Kristan's POV
"Ang totoo kasi niyan…" sabi sa amin ni Tito Lance habang nasa waiting area kami ng hospital.
"May sakit si Mikay. Hindi ko alam kung bakit niya itinago sa inyo pero it's been months since nalaman namin ito." Sabi ni tito na nagpatigil sa mundo ko.
Mikay….
"A-ano po ang sakit niya tito?" tanong ni Oliver ng mahinahon.
Tinignan ko siya, kalmado lamang siya at parang wala man lang siyang nararamdamang lungkot.
Nakakaawang tignan ang kilos niyang iyon.
"Stage 3 brain cancer. Last month lang namin nalaman na umabot na ng stage 3 ang sakit niya at kailangan niyang mag-undergo ng chemotherapy. Gabi gabi siyang sumisigaw sa pagsakit ng ulo niya, parang tinutusok raw iyon. We tried before na pawalain iyon through medicines, pero walang nangyari." Sabi ni tito at napansin ko ang namumuong luha sa mga mata niya.
"If only I pushed her to undergo operation that time, hindi sana siya nandito ngayon. I'm a failure, ni hindi ko man lang natulungan yung anak kong gumaling."
Marahan kong hinaplos ang likod ni tito Lance. Pinapakalma ko siya kahit na gusto ko na ring umiyak ngayon.
"Hindi mo kasalanan ang nangyare tito, sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana." Sabi ko at pinapatahan siya maging ang sarili ko.
Ilang minuto rin kaming tahimik na naka upo doon hanggang sa nagpasiya si Cassie na tignan si Mikay sa ICU.
"Tito, Kristan, bibisitahin ko lang po si papa sa room niya." Sabi ni Oliver at umalis na muna doon.
Sinundan ko siya ng tingin.
Alam kong nagsisinungaling siya.
Hindi naman talaga siya pupunta sa room ng papa niya.
Gusto ko siyang sundan, dahil namuo ang pag-aalala sa damdamin ko.
Oliver may look like strong from the outside, but deep inside he's soft hearted.
Kumbaga sa aming apat, siya yung tipong crybaby pero ayaw niyang ipakita.
At iyon ang ipinag aalala ko sa kanya.
I wish hindi siya gagawa ng reckless na bagay dahil sa nangyayare.
I can't bear loosing another friend.
Nagpaalam na muna ako kay tito at nagpasiyang sundan si Oliver.
I hope he will not do anything.
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_
Oliver's POV
Pagkaalis ko sa may upuan ng waiting area ay naglakad ako ng naglakad.
I don't know kung saan ako papunta, hindi ko na alam kung ilang tao na ang nadaanan ko.
"Bakit mo naisipang pumunta dito?" tanong ko kay Mikay at umupo sa may buhangin.
Umupo na rin siya sa tabi ko at pinagmasdan ang alon na humahampas sa mga paa namin.
"Wala lang, I just want to calm myself a little bit." she said, playing with the sand using her hand. "Nakakapagpagaan kasi ng loob ko ang dagat."
I sighed as that moment suddenly popped out in my mind.
Kaya pala gusto niyang pumunta sa dagat nung araw na iyon.
Maybe because she was thinking a lot that time.
"Hindi ko kasi alam kung….I'll regret everything na itinatago ko."
"Hindi ko alam kung sakaling mabunyag iyon, makakapag-explain pa ba ako."
You don't have to say sorry Mikay, but sana sinabi mo man lang sana sa amin ang nangyayare sa iyo.
I can feel the tears slowly falling from my eyes. I wiped those tears and continued walking until God knows how long and where.
"Thank you..for being the most caring friend na meron ako. I promise na kung ano man ang itinatago ko sa inyo ay meron akong sapat na reason."
Nang maalala ko ang katagang iyon ay napatigil ako.
Bigla na lamang akong natauhan at unti unting napansin kung nasaan ako ngayon.
I slowly walked hanggang sa railings at tumingin sa ibaba.
Naramdaman kong muli ang mga luhang patuloy na umaagos sa aking mukha.
Nararamdaman kong muli yung sakit na naramdaman ko noong araw na iyon.
Noong araw na hindi niya tinanggap ang pag ibig ko.
"I'm really sorry. It's just that...alam kong masasaktan lang kita."
Mapait akong ngumiti habang inaalala ang nangyare noong araw na iyon.
Lahat ng mga salitang nanggaling sa kanya.
Ang malungkot na mukha niyang noong araw na iyon ko lang nakita.
I'm so stupid na hindi ko man lang napansin na mayroon pala siyang dinaramdam.
Na ang buong akala ko lang ay ayaw niya sa akin kaya binasted niya ako that time.
Tumingin ako sa langit at nakita ko ang kulay ng papalubog na araw.
Paano kaya kung ako yung mawawala?
Paano kung ako na lang yung mamatay?
Mabubuhay kaya siya?
Gagaling ba siya….kung ako na lang yung mamamatay?
Ayaw ko pa siyang mawala, dahil hindi ko rin kakayanin kapag dumating ang araw na iyon.
Hindi ko na masisilayan ang maamo niyang mukha.
Ang matamis niyang ngiti
Ang napakaganda niyang tawa.
I can't bear to lose her.
Napapikit ako at huminga ng malalim.
Hindi ko kakayaning hindi ko siya makita pang muli.
Mahigpit kong hinawakan ang railings sa rooftop.
Mabuti pa sigurong ako na lang ang mauna.