webnovel

Faces of Love (Tagalog/Unedited)

This is not only about a couple who fell in love with each other. This is not a typical lovestory that we encounter in every story. This is a story of sacrificing and choosing over love for your partner, love for family, love for friends and love for yourself. Hope you'll learn a lot from this story. Enjoy reading.

Danyan · 现实
分數不夠
10 Chs

CHAPTER 6:

CHAPTER 6:

Naguluhan ako sa huling sinabi ni Cooper pero hindi na ako nag-usisa pa kahit marami akong gustong itanong. Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain kahit pakiramdam ko ay nawalan ako nang gana. Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko ngunit mas pinili kong manahimik.

'I'm waiting for someone to like me more than just friend."

Tila sirang plaka ang katagang iyon na paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko. May parte sa akin na gustong itanong kung sino ang tinutukoy niyang someone sa sinabi niyang iyon? And that's someone is a friend, huh?

Gusto kong magtanong pero natatakot akong malaman ang sagot.

Mariin akong napapikit. May kung anong saya akong naramdaman dahil sa sinabi niya, ngunit hindi ko mapigilang mag-alala. May munting kirot akong naramdaman sa kaparehong dahilan. Masyadong magulo ang takbo ng utak ko ngayon.

Sino ba ang kaibigang tinutukoy niya? Paano kung hindi ako iyon?

Wala sa sariling nabitawan ko ang kutsarang hawak ko, napatingin naman siya sa akin na may halong pag-aalala. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Tama pa ba ito?

"Are you okay?" tanong nito sa nag-aalalang tono. Mapait akong ngumiti.

"I'm fine." Tumayo ako mula sa aking kinauupuan. "Mauna ka nang umuwi, I have something to do."

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Patakbo akong lumabas ng Restaurant. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Yuesha subalit hindi na ako nag-abala pang lingunin sila.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, patuloy lang ako sa paglalakad. Kaunti na lang ang mga taong naglalakad dahil halos gabi narin. Maingay ang busina ng mga sasakyan at nakasisilaw ang mga ilaw na nanggagaling duon. Ang lahat ng iyon ay hindi ko binigyan pansin. Nakayuko lang ako habang patuloy sa paglakad sa tabing daan.

Wala ako sa sarili habang patuloy na naglalakabay ang aking mga paa. Walang pakaelam kung may mabunggo man ako at sinisigawan ako. Masyadong okupado ng maraming bagay ang isip ko para pansinin pa ang mga bagay sa paligid ko ngayon. Masyadong okupado ni Cooper ang utak ko.

'What the hell is happening to me? Maxcien, hindi ka ganyan, hindi ikaw yung tipo nang babaeng basta na lang magpapa-distract nang dahil sa lalaki o kahit na kaninong tao. Hindi ikaw iyan.'

Napapikit ako nang mariin kasunod nuon ay ang mainit na kamay na humawak sa aking braso. Bago pa man ako makapag-react ay nahila na niya ako palapit sa kanyang kotse.

"Alam mo bang hindi maganda sa is---"

"Who the hell are you?" singhal ko bago hilain pabalik ang aking braso. Nang maaninag ko ang kanyang mukha ay nasulyapan ko ang isang pamilyar na imahe. Gano'n pa man ay hindi ko siya maalala. Wala naman kasi akong pakaelam sa mga nakakasalamuha ko sa araw-araw.

"Masungit ka talaga 'no?" mahinahong turan nito. Sumandal siya sa kanyang kotse at nag-crossed arms. "I'm Caliber Montesillo, just don't say my name in a lo---"

"I don't care about your fucking name. Ano bang kailangan mo?" Nakamamatay na tingin ang pinukol ko sa kanya.

"You have a filthy mouth." Inerapan ko lang siya sa kanyang sinabi. "Bakit naglalakad kang mag-isa riyan?" tanong pa nito.

"None of your business." Tinalikuran ko siya at akmang maglalakad na ako palayo nang bigla niyang hawakan ang aking kamay. Kung hindi lang ito naka-disguise siguradong kinuyog na ako rito. Madadamay pa ako sa kanya.

"You're name is none of your business, right?" Tumawa pa ito sa pang-aasar niya.

Tinignan ko lang siya nang masama, tinulak ko siya palayo sa kanyang kotse atsaka walang sabi-sabing binuksan iyon at sumakay. Nang maisara ko ang pinto ay binuksan ko naman ang windshield kung saan nasilip ko siyang nakatulala at parang hindi makapaniwala. Nakatayo lang siya duon at nakatingin nang deretso sa akin. Walang kurap ang kanyang mga mata. Nginisian ko siya.

"Caliber Montesillo, c'mmon," malakas kong pagtawag sa pangalan niya.

Natawa ako nang magtinginan ang mga tao sa kanya nang hindi makapaniwala. Mabilis din siyang kumilos papasok ng kotse bago pa man siya pagkaguluhan ng mga tao. Humahangos siya ng paandarin ang kotse.

