webnovel

Game Of Heart And Mind (Tagalog)

Paano kung isang araw pag gising mo, mabalik ka sa makalumang panahon? Panahon kung saan mayroon hari, reyna, prinsesa, prinsepe at kabalyero? Ang panahon ng medieval o mas kilalang "Dark Ages" sa modern world? Kaya mo bang harapin ang lahat ng tao at pangyayari na nakatakda sayo sa panahon na iyon? Masasagot mo ba ang tanong na, Totoo ba ang lahat o Kasinungalin lang? -- Kilalanin si Thalia Hermosa, ang pasaway ngunit madiskarteng babae mula sa 2019. Lahat ng klase ng tao ay kaya niyang pakisamahan. Pero paano kung isang araw, ang mga kailangan niya ng pakisamahan ay mga tao na nagmula pa sa 15th century? Mga hari, reyna, prinsepe, kabalyero at mga simple at mababang uri ng tao? Magagampanan ba niya ng maigi ang tungkulin niya o tuluyan na siyang susuko? Samahan natin si Thalia na diskubrehin ang buhay noong "Dark Ages", ang Medieval time. At subaybayan natin ang lovestory niya sa 15th century. Date Started: June 21, 2019 Date Finished ON-GOING Game of Heart and Mind Written by: ConfidentlyChubbaby ©All Rights Reserved 2019.

Chubbaby1421 · 历史言情
分數不夠
24 Chs

Kabanata 17 (Isla)

[Kabanata 17]

Nagising ako sa lamig ng hangin at tunog ng alon, agad akong naupo at hinanap ng paningin ko si Hadrian. Nakita ko siyang nakahiga at napapalibutan ng kababaihan. Naalala ko tuloy kung paano kami napadpad dito.

Sa haba ng inilalakbay namin, naramdaman ko ng unti-unting napapagod ang kabayo namin. Naramdaman ko rin na unti-unti ng bumibitaw ang kamay ni Hadrian sa akin. Mabilis akong lumingalinga upang tignan kung may tao sa paligid. Inihinto ko ang kabayo sa tabing dagat atsaka bumaba, pero parang maling galaw iyon.

Naramdaman ko na may tumutok na matalim na bagay sa leeg ko at kusang napaluhod, hindi ko iniisip ang sarili ko sa ngayon. Si Hadrian ang tanging iniisip ko.

"Ilahad mo ang iyong ngalan!" Utos ng isang lalaki. Malaki ang boses niya at maton ang pangangatawan.

Matagal akong hindi nakasagot, iniisip kong maigi kung sasabihin ko ba ang pangalan ko.

"T-Thalia." Sagot ko sa wakas. Wala na akong ibang naisip kundi sabihin ang pangalan na kinalakihan ko. Ang pangalan na kilala ko ang sarili ko.

Naisip ko rin kasi na kapag sinabi ko ang ' Cyndriah' baka lalo nila akong patayin. Isang dugong bughaw si Cyndriah,. Kung nung umpisa pa lang ay gusto na ako patayin ng kung sino, paano pa kaya kung sasabihin ko ang pangalan na iyon sa mga tao na hindi ko naman kilala.

"Thalia. Kakaiba ang iyong ngalan." ani ng lalaking may hawak ng sibat na nakatutok pa rin sa aking leeg.

Mabuti na lang rin at nakapang tulog ako ngayon, hindi gaanong magara ang damit ko. Siguro naman at hindi na nila mahahalata.

Inutusan ng lalaking maton ang iba niyang kasamahan na ibaba na ang mga armas at tignan ang kasama ko. Sinundan ko sila ng tingin at ipinagdarasal ng tahimik na sana ay matulungan nila ako.

"Mukhang napasabak sa matinding labanan ang iyong kasa--" hindi na naipagpatuloy pa ng lalaki ang sasabihin niya dahil nagsalita na ang isa sa kasamahan nila.

