webnovel

Faces of Love (Tagalog/Unedited)

This is not only about a couple who fell in love with each other. This is not a typical lovestory that we encounter in every story. This is a story of sacrificing and choosing over love for your partner, love for family, love for friends and love for yourself. Hope you'll learn a lot from this story. Enjoy reading.

Danyan · 现实
分數不夠
10 Chs

CHAPTER 2:

"Tiago!"

Lahat ng atensyon nang tao ay napunta sa akin, nag-aabang kung ano ang susunod kong gagawin. Ang mga mata nila ay para bang nagtatanong kung kakayanin ko ang lalaking nasa harap ko gayong babae ako. Marami sa kanila ay hindi ako nakikilala at ang iilan ay wala nang ekspresyon habang pinapanuod ako dahil matagal na nila akong kilala.

Oo nga naman, sino ba naman ang babaeng nasa tamang pag-iisip ang makikipaglaban sa ganito kalaking lalaki? Wala nga yata. Ako nga lang ang babaeng maglalakas ng loob para kalabanin ang lalaking ito. But who cares? Not me.

Ngumisi ako nang tumayo siya nang tuwid at naglakad sa harapan ko. Halos lahat nang nakapaligid sa amin ay pigil ang hininga habang humahakbang si Tiago samantalang ako ay parang wala lang. Walang takot na nilalabanan ang tingin niya.

"Isang hakbang pa at patatalsikin kita sa lugar na ito, Tiago," nakangisi kong usal, hindi binigyang pansin ang masamang tingin niya.

"Masyado ka namang kampante na hindi kita kayang labanan." Patuloy siya sa paghakbang. Wala ring takot sa kanyang mga mata.

"Ofcourse, hindi mo ako magagawang saktan dahil kapag nagkaroon ng kahit na maliit na sugat ang katawan ko, sinisuguro ko sa'yong doble ang kapalit no'n," nakangisi at puno nang pagmamalaki kong saad.

Huminto ito sa paglalakad, isang metro ang layo sa akin. Tinignan niya ako nang masama ngunit agad din siyang yumuko bilang pagsuko. Napuno ng usap-usapan ang buong paligid, may pagkamangha sa mata nang iba samantalang panghuhusga naman ang sa iba. Gano'n talaga, wala akong magagawa.

"Umalis na kayo, Tiago bago pa uminit ang ulo ko sa inyo." Malamig at puno nang pananakot kong sambit dahilan para dali-dali silang umalis sa harapan ko.

Kahit ang mga tao ay nagtataka dahil sa nangyari, maraming tanong kung bakit daw gano'n na lang ang takot sa akin ng mga lalaking iyon, mga siga pa sila sa kanto. Hindi ko na lang sila inintindi, lumapit ako sa lalaking ngayon ay nakahandusay at walang malay. Marumi ang kanyang damit at dumudugo ang ibabang labi, pumutok siguro iyon dahil sa pambubugbog nila Tiago.

Umiling na lang ako habang pinagmamasdan siya. Ang lakas ng loob uminom ng alak hindi naman pala kaya ang sarili. Kinuha ko na lang ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko at tinawagan si Cooper.

"I need you here outside your bar, ASAP. Magsama ka ng dalawang lalaki pa."

Agad ko ring pinatay ang tawag nang matapos kong sabihin iyon. Hindi ko na rin siya hinayaan pang magsalita. Wala pang isang minuto ay nakalabas na siya ng bar kasama ang dalawang lalaki na tauhan niya. Humahangos siya patungo sa kinaroroonan ko. May pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Ano bang mayro--anong nangyari riyan?" agad na tanong nito nang makita ang lalaking nakahandusay. Kumunot pa ang kanyang noo at nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin.

"Binugbog siya nila Tiago, dalhin niyo na iyan sa VIP room."

"Walang bakanteng k'warto para sa kanya, Max."

Nang tignan ko siya ay nakayuko na siya habang pinagmamasdan ang estrangherong walang malay. He even crossed his arms while raising his eyebrows. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nang lalaking ito pero wala na akong pakaelam.

"My room. Do'n na lang natin siya pagpahingahin. Hindi natin p'wedeng pabayaan 'yan dito." Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagngiti ni Cooper na para bang may maganda akong nasabi. "What?" inis kong singhal sa kanya.

"I knew it. Hindi ka naman talaga masamang babae, may pakaelam ka parin s--"

"Shut up, Cooper. Kung gusto mo hayaan na lang natin siya rito, tutal malapit naman siya sa bar mo. Kapag may nangyari riyan ikaw ang mananagot." Tinalikuran ko na siya at nauna na akong bumalik sa bar.

