Noong una napakasimple kong estudyante na pumapasok ng tulad ng isang simpleng high school student, hanggang sa nakilala ko siya.
Kakaiba siya sa lahat at hindi ko nga alam nung una kung bakit ang laki ng tiwala niya sa akin para dalhin pa ako sa templo nila, pero dahil dito mas nakilala ko siya.
Hanggang sa hindi ko namalayan na unti unti na siyang nagiging isang malaking bahagi ng buhay ko.
Alam ko naoakabilis na mahalin ko siya pero anong magagawa ko.
Hanggang sa naalala ko na ang lahat, kaya pala madali ko lang siyang minahal dahil matagal na siyang kilala ng puso ko.
At hinding hindi ko na siya pakakawalan muli.
"Heidi anong ginagawa mo diyan baka malate tayo sa kasal"
Miki/Heidi's Pov...
Dahil sa sigaw ni mama ay sinarado ko na ang aking journal at lumabas upang maihatid na kami sa simbahan.
Nang makalabas kami ay bumungad sa akin ang napakagwapo niyang mukha.
"Let's go" Sabi niya sa akin habang inaalok ang braso niya na tinanggap ko naman at sumakay na kami sa kotse.
Akalain mo iyon isang taon na din simula ng mangyari ang insidenteng iyon at ito kami at magsisimula na ng tahimik na buhay.
Flashback...
"Miki" napabalik ako sa wisyo ko dahil sa bulong ni Oji Sama. Napaiyak na alamang ako ng makitang muli ang dudguang lagay ni Adam.
"Im going to inject this drug on you, you're body will not function for about three days and I promise you on the fourth day you will surely revive" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Oji Sama.
Naguguluhan ako, bakut niya ito ginagawa?
"It's for Nadeshiko, and I really want the organization to begone. On the fourth day the other remaining traitor clans will back out because they will hear the news of my death and yours that's when I promise that you'll be revive, send my regards to your father. Tell him that I really respect him but I've been blinded by my insecurities and it resulted the death of the woman we both love, so for Nadeshiko I'll save you" Hindi na ako nakapagsalita ng halikan niya ako sa noo at maya maya ay may itinurok siya sa balikat ko.
Nakita ko siyang kinakausap si Adam pero halatang hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Oji Sama.
Unti unti na akong nawalan ng malay.
Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos noon pero nagising na lang ako ay nakahiga na ako sa isang altar.
Nang umupo ako ay hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa mga itsura nila.
Sila Adam lang ang hindi nagulat sa pag gising ko at sigurado akong naintindihan na niya ang ibig sabihin ni Oji Sama.
Lumapit sila Adam at niyakap niya ako.
"Good thing I've figured out what master was talking about, you're really alive Heidi" Sabi niya sa akin habang nakayakap pa rin siya.
Niyakap ko rin siya ng mahigpit dahil hindi ko inaasahang ganito ang mga mangyayari, akala ko talaga katapusan na naming dalawa pero hindi pala.
Nalulungkot ako sa nangyari kay Oji Sama, kung sinabi niya sana ito noon edi sana hindi hahantong sa ganito ang lahat.
Maya maya ay lumapit na rin si Otou Sama at si...
Ate Miku...
Napaiyak ako ng makita ko si Ate Miku, namiss ko siya.
Nang makalapit na sila ay bumitaw na si Adam sa yakap at tsaka ko naman niyakap si Otou Sama at Onee Sama.
"Onee Sama" Tawag ko sa kanya at niyakap niya pa ako ng mas mahigpit.
"Miki patawarin mo ako, *hik* akala ko wala ka na tinakot mo kaming lahat" Napatawa naman ako sa sinabi ni Onee Sama.
Katulad ng sinabi ni Oji Sama nang mabalitaan ng natitirang clan na nagtaksil ang nangyari kay Oji Sama ay binuwag na nila ang samahan nila at pumunta na kung saan saan ang iba.
Si Papa naman dahil wala na rin naman ang mga clan na nagtaksil ay binuwag niya na rin ang organisasyon at ito kami ngayon namumuhay ng normal.
"Heidi, we're here" Tawag sa akin ni Adam at nginitian ko lang. Kanina pa pala siya nakalabas at nakahintay na sa pintuan na katapat ko para alalayan ako.