"Pinuno! Si Hadrian!" Agad na tumakbo ang tinawag niyang pinuno papunta sa kanila, habang dahan dahan naman akong tumatayo.

"Sino ka! Bakit mo kasama si Hadrian at bakit ganito ang kaniyang kalagayan?!" Galit na sigaw ng maton na lalaking tinatawag nilang pinuno at mabilis na lumapit sa akin para itutok muli sa akin ang kaniya espada. Nanigas naman ako sa kintatayuan ko..

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nararamdaman ko na rin ang nangingilid kong mga luha.

"K-kasintahan ko po siya, n-nakita ko nalang na ganiyan siya sa labas ng palasyo." Tama! Ganito nga, hindi nila dapat malaman na nang galing kami sa loob ng palasyo at ako ang mapapangasawa ng walang awang kapatid ni Hadrian na walang ginawa para mapigilan na maging ganiyan ang itsura niya.

Tumango tango ang lalaki at muling tumakbo kay Hadrian. Naiisip ko tuloy, bakit niya kilala si Hadrian?

Sumama na kayo sa amin, sa kampo na muna kayo tumuloy. Kailangan ni Hadrian ng mabilis na gamutan.

Tumango ako bilang pagtango.

Binuhat ng pinunong lalaki si Hadrian, habang ako naman ay pinasunod ng isa sa mga lalaking kasama nila at pinasakay sa likod ng kabayo niya.

Habang bumabyahe ay konti-konti rin akong nakaramdam ng antok. Hindi ko na napigilan ang sarili ko napapa pikit na ang aking mata, hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa beywang ng lalaking nasa harap ko. Naramdaman ko naman na inabot niya ako ng kaliwang kamay niya para maalalayan, tsaka ko hinayaang mahulog ang sarili ko sa pagtulog.

-

Napabalikwas ako ng upo nang may marinig akong matinis na boses ng babae.

"Bakit hindi pa nagigising si Hadrian?" tanong ng babaeng may matinis na boses.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad pabilis sa mga nagkukumpulan na kababaihan. Bakit ba kasi sila nagkukumpulan dito? Parang ulam ang nakahain ah!

Nang makalapit ako ay hinawi ko ang ibang kababaihan, sila namang nagulat sa aking ginawa.

Nakita ko ang isang babae na halos kaedad lang namin. Nakaupo siya sa tabi ni Hadrian ngayon at hawak hawak ang mukha nito. Naginit ang ulo ko sa nakita ko, sino ba siya?

Lalapit sana ako nang biglang gumalaw ang hintuturo ni Hadrian, lahat ay napahinto maging ako at inaabanga ang susuond na mangyayari.

Sunod na gumalaw ang ulo ni Hadrian na animo'y binabangungoy. Ang babae naman sa tabi niya ay tila nasasabik sa paggising niya, hawak parin ang mukha niya sa kanan habang ang kaliwang kamay ng babae ay nakahawak sa kamay niya.

Ako? Nakatayo lang sa gilid, tahimik na naghihibtay sa gilid. Bakit pakiramdam ko ay out of place ako rito?

Napasinghap ang lahat ng konti-konting dumilat ang mata ni Hadrian, napangiti naman ako.

"Sa wakas gising ka na Hadrian! Ako ito si Anaya." Sabi ng babaeng nasa tabi. Naririndi talaga ako kapag naririnig ko ang boses niya, ang sakit sa eardrums.

"A-Anaya." nanghihinang banggit niya sa pangalan ng babaeng nasa harap niya, dahilan para mawala ang ngiti niya.

Kabaliktaran naman iyon para kay Anaya, gumuhit ang malapad na ngiti sa mukha niya. Sarap punitin.

"Kumuha ka ng tubig!" Utos ni Anaya sa akin naikinalaki ng mata ko, itinuro ko ang sarili ko para kumpirmahin na ako talaga ang inuutasan niya. Ang kapal naman ng mukha niya para utusan ako?