Tumuloy ako sa aking k'warto kung saan ako nananatili kapag hindi ako umuuwi sa bahay. Ito narin ang nakasaksi nang lahat ng pinagdadaanan ko. Malinis ang buong sulok at halos walang alikabok, alam kong pinalilinis ito ni Cooper para sa akin. Ilang araw rin akong hindi nakauwi rito.

Umupo na lang ako sa sofa at pinikit ang aking mga mata, pakiramdam ko ay masyado akong napagod ngayong araw. Pakiramdam ko ay maraming nangyari kahit ang totoo ay nakipagtalo lang naman ako sa mga magulang ko at sa mga siga sa kanto. Pagod na pagod lang talaga ang aking katawan.

After a minute, narinig kong bumukas ang pinto ng k'warto ko ngunit nanatili akong nakapikit. Alam ko naman na si Cooper lang ang may makapal na mukha para maglabas masok dito sa kwarto ko. And, I'm right.

"Hey, babe, sigurado ka bang dito ko ihihiga ang lalaking ito sa kama mo?"

Hindi ko siya pinansin at tumango na lang ako, hindi parin minumulat ang aking mga mata. Until I heard heavy breathe near my face.

"Babe, ang ganda mo pala, ngayo---"

"What the fuck, Cooper!" I exclaimed as I opened my eyes.

Halos hindi ako makahinga nang mapagtanto kong one inches na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa, isang maling galaw ay maaari niya akong mahalikan. He just smiled at me as our eyes met. I felt my heart pumps uncontrollably, this is new to me.

Nang rumihestro sa akin ang lahat ay agad ko siyang naitulak nang malakas, muntik pa siyang mapaupo sa sahig buti na lang ay nabalanse agad niya ang sarili. Puno nang pagkairita ko siyang tinignan.

"What the fuck are you doing, Cooper?" inis kong singhal dito, habol parin ang sarili kong hininga. Naiinis ako.

"Babe, I'm just checking your face, mapula parin iyan. What happened?" May pag-aalala sa kanyang boses.

"Uminom ako ng beer, remember?" sagot ko na lang. Kahit alam kong hindi ako makakapagtago sa kanya kahit ano pang pagsisinungaling ko.

"Psh. Hindi naman pumupula ang mukha mo kapag nalalasing ka and you don't look like drunk. Tell me, what happened?"

"It's nothing. Just got a hard slapped from my parents," walang gana kong turan. Lumakad na lang ako palapit sa wala paring malay na lalaki, mahimbing itong natutulog kahit pa may bangas ang kanyang mukha. He's not even aware of what was happening to his surroundings. Siguro kung papatayin siya ngayon ay hindi rin mamamalayan. "Ako na ang bahala sa lalaking ito, bumalik ka na sa trabaho."

"Psh. I'm jealous," ngumuso pa ito habang nakatingin sa akin, I just gave him an emotionless look. "Kpayn, ipapadala ko na lang kay Logan ang mga kakailanganin para sa sugat niyan, wait for it." With that, nagdadabog itong tumalikod sa akin at naglakad papalabas sa k'warto ko. That monkey!

Napailing na lang ako bago lapitan ang lalaking mapayapang natutulog ngayon sa aking kama. May bangas ang kanyang mukha at madumi rin ang kan'yang suot na polo-shirt, halatang ginulpi ng mga tambay. Mahimbing ang pagkakatulog niya dahil narin siguro sa tama ng alak na ininom niya, kung bakit naman kasi ang lakas nang loob na uminom hindi naman pala kaya ang sarili. Knock-out tuloy siya ngayon.

"Loren..." Gumalaw siya nang banggitin niyang muli ang pangalan na iyon, akala ko ay gising siya ngunit hindi man lang siya nagmulat ng mata. Siguro ay nananaginip lang.

Loren? Iyon din ang pangalang binaggit niya kanina, napagkamalan pa niya akong si Loren ni hindi ko nga kilala iyon. Kahit pagmumukha niyon ay sigurado akong hindi ko pa nakikita. Kung sino man ang babaeng iyon siguro ay mahal na mahal siya nang lalaking ito, nagawa pa niyang ikumpara ako roon.

"Ma'am ito na nga po pala ang mga gamit na pinadala ni sir Cooper." Ipinakita niya sa akin ang dalang first aid. Agad ko namang kinuha iyon at nang isasara ko na ang pinto at agad itong nagsalita. "Ah, nandiyan din po pala ang mga kaibigan ninyo, hinahanap po kayo."

"Five minutes," sambit ko at sinara ang pinto ng k'warto.

