Isang buwan ng nakakalipas ng malaman ko na hiwalay na sila Jenny Mae at Ethan. Naisip ko mukhang may maganda namang naidulot itong paghihiwalay nilang dalawa kasi dahil dito naging magkaibigan kami ni Jenny Mae. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya nakaka-move on kay Ethan pero naniniwala ako na makaka-move on rin siya balang araw.
Sa loob rin ng isang buwan na yun, gusto ko man siyang makausap pero ni anino niya hindi ko nakikita. Ni hindi rin niya tinitignan 'yung leave messages ko sa kanya kung kamusta na siya at okay pa ba siya. Minsan kasi naiisip ko na baka patay na itong lalaking ito pero huwag naman sana diba.
Hindi ko rin siya nakikita sa school. Sabi ng mga classmate niya kapag nagtatanong ako, pumapasok daw ito pero laging nagka-cutting. Aish, 'yung lalaki talaga iyun! Ano ba ang pinaggagagawa niya sa buhay niya? Kasi bukod daw sa pakikipag-cutting sabi ng mga classmate niya, nakikipag-inuman daw ito at may time daw na pumasok ito sa klase na lasing kaya siya nadala sa guidance office kasama 'yung mga kainuman niya na mga estudyante rin. Tsk. Kabata-bata pa, marunong ng uminom.
Gusto ko man siyang kausapin pero siya naman itong hindi namamansin. Gusto ko lang naman siya kamustahin. At gusto ko rin siyang tulungan na baguhin niya ulit ang buhay niya. Baka kasi ginagawa niya ito dahil broken hearted pa rin siya kay Jenny Mae. At katulad rin sa girlfriend niya na sa ngayon ay ex na niya, makaka-move on rin siya.
Hindi ko na rin pinipilit na kausapin siya kasi sa dinami-dami ko ng ginawa para mapansin niya at makausap man lang, inaamin ko sa sarili ko na pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa nararamdaman ko. Mabuti na nga talaga makalimot para mawala na ang lahat.
Final exam...
Last month na rin for this school year. At masaya ako kasi malapit na akong grumaduate.
Sobrang busy ko na rin masyado kasi ang dami kong kinomply sa mga subjects ko. Projects, assignments, SSG Projects, Reports, Research Paper at kung ano-ano pa. Siguro nga for two weeks, ito lang ang pinaggagawa ko na naging sanhi na rin ng sobrang pagka-busy ko. At dahil nga busy ako that time, nakalimutan ko si Ethan. Nakalimutan ko na kausapin siya. Pero bahala na. Ganun rin naman, hindi niya rin ako kakausapin at papansinin.
Isang araw, galing akong library niyon para isauli 'yung mga libro na hiniram ko last week dahil doon ako nagresearch masyado. Pagod na pagod at stress ako na bumalik ulit sa room. Break time niyon at pagdating ko sa classroom ay walang tao.
Pumunta ako sa permanent seat ko. Uupo na sana ako ng biglang makita ko 'yung puting envelope na nakapatong sa lamesa ng upuan ko. Hindi ko pa iyon tinitignan pero alam ko na kung kanino galing ang puting envelope na iyun. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat sa likod nito.
From your secret admirer: LYLE SPENCER
Napangiti ako. Sabi ko na nga sa kanya ito galing eh. Siya lang naman ang nagbibigay ng ganito sa akin.
Pero teka? Bakit mukhang ngayon lang siya ulit nakabigay ng letter sa akin? Sa daming buwan ang nakalipas, walang letter akong natanggap galing sa kanya. At ngayong araw lang ito siya nagbigay sa akin. Pero kahit ganun, masaya pa rin ako. Feeling ko nawala ang stress ko dahil sa letter na ito.
Dali-daling binuksan ko naman ito at binasa ang letter na nakasulat sa isang bond paper.
Dear Joan,
Kamusta ka na? Namimiss na kita. Na-miss mo ba ako? Sorry nga pala kasi matagal akong hindi nagparamdam sa 'yo. Galit ka ba? Huwag ka namang magalit sa akin. Ayoko na magalit ka eh. Kaya nga ginawa ko itong letter na ito dahil gusto kong humingi ng sorry sa iyo. Sana mapatawad mo ako. Sorry nga pala sa lahat ah. Pero kahit hindi man lang ako nagpaparamdam sa iyo, sinusubukan ko naman na tignan ka araw araw. Kung okay ka lang ba? Kung nakangiti ka ba lagi? Minsan, isang araw, nakita kitang nakasimangot. Gusto ko sana kita lapitan niyon pero... inunahan na ako ng kaba at takot. Baka kasi kapag nakita mo ako, baka layuan mo ako. Baka hindi mo ko pansinin kapag nagkataon. Alam kong nalilito ka na kung sino ba talaga ako? Kung bakit ko ito ginagawa sa iyo. Gusto ko lang talaga sabihin sa iyo na una pa lang talaga kitang nakita, nagustuhan na kaagad kita. Crush nga kita noong una pero sabi nila, ang crush daw, tumatagal lamang ng dalawang linggo bago mawala. Pero hindi ito nawala pagdating sa akin, hanggang ngayon kasi... gusto pa rin kita. At hindi lang rin kita gusto, mahal na mahal pa kita.
Sana sa pagdating ng panahon, mahalin mo rin ako. At sana sa pagdating ng panahon, makita mo na ako. Hindi ko pa rin kasi kayang humarap sa iyo dahil sa mga kasalanan na nagawa ko sa iyo. Sorry --- ito lang talaga ang masasabi ko sa iyo. Sorry. Sana mapatawad mo ako.
