webnovel

Flirt With A Vampire : Mr. Dark [ LENARD STORY ]

Unang kita palamang ni SEYA, kay LENARD. Agad na siyang nagka gusto rito. Pero napaka imposible naman din na magustohan siya nito, She kept Quiet Every Time na mag kakasalubungan sila. Laluna Boss niya ito at siya empleyado lamang, at dahil baliw siya naka isip siya ng paraan kung papano siya ma papansin ng binata at kung papano siya nito ma gugustuhan'Yun ay ang akitin ito. Kapalan na lamang ng mukha, yun lamang ang paraan na naisip niya' kahit labag man sa kanyang loob ganon siya ka desperada kapag tinamaan siya sa isang lalaki'pero, may problema. Paano niya gagawin ang plano kung palagi itong wala di lang iyon Sobrang ilap At sungit pa nito. Suko na ba siya?

Rayven_26 · 奇幻
分數不夠
8 Chs

C H A P T E R 1

***

Hating gabi na  subalit hindi parin siya, dalawin ng antok, kaya bumangon siya'naglakad papunta sa Veranda.

Napa buntong hininga siya' ska tumingala sa kalangitan ska naman biglang pumasok sa isip niya, ang imahe nung lalaking kanyang nakita sa Bar kasama ang mga kaibigan niya.

Dahil hindi pa siya maka get over sa kakisigan nito, na kahit sinong babae ay ma huhumaling talaga maaakit sa taglay nitong karisma,

Ewan niya ba kung bakit hindi niya' mawaglit' waglit ito sa isipan niya.

Ang makisig nitong panga ngatawan, ang mga matang ma pupungay ngunit may itinatagong kakaiba.

Maging ang ma pupula nitong mga labi na tila inaakit siy noon, maging ang matangos nitong ilong ay mas nag papalakas ng karisma nito. Ang mga kilay na mas lalong bumagay rito' Shit! Noon lamang siya tinamaan sa isang lalaki.

Laluna't wala siyang panahon na makipag relasyon nung mga panahon na iyon, dahil sa pagiging abala niya sa kanyang' trabaho at maging sa kanyang na kababatang kapatid laluna sila na lamang dalawa ang magkatuwang simula nang mamatay ang kanilang mga magulang nila mas lalo siyang nag sumikap para lamang maiahon niya ito sa buhay, kahit maging ang sariling kaligayahan ay isinang tabi niya muna, para lamang sa kapatid.

Muli siyang napa buntong hininga na pagpasyahan na sanang pumasok sa loob dahil pina papak na siya ng mga Lamok, ngunit nahagip ng mga mata niya  ang isang itim na kotse, na pumarada sa tapat ng kanilang tinutuluyan, mula sa sasakyan iniluwa ang isang matangkad na lalaki kasunod ang isang magandang babae, Napa ismid siya ngayon lamang  niya nakita ang may ari ng bahay.

Bihira lamang niya makita na may tao sa Tapat nila kadalasan na kikita lamang nilang mag kapatid ay ang kasambahay nito na si Aling TERESA.

Hindi na sana niya papansinin pa ang mga ito napag pasyahan ng pumasok sa loob subalit lumaki ang mga tenga niya'dahil sa pag sambit ng babae sa pangalan nung lalaki rinig na rinig niya' laluna hindi naman na lalayo ang agwat ng mga bahay nila kaya'kahit nasa taas siya ay ma ririnig niya laluna pa sa gitna ng katahimikan ng gabi.

Nalaman niya rin ang pangalan nito nang araw na Nasa Bar sila At tinawag ito ng isa sa mga kasaman nito sa pangalan na iyon  at hindi siya maaring magkamali laluna kitang kita niya ang buong mukha nito dahil sa ilaw na tumatama sa gawi ng dalawa.

Kahit hindi niya pa ito na kikilala ng lubos ay masaya siya kahit pangalan lamang nito ay nalaman niya.

Subalit napa simangot siya' dahil sa kasama nito kita niyang nanguyapit ito sa binata. Hindi niya sukat akalain na magkapit bahay pa sila at sa ganto pa nito na isipang tumira dahil kita naman sa tsura nito ang pagiging Anak mayaman.

Mas nang lalaki' ang mga mata niya nang walang ano anoy agad itong sinunggaban ng halik nung babae.

"Jusko! Hindi na nahiya sa My labs ko pa talaga, at sa labas pa ng bahay."

Iritado niyang' bulong subalit nagulat na naman siya ng tumingala ang lalaki sa gawi niya lalunat nakaharap ito sa dereksyon niya, at kahit madilim sa verenda  at maging sa kanyang kina tatayuan ramdam niya na kikita siya nito.

Dahil hindi naman ito titingala kung saan siya na roroon.

Dali dali siyang, pumasok sa loob' mabilis niyang isinarado ang kurtina.

Napahawak sa kanyang' dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.

"Shit! Dikaya nakita niya talaga ako? "

Tanong niya sa kanyang sarili, napakagat siya sa labi. Bago na alala yung babaeng humalik rito tila siya na inggit laluna sa hubog ng pangangatawan nito, malabong hindi nga ito magustuhan ng binata.

At suwerte rin nung babae dahil natikman nito ang mga labi ng lalaking kina babaliwan niya.

Ipinag kumpara niya ang kanyang sarili doon sa babae' kung pag didikitin man sila nito mas mapag kakamalan pa  siyang alalay nito.

Ipinilig niya ang kanyang ulo, iniisip ang binata at duon lamang siya tinamaan ng hiya, dahil alam niyang nakita siya  talaga nito na pinanunuod pa ang mga ito sa pag lalampungan, Damn! Gusto niya ito at hindi niya itatangi iyon' tila ata nabuhayan ang loob niya ng nasa malapit na ito at palagi na niya itong makikita.

Hindi niya inaakala na mag ku'krus papala ana mga landas nila.

Iba nga Talaga maglaro ang tadhana.

©Rayven_26