"That's unbelievable!" He exclaimed. Hindi parin siguro siya makapaniwalang ginawa ko ang bagay na iyon. "Saan mo gustong pumunta?" tanong niya sa malambing na tono.

Nagkibit-balikat lang ako dahil hindi ko rin talaga alam kung saan ako tutungo. Hindi ko nga alam kung bakit iniwan ko si Cooper sa Restaurant. Gayong wala naman akong gagawin o pupuntahan basta na lang ako umalis.

Gusto kong mapag-isa ngunit nandito ako kasama ang lalaking isang beses ko pa lang nakasalamuha.

Tahimik lang na nag-drive si Caliber patungo sa kung saan, siya na ang bahala. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan, wala sa itsura niya ang gagawa nang masama. Sana lang talaga tama ang hinala ko dahil hindi pa ako handang mamatay. Babae parin naman ako.

Ipinikit ko ang aking mga mata at kinalma ang aking sarili. Pinigilan kong mag-isip ng kung anong negatibo, maging ang tungkol kay Cooper. Gusto kong maging maayos ang pag-iisip ko ngayon. My mind wants to be free from now. Kahit ngayon lang.

Nang maramdaman kong huminto ang kotse matapos ang mahaba-habang biyahe ay minulat ko ang aking mata. Nilibot ko ang paningin sa paligid mula sa nakabukas na windshield. Madilim ang buong paligid at ang liwanag lang ng buwan ang tanging nagbibigay ng liwanag. I know to myself na nasa mataas kaming lugar but I don't know the reason is.

"Anong ginagawa natin dito?" walang gana kong tanong sa lalaking nasa harapan at nakatingin lang sa akin.

Ngumisi siya na parang demonyo. Psh. Kung kanina ay nagaalala ako ngayon ay hindi na. Kaya kung ano mang balak niyang gawin sa akin ay nakahanda akong lumaban. That man in from of me is Caliber Montesillo, a most popular when it comes to art. Well, iyon ang sabi nila. Hindi ko naman siya kilala at wala akong pakaelam sa kanya. It's not my duty to know every details of his life.

"Ipapakita ko sa'yo na hindi ka dapat basta-basta nagtitiwala sa ibang tao nang gano'n kadali." Mabilis siyang kumilos para lumabas sa sasakyan, mabilis rin ang kanyang pagkilos nang hilain niya ako nang marahas at basta na lang inihiga sa damuhan.

I just gave him a blank emotion, making him confused in each second. Pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa ngunit nanatili akong nakatingin sa kanya hanggang sa siya na ang kusang sumuko. Tumayo siya nang tuwid at inilahad ang palad sa akin upang alalayan akong tumayo.

"Damn! You're unbelievable. Bakit wala kang ginawa? Papayag ka bang pagsamantalahan ka?" inis niyang singhal. Gusto kong matawa sa kanyang reaction ngunit pinipigilan ko.

Inayos ko ang aking sarili bago siya tignan. "Alam ko kung sino ang dapat at hindi ko dapat pagkatiwalaan. So, don't try me," nakangisi kong saad.

"Kahit na. You must protect yourself. Paano kung mali ka?" Ginulo niya ang kanyang buhok at parang wala sa sarili.

Lahat ng sinabi niya ay hindi ko na narinig dahil natuon na ang aking atensyon sa ganda ng paligid. Ang mga nagkikislapang bitwin ay sumasabay sa ganda ng ilaw mula sa syudad. Napakagandang tignan ng mga iyon at para akong nasa paraiso.

Naupo ako sa damuhan kung saan kitang-kita ko ang ganda ng paligid. It was peaceful here. Dito ko lang nakita ang bagay na hindi ko nakita no'n. Dito ko naramdaman ang mga bagay na hindi ko naramdaman no'n.

Napapikit ako at dinama ang malamig na hangin na humahampas sa buong katawan ko. Nang muli akong magmulat ay kinutkot ko ang damo malapit sa akin atsaka iyon itinatapon sa kung saan. Inulit ko lang iyon nang inulit hanggang sa magsawa ako.

"Noyb." Napatingin ako kay Caliber nang magsalita siya. Hindi ko maintindihan kung ako ba ang kausap niya o ano. Wala naman siyang earphone sa kanyang tainga, wala rin siyang kasama kundi ako. So, who the fuck is Noyb?

"Noyb?" Nakataas ang aking kilay nang magtanong ako sa kanya.

"You, short for 'none of your bus---"

"What the fuck!" I hissed when realized it's me, a Noyb he's talking about.

Natawa lang siya. "I don't know your name so, let me call you Noyb."

"Whatever."

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Rinig ko ang bawat paghinga niya at bawat pagtibok ng puso ko. Kaming dalawa lang ang tao rito ngunit hindi ko dama ang kapahamakan sa kanya. Sa halip, pakiramdam ko ay safe ako na siya ang kasama ko.

