webnovel

Kabanata 12

Kabanata 12

Missed

"Kapag late na masyado, pwede ka namang dito matulog. Bakante ang guest room at mas okay iyon kaysa umuwi ka pa." I suggested.

Tinitigan lang ako ni Eloise.

"Hahanapin ako nila Mama. Kahit mag text ako ay siguradong pupuntahan pa rin ako noon dito kung hindi uuwi."

"Ako na ang maghahatid, kung sakali." Singit ni Kuya Alaric.

Marahan akong tumango, naaalalang may kakayahan na nga si Kuya na makapagmaneho kung sakali dahil nasa tamang edad na ito at paniguradong nakakuha na ng lisensiya bago sumapit ang bakasyon. Makahulugan akong tumingin kay Eloise at ngumisi.

"Nice! So wala ng problema."

Nasa poolside kami at nagkukuwentuhan. Nagkataong napunta ang topic sa oras kung kailan namin balak tapusin ang gabi. Noong magkasundo sa 2AM ay nagsabi si Eloise na baka maunang umuwi bago ang alas dos kaya ganoon ang naging usapin.

"Thank you…" Sabi niya kay Kuya.

Ngumiti lang ito bago inilipat ang pangin sa kaibigang si Ares na hanggang ngayon ay nag-iihaw pa rin.

"No worries. Gusto mo pa?" Inalok niya si Eloise ng beer ngunit tumanggi ito.

Nainip ako sa torpeng kaibigan kaya hinanap ko ulit si Nate na noo'y nasa pool at nakasandal ang likod sa edge habang ang paningin ay nasa akin. Ramdam kong tinitimbang niya kung iritado pa rin ng ako kaya hindi ako ngumiti o tumango at sa halip ay nagkunot lang ng noo.

I raised an eyebrow when he smiled.

Muntik akong ma distract sa maamo niyang ngiti kaya nag-iwas na ulit ako ng mga mata.

I was thinking of giving him a chance. Hindi para mag explain dahil for sure, papabulaanan na naman niya ang mga binibintang ko sa isip. Igigiit din niya panigurado na nagsawa nga sa akin kaya nakaisip gumawa noon kaya hindi na lang talaga gagawin iyon para sa nasabing dahilan.

Instead, I would give him a chance to make me happy… again. Iniisip pa lang naman kaya baka mabago na naman iyon sa isang iglap. Tingin ko rin, kailangan ko pa ng kaonting pangungumbinsi bago tuluyang hayaang mangyari iyon.

"Hindi ba tayo maglalaro ng truth or dare? O spin bottles?" Hirit ni Hector habang nakaupo kami malapit sa platform ng pool.

"Of course not, we're not some weird-ass high school fuckers." Erwan groaned while scowling.

"Ano pala ang gagawin natin kung gano'n? Magtititigan hanggang sa malasing?" Lillian joked. Nagtawanan ang grupo at muling umingay sa kantiyawan.

"Mag-isip ka!"

"Katamad, ikaw na lang baka may maisip ka."

"Hindi ako sasali kung sakali." Seryosong ani Erwan saka umahon sa pool. Kumuha siya ng barbeque at kinain iyon bago muling bumalik, dala ang black cup sa kaliwang kamay na may lamang beer.

"Magpustahan na lang ulit kung sino ang unang magkaka girlfriend." Si Ares naman sa bagong suggestion.

"For sure matatalo ka nyan lalo ikaw palagi ang nahuhuling magka girlfriend."

"Hindi ba cruel 'yon masyado? Ganyan palagi ang nababasa ko sa ilang teenfic online eh, at usually, nagiging cause ng heartbreak ng main character dahil feel niya pinaglaruan lang sila ng magbabarkada." Mahinang sabi ni Eloise na siguradong narinig naman ng lahat.

Nagkibit ako ng balikat.

"Oo nga naman. Wala talagang pag-asa itong si Ares na hindi maging red flag." Si Hector.

"Ano ka kung magiging red flag ako?"

"Baka maroon kasi mas intense at worse." Humagalpak ng tawa si Resley sa binitawang biro.

