webnovel

Finding Ethan: The Dream That You Seek (Tagalog, Filipino) - Falling For the Secret Superstar

“Kahit nakatayo ka lang diyan at nakangiti sa akin, kinikilig na ako.” Ethan Ravales just wanted to escape from his suffocating life as the Philippine’s prime leading man. Pakiramdam niya ay kinakain na ng kanyang sistema ang kanyang kaluluwa. Para hanapin ang sarili ay tumakas siya hanggang mapadpad sa Isla Juventus matapos iligtas mula sa isang magnanakaw ang isang magandang dalaga—si Aurora. Hindi inakala ni Ethan na makakaya niyang mabuhay sa Isla Juventus—na walang kuryente, Internet, o signal man lang ng cell phone, at bilang Alvaro Baltazar na isang ordinaryong lalaki. Hindi rin niya napaghandaan ang espesyal na naramdaman nang makilala at makasama niya sa isla si Aurora. Handa na siyang iwan ang mundong nakagisnan para kay Aurora. Ngunit nang may magpaalala kay Ethan ng mundong iniwan niya ay napaisip siya. Ano ang kaya niyang gawin para kay Aurora? Handa ba siya sa maaaring mangyari kapag nalaman ni Aurora ang tunay niyang pagkatao? The final book of Finding Ethan Series, a collaboration with Leonna, Gezille and @Tyramisu.

Sofia_PHR · 综合
分數不夠
55 Chs

Chapter 45

NALIBANG si Ethan na basahin ang paboritong libro ni Aurora. Dala iyon ng dalaga sa pag-eensayo nila sa dula at paminsan-minsan ay binabasa. Nandoon ang mga sinaunang kwento bago pa man dumating ang mga Kastila ng mga sinaunang Pilipino. Iyon daw kasi ang gusto nitong basahin sa mga bata para hindi makalimutan ng mga ito ang kwento ng mga ninuno. Nagpapahinga sila sa upuang kawayan sa ilalim ng puno na di kalayuan sa entabladong ginawa para sa pagtatanghal. Dalawang tulog na lang ay pista na kaya naman abala ang lahat.

"This is cool. Maganda ding gawing play ang mga ito. How about you put up a theater guild here for the kids? I think it will help them appreciate the local literature more. I can help you with..."

Isang mahinang hilik ang narinig niya mula sa dalaga. Nang lingunin niya ito ay nakaunan ito sa balikat niya habang nakanganga. Hinawi niya ang buhok nito na ang ilang hibla ay bumabagsak sa mukha nito. She was beautiful. Masarap itong titigan kahit na wala itong make up. He was used to glamorous women in showbiz who won't be caught dead without wearing make up. It was all about the looks and image.

Hindi iyon importante kay Aurora. Simple lang ang mga gusto nito sa buhay. Sa halip na magpaganda, priority nito kung paano tatapusin ang gawaing-bahay. Gusto ito ng mga tao sa isla dahil mabait ito at matulungin. Pagkatapos ng simba ay nagtuturo pa ito sa mga bata para daw di makalimutan ang napag-aralan. And she was such a hard worker. Hindi ito nahihiyang magbuhat nang mabigat lalo na't wala naman itong aasahan sa bahay. Ayaw nitong aasa ng tulong sa iba. Her independent maiden. Sweet on the outside but she was made of steel. Sa dami din ng pinagdaanan nito sa buhay, nananatiling puro at mabuti ang puso nito.

Inangat niya ang kamay nito at akmang kikintalan ang palad nang mapansin niyang may tuklap ang balat nito. Nang itaob niya ang kamay nito ay napansin niya ang mga sugat partikular na sa kamao. Magaspang ang kamay nito, patunay na lagi itong gumagawa ng gawaing-bahay. Pero naalarma siya dahil sa sugat sa mga kamay nito.

Naalimpungatan ang dalaga at umungol. "Nakatulog pala ako dito. Di mo man lang ako ginising."

"Bakit may sugat ka?"

"Wala iyan. Normal lang kapag naglalaba ako," kaswal na sabi nito.

"B-Bakit ganito? Hindi ko alam na nakakasugat ang paglalaba."

"Kasi nga kamay ang gamit ko naglalaba ako. Natural ganyan ang mangyayari. Ang dami ko pang nilabhan na mga kurtina at mga kumot para sa pista. Gusto ni Amay na maayos ang lahat."