I forgot all the stressful things that happened to me. Nakalimutan ko ang pagkalitong nararamdaman ko para kay Cooper. Nakalimutan ko ang lahat at tanging kalayaan at kapayapaan ang aking naramdaman.

"Noyb? I like seeing your smile," muling binasag ni Caliber ang katahimikan. "I saw you laughed a while ago, when you called my name, loudly. You're beautiful, I can paint that. I just wonder, why?" pagpatuloy niya.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong pakinggan ang kanyang mga sinasabi. Siguro dahil narin sa malambing niyang boses. Ang sarap pakinggan ng mga magagandang salita mula sa ibang tao. Pero mas masarap sigurong pakinggan ang mga iyon kung hindi ibang tao ang nagsasabi.

Napangiti ako nang mapait. Kasing pait no'n ang dahilan kung bakit ako humantong sa ganito. Kung bakit kahit pagngiti ay hindi ko na magawa.

"I remember now, you're the girl who scold me dahil napagkamalan kitang si Loren," pag-iiba niya ng usapan. Napansin niya siguro ang pagiging tahimik at pag-iiba ng mood ko dahil sa sinasabi niya. So, he knows how to stop.

"Hmmm..." I just hummed. Gusto kong magtanong tungkol sa babaeng tinutukoy niya pero hindi iyon ang gawain ko. I never been curious to anyone's life.

"I'm sorry for what happened," malumanay niyang saad na ikinagulat ko ngunit agad din iyong binawi.

Paano niya nagagawang humingi ng sorry gayong alam ko sa sarili ko na siya ang nasaktan sa sinabi ko. I judged him without knowing the whole story. Ako ang unang nanghusga sa kanya.

Ngumiti siya nang malapad, bumunot din siya ng damo at itinapon iyon sa kung saan. "Yesterday was her first month of death," k'wento niya. Ang malambing niyang boses ay napalitan ng lungkot. Lungkot habang inaalala ang mga ala-ala niya. Hindi man niya sabihin kung sino ang tinutukoy ay alam kong iyon si Loren.

I stunned. Hindi ko inaasahan ang k'wento niya. Nakaramdam ako ng kaunting guilt sa aking narinig. Parang may kumirot sa aking puso.

Bakit ba hindi ko pinag-iisipan ang aking mga sinasabi?

Ofcourse, maybe, I love seeing people to suffer because of me. But, why? Why I suddenly felt guilty? Sa dami nang taong sinaktan ko sa kanya lang ako nakaramdam ng guilt. Anong mayro'n sa lalaking ito? Anong mayro'n sa kanya?

"He got car accident, nahulog sa bangin ang sinasaktan niya at sumabog iyon. Her body was burnt to the point na hindi na iyon makilala pa. I suffer that much, until n-now." Napahikbi siya habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa kanyang mga mata. He's beeing weak again. Maybe, that girl he was talking about, she's his weakness.

Hindi ko malaman ang aking gagawin. I never used to saw man's crying in front of me. I never used to comfort someone, even my friend. All I did was scold them and made them suffer. But, what now?

"Tss. Ang pangit mong umiyak."

Tumayo na ako bago pa lumala ang drama sa pagitan naming dalawa. I hate dramas. Huminga ako nang malalim at pinagmasdan na lang muli ang paligid. Ayaw kong masira ang ganda no'n dahil sa usapan namin, sa kwento niya.

"Do you know how to paint?" tanong nito kalaunan. Nasa tabi ko na siya at nakangiti narin. Sumandal siya sa kotse habang nakamasid din sa paligid. Ang bilis naman niyang sumaya.

"No. I hate arts."

"If I could have painting materials here, right now, I'll paint you."

"Don't. Baka sirain ko lang iyon sa harap mo."

"Will you do that?"

"Yes. Try me."

"That bad. Alam mo bang pagkakahirapan ko iyon kung sakali?" He pouted his lips.

Naka-disguise parin siya at kahit kami lang dalawa ay hindi niya iyon tinatanggal. Ayaw niya yatang ipakita ang mukha sa akin.

"Wala akong pakaelam kung pinaghirapan mo man iyon. I never used to care for others other than myself."

"I don't believe that," he contradicted.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Inaalam sa pamamagitan ng mga titig kung paano niya nasabi ang bagay na iyon. Ngunit kahit anong paghagilap ko ay wala akong makita. Magaling ba siyang magtago?

"You're a human not a demon. Every human felt an emotion that demons don't. You think you're a demon, then you're a demon with a angelic heart." He explained.

Hindi na lang ako nagsalita. Ninamnam ko na lang ang tahimik na paligid at hindi pinansin ang oras. Bukod kay Cooper at sa mga kaibigan ko kunno, si Caliber lang ang taong nakatagal sa akin. I actually don't do long chitchats, pero sa puntong ito iyon ang nangyari.

We even reached midnight hours being together.