Kinabukasan tinawagan ko si Mica upang maki-balita kung nakapasa ba siya sa board exams.
Ilang ring, pa lamang ng cellphone aay sinagot niya na agad.
"Hello Mica?"
"Hello, bakit?" Halata sa boses niya na kakagising niya pa lamang.
"Nakapasa ka?"
"Huh? Lumabas na ba result?" Takang tanong niya.
"Oo tanga! Kahapon pa, kaya tumayo ka na dyan tingnan mo kung ganap na architect ka na!"
"Eh ikaw Kc? Pumasa ka?" Excited niyang tanong.
"Oo Mica! Anuna kunin mo na 'yung laptop at tingnan mo."
"Wahhh congrats Kc! Sana ako din. Wait lang kukunin ko lang laptop ko, 'wag mong ibaba."
"Mica napakatagal mo!"
"Eto na madam, wait ka lang mahina kalaban. Kinakabahan ako Kc!"
"Tingnan mo nalang kaya? Kaba-kaba ka pang nalalaman dyan."
"Ito na nga kakabukas lang ng laptop, saglit lang aba punta lang ako sa site."
"Okay tyt."
"Kc." Malungkot niyang sabi.
"Oh ano? Nakapasa ka ba? Nakita mo ba pangalan mo?" Nag-aalalang tanong ko.
"Kc!" Nagsimula na siyang umiyak.
"Ano ba Mica? Nakapasa ka ba o hindi?"
"Kc nakapasa ko! Ahhhhh ganap na architect na tayo!" Sigaw niya.
"Congrats Mica! Umiyak-iyak ka pa diyan pasado ka naman pala!"
"Shunga syempre buntis, palit kaya tayo ng kalagayan!" Inis na sabi niya.
"Hahaha sorry na. Sige na Mica, baba ko na 'to, mag-aapply akong trabaho ngayon. Take care."
"Nakaka-inggit ka naman makakapagtrabaho ka na. Bye Kc ingat ka."
I ended the call and went down stairs to take a shower and to eat some breakfast. I wear a formal attire because I'm going to apply for a job today
Excited ako, na kinakabahan habang papunta sa kumpanya na a-applyan ko.
Madami akong kumpanyang inapplyan, para more chances of winning.
Matapos kong mag apply, umuwi na 'ko. Habang pauwi na 'ko ay naisipan kong magchat sa group chat ng banda namin para ibalita sakanila.
Kc: Architect na 'ko guys!
Migs: Wow taray, walang blow out?
Dax: Wala daw Migs, blow job lang.
Kc: Napakabastos mo Daxton!
Casper: Congrats Kc! Wala bang painom dyan?
Kc: Libre ko kayo guys sa first sweldo ko, pag natanggap ako sa pinag-applyan kong trabaho.
Dax: inaasahan namin, gagawan mo kaming libreng pabahay, hindi libreng pagkain.
Kc: Abusado ka talaga! Pag sa 'yo Dax doble presyo. Kay Migs at Casper libre.
Dax: Mali naman 'yon Kc! Alam mo miss na kaya kita, pa kiss nga.
Hindi na ko nagreply pa at tinago ko na ang cellphone ko dahil pababa na 'ko sa jeep. Sumakay ako ng tricycle patungo sa bahay.
Pagkadating ko sa bahay ay napakatahimik. Hinahanap-hanap ko pa din ang presensiya ni lola hanggang ngayon. Sobrang miss ko na talaga siya. Mabuti nalang at medyo natatanggap ko na kahit paunti-unti ang pagkawala ni lola.
Inantay ko lang si Jillian galing eskwelahan at inaya ko siya para pumunta sa puntod ni lola. Nagdala 'ko ng kandila at pumitas pa ako ng bulaklak kanina sa bakuran ni aling Lydia. Pagkatapos ay umalis na kami ni Jillian.
Pagkadating namin sa puntod ni lola, sinindihan namin ang kandila at nilapag namin ang dala naming bulalak.
"Lola miss na miss ka na namin. Lagi mo kaming gagabayan ah? La pumasa pala ko sa board exams, kakatapos ko lang din mag apply ng trabaho kanina. Sana matanggap ako. La, lahat ng tagumpay ko para sa 'yo. I love you lola." Sabi ko habang nakatingin sa lapida niya.
"Lola miss na kita, wala na 'kong binubunutan ng puting buhok. Lola sana masaya ka na diyan sa langit kasama si Lord. Lola pwede bang akin nalang 'yung mga alahas mo doon sa cabinet mo?" Malumanay na sabi ni Jillian.