Sanay si Ethan sa malalambot na kamay ng mga babae. Well-manicured. Ang iba ay naka-hand spa pa at kada limang minuto ay naglalagay ng hand moisturizer. "But this is alarming. Hindi mo man lang sinabi sa akin. Sana natulungan kita. O sana nagpalaba ka na lang."

"Magpalaba? Magbabayad pa. Sayang naman ang pera."

"Ako ang magbabayad para sa iyo. You don't have to wash a single clothe in your life."

Tumuwid ito ng upo. "Sandali. Hindi mo naman kailangang gawin iyon sa akin. Kaya ko naman maglaba. Bata pa lang ako sanay na akong gawin iyan."

Tinapik niya ang kamay nito. "Look. You are my princess. Ayokong nahihirapan ka. Kung nasa Manila ka lang, hindi mo kailangang maglaba. There's washing machine and there are lots of laundry shop, too. Sila na rin ang magtutupi at mamamalantsa para sa iyo. Isusuot mo na lang ang damit."

Tinitigan siya nito na parang taga-ibang planeta siya. "Alvaro, masarap iyan kung nasa Maynila tayo. Pero wala tayo sa Maynila. Sa lugar na ito, kailangan kong gawin ang lahat. Kahit pa sabihin mong may pambayad ako para sa ibang tao na gagawa sa akin, ano naman ang ibang gagawin ko kung may ibang gagawa ng trabaho ko? Wala. Dahil ganoon lang talaga ang buhay dito sa isla."

"Ayoko lang talaga na mahirapan ka."

Gusto niya itong ibili ng state-of-the-art kitchen set at kumuha ng personal chef para di na nito problemahin ang pagluluto. Steam iron at sarili nitong tagaplantsa para di na nito gamitin pa ang plantsang de-uling na sa museum lang niya nakikita. Hindi na ito kailangang mag-igib ng tubig kung siya ang masusunod. He would pamper her.

He wanted to give Aurora so much more. Pero sa islang iyon, wala naman itong pakinabang sa yaman niya. He was just a simple man here, not Superman. Not Ethan Ravales. It was frustrating as hell.

Ngumiti ang dalaga at niyakap siya. "Salamat kasi inaalala mo ako. Sapat na iyon para gumaan ang pakiramdam ko."

"Anong ginagawa mo sa anak ko?" singit ni Manoy Gener.

Bigla silang naghiwalay ni Aurora. Hindi sila gaanong nakatago sa mga tao dahil malapit lang sila sa baranggay hall. Di lang nila inaasahan na susunod doon ang matandang lalaki. "W-Wala po, Amay," nakangiti nitong sabi.

"Anong wala? Kitang-kita ko na nagyayakapan kayo," nanggagalaiting sabi ng matandang lalaki.

"N-Nag-eensayo lang po kami ng linya namin sa dula," depensa ni Aurora.

"Hindi ako naniniwala." Dinuro siya ng matandang lalaki ng tungkod. "Sinasamantala mo ang kahinaan ng anak ko. O baka naman may relasyon na kayong dalawa."

"Huwag po ninyong lagyan ng malisya, Amay. Nakakahiya po sa mga tao." Luminga si Aurora sa paligid. Nagtitinginan na ang mga kasamahan nila na narinig marahil ang sigaw ng ama ng dalaga. "Maayos po kaming nag-eensayo dito. Huwag naman po tayong gumawa ng eksena."

"Kung talagang wala kayong ginagawang kababalaghan, maghiwalay muna kayong dalawa." At hinatak si Aurora mula sa kanya. "Saka na ulit kayo mag-usap kapag eksena na ninyo."

Isang tinging humihingi ng pang-unawa ang ibinigay sa kanya ni Aurora at takot na mapag-initan na naman siya ng ama nito. Nakuyom niya ang palad. Hindi pa rin siya gusto ni Manoy Gener para sa dalaga. Ito na ang huling beses na ilalayo ng lalaki sa kanya si Aurora. Handa siyang ipaglaban ang dalaga, kahit pa ngayon ay wala pang katiyakan ang lahat para sa kanila. Kahit di pa nito alam kung sino siya bilang Ethan Ravales.