Umupo ako sa tabi nang lalaki at pinagmasdan iyon. Inilapag ko ang first aid sa ibabaw ng lamesita. Siguro ay si Cooper na lang ang paglilinisin ko ng mga sugat ng lalaking ito mamaya.

Sinulyapan kong muli ang estranghero bago ako tuluyang lumabas ng aking silid. Paglabas ko palang ng pintuan ay bumungad na sa akin ang mga taong akala mo ay nasa motel kung maghalikan, may iba pang halos do'n na gumawa nang kababalaghan, hindi na mahintay na makapasok sa kanilang k'warto. Pathetic! Mga wala man lang kahihiyan. But yeah, this place is made for freedom. Nothing else.

I used to see this kind of situation, a lot. Sanay narin ako sa nakikita ko sa buong paligid dahil halos ito na ang naging mundo ko. Hindi ko na lang iyon binibigyan pansin at umaakto akong parang walang nakikita. Kung hindi rin ako masasanay ay wala namang mangyayari.

"Babe!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang baritonong boses ni Cooper.

Humarap ako sa kan'ya. Isang masamang tingin ang binungad ko sa kan'ya. Samantalang siya ay halos hanggang langit ang ngiti habang papalapit sa akin. That monkey! Kung ano mang pinaplano nito ay alam kong maaasar lamang ako. Pinagtaasan ko siya ng kilay nang tuluyan siyang makalapit sa akin.

"Uy, Babe, nakataas na naman iyang kilay mo. Kailan mo kaya ako sasalubungin ng may ngiti sa iyong labi? Ngiti ka naman," nakangiti nitong usal, nang-aasar. "Nando'n sila Yuesha, hinihintay ka." Tinuro niya ang p'westo kung saan nakaupo sila Yuesha, the three chimpmunks are here. Sila ang mga kaibigan ko 'kunno'.

"I want to join y'all but I'm busy as fuck!" Cooper rolled his eyes in annoyance habang tinitignan ang maraming customer.

"Go to work." Nakangisi ako ng tignan ko siya. Nang-aasar.

Walang buhay na lang akong tumungo kung nasaan ang mga kaibigan ko kunno. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng mga ito rito pero sigurado akong may mga kailangan sila. Hindi naman sila basta-basta susulpot na lang dito kung walang dahilan. This chimpmunks is really getting into something.

Kumpleto ang tatlo kong kaibigan 'kunno' na nakaupo habang nagtatawanan. Sigurado akong mag-iingay na naman sila rito sa bar. Kapag nandito sila ay hindi lang dance floor ang sumasabog dahil sa lakas ng boses at galaw nila pati narin ang tainga ng mga taong kalapit nito. Dinaig pa nila ang megaphone sa sobrang lakas ng kanilang boses. Tsh. What are they doing here in this midnight hour?

"Hey, Max!" sigaw ni Asuna nang makita niya akong papalapit. I just rolled my eyes in irritation.

"Sisteret, balita namin may fafang g'wapo kang niligtas? Is this true, sisteret?" Tinignan ko nang masama si Benj, ang bakla sa barkada. Magiliw ang mga ngiti nito habang lumilinga-linga sa paligid, parang may hinahanap.

I knew it. Kaya sila napunta rito nang ganitong oras ay may kailangan sila. Ang bilis naman kumalap ng balita at napunta agad sa kanila. Isang oras palang halos simula nang mangyari iyon tapos alam na agad ng mga ito? Mga chismosa talaga.

"G'wapo ba, Max? Kamusta siya?" excited ding tanong ni Yuesha, sa kanilang tatlo ay siya ang malapit nang ikasal ngunit kung umasta ay parang walang fiancee. Isumbong ko kaya ito sa fiancee niya?

"Hoy, jokla ka. May Luke ka na, remember? Tama na ang kaharutan mo," suway ni Benj kay Yuesha. "So, sisteret, where na ang fafang g'wapo?" malanding tanong pa nito. Inerapan ko lang siya dahil alam kong hindi na naman siya mapapakali dahil lalaki ang pinag-uusapan. Ang tatlong ito ay tirador ng mga 'g'wapong lalaki' kunno. In their age, para parin silang teenager.

"Shut up. Kung pumunta lang kayo rito para maki-chismis, umalis na lang kayo," inis kong turan na tinawanan lang nila.

Ano pa bang aasahan ko sa mga ito? Hindi na sila magpapadala sa kung ano man ang kamalditahan kong ipapakita sa kanila dahil sanay na sila do'n. Tuwing magkakasama naman kami ay wala akong ibang ginawa kundi ang singhalan at malditahan sila.