Miss na miss na kita Joan. Sana magkita ulit tayo.
Nagmamahal,
LYLE SPENCER
Natagpuan ko ang sarili ko na nakangiti ng malapad. May tao pa pala talagang nagmamahal sa akin. Mabuti naman kung ganun. Atsaka nagtataka rin ako sa sulat niya ngayon. Bukod kasi nagso-sorry siya dito sa sulat niya, nagtataka ako kasi sinabi niya na sana magkita ulit kaming dalawa at sana mapatawad ko na siya sa mga ginawa niyang kasalanan sa akin.
Bakit? Nagkita na ba kami ng Lyle Spencer na ito? Tapos bakit naman siya magso-sorry sa akin eh mukhang wala nga siyang kasalanan na ginawa sa akin eh.
Weird.
Siguro nga nagkita na kami pero hindi ko lang alam na siya pala 'yung Lyle Spencer na iyun. Wala naman akong idea talaga kung ano ang itsura niya. Basta nagpapadala siya ng letter para sa akin at sinasabi niya na secret admirer ko daw siya.
Aish, kung sino ka man talaga Lyle Spencer, maraming salamat na lang sa 'yo ah. Pinatunayan mo kasi na may tao pa palang nagmamahal sa akin. Gusto sana kita makilala at makita pero paano ko naman gagawin iyun.
Makalipas pa ang ilang weeks, sobrang busy ko na talaga masyado. This week is final exam at pagkatapos niyan, magpapapirma na lang kami ng clearance na recquirements for the graduation. Masaya ako kasi ga-graduate na ako ng high school.
Lumabas naman kaagad ako sa classroom pagkatapos kong mag-exam sa English namin. Maghihintay na lang muna ako sa labas hanggang sa matapos na sila sa loob.
Nang makalabas ako ay nagplano ako na tumambay muna sa canteen. Naglakad na naman ako papunta doon. Gusto ko muna mag-refresh muna ngayon kasi bukas, dalawa pa ang exam namin. Filipino and Physics. Kailangan ko rin mag-aral mamayang gabi para dito.
Pagdating ko sa canteen ay bumili ako ng isang slice ng chocolate cake at isang iced tea. Pagkatapos kong magbayad ay kinuha ko na ang tray na may laman ng in-order ko. Papalakad na ako ng biglang may bumunggo sa unahan ko na isang lalaki. Dahil doon ay natapon 'yung iced tea ko at nakita ko na natapunan rin siya sa damit niya.
Kaagad kong nilapag ang tray ko sa counter kasi nandoon pa ako that time. Kinuha ko 'yung tissue na nasa tray at pinahid doon sa damit na nakabunggo kong lalaki. Nag-sorry ako sa kanya pero wala man lang akong narinig mula sa kanya. Nang magsalita siya, doon na ako tumigil sa pagpunas ng damit niya at tumingin sa kanya.
Nagulat ako ng makita ko si Ethan pala 'yung nakabunggo ko. Tsk. Sa dinami-dami ng tao na maibubunggo ko, bakit siya pa? Ang awkward tuloy ng moment namin ngayon.
"It's okay. Wala 'to." kalmang sabi niya sa akin.
Pinilit kong ngumiti na lang sa kanya pero hindi awkward masyado. Tumigil ako sa ginagawa ko at humarap ulit kay ate na nasa counter para naman maiwasan ko 'yung tingin niya sa aki. "Ate, paki-refill po 'yung iced tea. Natapon eh. Babayaran ko na lang." sabi ko kay ate na nasa counter.
Sa ngayon, hindi ko kayang tignan si Ethan. Sa ilang buwan ko siyang hindi nakita at hindi nakakausap man lang, sa totoo lang, nakaka-awkward talaga sobra.
Tapos nararamdaman ko pa na parang tumitingin siya sa akin kahit hindi ko siya nakikita. That feeling!
Nang ma-refill na 'yung iced tea ko, kinuha ko na ulit 'yung tray tapos humarap kay Ethan at ngumiti sa kanya. Hindi siya ngumiti bagkus yumuko lamang siya at umalis sa harapan ko. Teka? Ngayon ko lang kasi na-notice na papasok siya sa exit sa counter kaya kami nagkabanggaan. Ano kaya nakain ng taong iyon at parang baliktad ang utak niyon?
Nakita ko na tahimik siyang naglakad papalayo sa akin. Tinignan ko lang siya kung saan siya pupunta then I shrugged my shoulder at naglakad na rin papunta doon sa vacant table and seat.
Hindi pa ako nakaka-abot doon ay biglang tinawag ako ni Ethan, which is very surprisingly.
"Joan!?"
Humarap naman ako sa kanya. Then I looked curious. Hinintay ko na magsalita siya.
"W-wala." sabi niya sa akin at tumalikod ulit siya para maglakad papalabas ng canteen. Adik siguro 'yung tao na 'yun 'no. Tatawag-tawag tapos sasabihing wala. Sira ulo!
Nagpatuloy na lang ako papunta sa vacant table and seat. Mabilis akong nakahanap nito kasi konti pa 'yung tao sa canteen dahil class hour pa.
Kumain na lang ako doon at nag-relax. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung bakit ganun na lamang ikinikilos ni Ethan ngayon. Nasisiraan siguro siya ng bait, I think.
