Wala sa sarili akong napakagat sa ibabang labi ko na agad ko ring itinigil nang bumaba ang paningin niya roon. I don't want him to get the wrong idea. Baka isipin niyang siniseduce ko siya?
Siniseduce? The heck, Shania!
"Ah...eh..what I mean is salamat. That's right! Thank you for...for...treating my ankle three days ago. I owe you one." I spouted to catch up his attention away from my lips.
Napansin ko kasing hindi niya inaalis ang paningin niya sa mga labi ko and that made me feel uneasy.
Nangingiti at napapailing naman niyang inalis ang paningin dun tsaka binigyang pansin yung sinabi ko.
"Yeah, right. Wala yun." He gave me a genuine smile.
"No, I insist! I mean gusto ko lang makabawi sayo." Totoo naman eh. I just want to give back the kindness na ibinigay niya sa akin. Hindi kasi ako sanay na may utang na loob sa isang tao.
"If that's what will make you feel better. Sino ba naman ako para tumanggi? Actually, I'm planning to buy some groceries outside."
"Sakto at paubos na rin yung supplies ko sa kusina eh. Bihis lang ako saglit." He just give me a nod and a genuine smile.
Sinipag na naman siyang ngumiti.
I am beaming like an idiot, turning my back at him. Sinara ko muna ang pintuan, just making sure na hindi siya papasok. Nakakahiya ang madaming kalat dito sa loob.
"Sino ba naman ako para tumanggi?" But you just declined my feelings five years ago.
I just shake that thought off tsaka lumabas na. I just wear a black ripped jeans partnered with a cream colored off-shoulder shirt and a beige two inches heels. Nag-spray din ako ng favorite perfume ko at naglagay ng very very light make up. Pagkatapos ay lumabas na ako.
I found him leaning at the wall beside my door. He still looks good on his white v-neck shirt partnered with a faded maong pants and a white airmax rubber shoes. Simple yet attractive.
"Let's go?" He asked, I just give him a nod as a response. Bago kami sumakay sa elevator papuntang ground floor.
We just had a silent atmosphere inside the elevator. No one dares to talk. We didn't even dares to take a glimpse at each other. Sabay kaming lumabas sa elevator nung nasa ground floor na kami at sabay rin kaming nagpunta sa may parking lot ng building.
I took the shotgun seat while Stephen was on the driver's seat. Sinabi ko sa kanyang sa backseat nalang ako pero ayaw naman daw niyang magmukhang driver kaya pinagbigyan ko na. Pinagbuksan pa nga niya ako ng pintuan e.
He incline his left arm at the window car while his other arm is busy on the steering wheel. He's also focusing his attention at the road. Dapat lang para hindi kami madisgrasya. Hindi pa ako nakakaganti sa kanya e.
Another awkward silence filled the atmosphere inside his car. No one dares to talk, again. At pag ganitong sitwasyon ay siguradong aantukin ako. At ayaw ko namang makaidlip sa byahe dahil sa nearest mall lang naman kami pupunta. And it looks like na wala naman atang plano si Stephen na basagin ang katahimikan sa pagitan namin. So do I.
Wala rin naman akong maisip na topic, at kung magtanong ako, baka kung anu-ano lang ang lalabas sa bibig ko. Binaling ko na lang ang paningin ko sa labas ng bintana.
"We're here." Anunsyo niya.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan nang maunahan niya ako rito. I just simply thank him for it. Gentleman din pala itong gagong to.
Pagkapasok namin sa grocery store, we decided na iisang cart nalang ang gagamitin. Pero separate pa rin yung mga pinamili namin. Hassle daw kasi kapag tig-isang cart pa kami sa dami ng mamimili, dahil weekend. Nagmukha tuloy kaming magjowang namimili. Pero syempre, nagmukha lang kasi hindi naman kami magjowa.
Pareho na kaming medyo pinagpapawisan na, kahit pa malakas naman ang AC dito. Dahil na rin siguro sa siksikan ang mga customers. Minsan kapag naiipit ako sa madaming tao binabalikan niya ako. Ewan ko ba kung bakit niya ginagawa yun, pwede lang naman akong humabol sa kanya. Minsan din kinakabig niya ako papalapit sa kanya kapag makita niyang mababangga ako ng ibang mamimili.
Manhid ang tawag sa babaeng hindi kikiligin sa mga pinaggagawa ni Stephen.
The whole time na nasa grocery store kami, wala siyang ibang ginawa kundi maging parang bodyguard ko. Parang lang, kasi overqualified yung kagwapuhan niya para maging bodyguard lang. Tinuturo niya lang sakin yung mga gusto niyang bilhin at ako na ang maglalagay sa cart NAMIN.
After we bought everything that we needed. He told me to go at the parking lot first, may bibilhin pa daw siya na something eh. Maybe something for his special someone. O baka may nakalimutan siya. I don't know.
After kong mailagay lahat ng pinamili namin sa trunk ng kotse ay sumandal nalang muna ako sa hood ng kotse niya. I can't go inside, nakalock.
After quite sometime of leaning and waiting, a tall unfamiliar guy approach me. Medyo maitim, malaki ang katawan at mukhang adik.
Kinabahan ako nung hawakan niya ang isang siko ko. Triple naman ang kabang naramdaman ko when I felt a sharp pointed thing at my flanker back.
Ghad! Stephen, asan ka na ba?
"Huwag kang magkakamaling gumawa ng ingay, miss. Kung ayaw mong ibaon ko ito sa tagiliran mo. Sumama ka sa'kin at ibigay mo sa akin lahat ng pera mo. Kundi, papatayin kita." Paanas niya gamit ang malalim at nakakatakot nitong boses.
I felt frightened and antsy at the same time. I can't even uttered a single word to this man. My tears were slowly streaming down on my face. My knees were shaking, my hands were fidgeting as well.
"Get your filthy hands off her."