Ire's POV
"Who are you"? I asked the girl in front of me. Napakunot noo nalang ako nang bigla siyang ngumiti, isang madilim na ngiti. Tumingin siya sakin na animo'y sinusuri ang buong pagkatao ko, ang mga tingin niya. Posible kayang... hindi, masyadong imposible. Napatingin siya sa likod ko, nakaramdam ako nang mga presensya. Nakaakyat narin pala ang mga kaybigan ko. Nagulat nalang ako nang bigla siyang umatras at tumalon pababa nang balkonahe. Naglakad ako para tignan siya sa baba ganun din ang mga kasama ko, nakita ko siyang bumagsak at gumulong saka tumayo at naglakad sa kung saan. Pano niya nagawa yun? Hindi ba siya tao? Pero imposible. I can't smell any fear or any evil inside her kaya posibleng tao siya, pero pano niya nagawang bumaba nang ganun kaswabe like she is a damn ninja? Her moves, her aura, her eyes, it's nothing like a human. Who the hell are you? Why do I have this feeling that you're going to be a hindrance? Better not dahil hindi kita hahayaang mabuhay kung sakali. Iwinaksi ko nalang ang mga bagay na tungkol sakanya. I don't give a damn but something is not right. She looks like someone, she looks exactly like her but that's impossible. She's long gone. Who the hell is she?
"She's hot" komento ni Adrion. Siya yung huminto kanina nang nakita niya yung babae at bigla nalang siyang sumipol. Hot? Hot my ass. Wala pa nga siya sa kalahati nang mga babae ko. I just rolled my eyes at them at lumabas na nang dorm. Habang naglalakad patuloy parin nilang pinag uusapan yung babae kanina.
"She's damn, hot dude. Her tits are big and that ass, sh*t. I forgot to mention that I love the curve of her body. I can't wait to touch and feel her" puri pa ni Adrion. Ano bang meron sa babaeng yun? Ni hindi nga ako naaattract sakanya eh.
"Didn't you notice?" biglang tanong ni Clay. Clay is the silent type of person. Bihira mo lang siyang maririnig magsalita pero pag bumuka ang bibig niya siguradong mapapaisip ka sa sasabihin niya. Napahinto naman kaming lahat sa paglalakad at napatingin kaming lahat sakanya.
"She looks familiar. She's like her" sabi niya sabay tingin sakin. I glance at him with a blank face.
"Everything about her, except for one thing" sabi niya na nakatingin lang sa harapan na animo'y wala siyang kausap. Ganyan talaga si Clay pag nakikipag usap.
"What one thing?" tanong naman ni Colton.
"Her eyes" sagot naman ni Clay. Clay and Colton are twins but they are total opposites. If Clay is the silent type si Colton naman ang pinakamadaldal pero kung si Clay ay may sense lahat nang sinasabi si Colton naman ay walang sense kausap, puro kabulastugan ang nasa utak.
"Anong meron sa mata niya? Hindi ba siya nakakakita? Bulag ba siya?" tanong ulit ni Colton. See? Ang sarap niyang saksakin hanggang sa mawalan na siya nang hininga. Napa roll eyes nalang kaming lahat sakanya.
"It's cold. Ang lamig nang mga mata niya" ani Clay at naglakad patungong labas nang dorm. Oo, napansin ko rin yun kanina. Wala kang mababakas na emosyon sa mga mata niya at mahirap din siyang basahin. I can read minds and I can compel too pero hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. Sino ba talaga siya?
"Anong malamig ang mga mata niya? Teka hindi ko kayo maintindihan. Bakit? Nanggaling ba sa fridge ang mga mata niya?" walang alam na tanong ni Colton.
"Shut up Colton. Wag ka nalang magsalita kung puro naman kabobohan ang nasa utak mo!" singhal ni Arius. Hindi naman na nakapagsalita si Colton. Arius is the serious and cold type of person gaya ko pero mabait yan. Natawa naman si Clay nang bahagya nang biglang tumahimik si Colton.
"Pero may hindi ako maintindihan" Arius asked curiously. Napatingin naman kami saglit sakanya bago naglakad ulit.
"If she's a human how did she get in here? Is she even a human?" dagdag pa nito. Ito rin ang naramdaman at napansin ko kanina. Hindi ko mawari kung tao ba siya o hindi. Who is she? What kind of monster is she?
Aeon's POV
Pagkatapos nang mala action movie na nangyari kanina nang tumalon ako sa pagkataas taas na balcony ay naisipan ko munang libutin ang university. I want to familiarize myself with every corner, aisle and room of this school para hindi narin ako mahirapan, marami na kasing nagbago.
Mukhang nalibot ko na rin ang kabuuan nang eskwelahan kaya napagpasyahan ko nalang na bumalik sa dorm. Malapit nako sa dorm nang mamataan ko ang pamilyar na grupo nang mga lalaki na naencounter ko kanina. Nagtago ako sa puno malapit sakanila. Hindi ako nagtatago dahil takot ako, ayoko lang silang makausap ngayon.
"Pero may hindi ako maintindihan" seryosong sabi nang isa sakanila. He's the serious type of person pero napakaamo nang mukha niya. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag uusapan nila. It's just that I can hear them loud and clear.