Siguro sa una ay naisip ko na nasisiraan lang siya ng bait. Pero pagkatapos kasi ng scene na iyon doon sa canteen, nahahalata ko na si Ethan palaging nakasunod sa akin.
These past few days kasi after sa canteen, lagi ko na siyang nakikita kahit saan ako pumunta. Hindi ko alam kung bakit. Napaka-assuming ko na lang ba o hindi? Kasi feeling ko sinusundan niya ako. I doubt diba. Baka nga.
Pero nakakahalata na kasi siya. Supposedly dapat galit siya sa akin. Dapat nagtatampo siya sa akin to think na nakasanayan ko na iyon sa sarili ko. How sad diba! Nasanay na ako na galit siya sa akin, nasanay na ako na hindi na niya ako pinapansin at nasanay na ako na hindi ko siya nakikita kahit kailan.
Pero bakit ganto? Bakit nag-iba ang ihip ng hangin? Tsk.
Bahala ka Ethan. Ayoko na sa iyo. Lagi mo kasi akong sinasaktan eh. Kaya nasanay na ako sa ugali mong ganyan. Napagod na rin ako kakahabol sa iyo noon kaya nga itinigil ko na eh para hindi na ako masaktan pa. Tutal galit ka naman sa akin eh.
Bahala na talaga siya sa buhay niya. Tutal ga-graduate na rin ako at hindi ko na siya makikita. Sad to say.
Kakapasok ko lang sa classroom ngayon. Galing kasi ako sa faculty office para magpa-pirma ng clearance and unfortunately ay wala ang hinahanap ko doon kaya pagod na pagod akong bumalik sa classroom at ngayon ay ako lang mag-isa ang nandoon.
Magpapa-pirma na lang pala kami ng clearance for graduation. Kailangan ko ng matapos ito kasi malapit na ang date kung saan matatapos na ang pagiging high school student ko. Nakakalungkot isipin pero mamimiss ko talaga ang school lalo na ang mga memories... at lalo na si... Ethan.
Oo, si Ethan. Mamimiss ko rin siya sobra. Ang wish ko sana kapag ga-graduate na ako, sana magka-ayos na kami. Okay na maging friends na lang kami basta ang importante magkaayos na kami. Tatanggapin ko na lang talaga na wala na akong pag-asa para sa kanya.
Pagkapasok ko sa classroom ay expected ko na talaga na may isang envelope na puti ang makikita ko sa upuan ko. At hindi naman ako nadismaya ng makita ko ito at oo, galing na naman ito kay Lyle Spencer.
Si Lyle Spencer, naging bahagi na rin siya ng buhay ko. Hinding hindi ko rin siya makakalimutan. Message ko lang sana kay Lyle Spencer ay sana magkita na kami at magkausap. Siya kasi ang nagpapaganda at nagpapapalakas ng araw ko kapag bad trip ako. Dahil sa kanya, nagiging masaya ako. Inuulit ulit ko lang basahin ang sulat niya, okay na ako. Pero sad to say, hindi ko naramdaman na mahal ko siya. Kasi hindi ko talaga siya kilala. Pero nagpapasalamat na lang ako sa kanya. Kung sino man talaga siya, hindi ko siya makakalimutan. Inaamin ko talaga sa sarili ko na ang sinisigaw talaga ng puso ko ay walang iba kundi si Ethan talaga. Siya lang at wala ng iba. At tanggap ko na hindi na talaga kami magiging KAMI.
Binuksan ko na 'yung letter na iyun at binasa.
Dear Joan,
Malungkot ako ngayon, alam mo ba? Malungkot ako kasi aalis ka na. Ga-graduate ka na at hindi na kita makikita kailan pa. Hindi na rin kita mahahatdan ng sulat para mapasaya ka lang at yun rin ang pinakamasakit, 'yung hinding hindi na rin kita mapapasaya kahit kailan.
Sana maging masaya ka sa graduation mo at sana huwag mo akong kakalimutan. Tatanggapin ko na lang talaga sa sarili ko na bigo ako para sa iyo. Pero kahit bigo ako, magiging masaya ako para sa iyo.
Eto na siguro ang last message ko para sa iyo: SANA MAGPAKATOTOO KA NA AT SANA MAGTIWALA KA PALAGI SA SARILI MO. Kasi ako, nagpapakatotoo talaga ako para sa iyo at may tiwala ako sa sarili ko na magkikita at magkakausap rin tayo.
Congratulations na lang sa iyo, Joan. God bless you and take care always. I love you. HINDING HINDI KITA MAKAKALIMUTAN. PROMISE!
Nagmamahal,
LYLE SPENCER
Pagkatapos kong basahin ang letter, dapat maging masaya ako pero imbes na maging masaya ako ay naramdaman ko na lang ng biglang tumulo ang luha ko.
Pinilit kong ngumiti kahit tumutulo ang luha ko. Dapat daw magpakatotoo na ako. Dapat daw may tiwala ako sa sarili ko.
Aish, Lyle Spencer, kung sino ka man, maraming maraming salamat talaga sa iyo. Dahil sa iyo, pinatatag mo ang sarili ko. Hayaan mo, pagkatapos ng graduation day, kakausapin ko si Ethan at sasabihin ko na ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Atleast, bago matapos ang araw ng pagiging high school ko, nagpakatotoo ako at nagtiwala ako sa sarili ko na makakaya ko ito. Bahala na kung i-reject niya basta nasabi ko na sa kanya ang totoo. At masaya na ako sa pagkakataong iyon.
