webnovel

Chapter 1

"Kuya! Ano kaba!"

Sinampal ako ng kapatid kung babaeng galit dahil sinuntok ko sa mukha ang jowa niya.

"Sabi ko diba hiwalayan mo na yang lalaking yan!" sabi ko sa kanya.

Tumayo ang lalaking sinuntok ko at nag salita.

"Pre di naman kita ina ano ah. Bawal ba mahalin ang kapatid mo? Tsaka ikaw nga dapat ang di dapat lumapit sa kanya! Basagulero ka kasi. Diba dapat nga ikaw nag nag proprotekta sa kanya? eh bat ka sumasali sa mga gang diyan?"

Nainis ako sa mga bweltang sinasabi niya. Tama nga siya ako nga dapat ang nasatabi ng kapatid ko. Ako dapat nga dapat ang nagbabantay sa kanya. Nakakainis mang isipin pero ko tama siya. Tumahimik nalang ako.

"Kung wala kang matinong gawin kuya umalis kana!"

Tumayo lang ako sa harapan nila.

'Luna ginagawa ko to para sayo. Kambal kita Luna, ikaw nalang natitirang pamilya ko. Sana maintindihan mo ako.'

"Umalis na tayo Jake."

Tumalikod at lumakad sila papalayo sa ako. May tumapik sa likod ko at susuntukin ko na sana.

"Boss ako to! Kalma!"

Siya si Leroy Kababata at kanang kamay ko.

"Bakit? Anong meron?"

"Late na tayo boss, baka nakalimutan mo week end classes tayo."

"Wala na akong ganang pumasok."

"Bakit boss? Tungkol bato sa kambal mo? Ok lang yan boss 1 year nalang oh graduate kana! Magsipag ka naman!"

"Ikaw dapat magsipag Gaguh! Ikaw na nga nangongopya mali kappa!"

"Ayusin mo kasi sulat mo boss parang doctor!"

"Yung nga plano ko, ang maging doctor, atleast parang doctor na ako dahil sa penmanship ko."

"Bobo mo boss."

"Mas bobo ka."

"Ikaw boss."

"Ako 1st honor niyo tanga. Oo nga pala anong balita sa pamilyang ipina imbestigahan ko?

"Mabait naman sila boss. Matandang babae na may isang anak na babae rin."

"Hmmm…"

"Tsaka sabi ni sister kaylangan niya dawn g makakatulong sa gawaing bahay nila. Si Luna nalang ang dalagang natira duon. Tinangap naman si Luna kaya lilipat na siya next week."

"Ganon ba? Sana ol."

'Mabuti naman nakahanap na siya ng pamilya'

"Di kaba babalik sa orphanage boss?"

"Alam mo naming perwisyo lang ako don diba?"

'Ayoko nang mag alala sila sa mga pinag gagawa ko para makapag aral ng maayus si Luna'

Pumasok na kami sa paaralan at sinalubong ako ng mga binatang naka linya. Bigla silang yumuko at sumigaw sa harapan ko.

"Goodmorning Boss!"

Oo nga pala I'd like to introduce myself kasi nakalimutan ko.

Ako si Gold kambal ni Luna. Ako lang naman ang boss ng grupo naming kung tawag [King Fisher]. Oo gang to pero di kami nanakit or nang bubully. Sa totoo lang tumutulong kami sa mga binatang umaapak sa maling andas. Nag papatrol dini kami sa lugar naming baka may kung ano mang nangyayari, halimbawa may mga batang gumagamit ng vulcasin ay sinasaway naming at sinasabihang para umayos. Minsan nga merong mga away. Pero kahit anong gawin naming marami paring mga sakit sa ulo. Yun na muna papasok na ako.

Nograles Public Highschool

[Recess time]

"Boss shift mo parin ngayun boss? Parang wala kang rest day ah tsaka minamanage mo pa ang grupo"

"Yes sir, kaylangan para para pang tuition ni Luna."

"Scholar naman siya boss eh? Libre na tuition niya at tsaka private school siya! Ateneo BOSS! A. T. E. N. E. O ! Kung hindi mo lang sana.."

BANG!

Nagulat bigla ang mga estudyante sa ingay ng sinontok na lamesa

"Nakapasok siya kasi pinag hirapan niya yon Leroy"

"Sorry boss nakalimutan ko. Pero libre naman siya halos boss eh."

"Bobolski ka talaga para pang college niya to."

"Eh boss pano pang college mo boss?

"Hahanapin natin yan ng paraan. Baka nakalimutan mo motto natin"

"Mottorola!"

"Vovo! Ang buhay ay?"

"weather weather lang!"

"Hahaha ulol tara na nga mag aral tayo por the pyut tyur!"

"Mali spelling mo boss."

"Alam mobang anong ibig sabihin ng sarcasm?"

"Hindi Boss eh."

"Same tayo."

Nagkatinginan kami at tumawa nalang papasok ng klase.

Fast forward >>>>>

"Boss! Mauna na muna ako boss!"

