webnovel

Kabanata 23

Special Pov ahead!!!!

Alfred Beet's Pov

Nakanaman!!! Nagkaroon ako ng pov. Anyway, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, oh ano ba ang nadarama?

Ahem, let's start from the very beginning

Back then, in my first highschool ever since I finished my grade 7, nalagay nila ako sa sophomore year. Isa akong transferee na galing sa school na hanggang Grade 7 ang elementary years.

I am a playboy, I must admit. Yet, I stopped dating around, that one day, I met her.

Noong una, I just see her as someone na laging loner and mukhang masungit pero mysterious. Yeah, she's kinda pretty and I think that made me approach her.

"Hi, I'm Alfred Beet!" nilahad ko ang isang kamay sa kanya. Tinanggap naman niya pero hindi niya na na-kalog kasi nag-alarm na yung signal para makapila na kami.

Sa bilis ng pangyayari, I just couldn't get her out of my mind. Like, her presence made a change in me.

For new students, I guess naninibago pa ang mga yun. Like me, new student na transferee.

Sigh... ang talino ko! I can always ace my studies basta ba focus ako sa klase.

I'm a social guy and that always earn me a lot of friends. And if lucky, I got to have girlfriends too. Nung time na i-approach ako ni Raine Quelly Bael, yes alam ko full name niya, kasi I just like girls in general, lalo na ang mga natitipuan ko.

She held her hand out and I received it. "Ok, I'll be your friend." Umalis na siya after noong handshake. Was I really going to be a friend of a loner? Wait. Hindi na siya loner.

Kasi she has me as a friend. Yes!

"Quelly, be my girlfriend!" it wasn't a question it was a statement.

"Eww?" natawa naman ako sa reaksyon niya.

I don't know what came to me and told her to be my girlfriend. Maybe, I was just challenged.

Challenged in a way na gusto ko siya ma-earn as my trophy. Nakipag-pustahan pa nga sa akin itong mga friends ko, "Make her yours Alfred and we give you a thousand bill each."

Aba yayamanin. "Hindi ko kailangan ng thousand bills, gusto ko ng a thousand year with her." Nagulat sila sa nasabi ko.

It was quite unlike me na magbitaw ng ganung mga salita. It was kinda cheesy na nakakasuka. "Dude, nainlove ka na sa kanya?"

Sinapak ko itong si Faizer, ang kulit lang.

"In love ako?" yabang na tanong ko. Umalis muna ako sa room at magsi-cr.

"Alfred, chika sa akin ni Quelly, gusto mo raw siya maging girlfriend?" si Ryn Do ang other friend ni Raine Quelly Bael. "Oh tapos?" umiling-iling lang siya. Bakit naman kasi nakaka-loiter ang mga estudyante kapagka matagal dumating yung next teacher?

Buti pa si Quelly ko, since she's a loner pero may friends, laging naghihintay sa room nila.

Pagtapos ko maka-cr, nakita ko na yung next teacher namin. Pinauna niya na ako sa room.

Habang may dinidiscuss yung teacher, lumipad sa dreamland ang utak ko.

Masyado ako naaliw sa pagdedaydream nang kunin nung teacher ang atensyon ko.

"Mr. Beet, answer question number 4."

Tumayo ako at pumunta sa board. It was Math class kaya yakang-yaka ko ito.

"Good!" sabi nung teacher. I nodded and returned to my seat.

Napansin ko na nagsi-ilingan yung mga kaibigan kong kaklase. "Cheater, tapos alam sagot?" si Faizer ulit. Sinagot ko naman siya, "Never ako nag-cheat sadyang pogi lang at matalino sa Math." Nagsimulang umingay ang karamihan sa mga kaklase ko.

"Settle down students, class is still ongoing."

Buti nga sinaway sila. Hmmph! Hindi lang kasi matanggap na I have the looks and the brain kahit na ang yabang ko.

Nung matapos ang homeroom, edi dismissal na. Pinuntahan ko ang aking girlfriend, "Nandito na ako mahal kong Mrs. Beet."

Hindi niya ako pinansin at napangiwi na lang ako. "Ako na magdadala niyan." Hinablot ko from her yung mga bags niya. Kay bigat naman. Bahay niya ba, dala niya araw-araw?

