webnovel

Finding Ethan: The Dream That You Seek (Tagalog, Filipino) - Falling For the Secret Superstar

“Kahit nakatayo ka lang diyan at nakangiti sa akin, kinikilig na ako.” Ethan Ravales just wanted to escape from his suffocating life as the Philippine’s prime leading man. Pakiramdam niya ay kinakain na ng kanyang sistema ang kanyang kaluluwa. Para hanapin ang sarili ay tumakas siya hanggang mapadpad sa Isla Juventus matapos iligtas mula sa isang magnanakaw ang isang magandang dalaga—si Aurora. Hindi inakala ni Ethan na makakaya niyang mabuhay sa Isla Juventus—na walang kuryente, Internet, o signal man lang ng cell phone, at bilang Alvaro Baltazar na isang ordinaryong lalaki. Hindi rin niya napaghandaan ang espesyal na naramdaman nang makilala at makasama niya sa isla si Aurora. Handa na siyang iwan ang mundong nakagisnan para kay Aurora. Ngunit nang may magpaalala kay Ethan ng mundong iniwan niya ay napaisip siya. Ano ang kaya niyang gawin para kay Aurora? Handa ba siya sa maaaring mangyari kapag nalaman ni Aurora ang tunay niyang pagkatao? The final book of Finding Ethan Series, a collaboration with Leonna, Gezille and @Tyramisu.

Sofia_PHR · 综合
分數不夠
55 Chs

Finding Ethan 1: See You Again by Leonna Preview

"Tatlong bagay lang ang mangyayari sa pagsama mo sa akin. Una, ikaw naman ang mai-in love sa akin. Pangalawa, hihilingin mo na pakasalan kita. Ang huli, hinding-hindi mo na ako iiwan kailanman."

Isa si Ethan Ravales sa mga nagbibigay ng liwanag sa industriya ng showbiz. At isa si Paola sa mga taong nasilaw sa popularidad ng aktor. Masasabing siya ang pinaka-die-hard fan ni Ethan dahil nagpursige pa siya para maging personal assistant nito.

Ngunit isang araw ay nag-iwan si Ethan ng note na nagsasabing gusto muna nitong mapag-isa. Bilang personal assistant ay obligasyon ni Paola na hanapin si Ethan, by any means. Ang kaso, imbes na si Ethan ang matagpuan, nakasalubong niya ang anino ng nakaraan na pilit na iniiwasan: si Shandy—ang mortal na kalaban ni Ethan sa limelight.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay napilitan si Paola na sumama kay Shandy. Sa paglalakbay nila pabalik sa lugar na una silang nagkakilala ay ipinaalala sa kanya ni Shandy ang mga bagay na hindi kayang ibigay ni Ethan. Kaya nang makarating sila sa pupuntahan, sa puso niya ay malaki na ang lamang ni Shandy kay Ethan. Lalong lumamang si Shandy nang suyuin uli siya at ipadama na hindi nagbago ang pagtingin nito sa kanya. Naniniwala si Paola na mahal na niya si Shandy. Pero may isang problema. Nalaman na niya kung saan naroon si Ethan.

But Shandy was blocking her way to Ethan's heart…

Preview:

"WONDERFUL MORNING, Bebe. Wake up na!"

"Wonderful morning, my Bebe Ethan!" Iyon ang morning mantra ni Paola sa bawat umagang gigising siya. Sa sobrang kaadikan niya kay Ethan Ravales ay tinadtad niya ng napakaraming posters ang palibot ng kanyang silid. Kompleto rin siya ng TV program schedules at movie showings, na nakapaskil din sa dingding. Nagpa-print din siya ng mukha ni Ethan sa mga punda ng lahat ng unan niya. At siyempre, ang alarm tone niya sa umaga ay ang boses nito na d-in-ownload niya sa internet. Mula ito sa pinakapaborito niyang pelikula ni Ethan na pinamagatang 'Lost Without Your Love'.

Ethan Ravales is one of the most promising actors of the Philippine showbusiness industry. He was famous for his moving and heartfelt theatrical talent in acting that no other actor of his generation could ever outrun him. And she was one of the most blessed people in the world for she worked as Ethan's personal assistant.