"Kami rin boss!"

"Kami na muna mag roronda boss!"

"Wag kanang mag alala at mag trabaho ka muna, Ako naang bahala sa kanila" Sabi ni Leroy sa akin.

"Salamat, mauuna na ako"

Agad akong pumunta sa lugar kung saan ako nag tatrabaho. Sa isang private owned na convenience store sa tapat ng isang hospital.

Kling! Kling! Tunog ng mga maliliit na kampanang nakabitay sa pintoan

Pag pasok ko ay binati ako ng may ari.

" Oh Nandiyan kana pala, kain kana muna."

"Salamat Sir, gutom na nga rin."

"Kumusta ang araw?"

"Nakita ko ang kambal ko, kasama niya ulit yung nobyo niya."

"Hayaan mo na muna siya, alam naman nating di naman sila gumagawa ng masama diba?"

"Oo nga pero iba ang kutob ko sa kanya eh."

"Diba sabi mo nangaling siya sa isang marangal na tahanan?"

"Oo nga sir pero yung feeling ko kasi parang ano eh. Parang isa sa sa amin."

"Guni guni mo lang yun. Siya siya mag umpisa kana pag tapos mong kumain."

"Ok sir."

"Oo nga pala nakalimutan ko.Eto para sayo."

May binigay ang boss ko saakin na isang resibo.

Binuksan ko at nagulat ako may laman pera

"Sir! Bat ang dami nito?"

"Para yan sa future mo. Sabi mo nga diba mag dodoctor ka."

Lumuha konti yung mga mata ko.

"Salamat sir!" malawak ang ngiti ko sa binigay nap era sa akin.

"magtrabaho kang maigi ngayun, matutulog na ako sa taas."

"Yes sir pagbutihin ko!"

Nag umpisa na akong mag trabaho sa store. Nag arrange ako ng mga misplaced na products at nag inventory, may mga costumer rin paminsan minsan, night shift ka pala ako. Habang nag aarange ako may pumasok na dalawang binata at kumuha ng isang pack ng condom.

'Wow anong meron?' sabi ko sa isipko.

Pumunta ako kaagad sa counter para pag serbisyohan sila.

"Magkano nga to?"

"300 sir."

"mahal ha, pero cge nalang."

Dali ko silang sinuklian at binalot ko ang binili nila. Matapos ang transaksyon ay bumalik ako sa trabaho ko. Habang papalabas sila may narinig ako sa kanila na nag pasirit sa aking dugo.

"Ano nga yung pangalan ng dadalhin niyang isang babae? Luna?"

Nang marinig ko ang pangalan ng kambal ko biglang dumilim ang isip ko.

"Luna? Tang inaaaaaaa!!!!!"

Iniwan ko ang trabaho ko at bigla akong tumakbo papalabas.

Para akong sinapian sa pag takbo. Nakita ko silang nag tatawanan at bigla kong sinipa sa likod ang isang lalake.

"Gago anong ginawa mo!"sigaw ng isang lalake

Agad kong sinuntok ang kasama niya hangang sa dina makapag salita at nawalan ng malay.

Nagamalay ang sinipang lalake sa likod

"Aray yung likod ko. Sinong gagung!"

Pag tayo niya nakita niya nalang ang kasama niyang bugbog sirado at pikit na ang mata. Bigla siyang natakot sa nakita niya. Babanta sana siyang tumakbo pero may dalawang kamay ang naka patong sa balikat niya.

"Saan si Luna?"

.....

"Jake saan tayo? Hating gabi na kaylangan ko nang umuwi."

"Kalma lang chill lang to." Nakangiting sabi ni Jake habang pumasok sa isang room sa loob ng bar.

"Nice place right babe?"

"Babe? Gago anong babe?"

"Oy Jake siya naba?"

Tumingin si Luna sa lugar kung saan nakita niyang may tatlong lalakeng naka upo sa sofa.

"Oo siya si Luna" sabi ni jake na pangiti.

...….

"Saan si Lunaaaa!!!"pasigaw na pag sabi ni Gold

"Hindi ko alam! Oof"

Sinuntok ni Gold sa tiyan ang lalaki ng dalawang beses.

"Teka! Sasabihin ko na! sa May Gravity bar! Room 004!"

Sinipa ko siya ng isang beses at nawalan siya ng malay.

Agad akong tumakbo papunta sa Gravity bar mabuti nalang medyo malapit.

...….

Gravity bar

"Jake ano to?"

"Mga kasama ko sila, may atraso kasi ako eh."

"Anong atraso?" nanginginig sa takot si Luna

"May utang ako sa kanilang pera."

"Tapos? Anong kinalaman ko don? At bat kaylangan mo ng pera mayaman ka naman!"

"Di naman ako always nakaka hingi ng pera sa parents ko eh."

"Hahahaha Sabihin mo na kasi ang totot Jake!" sigaw ng isang lalakeng naka bonet.

"Anong pinag sasabi niyo?"