Humabol siya and muntik pa siya sumubsob sa sahig ng second level sa hs building kung hindi ko siya nasalo.

Binaba ko sa sahig ang mga bag niya at hinarap ko siya sa akin. "Careful naman, Raine Quelly ko."

"Ayos, pwede na talaga kayo maging leads sa isang drama." Nang magising si Quelly sa pagkakatulala niya, sinabihan niya si Ryn Do na burahin yung nakuhang picture namin dalawa kanina.

"Burahin mo yan Ryn Do!" Nagtakbuhan sila pababa ng hagdan. Hindi talaga marunong makinig si Quelly kakasabi ko lang na careful.

Kinuha ko na ang mga bags niya sa floor and followed them on the gym.

"So payag ka na, Quelly?" tanong ko sa kanya isang araw. "Payag saan?"

"Na maging girlfriend ko." Nangasim ang expression ng mukha niya.

"Si Kiolo Arden ka ba?" medyo kumurot ang puso ko dun ah. "Hindi ako ang boyfriend mo na si Alfred Beet the Great!"

Pagmamalaki kong pahayag pero sa iba na nakabaling ang kanyang atensyon.

"He's so cute!!!" narinig kong sabi niya sa sarili. Tinignan ko ang taong tinitignan niya.

"Tsk! Gwapo naman ako no!" and that earned me a slap on my shoulder. "Stop patronizing yourself, it's gross." Tumawa naman ako and, "At least ako proud sa sarili na magandang lalaki, eh yan bang crush mo? puro lang pasikat." Sinamaan niya ako ng tingin.

Bago pa siya maka-resbak ng sasabihin niya sa akin, may nag-busina na sa labas ng gate 3. Ay oo nga ano? Dyan nga pala siya galing.

Matanong nga kay Ryn Do kung pwede niya ba ako samahan sa bahay nila Quelly.

"Seryoso ka na talaga sa kanya?" I smirked.

"Kung hindi ako seryoso, bakit pa ako mag-eeffort na puntahan siya sa safe place niya?"

Tumango naman si Ryn sa tanong na sagot ko. "Basta if ever maghiwalay kayo as in as couples, I think we need to be with her as her only friends."

Ako naman ang nag-nod. "Bukas tayo pumunta."

Sabado ngayon at sobrang aga ko nagising para masundo ko pa sa kanila si Ryn. After ko mag-almusal, I bid farewell to my family.

"Saan pupunta si Alfred, Ma?" yun ang huli kong narinig nang isara ko na ang pintuan ng bahay. Si ate talaga! Kaya gusto ko na lang maging kuya or at least Kuya ni Ate kasi tingin ko hindi naman ako magiging kuryoso sa mga nangyayari sa paligid. Because we all know that the eldest child is the one who received the love and care first. The next children are only the conpanions of the oldest.

But I guess that's only my perception, it varies with every family. Tingin ko if I were the eldest, I would just be self-centered and never care about his siblings. Well, I could never tell, I am the second child. Phew!

Nang makarating na kami sa bahay nila Raine Quelly, namangha ako na ganun pala ang bahay niya. May malawak na hardin at yung bahay kulang man yung pintura sa isang side, it being an incomplete house made me realize na I was fortunate enough myself.

"Hi, kayo yung mga kaibigan ni Quelly from school?" ang mama ata ni Quelly ang nagbukas ng pinto for us.

"Ah opo tita, pasensya na po at naabala namin kayo ng ganito kaaga."

"Walang problema, tumawag naman kayo sa akin para ma-inform ako." After a while of their small talk, pinapasok na rin kami.

Nagdala ako ng breakfast take out for us.

Napansin ko na may dalawang friendly cats ang pamilya Bael. Wow! I'm kinda not fond of cats but I like their presence.

"Si Quelly po?" tanong ko sa mama ni Quelly.

"Pababa na yun, pakihintay na lang." I nodded and followed her to their dining area.

So... like I always do, I just put this special pov here. Para lang may eye view tayo ni Alfred Beet.

So may part two.

Watch out for it. Abangers!!!

Sorry sa bitin, may next kabanata pa naman.

okay? yes!

SleepingDreamercreators' thoughts