webnovel

Game Of Heart And Mind (Tagalog)

Paano kung isang araw pag gising mo, mabalik ka sa makalumang panahon? Panahon kung saan mayroon hari, reyna, prinsesa, prinsepe at kabalyero? Ang panahon ng medieval o mas kilalang "Dark Ages" sa modern world? Kaya mo bang harapin ang lahat ng tao at pangyayari na nakatakda sayo sa panahon na iyon? Masasagot mo ba ang tanong na, Totoo ba ang lahat o Kasinungalin lang? -- Kilalanin si Thalia Hermosa, ang pasaway ngunit madiskarteng babae mula sa 2019. Lahat ng klase ng tao ay kaya niyang pakisamahan. Pero paano kung isang araw, ang mga kailangan niya ng pakisamahan ay mga tao na nagmula pa sa 15th century? Mga hari, reyna, prinsepe, kabalyero at mga simple at mababang uri ng tao? Magagampanan ba niya ng maigi ang tungkulin niya o tuluyan na siyang susuko? Samahan natin si Thalia na diskubrehin ang buhay noong "Dark Ages", ang Medieval time. At subaybayan natin ang lovestory niya sa 15th century. Date Started: June 21, 2019 Date Finished ON-GOING Game of Heart and Mind Written by: ConfidentlyChubbaby ©All Rights Reserved 2019.

Chubbaby1421 · 历史言情
分數不夠
24 Chs

Kabanata 19( Ang Katotohanan)

[Kabanata 19]

Gabi na ng nagising ako. Tumingin ako sa tabi ko para tignan si Hadrian, pero wala na siya roon.

Dahan dahan akong naupo mula sa pagkakahiga, nang biglang pumasok sa alaala ko ang nangyari kanina.

Namula ang pisngi ko at kusa akong napangiti.

May nangyari sa amin ni Hadrian.

Hindi ko mapigilan ang pagkakilig ko, humalukipkip ako at saka ibinaon ang mukha ko sa tuhod ko.

Matagal tagal din ako sa posisyon na iyon nang may maalala ako. Naalala ko ang pakiusap ni Anaya sa akin.

Napakagat ako sa aking daliri, ano ang dapat kong gawin?

Tumayo ako at naglakad ng paikot ikot sa kubo na tinutuluyan ko, pilit na iniisip kung ano ang gagawin.

Aalis na lang ba ako at hahayaan si Anaya na manalo o ipaglalaban ko ang kung anong mayroon kami ni Hadrian.

Tumingin ako sa bintana, nakita ko ang iba na abala namaahagi ng pagkain.

Ang iba naman ay nagkakasiyahan sa palibot ng apoy.

Lumabas ako ng pinto para hanapin si Hadrian.

Lalaban ako kahit ano ang mangyari, si Hadrian lang ang tanging mayroon ako.

Nagumpisa kong ikutin ang mga tao na nandito sa labas, pero wala ni anino ni Hadrian.

Bigla kong naalala ang sinabi niya na kakausapin niya ang mga magulang ni Anaya pagdating ng hapunan. Tama! Malamang ay nandoon siya.

Handa na sana ako tumakbo ng maalala na hindi ko pala alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam ang kubo nila Anaya.

Lumakad lakad ako hanggang sa makita ang isang lalaki na pamilyar sa akin. Isa siya sa mga lalaking nakita ko noong mapadpad ako, hindi na ako nagdalawang isip at nilapitan na siya.

Nagulat pa siya nang bigla akong humarang sa kaniya.

"B-Bakit? A-Ano ang iyong kailangan?" Tanong niya, hindi ko alam kung bakit siya nauutal. Kinakabahan ba siya o nahihiya? Ano man ang dahilan, ipinagkibit balikat ko na lang iyon.

"Hinahanap ko si Hadrian." Diretsong sagot ko.

"Hindi ko alam kung nasaan si Hadrian." tugon niya at akmang aalis na sana nang magsalita ako uit.

"Pero alam mo kung saan ang kubo nila Anaya, maari mo ba ituro sa akin?" Sabi ko na animo'y inuutusan ko siya.

Napatingin naman siya ng diretso sa akin dahil sa tono ng pananalita ko, nakita ko rin ang pagkurba ng labi niya atsaka ako sinenyasan na sumunod sa kaniya. Weird.

Naglakad kami papalabas sa kampo nila na ipinagtaka ko na, pero sa di maipaliwanag na pagkakataon ay nagtitiwala ako sa kaniya.

Tinahak namin ang kagubatan na tanging lampara lamang ang dala niya.

Tahimik.

Madilim.

Malamig.

Para na kaming papunta sa kawalan.

"Saan ba tayo pupunta? Pagod na ako, niloloko mo nalang ata ako." Reklamo ko atsaka huminto para maupo sa ilalim ng isang malaking puno.

Hindi na magarbo ang kasuotan ko. Isang simple na mahabang damit pambabae, kulay puti ang pangtaas at kulay brown naman ang palda.