"Green flag 'yang si Hector. Kaya nga inaayawan palagi ng mga nililigawan niya eh." Si Craig naman ang humirit. Tinapik siya ni Lilly at sabay ang dalawang tumawa.

"Try to be a red flag, then. Baka ikaw pa mismo ang habulin."

"Oo, tama, subukan mo, malay mo ikaw pa ang ligawan." Si Area.

"Baka nga hindi na magpaligaw 'yan, sasagutin na agad."

Humalakhak ulit ang magkakaibigan.

Asar-talo at palaging napagtutulungan, umahon muna si Hector para kumuha ng makakain. Binalot niya ang sarili ng towel habang ngumunguya sa mesa.

Bumuntong hininga ako at unti-unting tinapak ang mga paa sa loob ng pool. Hindi masyadong malamig ang tubig kaya tama lang talaga lalo gabi na. I let myself descend into the pool as I anticipated the cold floor to finally touch my feet.

Dumiretso akong sisid noong lumubog ang katawan hanggang dibdib. I can still hear their laughters about a cringe joke. Nagpadala ako sa kagustuhang mag swim ng kaonti hanggang sa hindi ko namalayan na medyo napalayo na ako.

My lips parted when our eyes locked in again. Napasinghap tuloy ako at muntik pang malaglag ang mga panga.

Tinanguan niya ako, halatang nagpipigil na magsalita kahit wala namang malinaw na senyales mula sa akin na ayaw siyang kausapin. Baka nasanay na siya at gusto ring lumayo dahil siyempre, iyon nga ang gusto ko.

"Sorry…" I whispered.

Duda ako na narinig niya iyon lalo itinaon ko sa muling paglubog ang isang salita. Bumalik ako sa dating puwesto at ginaya ang ayos niya. Malamig ang wall ng pool kaya bahagya kong nailayo ang likod doon.

"Alam mo, ikaw lang talaga kasi ang naiiba. Sila Ares, Alaric, at kahit si Erwan, o maging si Nate ay hindi nag gi-girlfriend. Ni hindi nga rin nanliligaw." Si Resley ang naabutan kong maingay.

"Ano ang gusto mong sabihin? Na maging fuckboy na lang din ako?" Nanunuyang tanong ni Hector.

"Para mo namang sinabi na ganoon nga sila Erwan?" Si Craig.

Humalakhak ulit sila na parang iyon ang pinaka nakakatawang banat na narinig nila buong gabi. I say, it's a verified fact.

Kaya bakit natatawa? Syempre, totoo. Kuya Alaric is probably the living proof of that.

"I told you," bulong ko kay Eloise.

Nagulat siya kaya hindi siguro agad naisip na tungkol sa kaninang impression ko ang tinutukoy. Tumawa ako kahit matagal bago niya iyon nakuha.

"Huwag mo na lang gayahin ang tatlong ito kung ganoon. Baka maging quadro pa kayo at maging kilabot ng El Rabal." Si Craig ulit.

"The notorious playboys of El Rabal ang atake." Na sinabayan naman ng girlfriend na si Lilly.

"Kung dadagdag pa itong si Resley ay baka palitan niyo na ang The Pentagon."

Sa puntong iyon ay magkakasunod silang binully ng magkasintahan. Sa kanila ay halatang si Hector ang asar-talo. Mukhang sineseryoso talaga ang pagiging single sa napakahabang panahon.

Umahon kami kalaunan noong magutom. May naihandang hapunan sina Resley at Nate kanina kaya mabilis kaming nakakain. Masarap ang pagkakaluto ng pork steak pati pagkakahanda ng pickled oysters kaso nagdadalawang isjp akong isatinig ang komentong iyon lalo baka si Nate ang nagluto.

"Who prepared this?" I still asked anyway.

Nagkunwari akong pinapagala ang paningin sa mga kasama sa mesa kahit ang totoo ay ipipirmi lang iyon kay Nate bandang huli. Tipid akong ngumiti para ipakitang masaya ako sa luto at nagtanong lang hindi para batikusin ang pagkain kundi puriin.

Baka kasi kaya natagalan ng kaonti sa pagsagot ay dahil akala hindi ako nasiyahan.

