pero nag enjoy naman kaming lahat.

Nang matapos ay nagpahinga nalang kami at nagrelax sa hammock.

"Kain na tayo, gutom na 'ko." Aya ni Dax.

"Ayan oh, kainin mo na 'yang katabi mo." Migs whispered, pertaining to alex.

"Siraulo 'wag ka ngang ganiyan."

"Wow, ikaw ba talaga 'yan Dax?"

"Hindi tanga, kaluluwa ko lang to  umangat lang."

Pumunta kami sa Sunmai sunset restaurant para kumain.

Umorder kami ng Sunmai Salad, Chef Sald, Sizzling Gambas, Pan Grilled Tanigue, Tonkatsu Chicken, Pork Callus, New Zealand Steak, Pork Ribs, Lasagna, Vegeatable Pasta, Mocha crumble, Mango Float at Banana Mango Jobili.

After 30 minutes dumating din ang order namin.

"Kain na tayo." Mica said.

"Eto na nga kakain ko na ang misis ko hahaha." Migs joked.

Hinampas naman siya ni Mica dahil sa kalokohan niya.

"Gutom na gutom na 'ko napakatagal dumating niyang pagkain." Dax whine.

"Cass you should eat a lot, you're getting skinny." Rigel said.

"Diet ako, Charot." I joked.

Nilagyan pa ni Rigel ang plato ko ng pagkain, kulang nalang mapuno na ito.

Kumain kami at pagkatapos bumalik kami para mag swimming ulit.

Inantay namin ang sunset bago kami bumalik sa hotel. Nagpapicture kami ni Rigel na background 'yong sunset.

Mag kayakap kami habang pinipicturan kami ni Mica.

Iniwan ako ni Rigel na nakatayo do'n dahil gusto niya kong kuhanan ng solo picture.

Nung napagod na kami mag swimming, napagpasiyahan naming bumalik na sa hotel nila Alex para makapagpahinga.

Kinabukasan ay nag island hopping kami.

Pinagsuot ako ni Mica ng swimsuit dahil sayang daw ang maganda kong katawan kung hindi ko ipaglalantaran. Siraulo talaga, wala na 'kong nagawa dahil kinuha niya ang rush guard  ko.

Si Rigel naman ay nakasuot ng bohemian polo ngunit nakabukas lahat ng butones, pinartneran niya ito ng surf board shorts.

We go to small lagoon and Big Lagoon. We are lucky enough to have the entire lagoon with ourselves. Small lagoon was more impressive than Big lagoon.

The small lagoon is so beautiful due to the clear waters and breathtaking surrounding cliffs. We do snorkeling but we see all the coral that has been damaged by the boats anchors and huge chunks. That was so sad, But we still enjoyed swimming in small lagoon after snorkeling.

Nagpicture din kami dahil napakaganda ng nature. Andami kong picture dahil gustong-gusto ni Rigel na kinukuhanan ako ng picture.

"One more Cass!" He said.

"Kailan kaya matatapos 'yang one more mo? Kanina ka pa one more ng one more diyan."

"Last one Cass, I promised."

"Sige na dalian mo, tutong na 'ko dito."

"Cass smile, 1,2,3!"

"Tama na Manager! Abuso ka sa model mo." I told him.

Lumapit ako sakanya para hampasin siya.

"Sorry, I love you." He kissed me on my forehead.

After that we go to Simizu Island, the Island is surely breathtaking. It has a powdery white sand, lush forests, crystal clear waters and a very relaxing atmosphere.

We have our lunch here, we bring more foods for us. We're glad because there are small caves where we hid ourselves from direct sunlight at noon time while we are eating.

"Faira anak dahan-dahan aba, gutom na gutom?" Migs said.

"I'm so hungry daddy."

"Oo nga anak, hindi nga halata sa  pagkain mo."

"Hayaan mo nga lang kumain anak mo Migs." Casper said.

"Mag anak na din kasi kayo ni Seria." Migs fired back.

Tumawa lang si Seria.

"Hindi ka naman atat?"  Casper said sarcastically.

After we eat, we go to Seven Commando Beach, it has a stretch of sand, guarded by tall palm trees looks like a piece of heaven.

When the boat finally arrive at Seven Commando beach, we grab our snorkeling gear and start exploring the marine life. But we are allowed to snorkel only in the designated area, for our own safety.

The water at Seven Commandos Beach is so incredible and perfect for swimming. The water is as crystal as clear and it has the most beautiful turquoise shade. I really loved this beach.

Every beach that we go, we always took a lot of picture for souvenir.

When we get tired we decided to go back at the hotel to have some rest.

__________________________________