webnovel

Cupid's Fools

Heidi's Pov...

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi disappointed si Trance sa nangyari sa grupo nya,tinalo sila ng mga baguhan pero hindi na ako nagtataka dahil alam ko kung gaano kagaling yung mga nasa kabilang grupo pero talagang nagtataka ako kay Trance,napakaweird nya kasi.

"Heidi ang galing nila ano?" Sabi sa akin ni Trance na nakangiti pa, ano kayang iniisip nito?Magtatanong sana ako kaya lang ay bigla may humila sa akin at niyakap ako.Pagtingin ko sa yumakap sa akin ay nagulat ako,sya na naman.

Maya maya ay may nararamdaman na akong tensyon sa dalawa.Ang mga weird na nagkakagusto sa akin."Hey bitawan mo si Heidi" Utos ni Trance kay Adam pero mas hinigpitan lang ni Adam ang yakap sa akin to the point na naaamoy ko na sya ng maayos."No and I will never will" Saad naman ni Adam,hindi ko alam pero parang may kumurot sa puso ko nang sabihin nya yun.

Ang mas pinagtataka ko ngayon ay ang pananahimik ko,hindi ko alam pero parang ayoko ng umalis sa mga bisig nya at kapag ibang tao naman ay ayoko hindi kaya magbabago ang katawan ng tao overtime?Hindi na ulit nakapalag si Trance dahil bigla akong hinila ni Adam.

Hinila nya ako palabas ng underground hanggang nasa dome na kami."Shit,what are you doing here?" Tanong nya sa akin na parang galit pa at medyo nainiss ako sa tono nya dahil hindi ko naman sya kaano ano para tanungin nya kung anong ginagawa ko rito.Aalis na lang sana ako kaya lang ay pinigilan nya ako.Gusto ko nang umuwi bakit ba kasi hindi nya makuha yun."Speak Heidi" Tsk nakakabwisit na talaga itong lalaking ito.

Aalis na sana ako kaya lang ay may sinabi sya nakapagpapigil sa akin."I'm sorry ok,I just want to protect you" Pagkasabi nya nun ay sumakit ang ulo,parang parang nagpapakitang mga visions sa utak ko pero hindi ko maintindihan."Ahh!" Napainda na lang ako sa sakit at unti-unting nagdilim ang pangin ko nakakainis mawawalan na naman ako ng malay ayoko na nito.

Then suddenly everything went black...

Gian's Pov...

Nagtagisan ng tingin si Adam at ang lider ng kabilang grupo pero natigil iyon ng biglang hinila ni Adam si Kerei palabas at naiwan kami ng mga malalanding lalaki na ito.

"Hello ang galing mo kanina" Sabi nung nakalaban ni Ai kay Ai."Ta..talaga hehe thank you kuya" Napangiwi naman yung lalaki sa sinabi ni Ai.Wala naman akong pakialam sa kanila kaya si Amasona at Dugo naman ang tiningnan ko mukhang ganoon din ang nangyayari pero si Dugo,wala sya sa sarili nya dahil nakatago lang sya sa likod ni Amasona bakit kaya kabaliktaran sya kapag natatakot?

Aalis na sana ako ng may naramdaman akong nakatingin sa akin kaya tiningnan ko yung paligid at tama ako.Nakita kong tumitingin sa akin yung nakalaban ko pero nakalimutan ko na pangalan nya kaya wala na akong pakealam sa kanya.Maya maya ay nagtaka ako kasi parang papunta sya sa akin,wait sa akin nga sya papunta.

"Miss napakasnob mo kanina pwede ko na bang makuha ang pangalan mo?" Tinignan ko lang sya na parang bored na bored ako,ano kayang balak ng lalaking ito.Aalis na sana ako ulit ng hinawakan nya ang kamay ko."Wait Miss hindi kita paalisin kung hindi mo sasabihin ang pangalan mo" Tsk mga lalaki, nakakabwisit talaga sila.Dahil na iinis na ako ay pinilit kong tanggalin ang kamay ko."Wag mo nga akong hawakan"

Tinalikuran ko na sya pero napatigil ako dahil bigla syang tumawa,napatingin ako sa kanya at binigyan lang nya ako ng kindat wait ano bang pinag gagagawa ng lalaking ito.Siguro ganyan sya kapag wala daw kuno yung girlfriend nya."Wait Gisselle Anne" Saglit tama ba yung rinig ko,tinawag nya ba ako sa totoo kong pangalan?Tumingin lang ako sa kanya ng matagal at umalis na,mukhang nababaliw na yung lalaking yun.

Cassandra's Pov..

Mabuti na lang at nakakagalaw na ako,talagang hindi na ako aakyat sa kasing taas nyan o kahit mas mataas pa diyan.Iniisip ko pa lang nanghihina na ako."Hindi bababa ang ring para sa iyo miss" Natigil ako dahil sa paepal na biglang nagsalita.Bakit ba kasi kailangang may mga lalaking epal pa sa mundo tulad ng isang ito.Umalis na lang ako dahil talagang nabibwisit ako.Tch,I really hate guys ugh.

Nang makalayo na ako ay nakita kong may lumapit din kay Ranzel pero hindi lang nya iyon pinansin dahil okupado pa sya sa nangyari kanina,napakaingay kasi ng babaeng ito eh yan tuloy."...kdkfk" Hindi naiintindihan ang sinasabi ni Ranzel dahil pabulong nya lang iyong sinasabi tatalikod na sana ako ng biglang may sumigaw.

"Cass!"nagulat ako dahil pagtingin ko ay nakita ko si Ranzel na papalapit sa akin.Lagot dadaganan lang ako ng babaeng ito eh.Dahil sa takot ay mabilis akong tumakbo paakyat ng dome at hindi ko na alam kung ano nang nangyari sa baba at salamat sa diyos at hindi sya nakasunod phew I'm saved.

Ranzel's Pov..

Grabe si Cass iniwan ako huhu alam nya namang problemado ako tapos tinakbuhan nya lang ako grabe why so mean Cass why?Sa tagal ng pagsasama natin iiwan mo lang ako.Sa sobrang okupado ng utak ko ay hindi ko namamalayang may humahawak na ng kamay ko at hinihila ako at pag angat ko ng tingin ay nakita ko yung lalaking nakalaban ko kanina.

"Saan mo ako dadalhin?" Di lang sya sumagot at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa may nahagip ang mata ko na vending machine at naghulog sya ng barya at nang lumabas na ang inumin ay ibinigay nya sa akin."Wag kang malungkot di bagay sa iyo" Yun na lang ang sinabi nya at umalis na sya.

Naalala ko tuloy ang crush ko huhu bakit hindi mo ako pansinin crush.Napaka emotional ko naman ngayong araw diba ang prinsipyo ko ay optimistic dapat lagi.Ok charge up,hehe hanapin natin si Cass may utang pa sya sa aking yakap hehe.

Teka nasaan na si Miss Ai hindi ko na kasi sila nararamdaman kanina kaya hindi ko sila napapansin kahit si Sensei, Gian at Heidi hayaan mo na nga baka nauna lang sa taas..

A suivre...