"Masarap…" I added to convince him.

"Ako, thanks." Si Resley ang sumagot. Napunta sa kanya ang medyo nagtataka kong mga mata. Ngumiti ako at tumango, naiilang sa katahimikan.

Buti napawi rin iyon agad noong magsimula ulit ang pag-uusap ng iilan sa table.

"Saan mo natutunan magluto ng ganito?" Tanong ko para mapatunayan naman kahit papaano na nasarapan nga talaga at ngayon ay interesado.

"Just online. Pinanood ko ang ilang mga tutorials bago sinubukang gawin. Paborito kasi iyon ng ex-girlfriend ko kaya gusto ko talagang magawa. Syempre hindi ko nakuha noong una, pero kalaunan, unti-unting lumapit ang resulta hanggang sa iyan." Nakangiting kuwento ni Resley.

That's genuinely a lovely little story. Kahit ano naman actually na may halong effort at pagpupursige ay sweet na talaga kapag in a relationship. Mas nakakakilig kapag alam mong gusto nilang gawin iyon para sa 'yo. I mean, hypothetically, dahil hindi ko pa naman nararanasan iyon.

The closest thing to which I probably saw that kind of effort was when he cooked a ginger beef for our dinner. Natatandaan ko pa ang pakiramdam.

Tumango ako at ngumiti ulit.

Binagsak ko ang paningin sa plate noong bahagyang maapektuhan noon. Not in a sad way but because… I felt like I missed it. Noon ay hindi ko masyadong alintana na magiging parte iyon ng isang bagay na mabilis na magpapaalala sa akin sa kanya.

"Ito ang kay Nate. Hindi mo pa yata natitikman kaya mabilis mong nasabi na masarap ang sa akin." Si Resley pagkaraan ng ilang saglit.

I looked up to see his bright face. Isa siya sa mga matagal ng kaklase ni Kuya. Nababanggit niya ito ng ilang beses pero hindi ko malagyan ng mukha ang kinukuwento niya dahil hindi pa ito name-meet.

Siguro ngayon lang naging malapit ulit dahil nga bakasyon.

"Try it," dagdag niya kaya napatingin ako roon.

It was the lemon chicken. Natikman ko na iyon kanina at hindi… hindi masyadong nagustuhan. Pero dahil naman iyon sa nauna kong matikman ang pickled oyster kaya hindi ko rin naiwasang ikumpara.

Masarap iyon at matakaw pa sa rice kapag kinain. Kaso hindi ako roon nagkomento, kundi sa sumunod na dalawang putahe.

"Ah oo, masarap din 'yan. Nakalimutan ko lang," hilaw ang ngiti ko noong sinabi iyon.

Resley nodded slowly. Naramdaman ko ang pagsiko ni Eloise mula sa ilalim ng mesa kaya nilingon ko siya.

"What are you doing?" She asked.

Lito ako noong magsalubong ang kilay. Bahagya akong lumapit para mas marinig siya.

"Ano?"

"He's flirting with you…" Bulong niya na narinig ko dahil sa lapit namin sa isa't isa. "And you're flirting back! Right in front of my oyster!" May diin sa huling mga pangungusap na iyon.

Umawang ng kaonti ang mga labi ko at marahang tumango. I'm sure nagkakamali lang siya dahil halata namang iba ang tipo nitong si Resley. Kung talagang nakikinig nga ay baka nakuha niya pa iyong part na may sinabi ito tungkol sa ex-girlfriend.

We were just casually talking about the dinner.

"We're not…" I whispered back.

Umiling lang siya at hindi na bumulong ulit. Nagpatuloy na lang ako sa kinakain habang panakaw na sinusulyapan si Nate. Tahimik pa rin siya at nagsasalita lang kapag tinatanong o nasasama sa walang katapusang biro nina Hector at Ares.

Bumalik kami sa pool matapos magpahinga. Hawak ang plastic cup na mayroong beer, nanatili lang ako sa right corner ng pool, kung saan hindi masyadong maliwanag ang ilaw mula sa ceiling palapit sa french door.

"How about we play a game? Like a decent one."