High school student pa lang si Paola ay nakasubaybay na siya sa acting career ni Ethan. Isa kasi ito sa mga sikat na teen star noon, at ngayon ay hinahangaan na ng marami dahil isa na itong ganap na aktor na hindi lang pagpapa-cute ang alam. Marami nang teleserye, music video cameo roles at pelikula ang nagawa nito. Ilang beses na ring naparangalan ito ng award-giving bodies in and out of the country.

Over time, Ethan's physique developed from a skinny cutie to a yummy hunk. Mas nagma-mature ito, mas lalo niyang minahal ito. Nobody could inspire Paola except Ethan.

Minsan siyang naging active sa Ethanistas Fans Club—ang grupo ng supporters na loyal sa kanilang idolo na si Ethan—kaya mas napalapit siya sa aktor. There came a time that Ethan needed a new personal assistant. At dahil ma-PR siya (o talagang makapal lang ang mukha niya), nabigyan siya nito ng pagkakataon na maging personal assistant nito. Walang pag-aalinlangang sinunggaban niya iyon.

She was his P.A. for the last five years. Ilang mga teleserye, pelikula, music video, guesting, hosting at appearances na ang kanyang nasaksihan dahil kay Ethan. Pakiramdam niya tuloy ay isa na rin siyang mahalagang factor sa pag-usbong ng karera nito sa larangan ng showbiz. But there's more to that.

Hindi lang serbisyo ng isang trabahador ang ginagawa niya. She was doing her job because she loved Ethan so much. So much that it became affectionate and passionate, to the point that she never had any man in her life for she was saving herself for Ethan.

It wasn't just a typical physical attraction. Hindi rin naman libog iyon. (Pero kasama na ang dalawang iyon, sa totoo lang.) Mahal talaga niya si Ethan. Kaya kahit anong hirap ng trabaho niya ay masayang-masaya pa rin siya. Ito naman kasi ang kanyang source of energy, her inspiration, her guiding light.

Maayos ang tulog ni Paola nang nagdaang gabi. Mahaba-haba rin ang tulog niya dahil mag-aalas-diyes pa lang ng gabi nang nahiga siya sa kama, at gumising siya ngayon ng pasado alas-nuweebe ng umaga. Hindi rin kasi siya masyadong napagod kahapon dahil wala namang pinagkakaabalahan si Ethan sa ngayon. Ang pagkakaalam niya, isang movie project na paparating ang kailangan nilang paghandaan kung masuwerteng mapapasakanila iyon.

Bumangon siya at nilapitan ang pinakamalaking poster ni Ethan sa silid niya, kung saan litaw na litaw ang kahubdan nito. Dalawa lang ang suot nito: isang itim na karsunsilyo na pagkasikip-sikip—sanhi upang lumitaw ang dapat lumitaw, at ang ngiti nitong kahit saang damit nito iparis ay laging babagay sa anyo nito. That smile killed millions of girls and girls-at-heart. Walang babae o feeling babae ang hindi manghihina sa kaguwapuhan nito. Pinagmasdan niya ang larawan ni Ethan, mula sa ulo hanggang sa paa, saka dumikit sa dingding.

"Ang guwapo-guwapo mo talaga, Bebe." Pinaghahalikan niya ito na parang totoong tao ang kahalikan niya.

Habang abala siya sa pakikipaghalikan sa larawan ni Ethan ay biglang bumukas ang pinto sa silid niya. "Mama! Mama! Si Ate Paola, nababaliw na naman!"

Napatingin siya sa sumigaw. Ito ang nakababata niyang kapatid na si Parker. Walong taong gulang pa lang ito. Pinaglihi yata ito ng nanay niya sa kiti-kiti na nasa stagnant water, na balang araw ay magiging isang dengue-carrying mosquito. Habang lumalaki kasi ito ay lalong mas nagiging makulit at pasaway ito.

Hindi na talaga ninais ng ama't ina niya na magkaroon pa ng anak bukod sa kanya dahil delikado ang naging pagbubuntis ng ina niya sa kanya. Subalit, dumating ang kapatid niyang ito, na isa rin namang biyaya sa kanila ng Panginoon, kahit pa nag-fifty-fifty na ang buhay ng ina niya. Mabuti na nga lang at talagang mabait ang Poong Maykapal at hanggang ngayon ay buhay pa rin ito at patuloy pa ring nangungunsumi sa kanilang magkapatid.