* * *
GRADUATION DAY...
Abot langit ang saya ko ng maisuot ko na ang toga plus 'yung sumbrelo for graduation. Nakangiti nga ako habang nakaharap ako sa salamin at mini-make up-an ako eh. Eto na siguro ang magiging masaya sa buong buhay ko. Sino ba naman kasi ang hindi sasaya eh ga-graduate ako na Salutatorian.
Pagdating sa school ay naghintay pa kami ng parents ko doon sa labas at mamaya ay magsisimula na ang march for the graduates.
Habang naghihintay kami ay nilapitan ko si Althea.
"Hoy! Congratulations ah! I'm so proud of you, Pinsan. Sa wakas, ga-graduate ka na. Sunod ako na naman ang ga-graduate ehehehe."
"Soon. Teka? Nasaan na 'yung sinasabi ko sa iyo?"
"Na ano?"
"Hay naku! Nakalimutan mo siguro, ano?"
"Eh ano nga yun eh?"
"Diba sinabihan kita na hanapin mo si Ethan at kakausapin ko siya. Alam mo na yun. Kaya nasaan na siya?"
"Ahh.. Oo, I remember na. Hindi ko alam kung nasaan siya. Sabi niya sa akin pupunta daw siya at manunuod."
"Sigurado ka ah?"
"Oo. Sigurado ako. And sigurado rin ako na magiging tama ang sasabihin mo sa kanya."
"Salamat. Gusto ko sana siya kausapin ngayon eh pero hindi ko pa siya nakikita."
"Mamaya mo na lang kasi siya kausapin. Baka wala pa yun dito. Oh ayan, magsisimula na."
Pagkatapos niyon ay pinapaayos na kami ng mga teacher para sa march for the graduates at kaagad na naman nagsimula ang ceremony.
Habang on going pa ang ceremony, hindi ko labis tignan 'yung paligid ko para hanapin si Ethan. Napagdesisyunan ko na nga diba na kakausapin ko na siya pag graduation day na. Pero mukhang wala pa siya dito eh.
Nakatanggap na ako ng certificates, medals at kung ano ano pa pero wala talaga akong Ethan na nakita. Tsk. Nasaan kaya 'yun?
Pagkatapos ng ceremony ay nagpaalam muna ako kay Papa at Mama na pumunta sa classroom kasi may titignan ako. Baka kasi may iniwan na naman si Lyle Spencer para message niya sa akin eh. After I received his last letter, nage-expect ako na baka susulatan rin niya ako pagka-graduation day. Titignan ko lang naman eh kung meron atsaka kung wala akong makita na sulat galing sa kanya, hahanapin ko na lang si Ethan at doon ko na siya kakausapin.
Papalakad na ako papunta sa room. Hindi pa ako nakakapasok ay nakita ko na bukas 'yung room namin at mukhang walang tao.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta doon at nage-expect na mag isang letter na naman ako makikita doon sa permanent seat ko.
Nang makapasok ako ay nagulat ako ng hindi letter ang nakita ko. Hindi rin isang puting envelope ang nadatnan ko sa room na iyon. Para akong nakakita ng multo sa ngayon sa nakikita ko.
I saw a guy. Doon mismo sa classroom. Siya lang mag-isa at nakatalikod siya sa akin at mukhang hindi pa niya alam na nasa likuran ko na siya.
Nakasuot siya ng pang alis na damit. Nakasuot siya ng rubber shoes na kulay puti at nakikita ko pa ang nakakabit na bag sa likuran niya sa puntong ito.
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Habang nakatalikod na nakatayo kasi ang lalaking nakita ko dito sa classroom na ito ay nakita ko rin na may hawak siya'ng puting envelope na sobrang familiar na familiar sa akin kasi ganyan rin 'yung porma ng mga letter na binibigay ni Lyle Spencer sa akin eh.
Siguro si Lyle Spencer na ito? I think? Hindi ko ito ini-expect na makikita ko si Lyle Spencer ngayon --- ang lalaking naging secret admirer ko. At mukhang mag-iiwan siya ng letter niya for me ngayon at hindi ako makapaniwala na nahuli ko siya sa akto ng pag-iwan niya dito sa classroom.
I started to speak. "L-lyle? Lyle Spencer?" mahina kong tawag sa kanya. Napansin ko na dahil sa pagtawag ko sa kanya ay mukhang nagulat siya. Hindi rin niya siguro ini-expect na madadatnan ko siya ngayon.
Napangiti ako. Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya, natutuwa pa rin ako kasi sa wakas, nakita ko na si Lyle Spencer. So siya pala 'yun? Si Lyle Spencer.
"Lyle, ikaw yan?" sabi ko ulit sa kanya. Pero hindi siya tuminag sa kinatatayuan niya. Nandoon lang siya, patuloy pa ring nakatayo sa kinatatayuan niya kaharap ng upuan ko. Mukhang nagulat talaga siya ngayon.
"Humarap ka naman oh.. Gusto ko makita ang mukha mo, Lyle." nakangiti ko pang sabi sa kanya. Nakita ko na gumalaw siya ng bahagya. Tumayo siya ng matuwid bago siya humarap sa akin.
Parang nag-slow motion ng mga sandaling iyon. 'Yung ngiti ko sa mukha ay biglang nagbago ng makita ko si Lyle Spencer, ang totoo at tunay na LYLE SPENCER.