"Ano namang lalaruin natin sa swimming pool?" Tanong ni Resley.

"Ikaw, paglalaruan ka namin."

"Basta, sumali ka na lang. Iisip pa si Lilly." Ares answered.

"Bakit ako? Huwag na kayo maglaro kung wala kayong maisip!"

"Kasi marami kang alam."

"Ikaw pala itong spoilsport e!" Singit ko. Paismid akong nilingon ni Lillian at tinarayan.

"Shut up, pretty boy."

Nagtawanan sila Kuya at pati si Nate. Sinamaan ko sila ng tingin, nagdedesisyong hindi na sasali dahil soft-hearted ako para sa anumang biro. O kung biro pa ba ang ilang binibitawan nila minsan.

"So ano nga? Anong lalaruin?" Hector asked.

"May naisip ako, kaso hindi ko alam ang tawag." Si Ares maya maya.

Tumingin kami sa kanya habang nahihirapan siyang sabihin ang ideya. His lips became a bit crimson when he bit his lower lip. Palipat lipat ang mga mata niya sa amin habang kami naman ay naghihintay ng sagot.

"Wait lang, nape-pressure ako sa tingin niyo."

"Just explain it," si Erwan na mukhang interesado ring maglaro kahit nangungunang mambatikos kanina. Pero baka kapag si Hector lang ang humihirit siya nagkakaganoon.

"It's the game where, uh, you know, where you put someone up on your shoulders and let them sit there, and the opposing team does it as well, and, um, the homies who sit at the top kinda fight." Ares described.

"That's so childish."

"Basta, alam niyo naman 'yon, hindi ba? It's like a pool fight or something."

"It's called chicken fight, believe it or not." Si Eloise. "Pero pwede ring shoulder wars kung gusto niyo ng medyo cool."

"Let's just call it pool fight. Iyon ang una kong naisip eh, huwag na ipilit 'yan." Si Ares ulit.

"I will definitely not join that foolish game." Erwan croaked.

"Eh 'di wag, hindi ka naman pinipilit. Kung sino lang ang may gusto."

"Ako! Sasali kami ni Georgia."

Nagsimula silang magbilang kung sino ang sasali habang si Hector at iyong kasama niyang babae kanina ay sinimulan ng gawin ang pinaliwanag kanina ni Ares. Nagtatawanan habang pumapatong sa balikat niya ang babae noong lumubog siya at sumisid.

"Sali kami ni Andre!" Si Eloise na nagtaas pa ng kamay.

Tututol sana ako lalo noong makita si Nate na napatingin sa amin kaso nabilang na kami ni Ares. Madali lang naman ang laro kaso gusto ko… siya ang papatong sa akin. O kaya ako ang papatong sa balikat niya.

Gusto ko kami sana ang mag team.

"Kay Kuya Alaric ka na lang kumampi." I whispered to my best friend.

Lito siyang tumingin sa akin at tila sinenyasan pa akong mas hinaan pa ang boses. Mahina na nga iyon. Gusto niya through text ko na lang sabihin.

"Buti kung papayag 'yon, tsaka sino ang kakampi mo?"

"Hahanap ako. Hindi lang naman ikaw ang kaibigan ko!"

Natawa siya pero napawi rin agad kalaunan.

"How should I tell him?"

"Sabihin mo lang, sa 'yo ako papatong." I answered.

She folded her arms around her chest. Napatingin ako roon at bahagyang natawa dahil hindi masyadong halata ang curve sa bandang iyon. Pinilit kong maging seryoso dahil baka masaktan ako nito.

"Ano nga?!"

"Tanungin mo siya kung may partner na. Kung wala, sabihin mo kayo na lang ang magkampi. Kung mayroon, pilitin mong ipalit ka."

Duda pa ang itsura niya noong una pero pumayag pa rin at marahang lumapit patungo sa kabilang side, kung saan si Kuya Alaric at Erwan. Nakangiti ko siyang pinanood habang nahihiyang nakipag-usap sa kapatid.

Noong tumingin siya pabalik sa akin at tipid na ngumiti, alam kong nakumbinsi niya ito. Nang ganoon kabilis.

I let out a deep sigh.

