webnovel

Erzeclein Duology (Tagalog)

LiamWolfe18 · 奇幻言情
分數不夠
27 Chs

Ikalabing-walong Kabanata

Erginald Solomon

Ikalabing-walong Kabanata

Nagising akong tagaktak ang pawis sa noo't mukha ko. Ito ay isang babala. Napanaginipan ko si Erzeclein at doon ay nangako akong ililigtas ko siya. Sa tabi ko ay nakita ko ang natutulog na si Jack. Sa lap pala niya ako natulog. Mukha siyang nagising dahil malalim ang mga paghinga ko kanina. "Anong problema? Ayos ka lang?" tanong niya. Hindi ako nakasagot.

"Wala kang dapat ikatakot. Wala na siya, Becca. Ngayon ang araw na aalis tayo dito." paalala niya saakin. Umiling ako sakanya. "H-Hinde, Jack. K-Kailangan nating iligtas si Erzeclein." Sabi ko habang nakakapit sakanyang mga bisig. Takang pinagmasdan niya ako. "Erzeclein? Ligtas na ang university, Becca. Nakita mo naman si Mr. Erginald na mahulog sa putikan diba?"

"Kailangan nating iligtas si Erzeclein!" bahagya kong sigaw. Matapos no'n ay nagising na silang lahat. Kakaiba ang tingin nila saakin. Nakita ko pang nag-unat si Nathaniel bago siya daretsong tumingin saamin. "Pasensya na, Jack." Mahina kong bigkas. Tumayo ako at pinagpagan ang damit kong nadumihan ng mga damong mula sa hinigaan namin.

"Ang katawan ni Erzeclein ay nasa loob ng secret laboratory. Ang anak ni Mr. Erginald. Napanaginipan ko siya. Humihingi siya ng tulong saakin." tarantang bigkas ko. "So, babalik tayo doon?" tanong ni Jerome, garalgal ang boses. Tumango ako. "Kung ayaw niyo akong samahan, ayus lang. Pupunta nalang ako mag-isa at lalabas kasama ang katawan ni Erzeclein. Now, excuse me." bigkas ko at tumabi naman si Ashley.

Kinuha ko ang aking shoulder bag na nasa lupa at akmang maglakakad na paalis nang magsalita ang isa sakanila. "Aalis tayo ng sabay-sabay dito, remember, Becca?" dinig kong bigkas ni Mikee. Napaharap ako sakanya. "Tutulungan ka namin, malamang. Walang maiiwan." sabi naman ni Lyneth. "Susunod lang ako sa sinasabi ng girlfriend ko."

"Hindi mo ako girlfriend, Jerome." saad ni Lyneth. Nakita kong lumungkot ang ekspresyon nito. "Hindi pa." paglilinaw niya. "You have us, Becca. Hindi mo kailangan magpunta doon ng mag-isa. You have us." sabi ni Rinnah. Sumang-ayon naman ang iba at tumango.

"Yeah, and we owe you our lives. Kaya handa kaming ibuwis 'yon kung kinakailangan, para sa'yo, Becca." sabi ni Liza. Napangiti naman ang iba pa. "Oh, ano pang ginagawa niyo, mga hijo, hija? Tama na ang satsat ang kunin na natin ang katawan ng dalaga. Nang makaalis na tayo sa lugar na ito, eh." sabi ni Ms. Dela Vara

Tumayo na ang bawat isa saamin. Napangiti na ako. Mali ang inisip ko tungkol sakanila. Kung noon, handa nilang iwan ang bawat isa saamin basta mailigtas lang ang sarili nila, ngayon, handa na nila itong ibuwis basta't magkakasama kaming lahat. Nagbago na sila. Binago sila ng pagsubok na ito. Nagtitiwala na ako sakanila. Ililigtas ka namin, Erzeclein. Huwag kang mag-alala, makakalaya karin sa kulungang ginawa ng iyong ama.

--**--

Napagdesisyunan naming kami na lamang ni Rinnah ang pumasok laboratory dahil kabisado na namin ito. Kaagad kaming nagtungo sa main area. Kung paano namin ito iniwan, gano'n parin ang hitsura nito. Mga nakakalat na mga basag na salamin. Ang mga ilaw ng operating machines ay nagbubukas sindi. Ang mga cloning machines na binasag namin. Pero may napansin kaming kakaiba. Nawawala ang mga ilang invention ni Mr. Erginald na nasa loob ng kahon noong huli namin itong iniwan.

Lumapit kami sa babasaging lagayan kung saan nakasilid ang katawan ni Erzeclein. Nang makalapit na kami ng tuluyan, napansin naming nawawala ito. "N-nasaan si Erzeclein?" tanong ni Rinnah. Nailibot ko ang paningin ko. Posible kayang... Akmang papalabas na kami nang isang imahe ang sumulpot sa harapan namin. "Leaving so soon? The show is not over yet." sabi ng isang pamilyar na boses.

