webnovel

Falling For Mr. Wrong [Tagalog Novel] Soon To Be Published under PHR

Myla was good at her job. At kahit ano pa mang trabaho ang ibato sa kanya ay nagagawa niya ng maayos. Iyon ay bago siya ipinatapon ng kapatid sa hacienda ng kanilang pamilya upang tumulong sa pamamahala niyon. She accepted the task at hand without much question. Ngunit parang gusto niyang pagsisihan ang desisyong iyon nang makilala isang umaga ang lalaking magiging bagong kasosyo sa hacienda. Si Darwin, ang nag-iisang lalaking gustong gusto niyang pulbusin noon pa mang makilala niya ito. Ang masaklap pa ay obligado siyang pakisamahan ito nang mabuti dahil kasama iyon sa trabaho niya. Dahil napasubo na ay pinilit na lamang niyang gawin ang nakaatas sa kanya habang ipinagsisiksikan sa isip na trabaho lamang iyon. But then again, she was with Darwin, her greatest nemesis who happened to possess the pair of lips that had hunted her thoughts ever since she had tasted them when they were in college. Mapapanindigan ba niya ang "workmates" set up nila kung maging ang tibok ng puso niya ay naaapektuhan na ng simpleng presensiya lamang nito?

Eira_Alexis_Sotto · 现代言情
分數不夠
32 Chs

25

DARN it! They were not even friends. Ilang taon itong naging target sa dart board niya at buong buhay na yata niyang isinusumpa ito pagkatapos ngayon ay mari-realize niyang may nararamdaman na siya para sa lalaki? And it was not a simple attraction. She has confirmed it. He loves him!

Hindi kaya ginayuma siya nito? Uso ba iyon? Pero kung hindi, bakit sa loob lamang ng ilang linggo ay nagkaroon na ito kaagad ng lugar sa kanyang puso? Well, he was sweet. She found out he was nice also. Hindi nga ba at tinulungan nito ang mga bata sa hacienda? And now he took care of her. And those kisses. Darn those kisses! Malakas ang paniniwala niyang iyon ang salarin sa nararamdaman niyang iyon.

Kung ganoon paano si Christopher? Napangiwi siya sa isiping iyon. Ilang beses na rin siyang nakikisakay sa pagpapa-cute at 'panliligaw' umano nito dahil ang akala niya ay matutulungan siya nito. Na kapag nakasama niya ang lalaki ay magbabalik ang dating pagkagusto niya rito at matutuklasan niyang simpleng atraksiyon lamang ang nararamdaman niya para kay Darwin. But it was nonsense all along. Ngayon lang din niya napagtantong walang feelings na maaaring bumalik sa pagitan nila ni Christopher. It was just plain puppy love. A teenage crush. At nagi-guilty siya dahil ginamit niya ang lalaki sa pagdi-deny ng nararamdaman niya para kay Darwin. Ngayon ay sigurado na siyang wala na siyang mai-o-offer pa kay Christopher kung hindi pakikipagkaibigan.

She automatically stiffened when she heard the knob being opened from the outside. Was it Darwin? Bakit parang gusto niyang magtago na lamang sa closet niya! Ngayong tanggap na niya ang nararamdaman niya para rito ay parang hindi naman niya alam kung paano itong pakikiharapan.

Nakahinga siya nang maluwag nang hindi si Darwin ang pumasok nang bumukas ang pinto ngunit agad ding napalis nang mapagtanto kung sino ang babaeng may dala ng tray na kinalalagyan ng isang tasa. It was Angelica.

"What are you doing here?" wala na siyang pakialam pa kahit tunog mag-aamok na siya. Hindi niya gusto ang ideyang nasa loob ito ng kabahayan nila. She was not even their housemaid!

"Dinalhan ko po kayo ng tsaa. Peppermint tea daw iyan sabi ni Darwin. Para sa dysmenorrhea niyo." Natigilan siya. Paano nitong nalaman ang dinaramdam niya. And now she was on first name basis with Darwin? Kelan pa nito binitawan ang pagtawag ng 'Sir' sa lalaki?

"Thanks. Nasaan pala si Darwin?" tanong na lamang niya. Bakit inutusan pa ito ang babae samantalang ni hindi ito kasambahay? At bakit hindi na lamang ito ang nagdala niyon? Napakabigat ba niyon para ipadala pa nito sa iba?

"Ay naghahanda po. Pupunta kasi kami sa bayan."

Agad na tumaas ang kilay niya.

"Pupunta kayo sa bayan?"

"Opo. Sasamahan daw po niya ako sa pamimili."

Lumalim ang kunot sa noo niya. Kinalimutan na ni Darwin na balikan ang may sakit na tulad niya dahil sasamahan nito si Angelica na mamili sa bayan? The nerve! Pagkatapos nitong sabihing namiss siya nito?

"Sige, makakaalis ka na. Baka hinihintay ka na niya." Pagdi-dismiss na niya rito. Lalo siyang naaalibadbaran rito.