Ibig sabihin, ako naman ang susubok. Lumipad ang mga mata ko kay Nate at akmang lalakad na papunta sa gawi niya noong mabitin sa papalapit na si Resley. Dismayado akong lumingon sa kanya at bahagyang nairita dahil may tumalsik na tubig sa mukha ko dahil sa gaslaw niyang kumilos.

"May partner na si Eloise?" He asked.

Tumango ako. "Kinausap niya si Kuya Alaric."

"Kung ganoon, ikaw ngayon ang walang partner? Tayo na lang?"

Walang saya akong tumawa. Sa laki niyang iyan for sure hindi ko siya kayang buhatin. Kung ako naman ang bubuhatin niya, baka hindi lang din kami manalo dahil paniguradong malalaki ang katawan ng makakalaban niya sa ibaba.

"Uh…"

"Ayaw mo?"

Tiningnan ko si Nate na naroon pa rin. Kung aayain ko ba siya, papayag din ba? Baka hindi. Baka nga ayaw niyang sumali e. Kahit pilitin ko pa. Pero at least, kung ayaw niyang sumali, hindi kami makakasali.

Wala naman talaga sa isip kong sumali kanina kung hindi lang ako pinilit ni Eloise sa listahan. Kaya siya ang pipiliin ko. Para kung ayaw niya, okay lang. Kung gusto, okay lang din.

"May napili na akong ayain."

Nagtataka niyang pinaningkit ang mga mata.

"Ay talaga? Sige, ayos lang. Pero kung magbago ang isip mo next round, kung mayroon man, pwedeng tayo na lang." He smiled.

Tumango ako. Buti naman at tinanggap niya ang gusto ko. Nagpatuloy akong lumakad, walang sinasayang na anumang segundo para samantalahin ang pagkakataon.

"Tayo na ang mag partner." Bungad ko.

Like what I expected, he took his time to answer. His handsome face lit up, as if it were struck by a spark that immediately flew the moment I asked him.

Nakuha niyang maka recover bago ko pa madugtungan ang sinabi.

"Inayawan ka ng partner mo?" Seryoso ang boses niya pero alam kong may halong panunuya iyon. Nagtaas ako ng isang kilay.

"Pumayag ka na lang, marami kang atraso sa akin."

"Sure, tayo na."

I hate how that sounded but I didn't say a word. Baka kapag ni-point out ko ay mas lalo lang lumaki at lagyan ng malisya. Mukha rin namang sinabi niya iyon ng walang malisyosong intensyon kaya ayos na.

"Aren't we, like, going to construct a strategy?" Tanong ko noong manatili siyang tahimik at nakatitig lang sa akin. Nakakaasiwa iyon kaya mabilis akong nagsalita para lang may mapag usapan kami habang hinihintay maayos ang ibang team.

"Hindi na, simple lang naman. Itumba mo lahat ng mga nasa itaas, ako na ang bahalang sumuporta sa ibaba." He said it so confidently.

Para bang kami na agad ang panalo hindi pa man nag uumpisa. I know that smug and almost self-satisfied look on his gorgeous face could be of use later on. Mabuti at nagagamit niya ngayon para makumbinsi akong kaya nga namin ito.

Not that I'm this competitive. Ayoko lang mapahiya lalo ako na rin ang nag aya. Hindi ko nga siya tinanong muna kung gusto ba niyang sumali o hindi, so parang cargo ko siya rito.

Kaya kailangan galingan ko rin.

"Paano kung ikaw ang gusto kong nasa itaas?"

His thick eyebrows furrowed.

"Hindi mo ako kakayaning buhatin. Baka tayo ang malaglag agad."

"I know, pero paano kung kasama sa mechanics ang magpalit kapag parehong… lalaki?"

Napaisip siya. Posible iyon, although, mas less likely. Pero possibility pa rin kaya kailangang pagtuonan ng pansin.

"Kapag naisama nga sa rules, higpitan mo lang ang kapit mo sa ulo o buhok ko. Huwag kang mahuhulog agad." I adviced him.

Mukha namang sang-ayon siya sa walang kwentang payo na iyon kaya hindi na kami nagdiskusyon pa. Bahala na lang mamaya.