"Hahaha Jillian sige ka mumultuhin ka ni Lola." I threatened her.
"Ate naman!" Tinignan niya ko ng masama.
Nanatili lang kami doon ni Jillian saglit. Nang mag dilim na ay umuwi na kami.
Makalipas ang ilang araw, tinawagan ako ng Villarosa Architecture and Design Co. Pinapapunta 'ko sa kumpanya nila para sa interview kaya naman wala na 'kong sinayang na pagkakataon. Excited akong pumunta para sa interview ko. Sana pumasa 'ko para matulungan ko na ang pamilya ko.
Pagkadating ko sa opisina, kinabahan ako bigla.
Ilang minuto lang ay dumating ang mag i-interview sa 'kin.
Naging maayos naman ang interview ko at confident ako sa mga sinagot ko kaya natanggap ako sa trabaho.
Masaya akong umuwi sa bahay at binalita sakanilang may trabaho na 'ko.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil excited akong pumasok, first day ko sa trabaho.
Pagkapasok ko sa kumpanya halos lahat ay binabati ko ng may ngiti sa labi.
Naging maayos naman ang unang araw ko sa trabaho at naging maganda naman ang trato nila sa akin. Lahat ng tao sa VAADC ay friendly kaya napaka sarap magtrabaho sa kumapanya nila.
Makalipas ang dalawang buwan may pera na 'kong naiipon. Binabalak kong mag tayo ng negosyo kahit maliit lamang na grocery store para sa pamilya ko.
Nasa trabaho ako ng biglang may tumawag sa 'kin.
"Hello?" My brows furrowed.
"Hello Kc, si Migs to. Si Mica nanganganak na!" Migs said, nervously.
"Talaga? Sige-sige pupunta ko dyan. Text mo nalang sa 'kin address ng Ospital." I ended the call.
Nag under-time ako dahil excited akong makita ang bestfriend ko at ang anak niya at the same time kinakabahan din para kay Mica.
Umalis na 'ko at nagtungo sa address na binigay sa 'kin ni Migs.
Ilang minuto lang ay nakarating na 'ko.
"Migs kamusta? Asan si Mica?" I asked him with so much excitement.
"Nasa operating room pa siya." I can feel that he's so nervous right now.
Hindi natigil sa paglalakad si Migs at paikot-ikot lamang siya.
"Kinakabahan ka?" I asked him.
"Oo Kc eh."
"Ano ka ba? Kaya ni Mica 'yon, malakas kaya 'yon!"
"May tiwala naman ako kay Mica hahaha." He chuckles.
Makalipas ang isang oras, ay nilipat na si Mica sa private room at dinala ng nurse ang baby niya.
Napakaganda ng anak niya, halatang maputi ito dahil namumula siya napakatangos din ng ilong niya.
Pinahawak naman kay Mica ang baby, at tinuruan pa siya ng nurse na kargahin ito dahil hindi siya marunong.
Ramdam na ramdam ko ang ligaya ni Mica habang hawak niya ang anak niya. Gano'n din naman si Migs na nakatingin habang pinagmamasdan ang mag-ina niya.
"Anong pangalan ni baby?" I asked them.
"Flynt Cyrene Faira De Castro." Migs answered.
"Wow taray, ganda ng pangalan Faira parang apoy-apoy lang ah? Ba't ang haba pati ng pangalan? Sino nag isip niyan? Hulaan ko si Mica 'no?" I chuckles.
Napatingin si Mica sa 'kin. "Shunga tatay niya nag-isip niyan!" She smiled at me.
Lumapit ako sa baby at hahawakan ko na sana siya.
"Ooppss alcohol muna Kc!" Saway ni Mica.
"Ay sorry madam Auring." I laughed.
Nag alcohol ako atsaka lumapit kay Migs dahil siya na ang may hawak ngayon kay Faira.
"Hi baby Faira, andito si ninang." Nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan siya.
"Anong ninang?" Mica raised a brow.
"Bakit? Hindi ba 'ko ninang ng anak mo?" Takang tanong ko.
"Hindi, 'diba sabi mo 'di ka mag nininang?"
"Sabi ko hindi ako mag nininang pag mukang tiyanak. Mukang manika si baby Faira kaya ninang niya 'ko! Desisyon ako sis."
Tinawanan naman nila kong dalawa.
Nang dumilim na ay nagpaalam na 'ko sakanila na uuwi na 'ko.
Hindi na tumutugtog ang banda namin dahil masyado na kaming busy sa kaniya-kaniya naming mga trabaho.