"Parker! Pasaway ka talaga! Sino ang may sabi sa `yo na puwede kang pumasok dito sa loob ng kuwarto ko? Lagot ka sa akin!" sigaw niya sa kapatid.

"Bleh!" Binelatan pa siya nito, saka nagtatakbo palabas. Hinabol niya ito hanggang makarating sila sa dining area ng bahay kung saan naroroon ang ina niya na si Filomena, na naghahanda ng kanilang agahan.

"Paola, Parker, tigilan niya iyan. Baka matapon ang pagkain." saway ng ina.

"Mama, si Parker kasi, bigla-bigla na namang pumasok sa kuwarto ko." sumbong niya.

Nag-puppy eyes naman si Parker sa ina. "Mama, mag-gu-good morning lang naman ako kay Ate."

"Oh, babati lang naman pala ng good morning ang kapatid mo, Paola." Tumungo ang ina niya sa kusina at dinala ang kaldero sa hapag. "Maupo na nga kayo at kumain na."

Pinanlisikan niya ng mga mata ang kapatid, saka siya naupo. Muli naman siyang binelatan nito, at mas nakakaasar pa ang mukha nito kaysa kanina.

"Siyanga pala, Paola, may pasok ka ba ngayon?" tanong ng ina niya. Routine na nila iyon araw-araw dahil hindi naman regular na eight-to-five ang working hours niya. Ethan had a very irregular schedule that they always had to have changing hours of work than the usual minimum working hours for the regular employees. Kadalasan pati ay may mga biglaang guesting or project ito na hindi naka-book ahead of time sa manager nito.

Kumuha siya ng kubyertos at dumulog sa hapag. "Wala naman, Mama. Katatapos lang kasi namin doon sa isang project. Pinagpahinga muna ni Icca si Ethan dahil pagod na pagod na rin iyong tao. Pero parang may project yata ulit na bago, eh. Pelikula. Usap-usapan na nga sa set last time na parang si Shaira Mercado ang binigyan ng role ng leading lady. `Di hamak namang mas maganda ako doon, Mama, `di ba?" Ang Icca na tinutukoy niya ay ang manager ni Ethan na si Jessica Ramos. Si Shaira Mercado naman ay isa sa mga aktres sa showbiz na hindi niya gusto. Hindi niya ito feel para kay Ethan dahil mas feel niya ang sarili niya na katambal ng aktor.

"Aba, eh kanino ka pa ba magmamana, anak? Eh di sa nanay mong saksakan ng ganda!" bulalas ng ina niyang si Filomena.

Litaw na litaw kay Paola ang pagiging isang Filipina sa anyo. She had a pair of rounded eyes, small nose and pouty lips. Her chiseled jaw also complemented her collarbone in terms of symmetry. Ang kanyang bagsak na buhok ay kadalasang inaayos lang niya gamit ang headband. At higit sa lahat, morena ang kulay ng kanyang kutis.

"Parehas kayo ni Parker. Ang porma ng mukha niyo ay mula sa akin at hindi sa tatay niyong bakulaw." dagdag pa ng ina niya.

Kaya rin nahilig sa mga artista si Paola ay dahil sa ama niya na namayapa pitong taon na ang nakalilipas. Dating ekstra at stuntman ito sa mga pelikula ni Max Alvarado noon. Kaya rin nasabi ng ina niya na mukha itong bakulaw ay dahil malaking tao ito ang pang-goons talaga ang peg. Ang pinaka-break ng ama niya ay noong naging isa ito sa mga goons na binalibag at pinatumba ni Fernando Poe, Jr. sa pelikulang "Isusumbong Kita Sa Tatay Ko". Super achievement na raw iyon para sa ama niya. Actually, may kuha pa nga sila ni FPJ at Judy Ann Santos. Batang-bata pa siya noon.

There came a time that they had to transfer to Cebu for a project. Isa sa mga napiling stuntman ang ama niya sa isang teleseryeng tumagal ng apat na taon. Doon na rin siya nagtapos ng high school.