Kinuha ko ang kamay niya at lumabas sa kotse. Nang makalabas ako ay marami akong nakitang mga taong isang taon ko ding hindi nakita simula ng mabuwag ang organisasyon.
Napakasaya ng araw na ito. Nang makapasok kami sa loob ay itinuro ng organiser ang pwesto namin at natawa naman ako kay Adam dahil halatang nainis siya dahil magkahiwalay ang upuan ng mga babae sa mga lalaki.
Sinabi sa akin ng organiser na doon daw kami uupo pagkatapos naming rumampa.
Nakalimutan kong sabihin na hindi kami sabay ni Adam na rarampa maid of honor kasi ako at hindi siya yung best man kaya natatawa ako sa itsura niya ng sinabi iyon eh.
Maya maya ay pinaayos na kami sa pila dahil mag uumpisa na ang kasal at nang matapos na namin ang rampa ay kinausap ko muna sila Gian at natatawa ako kay Gian dahil mukhang tinablan na siya ng Charm ni Kuya Sam haha tuwing kinikindatan siya namumula pati sila Cassandra at Ranzel natatawa rin pero pinipigilan lang ang tawa.
Napatigil kami sa pagtawa dahil sa pagbukas ng malaking pintuan sa likod. Nakita namin ang napakagandang bride na si Onee Sama. Narinig ko ang mga papuri ng mga tao sa kanya at hindi ko maiwasang maging masaya para sa kanya.
Alam ko ang mga pinagdaanan ni Onee Sama bago niya makuha ang magandang resulta na ito.
Nagpalitan na sila Onee Sama at Kuya Steven ng mga I do nila at grabe ang iyak ni Otou Sama dahil mawawala na daw sa kanya ang baby niya haha paano na lang kaya kung magpakasal ako.
Nang mapagtanto ko ang inisip ko ay bigla akong nahiya sa sarili ko at napatingin ako kay Adam at nagulat ako nang nakatingin rin pala siya sa gawi ko.
Umiwas lang ako dahil nahihiya ako sa mga iniisip ko.
Natapos na ang kasal at hindi na nakipag usap si Adam sa mga lalaki na kasama niya at tumakbo kaagad sa akin.
Nang makaabot na siya sa akin ay hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na kami dahil dederetso na ang lahat papunta sa wedding reception.
Pagdating namin doon ay hindi ako makapaniwala sa dami ng pagkain at napakalaki ng wedding cake sigurado akong tiba tiba si Gian niyan.
Bale kanina pa kami nakaupo dito at tinitingnan ang pagsayaw nila Onee Sama.
Napatigil ako sa pagtingin sa paligid ng hinawakan ni Adam ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Miki when do you want to marry me? " Nabigla ako sa sinabi niya at tinakpan ko ang mukha ko.
"A... Ano bang pinagsasabi mo bata pa tayo" Sabi ko sa kanya na hindi nakatingin ng derestso.
Ano bang iniisip ng isang ito.
"I love you Miki" Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kanya at mahahalata mo ang sinseridad sa sinabi niya.
Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at yun din naman ang ginawa ko.
"I love you too Aki" Unti unting lumapit ang mukha niya sa akin at pumikit na ako sa aksyon niyang iyon.
Maya maya ay naramdaman ko ang malambot niyang labi.
Saglit lang kami naghalikan pero ng huminto kami ay nagulat ako sa mga itsura ng mga kasama namin bigla kong sinubsob ang mukha ko sa dibdib ni Adam at pinagpapalo siya pero siya akala mo parang walang nangyari at tumatawa pa.
Nakakahiya bakit ba ako pumikit. Nang tumingin ulit ako sa kanila ay nakita ko ang itsura ni papa na para bang iiyak na at si Onee Sama naman ay nakangiti habang yung grupo nila Ranzel ay akala mo nanunukso ang mga ngiti.
Inaya kami nila ate na sumayaw at si Adam naman ang nanghila sa akin.
Huhu hindi ba siya nahihiya.
Habang sumasayaw kami ay perehas kaming nakangiti sa isa't isa masaya na yakap namin ang ang bawat isa.
Sigurado na akong habang buhay na akong nasa bisig niya at mukhang hindi na ako in love sa isang mamatay tao dahil in love na ako sa lalaking ito.
THE END...