"E-Ethan?" sabi ko ng makaharap na siya sa akin. "Teka? B-bakit? A-ano nangyayari? Akala ko si Lyle Spencer ka? Bakit ikaw?" nalilito kong sabi sa kanya.
Matagal bago siya nakapagsalita. "Si Lyle Spencer ba ang hinahanap mo?" kalma at seryosong sabi niya sa akin.
Nag-nod naman ako. "Oo. Huwag mong sabihin na ikaw si Lyle Spencer!?" seryosong tanong ko sa kanya. Imbes na sumagot siya, seryoso lamang siyang nakatitig sa akin. Aish, mukhang siya nga si Lyle Spencer. Pero bakit? Bakit siya?
"H-hindi ako si Lyle Spencer." sabi niya ulit pagkatapos niya akong titigan. "I am here to give you this." sabi niya ulit sa akin tapos binigay niya sa akin 'yung puting envelope na sana ay ilalagay niya doon sa permanent seat ko. "Pinabibigay ni Lyle sa iyo." sabi pa niya.
"So? Kilala mo si Lyle?" tanong ko sa kanya pagkatapo kong kunin 'yung puting envelope sa kanya.
Nag-nod siya. "Oo. Kaibigan ko siya. At ako 'yung laging inuutusan niya na mag-iwan ng letter para sa iyo." sabi pa niya. Tumingin lang ako sa kanya ng mabuti tapos nagsalita siya. "Congratulations nga pala. I'm so very proud of you." sabi pa niya sa akin tapos maya maya ay dahan dahan na siyang umalis sa classroom habang ako ay naiwan doon hawak hawak 'yung letter na binigay ni Ethan sa akin na galing daw kay Lyle. Akala ko kasi siya na si Lyle Spencer. Kung siya man iyun, siguro... magiging masaya ako kapag nagkataon.
Kasi ang alam ko, MAHAL AKO NI LYLE SPENCER. At matutuwa ako kapag nalaman ko na si Ethan at si Lyle ay iisa.
Nang makaalis na siya sa classroom, doon ko na binuksan ang puting envelope at kinuha ang papel na nasa loob niyon. Kaagad ko naman binasa ang sulat-kamay na letter ni Lyle Spencer sa akin.
Dear Joan,
Una sa lahat, congratulations kasi graduate ka na. Nabalitaan ko na Salutatorian ka pala at nakaka-proud iyon para sa akin. Ngayong graduate ka na, sana maging masaya ka sa darating pa sa iyo. Sana huwag mong kalimutan ang high school life mo... lalo na ako.
Hindi man tayo nagkita at hindi man tayo nagka-usap ng personalan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng letter ko sa iyo, dito ko na ipinaparadam sa iyo kung gaano kita kamahal, maituturing ko na nga sigurong lampas-langit ang pagmamahal ko sa iyo kasi araw-araw, gabi-gabi na lang ako nakatutok at nag-iisip sa iyo.
Ngayong graduate ka na, huwag mo naman sana akong kalimutan ah. Promise ko sa iyo, hinding hindi rin kita makakalimutan.
Sa ngayon, habang sinusulat ko ang letter na ito para sa iyo, niiyak na lang ako kapag nakikita ko ang maleta na may laman ng mga gamit ko ngayon. Unfortunately, balak ko sana dito na lang mag-stay sa Pilipinas pero hindi pumayag ang mga parents ko. At naiiyak na lang ako mag-isa kapag naiisip ko na aalis na pala kami, pupunta kami ng Amerika at doon na maninirahan. Paano ka na? Hindi na kita makikita? Hindi na kita masusulatan pa? Napakasakit para sa akin iyon sa totoo lang. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko. Syempre susunod ako sa magulang ko.
May sasabihin nga pala ako sa iyo. Una, nagpapasalamat ako kasi naging matalik kitang kaibigan. Nang hindi dahil kay Althea, hindi tayo magkakakilala at magkakausap. Naalala mo pa ba? Noong nasa canteen tayo? Kasama mo sila Althea niyon lalo na sila Clyde, Thomas, Andrew at Yuan. Bigla akong dumating. Tapos nakita na lang kita na pinupulot mo ang tinidor na nasa sahig. Nang magtama ang mata natin sa isa't isa, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko that time. Feeling ko bigla akong natulala ng makita kita. At inaamin ko na maganda ka pala sa personal. Nagkausap rin tayo at yun ang pinakamasarap na araw para sa akin, ang makausap ka. Hindi lang yun ang pinaka-unang beses na nagkita tayo. Pinakilala ka pa nga sa akin ni Kimberly eh at doon talaga ako nagpabalik-balik ng tingin sa iyo. How I wish makilala ulit kita at yun nga, doon sa canteen, mukhang malakas talaga si Lord sa akin, nagkakilala talag tayo.
Hindi pa iyon, noong nagka-chat tayo. Niyaya kitang sabay tayo mag-lunch. Gusto ko sana na doon tayo sa bahay mag-lunch para makilala ka ng parents ko. Nasabihan ko kasi sila Mom at Dad na may nagugustuhan akong babae sa school na pinapasukan ko. Sabi nila ipakilala ko daw sa kanila. Para sa akin, ang bilis naman. Magkakilala pa nga tayo, gusto na kita. At ngayon, gusto ka pa makilala ng parents ko. Pero inunahan na ako ng hiya kaya binura ko ang message ko niyon at sinabi na sa canteen na lang tayo mag-lunch. Masaya naman ako ng pumayag ka. Akala ko ire-reject mo ako.