"Ingay mo naman. Yang si Jake na kung akala mo kay bait ay niloloko kalang haha!"

"Adik yan eh! Inosente lang masyado ang mukha para di pagkamalan haha!"

"Aalis na ako!" sigaw ni Luna.

Nangingig ang buong katawan ni Luna sa takot. Tumalikod siya agad at tatakbo sana ng hinila siya pabalik at tinulak sa sofa.

"Waag!" sigaw ni Luna. Lumaban si luna at sinipa si Jake sa mukha.

"Tang ina mo umayos ka!" Hinawakan ni Jake ang mga paa ni Luna hang titingnan sila ng tatlong lalake na tumaatawa sa kabilang sofa.

'Tama ga si Kuya,sana di ko nalang siya sinagot. Kuya tulong! Kuyaaaaaa!'.

Boom!

Biglang bumukas ang pinto at may taong biglang pumasok! Sinuntok niya sa mukha si Jake na agad namang ikina tumba nito.

"Luna!!" sigaw ni Gold.

"Kuyaa!" biglang umiyak si Luna at niyakap ang kuya niya.

Tumayo kaagad ang tatlong lalake at sinugod si Gold.

"Duon ka muna sa may dulo Luna." Ako nang bahala sa kanila.

Sinugod ni Gold ang tatlong lalake. Sumipa bigla sa kaliwa ang naka bonet na lalake, agad naman itong nailagan ni Gold nang tumalon siya at nag back flip sabay sipa sa mukha sa lalaking naka bonet at agad naman nitong ikinatumba. Sunod na sumugod ang lalaking naka shades, tumakbo siya at sinontok si Gold sa mukha. Umatras konti si Gold para imbalance ang kanyang katawan.

"Tang ina non, ang hina" Gumanti si Gold at sinuntok niya ang lalake sa baga.

Pagkatapos sinipa niya ang ulo at nawalan ito ng malay. Ang huling sumogod ay may malaking katawan. May tattoo sa mukha ng isang sawa. Sinuntok niya si Gold sa may mukha. Natumba si Gold at tumayo ulit at sumugod sa lalaki. Tumalon siya at kumapit sa balikat ng lalaki at agad sinontok sa mukha. Pag katapus inakyat ni Gold ang malaking katawan ng lalaki, tumalon at siniko sa ulo.

"Aray! Puta!" sigaw ng lalaki

Hinawakan ng lalaki ang braso ni Gold at agad siyang tinapon. Tumilapon si Gold papunta sa pader at sumigaw sa sakit ng pagka tapon sa kanya. Tumayo ulit si Gold at tumakbo ng mabilis. Kumuha ito ng boteng walang laman at hinampas sa ulo ng lalaki. Nabasag ang bito at sa wakas nawalan siya ng malay.

Pinuntahan kaagad ni Gold si Luna.

"Luna ok kalang?" Palumpong lumakad si Gold papunta kay Luna.

"Kuya!" umiiyak si Luna nang nakita niya ang kanyang kuta na duguan.

"Haaaa! Salamat naman walang nangyari sayu." Papalapit n asana si Gold nang biglang sumigaw si Luna.

"Kuya sa liko…..!" pero bago paman makatapus salita si Luna, nakita nalng niyang may basag na bote nang nakasaksak sa likod ni Gold.

"Kuyaaaaa!!!!!!!!" Sumigaw ng malakas si Luna.

"Luna…." Biglang natumba si Gold. sa likod niya si Jake hawa ang basag na bote.

"Gago ka Gold ah, sinira mo plano ko!" Parang nasapian si Jake sa ginawa niya.

"Ah! Huh? Anong ginawa ko!�� Bumalik sa malay si Jake pero huli na ang lahat

Biglang may pumasok na lalake sa lugar at nakita niya ang pag kasaksak ni Jake kay Gold. tumawag agad ito ng tulong at tumakbo papunta kay Jake para hawakang mahigpit ang kanyang mga kamay ng di ito makawala.

Agad linapitan ni Luna si Gold at niyakap.

"Kuya gumising ka please!" sigaw ni Luna.

Pero kahit anong sigaw niya di an gigising si Gold kasi wala itong hininga.

......

"Gasp! Ah ahhh ahh haaaaaa! Di ako makahinga! Tulong!!"

"Airo? Airo!" May babaeng biglang tinulungan si Airo makababa sa lubid kung saan siya nakabitay.

"Airo bat mo yun ginawa!" umiiyak na sinabi ng babae.

"Airo? Huh? Sino ka?"

"Mama mo ito!" paiyak na sigaw ng babae.

'Mama? Wala naman akong mama ha?'

'Teka si Luna!'

Bigla akong tumayo at nakita ko ang sarili ko sa salamin.

"Huh? Sino….."

Biglang bumalik ang mga ala ala ni Gold.

'Di ito yung katawan ko.��

Tining nan ni Gold ang lubid na nakabitay sa kisame.

'Imposible….'

(Chapter End)