Lumitaw sa harapan namin ang isang lalaking nalalagasan ang buhok. Suot ang isang puting damit na pang-scientist. Puno ito ng putik sa katawan. Nasilayan namin ang kanyang mukha at doon namin napagtantong pag-aari ito ni Mr. Erginald. "BECCA!" rinig kong sigaw ng mga kaibigan ko bago tuluyang nagsarado ang pintuan ng secret lab. Napaupo kami ni Rinnah sa sobrang lakas nito.

Tumayo kaming muli at sinubukang buksan ang pintuan ngunit hindi namin ito magawa. "Sweeties, look who's here." bigkas ng isang pamilyar na boses. Lumingon kami ni Rinnah at doon ay muli naming nakita si Mr. Erginald. "Paanong-" Puno ng pagtataka ang aming mukha matapos makita ang ama ni Erzeclein. Hindi ba't nasa labas lamang siya kanina, bakit ngayo'y nandito muli siya?

Imposibleng ginamit niya ang mga cloning machines? Iyon ay nasira na namin ni Rinnah matapos naming hampasin ang mga ito gamit ang iba't ibang bagay? "I knew you would turn your back against me, Rinnah." bigkas ng isa pang boses. Ako, si Rinnah at ang kaharap naming si Mr. Erginald ay napalingon muli sa aming likuran at masaksihan ang isa pang Mr. Erginald. Imposible.

"D-Dalawang E-Erginald?" nanginginig na bigkas ni Rinnah. Napahawak kami sa isa't isa. Ano bang nangyayari? "I see. Nawalan ka na ng galang, aking pamangkin." bigkas ni Mr. Erginald #1 na kaharap namin kanina. Nakita naming ngumisi ang isa pang Mr. Erginald. "I knew this will happen. And so I prepared a spare machine which I hid below the rooms of this secret laboratory."

"You mean, there are more rooms beneath this secret lab?" takang bigkas ko. Maya-maya'y lumabas ang isa pang Mr. Erginald. Tatlong Erginald na ang kaharap ngayon at hindi namin alam ang gagawin. "That's right, Ms. Natividad." sagot ni Mr. Erginald #3.

"Anong gagawin natin?" bulong ni Rinnah saakin. Humarap ako sakanya at nagkibit balikat. Naguguluhan ang utak ko ngayon at hindi makapag-isip ng maayos. Ano na ba ang sunod naming gagawin? "Sa tingin ko kaya dumadagdag ang bilang ni Erginald dahil umaandar pa ang cloning machine na sinasabi niya. Kailangan natin 'yon i-shut down."

"Anong binubulong mo sakanya, Rinnah!" sigaw ni Mr. Erginald #2. Napaharap kami sakanya. Umisip ka ng paraan para malagpasan siya. Becca, please. "Unfair!" sigaw ni Rinnah. Napatingin ako sakanya. "Anong unfair ang tinutukoy mo, Rinnah?" bigkas ng unang Mr. Erginald.

"Kung kakalabanin kayo, tatlo kayo at dalawa lang kami. Hindi patas. Babae pa kame." sabi ni Rinnah. Ano bang nasa isip mo Rinnah, sabihin mo saakin. "Iniisip niyo ba na matatalo mo lahat ng bersyon kong magkakamukha, gano'n ba ang sinabi sa'yo ni Ms. Natividad?" tanong niya. Matagal bago kami nakasagot. Akmang ibubuka ko ang aking bibig upang magsalita nang magsalita si Mr. Erginald #3.

"Pagbibigyan ko kayo. Tutal may punto naman ang sinasabi niyo." sabi ni Mr. Erginald #1. Muling bumukas ang pintuan atsaka naman ito iniluwal si Lyneth. Malakas na sumarado muli ito. "BECCA! KAILANGAN MONG MALAMAN 'TO. SINA-" Natigilan si Lyneth matapos makita ang tatlong Mr. Erginald na kaharap namin. "Anong problema?" tanong ko.

"Sina Jack, kinalaban nila ang mga clones ni Mr. Erginald. Nagulat silang lahat matapos malamang buhay pa siya. "Ano!? Ibig sabihin mayroon 'din sa labas?" mahinang bulong ko. Tumango lamang siya. "Anong gagawin natin?" aligagang tanong 'din niya.

"Is that enough, Ms. Natividad? Or shall I let in another lad?" tanong ni Mr. Erginald #3. "Babae kame tapos, lalaban sa'yo? Hindi kami mananalo!" sigaw ni Lyneth. Natawa lamang ang lahat ng Mr. Erginald. "You're such a funny girl. Should I stab you right infront your friends para mawala 'yang tapang mo?" tanong ni Mr. Erginald #1. Natahimik si Lyneth.