Joan, masaya ako kapag kasama kita. Masaya ako kapag lagi tayo nag-uusap. Basta't kasama kita, naiinis na lang ako kasi sobrang ang bilis ng oras kapag magkasama tayo. Gusto ko sana pahintuin ang orasan para magkasama pa tayo lalo. Pero imposible naman na magagawa ko iyon diba.
Noong Intramurals, nakilala ko si Jenny Mae. Maganda siya at mabait, pero para sa akin, ikaw pa rin ang pinakamaganda at mabait. Inamin ni Jenny Mae sa akin na may gusto daw siya sa akin. Ako naman na walang gusto sa kanya, tinutukso ako nila Clyde, Andrew, Yuan at Thomas na ligawan ko daw si Jenny Mae kahit pa-fling lang. Kasi sabi nila, ang tunay na lalaki, may girlfriend. Natatawa ako! Kasi dahil sa tukso-tukso na iyon, niligawan ko si Jenny Mae. Sa gym, kinausap kita, nagpaalam ako sa iyo na liligawan ko si Jenny Mae. Para sa iyo, wala lang iyon. Gusto ko sana i-try na pagselosan ka. Pero mukhang hindi naman effective. Kaya ayun, niligawan ko nga si Jenny Mae at wala pang tatlong araw, sinagot na niya ako kasi may gusto rin naman siya sa akin. Masaya ako that time pero hindi pa rin maalis alis sa puso at isip ko ikaw. Kaya sobra akong nagsisisi kung bakit niligawan ko pa si Jenny Mae eh wala naman akong gusto sa kanya, sa iyo lang naman ako may gusto eh.
Dahil doon, hindi na tayo nagkakausap, hindi na rin tayo nagkakasama. Gusto ko sana kausapin ka pero nandyan naman si Jenny Mae at sinabi sa akin na huwag ko na daw ikaw lapitan kasi nagseselos siya plus nasasaktan pa siya kapag nagseselos siya. Ginawa ko naman iyon, dahil doon, naputol na rin ang pagsusulat ko sa iyo. Sorry Joan.
Tumagal kami ni Jenny Mae. At habang tumatagal kami, nagkakalabuan kami. Gusto ko na ngang makipaghiwalay sa kanya pero siya naman itong ayaw. Alam naman niyang ayaw ko sa kanya. Na hindi ko siya mahal. Pero pinagpipilitan pa rin niya ang sarili niya sa akin kahit nasasaktan na siya. Atsaka alam niya rin na ikaw ang mahal ko walang iba.
Kaya gumawa ako ng paraan para maghiwalay kami. Ginamit ko 'yung kababata niya na lalaki na may gusto sa kanya. Gumawa kami ng eksena na kung saan magseselos ako kasi magkasama sila. At dahil sa pagseselos na iyon, doon kami naghiwalay. Alam kong masakit iyon para sa kanya, pero masaya ako, lalo na sa kababata niya na hiwalay na kami. Atleast, mayroon na siyang time para kay Jenny Mae at doon may time na ako para sa iyo.
Noong birthday ko, nagtampo talaga ako sa iyo. Kasi hindi ka pumunta eh. Ipapakilala ko na sana ikaw sa parents ko at doon ko na nga dapat sabihin sa iyo na gusto kita pero hindi ka dumating. Nagalit ako sa iyo niyon pero habang tumagal, nawala rin iyon.
Sa mga panahon na hindi tayo nagkakasama at nagkakausap, parang hindi kumpleto ang araw ko. Kaya ang ginawa ko ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat ko sa iyo at nagpanggap pa rin na si Lyle Spencer. Oo, ako nga si Lyle Spencer slash... Ethan. Si Ethan ito Joan. 'Yung lalaking kaibigan mo, 'yung lalaking secret admirer mo at 'yung lalaking may gusto sa iyo. Ako at si Lyle Spencer ay iisa. Natatawa ako kasi ginamit ko talaga ang pangalan ng Kuya Lyle ko para pagtakpan ang sarili kong pangalan. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon ni Kuya Lyle kapag nalaman niya ito.
At dahil alam mo na ang totoo, sana maliwanagan ka. Sa ngayon, papunta na kami ng Amerika at mukhang hindi na nga talaga tayo magkikita. Hindi man lang tayo nag-bonding at nagkausap man lang bago ako umalis. Pero okay lang. Makita lang kitang masaya sa graduation, masaya na rin ako. Congratulations nga pala ulit sa iyo ah.
Joan, last word para sa akin... HUWAG KANG MAGBABAGO. Si tadhana na ang bahala sa ating dalawa. Balang araw ay sana magkita ulit tayo. At balang araw hindi sana mawala ang nararamdaman ko para sa iyo. Mahal na mahal na mahal kita Joan! Mahal na mahal ka ng lalaking kaibigan mo. Mahal na mahal ka ni Lyle slash "Ako". At sana huwag kang magalit at magtampo ulit sa akin kapag nabasa mo ito... kasi masasaktan ako kapag ginawa mo iyon.
Best wishes na lang para sa iyo. Ingat ka na lang palagi. I will miss you so much. Mahal na mahal kita. Salamat at naging parte ka ng buhay ko. I love you, Joan. Hanggang sa huli nating pagkikita.