Kaya noong magsimula, medyo kabado ako. Nate went under the water to support and guide me to get onto his shoulders much faster. Noong makaupo nga roon ay hindi na ako gumalaw. Sinipat ko ang ilang mga kaibigan na nasa itaas din, malalapad ang ngiti, at medyo binabalanse pa ang mga sarili.

Eloise was laughing so loud among the group. Mukhang nakikiliti yata ang hita niya sa buhok ni Kuya Alaric. Natawa rin tuloy ako dahil sa tawa niya. Mukhang wala pa man ay alam na agad kung sino ang unang babagsak.

Si Erwan yata ang magsisilbing parang coach o basta parang taga hudyat na simula na ang laro. Noong sumipol siya gamit ang thumb at point finger ay naramdaman ko na'ng lumakad si Nate.

Napahawak ako sa buhok niya.

"Oh fuck…." Mahina kong mura. "Dahan-dahan lang, Nate!"

Hinahabol ko ang hininga kahit hindi naman halos nakakahingal ang trabaho.

"Baka mahulog ako agad, tangina mo!"

Napilitan akong mag-angat ng paningin noong matanaw sa peripherals ang paglapit ng ibang team. Isang mabilis na kilos ay nagawa kong itulak si Georgia. Dahil mahaba ng kaonti ang kamay ko kaysa sa sinuman sa kanila ay nagawa ko iyon.

Hindi nga lang siya nahulog kaya tinulak ko pa ulit ng dalawang beses.

"Ah!" She shrieked as she drew back into the pool.

Natawa si Ares saka pumihit sa likod niya bago tulungan ang bumagsak na si Georgia. Nakangiti at humahalakhak man ay ramdam ko ang inis niya noong lumitaw ang ulo sa tubig kaya ngumiti ako para ipakitang hindi ko iyon intensyon. Part lang ng game.

Tumili si Larissa, na kakampi dapat ni Erwan kung sumali ito, noong hatakin ni Eloise. Napasabunot siya sa buhok ni Resley at natangay ito pabagsak sa tubig. Tinawanan sila ni Ares pati nila Craig na nakatunghay sa dulong part ng pool.

"Madaya si Eloise, nanghahatak!" Lillian shouted.

Humalakhak ulit ang mag nobya sa pinapanood. Kahit si Kuya Alaric at Hector ay tumatawa na rin dahil nakita rin yata ang ginawa ni Eloise.

Nagkatinginan kami ng kaibigan habang nasa itaas. Tatlo na lang kami, iyong isa ay si Avy na nakapatong sa balikat ni Hector. Kung magpaplano, kaya naming itumba si Avy para kami na lang ang matira.

Ganoon ang una kong naisip kaya makahulugan ang tingin ko noong lingunin si Eloise. Kaso bigla akong nakaisip ng twist kaya hindi itinuloy ang balak. Sa halip ay tinapik ko sa ulo si Nate para kumilos siya palapit sa dalawa.

Noong makalapit nga ay hinawakan ko sa kamay si Avy at bahagyang tinulak. Nagkataong nakalapit na rin sa amin sina Eloise kaya sa isang hindi halatang kilos, mabilis kong dinaklit ang braso ni Eloise at buong puwersang hinatak pababa.

Nawalan siya ng balance kaya sinamantala ko na para itulak pa ulit. She fell into the pool, surprised and got caught off guard. Ngumisi ako na agad nauwi sa halakhak.

I say that's how you commit treason. And that's how I betray an ally.

Hindi pa nakakabawi sa tulakan ay sumugod na palapit si Hector sa amin, umaasang masasamantala rin ang alisto namin ngunit syempre, hindi. Umatras si Nate kaya bahagya kaming napalayo. Pero hindi iyon ang plano ko.

Inabot ko ulit ang kamay ni Avy, sinubukang pisilin iyon at sapilitang i-bend ngunit hindi umepekto. Naramdaman ko ang kalmot niya sa kamay ko kaya binitawan ko siya. Noong gawin iyon ay saka naman siya nanulak.