Lahat ng sweldo ko ay iniipon ko para sa itatsyo kong negosyo.
Nang maging sapat na ang perang inipon ko ay sinimulan na namin itayo ang maliit na grocery store sa bayan kung saan maraming tao.
Matapos ang limang buwan ay natapos na itong itayo, at nagkaroon na ng laman.
Ngayon ang araw ang opening ng grocery store namin kaya naman hindi ako pumasok sa trabaho.
Tuwang-tuwa si mama habang pinapanuod akong mag ribbon cutting. Sa unang bukas palang namin ay madami ng tao ang dumagsa.
Ansaya-saya kapag nakikita mong may napupuntahan ang perang pinaghirapan mo.
Si mama ang nag manage ng grocery namin habang kami naman ni kuya ay nakaagapay sakaniya habang nagtatrabaho.
Makalipas ang isang buwan ayos naman ang takbo ng negosyo namin at mataas ang sales.
Onti-onti na kaming nakakaahon sa buhay sa tulong ng maliit na grocery store namin.
Nag trabaho lang ako nang nag trabaho dahil gusto kong bumili ng kotse at mag patayo ng bago naming bahay.
Lumipas pa ang ilang buwan at mas lalong tumaas ang sales ng grocery store namin kaya naman binalak kong palakihin pa ito at mag tayo ng isa pang branch.
Sa sobrang busy ko sa buhay hindi ko na nakakamusta ang mga kaibigan ko kaya naman napagpasiyahan kong dalawin si Mica at Migs sa sarili nilang bahay.
Tinext ko din si Dax at Casper dahil namimiss ko na sila. Hindi ko nagawa 'yung sinabi ko sakanilang ililibre ko sila kaya naman ngayon ako babawi. Nang makarating ako sa bahay nila Mica namangha ako sa ganda ng exterior design ng bahay nila. Ang galing talaga ni Mica.
Pagkapasok ko, nagulat ako ng sapukin ako ni Mica.
"Ikaw na babaita ka? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Nakapamewang niyang sabi.
"Busy kasi ako magpayaman. Ikaw 'di mo na kailangan 'yon dahil likas na mayaman ka na."
"Tigilan mo nga ko Kc!" She chuckles.
"Asan si apoy?" I asked her.
"Anong apoy, Sinong apoy?" Kunot noong tanong niya.
"Si Faira tanga!"
"Nasa kwarto tulog pa, sobrang hot ba ng anak ko?"
"Ganda ng bahay niyo Mica!" Pag iiba ko ng usapan.
"Malamang maganda gumawa!"
"Oh Kc andito ka na pala!" Gulat na sabi ni Migs.
"Oo andito ka din eh."
"Huwag ang asawa ko Kc!" Biro ni Mica.
"Asawa? 'di pa nga kayo kasal." I raised a brow.
"Tanga kinasal na kami, 'di ka invited!"
"Napakasama mo namang kaibigan Mica kung gano'n."
"Parang ganoon na nga." Sagot niya.
"Next year pa kami papakasal Kc pagkatapos sigurong binyagan ni Faira." Singit ni Migs.
"Ay ba't 'di pa ngayon hon?" Malokong sabi ni Mica.
"Una ka sa simbahan, pakasalan mo pari ah?" Pang iinis ni Migs.
Maya-maya lang ay dumating na si Dax at Casper. Nagpadeliver din ako ng pagkain namin.
Nagising si Faira dahil sa ingay ni Dax, kaya naman agad niya itong pinang-gigilan dahil napakacute na bata ni Faira.
Nag bonding kami at nag inom naman sila, habang kami ni Mica ay inaalagaan si Faira. Ang cute ng iyak niya dahil ang liit pa ng boses niya.
Nag gabi na, kaya naman nauna na 'kong umuwi sakanila dahil may pasok pa 'ko kinabukasan.
May dumating sa 'kin na bagong projects. Kaya naman naging mas busy ako lalo. Yung grocery store naman namin ay patuloy lang sa pag taas ng sales at paminsan-minsan ay bumababa. Kaya naman napagpasiyahan ko ng mag tayo ng panibagong branch. Onti-onti ko ng nakakamit ang mga pangarap ko, sayang lang dahil hindi na naabutan ni lola ang mga nakakamit kong tagumpay sa buhay.
I was once a little girl with big dreams and I promised myself, that I will make it real someday.
You have to fight enable to achieve your dreams. You have to sacrifice to become a better version of yourself and you have to work hard for it. Never stop believing in your dreams until you succeed.
__________________________________