"Max, kahit anong gawin mong pagmamaldita sa amin wala ng epek iyan. Immune na kami, right?" Agad namang sumang-ayon ang dalawa sa kanya, tama nga naman ang sinabi niya. Immune na sila sa kamalditahan ko. Immune na kaya naman lalo lang akong naiirita.

"Oo nga sisteret. Atsaka, nakakashonget ang pagsimangot, dapat palagi kang nakangiti." Nagtawanan lang sila sa sinabi ni Benj, ofcourse, they will. "Bakit hindi ka gumaya sa akin? Sa amin? Happy-happy lang at parang walang problema."

"Yuesha, kamusta naman kayo nang finacee mo? Hindi pa kayo magb-break?" pagbibiro ni Asuna. Binabago ang usapan.

Natatawang binato lang siya ni Yuesha ng sisig na pulutan ng mga ito. "Ang bitter mo, por que wala kang jowa e, hanap-hanap ka na lang diyan sa paligid, isama mo si Ben--aray!" reklamo nito ng batukan siya ni Benj. Nag-umpisa na naman silang magbiruan.

"Bakla ka, alam mo namang isa akong sikat na fashion designer tapos hahayaan mo lang ako sa mga tambay diyan sa kanto? Gaga ka." Umerap pa si Benj na parang diring-diri. "Ang cheap." He crossed his arms and rolled his eyes in annoyance.

Ang gano'ng ugali at samahan nila ang nagpapatibay sa kanilang tatlo.

"Bakit ba kasi napunta sa akin ang usapan? Max, nasaan na nga ang lalaking niligtas mo?"

Napailing na lang ako nang muli nilang binalik ang usapan sa akin. Kabisado ko ang tatlong ito, hindi sila titigil hangga't wala silang nakukuhang sagot mula sa akin. At iyon din minsan ang nakakainis sa kanila, they even don't know the word Privacy. Kilala na nila ako pero wala parin silang takot sa akin.

"In my room," tipid kong sagot bago uminom ng beer na nakalapag sa mesa. Kahit ang pulutan ay kinain ko rin.

Naramdaman ko naman ang malagkit nilang pagtitig sa akin, alam kong hindi sila makapaniwala sa aking sinagot. Sino ba naman ang maniniwala kung ang lalaking iyon ay nasa k'warto ko at hinayaan kong magpahinga roon? After all, I'm Maxcien Anderavis, alam nilang hindi ako yung tipo nang babaeng magpapasok nang lalaki sa aking k'warto. Never in my entire life that I'll let anyone sleep in my bed. Ngayon lang. Ngayon lang at ang lalaking hindi ko pa kilala ang pinatulog ko ro'n.

"D-did I heard it, right?"

"Omygash, sisteret, anong nangyari sa k'warto mo? Nakita mo na ba ang abs ng fafa?"

"Mukhang may magpapalambot na ng puso nang ating unbreakable wall. Right guys?" Tumingin siya sa mga kasama. "Oemgy, this gonna be the most exciting part." Nagpalakpakan pa sila na para bang may magandang nangyari ngayong gabi. This three chimpmunks!

Napatingin ako kay Asuna ng sabihin niya ang katagang iyon. May magpapalambot na ng puso? Agad na hinanap ng mga mata ko si Cooper.

Bigla namang bumilis ang tibok nang aking puso nang makita ko siya sa 'di kalayuan, inaasikaso parin ang kanyang mga customer. Nakangiti lang ito at parang hindi nakararamdan nang pagod. He enjoyed what his doing. Halata naman sa kanya.

Napailing ako sa aking naramdaman, hindi makapaniwala na siya agad ang aking hinanap. Hindi ito p'wede. Cooper is my closest friend among the others.

Pero bakit iba ang pakiramdam ko? Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa lalaking iyon? Para kay Cooper? Am I having a crush on him? Pero imposible iyon. Napakalaking imposible.

Huminga na lang ako nang malalim at umiling. Kapag kuwan ay nagpaalam na ako sa tatlo upang bumalik sa aking k'warto. Gusto pa sana nilang sumunod para makita ang estranghero na natutulog sa aking kama ngunit hindi ko na sila pinayagan. Hindi umubra sa akin ang kakulitan nila ngayon. Alam nila kung paano sumuko.

Nang makarating ako sa aking k'warto ay nando'n parin ang lalaki na mahimbing na natutulog. Tinungo ko na lang ang sofa at duon na lang nahiga pansamantala. Pinikit ko ang aking mata nang maramdaman kong bumigat ang aking talukap. Masyado akong napagod ngayong araw kaya kailangan ko ng pahinga.