"Oo, ano pa hinihintay mo?" Pagkumpirma niya.

Napatingin naman ako sa paligid at nakitang lahat sila ay nakatingin sa akin, para bang hinahantay nila na sumunod ako sa utos niya. Sino ba siya?

Sa huli ay tumalikod ako at naglakad palayo.

Lumapit ako sa isa sa mga kasamahan nila at tinanong ko kung saan ako makaka kuha ng tubig, itinuro naman niya ako sa isang sulok ng kampo nila na puno ng mga malalaking palayok. Pumunta ako roon at kumuha ng isang hugis bao, malinis naman ito at nagmimistulan itong baso nila. Pagkatapos ko magsalin ng tubig sa dalawang bao ay bumalik na ako sa kinaroroonan nina Hadrian.

Dalawa na kinuha ko nakakahiya naman kasi baka mag reklamo pa yung babae.

Pagbalik ko ay nililinis na ng babae ang mga sugat ni Hadrian. Nakakaupo naman siya ng maayos dahil hindi naman malala ang tama niya sa paa, more on katawan ang mga tama niya.

Habang pinapanuod ko kung paano dumapo ang kamay ni Anaya kay Hadrian, ganoon nalang ang kagustuhan ko na ibato sa kanila ang dalawang bao na hawak ko. Hindi ko alam kung ano ni Hadrian si Anaya, pero nag seselos ako.

Nalinaw ko naman siguro sa kanila na kasintahan ako ni Hadrian kagabi ah?

Lumapit na ako at iniabot ang tubig kay Anaya. Tinignan ko naman si Hadrian na ngayon ay nakatingin din sa akin at bahagyang nakangiti.

"Salamat" ani ni Anaya. Palihim akong umirap, narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Hadrian. Mabilaukan sana.

Hindi nga nagtagal ay narinig ko na biglang naubo si Hadrian, habang ah lintang si Anaya naman ay nakaalalay sa kaniya at himihimas siya sa likod.

"Ganoon nalang ba ang uhaw mo? Dahan dahan lang." Ani niya.

Mabuti nga sa'yo, isip isp ko. Ako naman ngayon ang natawa ng mahina.

"Maiwan ko muna kayo" saad ko, atsaka naglakad palayo sa kanila.

Pero ang totoo, nagpunta lang ako sa sulok at masamang nakatingin sa kanilang dalaea habang nag lalandian sila.

May tinatagong landi rin pala itong si Hadrian.

Lumipas ang ilang linggo, dito kami namalagi. Tumutulong ako sa mga gawaing pambabae, habang si Hadrian ay patuloy lang sa pagpapa galing.

Ngayon, tuyo na ang mga sugat niya atnakabawi na rin siya ng lakas. Paminsan minsan ay tumutulong siya sa pangingisda, pagkuha sa mga sanga para sa apoy, paghuli ng hayop para sa aming kakainin.

Sa ilang linggo namin dito ay laging si Anaya ang kasama niya, hindi ko rin siya madalas kausapin dahil naiinis ako sa kaniya.

Sinabi ko na rin kay Hadrian na 'Thalia' ang pagpapakilala ko sa kanila, aking ipinaliwanag ang dahilan at kaniyang naintidihan ito. Nakasanayan niya na rin akong tawagin na Thalia.

Sa totoo lang, mas gusto ko iyon.

Nasa malapit na sapa ako ngayon upang maglaba ng damit. Nakasanayan ko na maglaba rito, kahit na wala pang sabon. Ang ginagawa ko nalang bago ko isampay ay pipitas ako ng bulaklak, ibabad ko iyo sa tubig tsaka ko ibababad ang mga damit. Instant fabricon.

"Thalia" nagulat ako ng biglang yumakap si Hadrian sa aking likod.

"Ikaw ba ay naninibugho pa rin kay Anaya?" tanong niya.