Ngunit parang wala pa itong balak na umalis dahil umupo pa ito sa upuan sa tapat ng dresser niya.

"Senyorita, may gusto ba kayo kay Darwin?" ang diretsang tanong nito. Bigla parang nagbago ang ihip ng hangin. A few minutes ago, she was this sweet girl. Ngayon ay seryoso na ang ekspresyon ng mukha nito.

"What are you talking about?" kunot -noong tanong niya rito.

"Huwag n'yo na pong ikaila, Senyorita. Halata sa mukha ninyong nainis kayo nang sabihin kong sasamahan ako ni Darwin sa bayan." Seryosong sabi nito. Nakakahiya naman rito. Tinatawag pa siya nitong senyorita samantalang nang-uusig naman ang tinging ibinibigay nito ngayon sa kanya! Ngunit hindi siya iyong tipo ng nagpapatalo. Ngayon pa bang natanggap na niya sa sarili niya ang nararamdaman niya para kay Darwin? Ha! Ano ito sinuswerte?

"And what if I like him?" taas ang kilay na tanong niya rito. "What is it to you?"

Nakita niya ang bahagyang paniningkit ng mga mata nito. Ngunit wala itong magagawa sa kanya. She was the owner of the house at tauhan lamang ito sa hacienda! Mamatay ito sa galit!

Ngunit saglit lamang naman itong naningkit pagkatapos ay bumuntong-hininga. Bumalik ang mala-anghel na ekspresyon nito.

"Nag-aalala lamang naman po ako sa inyo."

Plastik!Tili ng isip niya.

"Hindi mo kailangang mag-alala. Kaya ko naman ang sarili 'ko. And It's not as if we are close 'cause we are obviously not." Sagot niya.

"Pero masakit ang mabigo sa pag-ibig, Senyorita."

"At sino ang may sabing mabibigo ako?" balik niya rito.

"Kung gusto na ninyo si Darwin ay siguradong mabibigo kayo." Sabi nito at hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng gilid ng labi nito. "Hindi kayo ang gusto ni Darwin."

"At sino ang gusto niya, ikaw?"

"Narinig kong ikaw ang may kasalanan kaya iniwan si Darwin ng huling nobya niya."

Bahagya siyang natigilan. Bumalik sa alaala niya ang babaeng kinapos sa damit. Ang eksena nila sa hotel. Paano nalaman ni Angelica ang tungkol doon? Did Darwin told her about it? Were they that close?

Hindi pa man siya nakakabuo ng sasabihin ay muli nang nagsalita si Angelica.

"Sinabi niya sa akin ang lahat. Sinabi niyang nakikipaglapit lamang siya sa'yo para makaganti sa ginawa mo. At ang sabi niya mas mararamdaman mo ang sakit kung mahuhulog ng tuluyan ang loob mo sa kanya." Hindi na nagkunwari pa ang babae dahil sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito.

She suddenly felt numb. At kasabay niyon ay ang pag-alingawngaw sa isip niya ng mga salitang binitawan ni Darwin sa hotel nang araw na iyon.

"Remember this sweetheart. I don't get angry....I just get even."

"Y-you're bluffing..." kulang sa sustansyang sabi niya sa babae. Gusto niyang maniwalang binubuyo lamang siya nito ngunit hindi niya magawang balewalain na lamang ang katotohanang alam nito ang nangyari. He was getting even? "B-bakit mo sinasabi ito sa akin?"

"Dahil nagmamalasakit ako sa inyo. Kayo pa rin naman ang amo namin." Sabi nito ngunit wala naman siyang mabasang concern sa mukha o sa tono nito. She was sure she was doing this to hurt her. And it was very effective. Dahil pakiramdam niya ay laksa-laksang patalim ang tumarak sa dibdib niya. "Aalis na ako, senyorita para makapagpahinga ka na." Nakalabas na lamang ito ng tuluyan ng silid niya ay nakatunganga pa rin siya.

Parang nag-flashback sa isipan niya ang mga nangyari nitong nakaraang araw. Darwin's sudden sweetness. The dance. Those kisses. Lahat ba ng iyon ay dahil lamang gusto siyang paghigantihan nito? Kung ganoon hindi siya pinagti-trip-an lang nito. Pinaghihigantihan siya. Pinaglaruan siya sa palad nito. At heto naman siya, parang inosenteng nahulog din sa mga pinakita nito? Naramdaman niya ang paghulagpos ng luha sa mga mata niya.

She should have denied her feelings for him up until the end! Baka sakaling sa paglipas ng panahon ay mawala rin iyon. Baka sakaling mapaniwala din niya ang puso niya na wala siyang nararamdaman para kay Darwin. But it was too late. She gave her heart to the man and now her heart was in the verge of being crushed!

Ang tahimik na pagluha ay nauwi sa paghagulgol. She should not be crying over a jerk. Pero hindi niya mapigilan. Nasasaktan siya! At alam niya kung bakit. She had fallen in love with him. She had fallen deeply in love with Darwin...