Bahagya rin akong nawala sa balanse pero nakabawi naman. Pero hindi ko iyon pinahalata. Sa halip ay nagkunwari pa akong nagbabalanse at noong kumagat siya sa bait ko, walang habas ko siyang hinila pababa sabay tulak.

Kami ang nanalo pero narinig ko kaagad ang sinabi ni Hector.

"Madaya! Parehong mapuwersa!"

Nagtawanan kami habang bumababa ako sa balikat ni Nate. He slowly sunk his head to the water to help me do it. Noong makaalis at nasa ilalim pa rin siya ng tubig ay nakaramdam ako ng hipo sa gitna ng shorts ko.

It's not just a hipo, though. I felt him grabbed my bulge and squeeze it a bit before he let it go. Sumungaw ang ulo niya sa tubig at unang sumalubong sa akin ang malagkit niyang tingin at nakakairitang ngisi.

"Good game…" He chuckled.

Tumango ako at ngumiti rin pero tipid.

Lumapit siya ng kaonti hanggang sa naaamoy at nadarama ko na ang hininga niya.

I swallowed hard.

Kabado akong nag angat ng paningin mula sa pinkish lips niya papunta sa mga nangungusap niyang mga mata.

"It's not a fair fight," tumawa ako.

Tumango rin siya na parang alam na alam nga iyon. Parang inexpect niya na'ng gagamitan ko nga ng calculated moves at bahagya pang mandadaya!

Gagong 'to!

"But we won." Nate smirked.

Isang iglap ay nasaklot ulit niya ang umbok sa shorts ko habang hindi inaaalis ang paningin sa akin.

"Nice work."

Iyon lang at binawi ulit niya ang kamay. Noong alisin ay saka lang unti unting tumigas iyon na parang dismasyo rin na iniwan siya ng amo.

Napamura ako sa gitna ng mabigat na paghinga habang bumabalik sa kaninang puwesto. Our eyes met again when I looked back. Maingay ang paligid at nagkakatuwaan ang mga kaibigan, ngunit parang tahimik dahil siya lang ang nasa isip ko.

Kami lang ang iniisip ko.

Nagsiahon sila pagkatapos din ng laro. Naiwan ako sa pool kasama si Eloise, Kuya Alaric, Ares, at si Nate. Umahon na kalaunan si Kuya Alaric at Ares kaya bumaling sa akin si Eloise.

"Hindi ka pa papasok?"

Umiling ako. "Mauna ka na muna."

Nagdadalawang isip siyang tumango sabay sulyap sa lumalapit sa aming si Nate. Umahon si Eloise at hindi na kami tiningnan noong makuha ang towel niya.

"I'll stay here for a little while…" bulong ko kay Nate noong makalapit na siya sa akin.

Tinitigan niya ako ng ilang segundo siguro bago bumaba ang tingin niya sa tubig. Napalunok ako. Paano niya…

"You want company?" Seryoso niyang tanong.

I can tell for sure that there was a cruel and extremely sarcastic tone hidden beneath that deadpan, serious voice. And that beneath those gorgeous, plump lips lurked a secret, naughty smirk.

Alam ko dahil nakikita ko mismo sa kanya iyon kahit nakatago. Lalo pa noong bumagsak ang maloko niyang mga mata sa ilalim na parang alam na alam din ang dahilan ng kagustuhan ko.

"No…" I croaked.

Tumango siya saka umahon habang ang mga mata ay nakapako sa akin ng ilang saglit. Noong nakatalikod na habang patungo sa silya kung saan nakasampay ang towel niya ay saka lang ako umahon. Sinusulyap sulyapan siya.

Tinakpan ko ang gitnang part ng shorts ko habang lumalakad, nahihiya dahil siguradong kitang kita na gising ang diwa noon lalo basa at medyo masikip pa.

Halos paulit ulit kong murahin ang sarili noong sa pag-angat muli ng mga mata ay nakita kong nakatingin na si Nate roon. Siguro mabilis niyang napansin dahil tinatakpan ko nga at sinusubukang itago kahit malaki iyon masyado para ikubli sa mga kamay. Naiilang akong ngumiti at nagpatuloy.