" Malapit na, tumayo ka na diyan at humayo na tayo." Sabi niya.

Napabuntong hininga na lang ako atsaka muling tumayo para sumunod sa kaniya.

Nakakainis naman, ang layo naman ng kubo nina Anaya. Punyeta!

Nakailang oras pa kami sa paglalakad sa madilim na kagubatan, basang-basa narin ako ng paawis nang may makita akong liwanag.

"O diba sabi ko sa'yo malapit na eh." Sabi sa akin ng lalaking kanina ko pa sinusundan, inirapan ko lang siya at sumunod ulit ako sa kaniya. Grabe naman sa layo ang bahay neto nila Anaya.

Nang marating namin ang kubo, mayroon din mga lalaki na nakapaligid. Siguro bantay nila Anaya. Nagtanguan naman ang mga lalaki at ang sinusundan ko.

"Estong, mabuti at nandito na kayo." SAbi ng isa sa mga lalaking nakapaligid sa kubo.

Estong pala ang pangalan niya. Kayo? Inaasahan din nila ako rito? Nagkibit-balikat na lang ako at sumunod sa kaniya papasok.

"Nandito na kami." Ani ni Estong nang makapasok siya sa pintuan ng kubo, nakita ko si Hadrian na naka tungo sa lamesa habang may tinitignan at napapaligiran din ng sino man na mga lalaki. Lumingon si Hadrian sa gawi namin at ngumiti, habang ako ay inililibot pa rin ang mga mata. Nang makaramdam ako ng tao sa harapan ko, mabilis ko itong tinignan at nakita si Hadrian na naka ngiti na sa akin.

"Sabi ko na nga ba at aalis ka sa iyong kubo para hanapin ako." Sabi niya atsaka pinisil ng bahagya ang ilong ko. Ganito na ba talaga kumilos ang mga kalalakihan sa medieval era? Parang nasa Gen Z lang ako eh.

"Inutusan ko si Estong na bantayan at dalhin ka dito kung sakaling hanapin mo ako." Sabi niya atsaka lumingon kay Estong para tapikin ang balikat nito. Napatingin na rin ako.

"Karangalan sa akin ang mapagsilbihan ang Reyna ng Gremoiah." Sabi ni Estong atsaka inilagay ang espada sa tapat ng dibdib at yumuko sa akin. Nanlaki ang mata ko, nanlamig at natatarantang napalingon kay Hadrian na diretso lang na nakatingin kay Estong. Mas lalo akong nataranta ng gayahin ng lahat ang ginawa ni Estong, maliban kay Hadrian.

"Huwag kang matakot, matagal na nilang alam. Si Estong ang isa sa mga nakita mo bago tayo mapunta sa kampo nina Anaya hindi ba? Kung naaalala mo noong kasal ni ate Sara, isa siya sa mga nasa lawa at naghanda ng mga paputok. Alam din niya na itinakas mo ako noong gabi na mapunta tayo kina Anaya, salamat kay Ginoong Sero. At ang mga kalalakihan na mga ito, ilan lang sila sa mga rebeldeng kawal na ayaw sa pamamahala ni kuya Favian. Ang ilan ay espiya natin." Pagpapaliwanag niya.

Nanatili nakaawang ang bibig ko nang marinig ang paliwanag niya. Ngumiti naman siya at tumango na sa mga tao dito dahilan para umayos na ulit sila ng tayo at ngumiti sa akin.

Bumalik na siya sa lamesa na kinatatayuan niya, sumunod naman si Estong at ang iba pa sa kaniya. Nanatili naman ako sa pwesto ko at pinanuod sila. Para silang nag me-meeting, nag paplano habang may tinitignan sa lamesa na hindi ko alam kung ako. Mayamaya pa'y lumingon sila sa akin.

"Mahal na Reyna." Sabi ng isang lalaki, inilahad niya ang kaniyang kamay. Humawak ako doon atsaka niya ako ginabayan ako papalapit sa lamesa kung nasaan si Hadrian, lahat sila ay nakatingin sa akin. Lumapit ako kay Hadrian, hinawaka niya ang kamay ko at sinenyasan na tumingin sa kanina pa nila tinitignan.

"Mapa?" Tanong ko.

"Oo, eto ang Kaharian ng Karshmarh. Heto naman ang inyong kharina, Gremoiah." SAbi niya habang tinuturo ang mga lugar isa-isa. May mga maliliitdin na parang action figure doon at maliliit na banderitas na nakadikit sa maliit na kawayan.

"Bakit niyo tinitignan?" Tanong ko nang biglang nagsalita ang isa sa mga rebeldeng kawal ni Favian.