Nagmamahal,
Lyle Spencer slash Ethan Malcolm Kiefler
Pagkatapos kong basahin ang letter na iyon, halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Nanginginig ako. Siguro dala na rin sa gulat dahil sa mga nalaman ko.
Oh my God! Totoo nga! Totoo ngang si Lyle Spencer at si Ethan ay iisa. Hindi ako nagkakamali.
So ibig sabihin ay mahal ako ni Ethan simula pa noong una? Bakit ngayon ko pa nalaman kung tapos na ang lahat!?
Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko sa pisngi ko. At nakita ko na lang ang sarili ko na tuluyan na ako nadala sa emosyon ko. Tuluyan na akong humagulhol ng iyak.
Pagkatapos ay bigla akong tumakbo papalabas ng classroom na ito. Hindi ako makakapayag sa huling pagkakataon na magkikita kami ni Ethan ay magkakahiwalay kami. Kailangan ko siyang mahabol at makausap.
Habang tumatakbo ako ay dumidilim ang paningin ko dala sa mga luha na tumutulo sa mga mata ko. Nagsisitinginan na rin ang mga tao sa akin at mukhang nagtatanong ang mga mukha nila kung ano ang nangyayari sa akin.
Pero hindi ko sila pinansin, bagkus nakatuon lang ang mind ko na mahabol ko si Ethan at makausap siya. Alam kong hindi pa huli ang lahat.
Nakita rin ako ni Althea. Pero nilagpasan ko rin siya. Narinig ko na tinawag niya ako at mukhang sinundan pa niya ako.
Hindi ko kayang mawala si Ethan sa akin. Mahal na mahal ko siya... at sobra ko siyang minahal katulad ng pagmamahal na ginawa niya sa akin.
Nakita ko na lumabas na ako ng gate ng Allison Academy. Pagtingin ko ay nahagip ko kaagad ang si Ethan na papasakay na sasakyan.
Out of sadness at takot na mawala siya, malakas akong sumigaw doon kahit maraming tao.
"EEEEETTTHHHHAAAAAANNN!" kasabay nito ang walang tigil ng pag-agos ng luha ko sa pinsgi ko. Nakita ko siya na bigla siyang napatingin sa akin. Gumuhit naman sa mukha niya ang pagkabigla.
"Ano ba nangyayari sa iyo?" narinig kong nasa likuran ko na si Althea pero hindi ko siya pinansin. Bagkus sumigaw pa ulit ako na ikinatingin ng mga tao na nandoon.
"WALANG HIYA KA TALAGA, ETHAN! SINAKTAN MO AKO, ALAM MO BA IYON! PARA MONG SINAKSAK 'YUNG PUSO KO DAHIL SA SAKIT NA NARARAMDAMAN KO NG DAHIL SA IYO!!!"
Madaming nagulat at maraming nagtataka kung ano ang nagyayari ngayon. Pero wala akong pakialam. Hindi pa ako tumigil ay lumapit pa ako sa kanya sa kinatatayuan niya habang nagsisigaw!
"HAYOP KA! WALANG HIYA KA! HANGGANG KAILAN MO BA SASAKTAN ANG PUSO KO!!?"
Pagkalapit ko sa kanya ay kaagad ko siyang pinaghahampas sa dibdib niya. Nakita ko na nagsilabasan ang mga kasama niya doon sa sasakyan. Hula ko ay mama at papa niya iyon at 'yung lalaki na kasama rin nila ay mukhang ito 'yung Lyle na tinutukoy niya.
"Ethan? What happened here?" nagtataka na tanong ng Daddy niya pero hindi siya sumagot bagkus nakatingin lang siya sa akin habang pinaghahampas ko siya sa dibdib niya. "Hey! Will you stop what you're---"
"Dad, it's alright. Pabayaan na lang natin sila." narinig kong sabi ng Kuya ni Ethan sa Daddy niya.
Wala akong ginawa. Pinaghahampas ko lang siya doon habang nagmumura ako. Kasabay pa niyon at pag-iyak ko sa harapan.
"Ethan!!!?" naiiyak ko na sabi sa kanya habang humihinay na ang paghampas ko sa kanya sa dibdib niya dulot na rin siguro na masakit na ang dalawa kamay ko kakahampas sa matigas niyang dibdib. "Bakit ganun!!? Bakit ganito na lang!!!?" umiiyak ko sabi sa kanya.
Out of frustration, hinilamos ko ang dalawa kamay ko sa mukha ko at umupo doon sa sahig habang umiiyak. Bahala na kung ano ang sasabihin ng mga tao sa akin. Hindi ako nahihiya.
"Ang sama sama mong tao. Ganyan ka na lang ba talaga. Lagi na mo na lang ba ang sasaktan ah!? Hindi mo ba alam na mahal na mahal kita. At dahil alam ko ang side mo ay doon ka rin mawawala sa piling ko!? Ethan!!! Ang sakit sakit na! Ang sakit sakit na talaga! Parang awa mo na!" umiiyak kong sabi sa kanya.
Naramdaman ko na umupo rin siya sa harapan ko para ma-levelan niya ako. Tapos umiiyak rin siya na iniangat ang mukha ko at pinahid ang mga luha sa pisngi ko. "I-I'm sorry, Joan. I'm sorry." at tuluyan na nga niya akong niyakap pa. "M-mahal na mahal rin kita. Sana... s-sana mapatawad mo ako."
Niyakap ko rin siya at gusto ko ayaw ko na siyang bitawan pa. Tumayo ako kasi feeling ko mukha na akong sira doon. Tumayo rin siya at niyakap ko ulit siya ng todo.