Nanatili naman akong tikom ang bibig habang nagkukusot ng damit namin.

Umalis naman siya sa pagkaka yakap atsaka umupo sa tabi ko.

"Si Anaya ay kababata ko. Ang tribong ito ang pinagmulan ng aking ina." Saad niaya dahilan upang mapatigil ako sa pagkusot at mapatingin sa kaniya. Hindi rin naman siya nagpatinag at diretsong nakatingin sa akin.

"Dito ako lumaki bago ako kuhanin ni ama at dalhin sa palasyo. Batid mo naman na ako ay anak sa labas hindi ba?" Tumango naman ako bilang pag sagot sa kaniyang tanong.

"Noong ipinagkasundo ka ng iyong mga magulang kay kuya Favian ay labis akong nasaktan. Umuwi ako rito para sana maglabas ng sama ng loob kay ina, pero siya pala ay kukuhanin na ni Bathala noong araw na iyon." Bahagya siyang napayuko at napapunas sa kaniyang mata.

"Sinabi ng pinuno na ako raw ay ibinilin ni Ina sa magulang ni Anaya, kaya naisip nila na sa aking susunod na pag uwi ay dapat maging magkabiyak na kami ni Anaya. Hanggang ngayon ay pinanghahawakan nila iyon, at pinaplano na ang pag iisang dibdib namin." Pagpapatuloy niya.

Tahimik lang ako, ibinalik ko ang atensiyon ko sa pagkukusot ng damit.

Ano yun? Iniligtas ko siya dahil mahal ko siya. Pero bandang huli papanuorin ko lang pala siyang ikasal sa ibang babae.

" D-Dapat ba umalis na ako? Dapat ba bumalik na ako sa palasyo?" nanginginig ang boses ko ng itanong ko ito sa kaniya habang patuloy la rin sa pagkukusot ng damit.

"Hindi. Bakit ka babalik? Siguradong kapahamakan ang nag aabang sa iyo roon." Sagot niya.

Yun lang ba ang sasabihin niya? Hindi niya man lang ba ako pipigilan?

Tumingin ako sa kaniya kahit na pilit kong pinipigilan ang aking mga luha, nakita ko na ganoon din si Hadrian.

"E anong gagawin ko rito? Panoorin ka kung paano ka ikasal sa ibang babae? Habang ako, pinang hahawakan ko lang ay ang mga matatamis mong salita, yung pangyayari sa talon at mga pangako mo?" Hindi ko na napigil ang sarili ko at nag unahan na pababa ang aking mga luha.

"Paano ako Hadrian?" Diretsong tanong ko.

"Kakausapin ko sila. Pangako magiging maayos ang lahat, h-huwag kang bibitiw sa akin." Sabi niya, tuluyan na rin siyang naiyak. Niyakap niya ako ng mahigpit, ganon din ang ginawa ko.

Walang ibang maririnig sa lugar na ito ngayon kundi ang pag hikbi namin dalawa.

Naniniwala at nagtitiwala ako kay Hadrian.

Malayo na ang narating namin, marami na rin ang namatay. Hindi ako papayag na kung kaylan kami nakalayo sa palasyo at malapit ng maging malaya ay tiyaka pa matatapos kaming dalawa.

Ngayon alam ko na.

Pagdating sa pag-ibig, handa talaga ang isang tao na sumugal. Handa ang isang tao na gumawa ng kahit ano, kahit ikapapahamak pa niya basta para lamang sa taong mahal niya.

Para kay Hadrian, handa akong gawin lahat. Handa akong isugal ang sariling buhay ko para lang sa kaniya. Handa akong mag stay sa tabi niya, kahit na maikasal siya sa iba o hindi.

Dahil pagdating sa pag-ibig, wala tayong hindi kakayanin. Masakit man ito o masarap. Madali man o mahirap.

Kapag mahal mo, mahal mo. Hanggang kamatayan.