"Narinig ko ang bastardong Hari. Limang araw simula ngayong araw, lulusubin nila ang inyong kahariang Gremoiah mahal na Reyna. Ang isang upuan na bakante at walang sinuman ang nakaabang na uupo ay parang isang bakanteng lupa na malaya niyang matatayuan ng bahay. Iaanunsyo niya na ikaw ay namatay at sasakupin niya ang Gremoiah. Isa siyang hibang at uhaw sa kapangyarihan." Nanggagalaiting paliwanag niya sa akin.

Napalingon ako kay Hadrian na ngayon ay diretsong nakatingin sa akin.

"Ano ang masasabi mo mahal na reyna? Ano ang maaari namin gawin?" Nakangisi niyang sabi. Nang aasar ba siya? Napatikhim ako at napayuko dahil wala naman akong alam sa ganito, napapanuod ko siya dati sa mga movies pero hindi ko naman inisip na mangyayari din pala sa akin ito. Narnia pa naman huling napanuod ko, baka tawagin ko lang si Aslan.

Narinig ko naman na natawa si Hadrian kaya tinignan ko siya, umiiling iling pa ang ulo na ibinalik ang tingin sa mapa. Ang mga kasama rin namin dito sa loob ay natawa rin ng mahina. Trip nila ako?

"Oh siya, may ilang araw pa tayo. May naiisip na ako pero kailangan natin maghanda. Estong! Pulungin mo lahat ng mga rebeldeng kawal at hasain sa pakikipaglaban at pag gamit ng aramas. Ikaw na ang bahala sa oras." Pag utos ni Hadrian kay Estong, tumango naman ang lalaki.

"At ikaw mahal na reyna..." Baling niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero para akong nanlamig sa gulat at nanlaki ang mga mata.

"... kailangan mo rin mag sanay sa pag gamit ng armas. Para sa iyong kaligtasan mo rin ito, batid ko na kaya mo maging eksperto sa ilang araw lamang dahil ikaw ay matalino. Ako ang magtuturo sa'yo bukas ng umaga." Pagpatuloy niya, kaya naman ay napatango nalang ako.

"Hadrian, nandito na sila Mang Kanor, kasama ang kaniyang mag ina at ang buong kampo." Sigaw ng isang lalaki na nasa labas.

Sino si Mang Kanor? Isa lang naman ang Mang Kanor na kilala ko, at hindi pang bata iyon.

Tumingin ako kay Hadrian, naramdaman niya naman siguro na naguguluhan ako kaya tumingin rin siya sa akin. Ngumiti at hinawakan ang kamay ko, atsaka htumingin ulit sa pinto para hintayin na pumasok ang tinatawag nila na 'Mang Kanor'.

Unti-unting nahawi ang mga tao nang may pumasok sa pinto, pro hindi ko inaasahan na makikita ko rin si Anaya. Anong ginagawa niya rito?

"Maraming salamat po, at hindi niyo ako binigo." Pagbati ni Hadrian.

"Masama man ang loob ko sa pagtanggi mo sa kasal na aking alok sa iyo para sa anak ko, hindi ko naman maaring palampasin ang kalabisan ng baliw na hari. Isa pa mayroon tayong batang reyna na dapat protektahan." Sabi niya. Ibig sabihin, tumanggi si Hadrian sa kasal, at alam na talaga nila kung sino ako.

"Reyna Cyndriah, ipagpaumanhin mo sana ang unang pagkikita natin. Hindi talaga namin inaasahan na ikaw ang reyna na nais pabagsakin ng baliw na batang hari ng Karshmarh. Ginamit pa nila ang aming tribo at tinawag na mga pagano para hindi siya paghinalaan, isa siyang kampon ng kasamaan." Galit na galit niyang sabi, habang ako naman ay naguguluhan.

"Naalala mo ba ang pagsalakay sa inyo noong araw na nasawi ang iyong mga magulang? Napag alaman namin na si Favian ang may utak 'non. Maging ang pagpaslang sa aso mo na si Thalia, ang pagkamatay ng kabigan mo na si Lolita, si Favian ang may pakana ng lahat ng iyon. Nais niyang pabagsakin ka gamit ang iyong mga kahinaan. Ang kaluluwa niya ay animong nakasanla sa isang demonyo." Paliwanag ni Hadrian, nakukuyom ang mga kamaoo. Hindi ko rin napigilan ang pagtulo ng luha ko hanggang sa paghagulgol ko nang maalala ko ang lahat.

Halos mabaliw ako sa mga nangyayari na trahedya sa akin, tapos yung taong nasa paligid ko lang pala ang may gawa.

"I-isa siyang demonyo." Wala sa sarili kong tugon.

Lumapit si Hadrian sa akin para yakapin at aluhin ako para kumalma. Tumingin siya sa mga tao kahit na hindi inaalis ang pagkakayakap niya sa akin.

"Magsitulog na kayo, bukas na bukas pag tilaok ng manok. Mag uumpisa na tayo ng paghahanda at pag eensayo," Saad niya tsaka sumaludo ang lahat sa kaniya, animo'y isa siyang hari na minamahal ng lahat.