Ilang saglit lang ay pinapasok nila si Mikee. Ang mga natitirang tao sa labas ay sina Markie, Jerome, Jack, Nathaniel, Ashley, at Liza. Isang panibagong clone ni Mr. Erginald ang lumabas mula doon sa kwarto. Pinalapit ko sila upang ibulong. "Sigurado nandoon ang daan papunta sa pinagmulan ng mga clones na ito. Idistract niyo sila, habang ako, papasok nang mag-isa at sisirain ang machine. Kukunin ko na 'din ang katawan ni Erzeclein kung nandodoon man ito." sabi ko sakanila.

"Pero Becca-" "Wala na tayong oras para magbago pa ng sitwasyon, Lyneth. Kailangan sundin niyo ang pinapagawa ko. Maliwanag ba?" tanong ko sakanila. Kahit hindi sila sigurado'y lahat sila'y sumang-ayon saakin. "Handa na kami." bigkas ni Rinnah at humarap kaming lahat sa mga clones ni Mr. Erginald.

--**--

"Ms. Dela Vara, ano pong gagawin natin? Baka may nangyayari na kina Becca sa loob ng lab na 'yon." bigkas ni Jack kay Ms. Dela Vara. Itinaas nito ang kanyang kamay ay bumulong ng incantation sa hangin at sa isang iglap, lumipad ang clone ni Mr. Erginald, sumabit sa puno, nahulog at namatay. "Kaya ni Becca 'yan. Alam kong magagawa niya 'yan." paalala ni Ms. Dela Vara sakanya.

"Babae po silang lahat na nandoon. Kung bakit kasi kami pa ang naiwan dito." sabi ni Nath at pinagsusuntok ang clone nakaharap niya. Nabalibag ito at tumama ang ulo sa bato atsaka naman lumabas ang dugo mula dito. Muli ay ginamit ni Ms. Vara ang kanyang kapangyarihan sa pagkalaban sa mga clones.

"Lintek na kasing Mr. Erginald na 'yan. Ano bang naisip niya at gumawa siya ng cloning machines!" sigaw ni Jerome habang binabato ng suntok sa mukha ang clone ni Mr. Erginald. Napagtanto nilang ang lahat ng lumabas na clones ay pahina ng pahina habang dumadagdag ang bilang. Pero parami sila ng parami. Sumasakit na ang mga kamao nila sa kakasuntok. Sa kabilang dako, hinayaan nilang magtago sina Ashley, Liza, at Markie dahil natatakot ang mga ito.

"Pero kung iisipin mo. Ang cool 'den kung magkakaroon ka ng isang cloning machines. Madami kang bagay na pwedeng idoble!" sabi ni Jerome. "Manahimik ka nga, Jerome. Patayin mo nalang lahat ng makikita mong clone. Ilang suntok lang ang katapat ng mga 'yan at lahat sila'y mamamatay na." sumbat ni Jack pabalik atsaka pinagsusuntok ang iba pang mga clones.

--**--

"Lusob!" sigaw ni Lyneth atsaka pinagsasabunot ang mga clones. Lahat sila'y hindi makapalag. Si Mikee, pinipingot ang tenga ng isa. Habang si Rinnah, kiniliti ang isa hanggang sa mangisay ito. Iyon ang naging tiyempo kay Becca upang makapasok sa kwarto kung saan lumalabas ang mga clones. Mabilis na nilock niya ito.

Inilibot niya ang tingin sa kwarto. Halos nasasakop ng kulay puti ang mga kisame kung hindi lamang ito tinakpan ng mga paintings ng solar system. Mukha lamang iyong normal na meeting room, may maliit na lamesa at nakapalibot ang mga sofa dito. Sa tabi no'n ay isang table kung saan nakalagay ang name plate ni Mr. Erginald siguro ten years ago. Sa sulok ng kwarto ay may mga bookshelves.

Kaagad napukaw ng kanyang pansin ang isang bukas na computer sa may sulok. Dali-dali niya itong tinignan. "Cloning machines." basa niya sa isang document na nakabukas. Iscrinoll niya ito upang malaman ang iba pang detalye.

--**--

Cloning Machines

Invented by Erginald Solomon

May 1, 2041

The cloning machines are used to make clones of anything. Either things, animal, and even human beings. Here are some things that you need to consider about these machines ;

1. Easily destroyed, therefore if you hit something on these, they will easily break.

2. Will only work when pressed the right buttons.

3. You must finish the process before turning off or the original will die inside the machine.

4. Clones are weaker as they multiply number.

5. You cannot clone a dead person.

6. Removing the original from the machine, you must drink an appropriate medicine to prevent death.

7. DNA or Dioxyribonucleic Acid can be used as a sample for generating clones, but can only produce one clone.

8. And lastly, the most dangerous effect of cloning machines, once a clone was produced, when the original and the first clone met each other, the original becomes weak, making the clone stronger and uneasy to slain.