Ganun na lang din ang pagyakap niya sa akin. At nararamdaman ko na umiiyak kaming dalawa sa isa't isa.
"B-bakit kailangan mo pang... umalis?" mahina sabi ko sa kanya habang humahagulhol ako ng iyak sa mga bisig niya.
"Wala akong magagawa, Joan. Hindi ko kayang talikuran ang parents ko." mahina rin niyang sabi sa akin.
"P-pwede... pwede dito ka na lang? Pwede dito ka na lang sa tabi ko? Paano na ako? Mag-iisa na naman ako!?"
"Gustuhin ko man ay hindi ko magagawa. Mga bata pa tayo."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.
"This will gonna be alright, Joan. Don't pressured yourself. Kasi kahit malayo tayo sa isa't isa, mamahalin pa rin kita. At hinding hindi kita makakalimutan, promise."
Hindi ako nakapagsalita. Bagkus yumakap lang ako ng mahigpit sa kanya habang umiiyak.
"Ethan, we were late. Cut it off! Tara na!" rinig kong sigaw ng Kuya niya mula sa likuran.
"J-just a second," sabi ni Ethan sa Kuya Lyle niya tapos niyakap pa niya ako ng mahigpit. Tapos may sinabi siya sa akin. "This will be my last hug to you. I love you, Joan and I'm thankful to myself that I met you. I will not forget you. And my feelings to you, hindi iyon magbabago. You will be the one who I always love. At sana hindi ka rin magbago sa akin."
Again, hindi ako nakapagsalita. Naramdaman kong inangat ni Ethan ang mukha ko sa kanya. Nakita ko kung gaano kabasa ang mukha niya dahil sa luha at pawis na namumutawi sa mukha niya ngayon. "Listen to me, I love you." sabi pa niya akin. "And I will always love you... no matter what." sabi pa niya at bigla niya akong hinalikan sa noo ko.
Pagkatapos noon ay dahan dahan siyang kumalas sa akin at sumakay sa back seat ng sasakyan. Kinakatok ko siya sa bintana para tumingin siya sa akin pero hindi niya magawa. Patuloy lang siya doon na umiiyak.
Biglang umandar ang sasakyan na iyon. Hinabol ko pa ito. Pero hindi ko na ito inabutan. At tuluyan na ngang gumuho ang lahat ng sakit ngayon sa puso ko.
Naramdaman kong pinapakalma ako ni Althea pero subalit hindi ko magawa.
Doon lang ako tumahan ng dumating kami sa bahay. Ni hindi ako naki-party sa kanila sa baba. Wala akong ginawa kundi magkulong sa kwarto ko.
Sa ngayon, masakit isipin na wala na si Ethan. Hindi ko na siya makikita, hindi ko na siya mayayakap, at hindi ko na siya makakasa araw-araw.
Out of sudden, habang nakahiga ako at nakatulala, bigla akong napangiti dahil naalala ko 'yung mga ala ala namin ni Ethan. At naalala ko rin ang sinabi ni Althea sa akin noon.
"Kapag nasaktan ka, huwag mong i-suffer ang sarili mo sa kalungkutan. Be happy na lang. Kasi kapag iniisip mo na masaya ka pagkatapos mong masaktan, mawawala lang iyan ng parang bula. Tumayo ka kung ano ang meron pa sa iyo. Tandaan mo, hindi ka pa nawalan ng minamahal mo. At walang mawawala para sa iyo. We are here... nandito kami para sa iyo. At nakakasiguro ako na balang araw, mawawala rin iyang sakit na nararamdaman mo sa dibdib mo."
Tama nga si Althea. Kailangan kong maging masaya kahit nasasaktan ako ngayon. Kahit papaano ay nawawala 'yung bigat na nararamdaman ko.
Nalaman ko ang lahat pero sad ending naman ang nangyari. Siguro hindi pa nga talaga ito ang oras para maging kami ni Ethan.
Pero kahit ano'ng mangyari, hindi pa rin siya mawawala sa isip ko at sa puso ko. Mahal na mahal ko siya kahit ano'ng mangyari.
At balang araw ay magkakasama rin kami. Everything's happened for a reason. At inaamin ko na na-eexcite na ako sa reason na iyon.
Ethan, someday we will meet again. At mamahalin pa rin kita katulad ng pagmamahal mo sa akin.
Bumangon ulit ako at ngumiti. Mukhang natauhan na ako. Naaalala ko lang 'yung nangyari kanina, I feel embarrassed to myself, promise. Naisip ko sa sarili ko kung bakit ko iyon nagawa. Pero ikinatawa ko na lang iyon.
Para akong natauhan ng ngumiti ako. Tapos lumabas ako sa kwarto at kinalimutan ang lahat.
Basta ang para sa akin, hindi ko makakalimutan si Ethan. Si Lyle Spencer na umibig sa akin at umibig rin ako sa kanya.
At mamahalin ko siya habang buhay.
Ang sad ng ending 'no! Pero sana naman makuntento na ako kung ano ang mayroon ako. Wala mang forever nangyari sa lovelife ko, naniniwala ako na may reason kung bakit pinaghiwalay kami ni Ethan at muli... nae-excite na ako sa reason na iyon.
Ano kaya 'yun?
Ewan ko. Basta yun na yun.
- GABRIEL MARCUS TAN
*** WAKAS ***