After that project, they went back to Manila and she continued her studies in college. Nahinto nga lang siya nang yumao ang ama niya nang mabali ang spinal cord nito sa isang stunt na ginawa nito. Sinuportahan naman sila ng buong cast, at hanggang ngayon ay tumutulong pa rin ang mga ito sa kanila, kahit pa pitong taon na ang nakararaan.

"Maka-bakulaw ka naman kay Papa, Mama. Parang `di mo minahal, ah." anas niya habang kumakain ng hotdog na pinirito ng ina.

"Sinabi ko bang hindi ko mahal ang Papa mo? Siyempre, mahal ko iyon. Mukha nga lang bakulaw." saad ng ina na ikinatuwa nilang magkapatid. "Eh, ikaw ba, anak, iyan bang si Ethan, hindi ka pa rin sinasagot?"

Hiyang-hiya naman siya sa Mama niya at parang siya pa talaga ang nanliligaw kay Ethan. Alam na alam kasi nito na die hard fan talaga siya nito. Updated ito sa lahat ng mga kaganapan sa karera ni Ethan at sa pagpapares nito sa kanila.

"Never say die, Mama. Mai-in love din sa akin si Ethan." confident na sabi niya. Sinariwa na naman niya tuloy ang kilig moments nila ni Ethan.

"Sige, anak. Mag-ilusyon ka pa riyan." sopla ng ina niya. Posible namang magkaroon ng relasyon ang P.A. at aktor, pero alam ng nanay niya, at lagi nitong pinaaalala sa kanya na kung hanggang saan lang dapat siya lumugar. Kapag naman dumating na sa puntong mahulog ang loob nila sa isa't isa ay wala naman magiging problema. Paano lang daw kung isa lang ang mahulog at ang isa ay hindi. Filomena just cleared that to Paola that she didn't want her to get hurt because of unrequited love.

Pabalik sa kusina si Filomena nang saglit itong napahinto. "Paola, parang may naririnig akong tumutunog sa kuwarto mo."

Natigil din siya sa pagnguya ng kinakain at pinakinggan ang tunog. Pamilyar iyon, dahil ito ang ringing tone ng cellphone niya. "May tumatawag sa akin, Mama. Teka, pupuntahan ko lang at sasagutin."

Tumayo siya sa kinauupuan at bumalik sa silid. Kinuha niya ang cellphone na nasa tukador. Nang sipatin niya kung sino ang tumatawag ay tumaas ang kanang kilay niya. It was Icca, Ethan's manager.

"Paola, alam mo ba kung nasaan si Ethan?"

Wala man lang hello-hello? Supladita talaga ang Icca na ito. "Icca!" Icca na rin ang tawag niya rito dahil iyon naman ang naririnig niyang tawag ni Ethan dito.

"Kailan kayo huling nag-usap?"

Muli niyang inalala ang mga panahong magkasama sila ni Ethan. "Kahapon? O noong isang araw? Hindi ko na maalala."

"Patawag na rin sa `yo. Kanina pa ako tumatawag kay Ethan, pero hindi ko siya ma-reach. Kailangan ko pa naman siyang makausap para sa schedule niya bukas."

"Sige, susubukan ko." Na-sense niya na parang may pag-aalala sa tinig ni Icca. Parang may kakaiba sa tono ng pananalita nito. She knew how goal-driven, focused and serious Icca was, that's why she wondered why she sounded so apprehensive.

"Alam mo ba na kinansela niya `yong date niya kay Shaira Mercado?"

"Hindi. Wala siyang nasabi sa akin." Hindi na tama ito, ah. Nakakapagtaka ang tinig ni Icca. Parang may problema.

"Pumunta ka sa condo niya. I'll go there as well. Doon na lang tayo magkita." Naputol ang linya matapos ang huling pangungusap na iyon.

Nagsalubong na ang mga kilay niya. "Ano kaya ang nangyari kay Ethan?"

***

Ikaw ba ay #TeamPaola?

This is just a preview since I am not the author of the other books. This is just a collaboration series.

Are you interested to read the complete series? You can PM www.shopee.ph/sofiaphr and request to order Finding Ethan Series.

Sofia_PHRcreators' thoughts