"If she's a human how did she get in here? Is she even a human?" dagdag pa niya. Mukhang ako ata ang pinaguusapan nila. I just smiled by the curiosity plastered on their face. Tama yan, alamin niyo lahat, dahil wala kayong makukuha ni isa sakin. Kung tinatanong niyo kung sino ako. Hindi niyo pa ako kilala ng lubusan. Kung anong klaseng tao ako? Sorry, but I am no human. Not an ordinary one. Napatingin ako sakanya, ngunit wala man lang emosyong makikita sa mata niya. He's really a monster eh? A ruthless monster. Just wait and see. Humanda ka na.
Nakita ko naman silang naglakad paalis kaya naglakad nako papasok nang dorm. Nadatnan ko naman ang isang hindi kilalang babae sa loob nang kwarto na nakaupo sa may bench malapit sa pintuan nang balcony na nagbabasa. She's wearing a big and thick glasses with a sweatshirt at napakahabang palda at white sneakers. Natawa nalang ako sa itsura niya. Bloody Maria Clara, the modern one.
Dumiretso nalang ako sa kama ko at hindi na siya pinansin pa. Alam kong ramdam niya ang presensya ko pero hindi niya ako nagawang tapunan nang tingin. Okay? This is life. Silence. Mukhang magiging tahimik ako dito. Salamat nalang at ang katulad niya ang naging dorm mate ko. A total grade conscious girl. Narinig ko siyang tumayo at nilapag sa study table niya ang librong binabasa niya.
"Aren't you going?" tanong niya. Since kaming dalawa lang naman ang tao dito I assume ako ang kausap niya.
"Where?" I asked disinterestedly.
"Dinner" tipid niyang sagot. I think she's a girl of few words. Mukhang siya ang tipo nang babae na inaasahan ko. Yung walang pakialam sa mga tao sa paligid at walang pakialam sa mundo. But I know better. She may be an angel looking girl, she can't fool me or herself. I know every kind of evil that resides in this school.
"Saan" tipid din na tanong ko.
"Grand dining hall, second floor" aniya saka naglakad paalis. Nakipagdebate pa ako sa utak ko kung pupunta ako bago ko naisipang tumayo sa pagkakahiga. Hindi na ako nag abalang magbihis pa dahil sayang lang sa oras, nagugutom narin kasi ako. Bakit ba kasi may dining hall pa dito eh pwede namang sa loob nang dorm nalang kami kumain. Naglakad ako sa walang hanggang hagdan hanggang sa makarating ako sa second floor. Hindi naman ako totally naglakad dahil mabilis rin naman ako. Napagtanto ko lang na nasa grand dining hall nako nang makita ko ang dalawang naglalakihang pinto. Pinihit ko ito at binuksan. Napatigil nalang ako nang pagbukas ko nang pintuan ay napatingin silang lahat sakin. Napatingin ako sakanilang lahat na animo'y wala silang kwenta at napansin kong pareparehas sila nang mga suot na damit at ako lang ang naiiba dahil suot ko parin ang damit ko kanina na sandong black, leather tight jeans at black leather shoes. Tss. Walang kwenta. Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso sa isang upuan na bakante. May limang mahahabang mesa at bench sa magkabilaan na puno nang pagkain. Okay! Mukhang mabubusog ata ako dito pati ata sa tingin nila.
Dumiretso lang ako nang lakad habang sinusundan nila ako nang tingin hanggang sa makaupo ako. May narinig akong tumikhim mula sa harapan, dun ko lang napansin na andun pala lahat nang mga teachers, nakaupo sa isang malaki at malawak na letter C na mesa. Napatingin ako sa isang lalaking naglakad sa harapan. Tumikhim siyang muli dahilan para tumahimik ang lahat.
"Goodevening EHU children. I am very pleased to see familiar faces and welcome the new ones'" paunang bati nito. Wala ni isang nagsalita kaya pinagpatuloy niya ang kanyang sasabihin.
"A new journey. A new beginning for all of us. New things and people. Everything is new, ako nalang ata ang hindi, wag naman kayong magsawa sa kagwapuhan ko" he said playfully na nakapagpatawa sa ibang mga estudyante. Kumuha ako nang ubas sa harapan ko at sinubo ito. Wala akong panahon sa mga litanya niya. Masyado siyang hambog.
"Everything is new but the old ones' remains the same. May nawawala at may dumadating at nagbabalik" napatingin ako sakanya dahil sa huling sinabi niya, nakatingin na pala siya sakin. Una siyang umiwas ngunit hindi ko iniwas ang tingin ko sakanya.
"The past that we can't forget. Good evening once again EHU students. Enjoy your dinner" sabi niya saka siya bumalik sa kinauupuan niya.
Kumain nalang ako para matapos na at ng makabalik nako sa kwarto ko nang naramdaman kong parang may nagmamasid sakin. Tumingin ako sa gilid ko ngunit wala akong makita nang biglang nalingat ang mga mata ko sa harapang table at dun ko nakita ang isang lalaking nakatingin sakin nang diretso na nananatiling malamig ang tingin sakin simula kaninang nagkita kami. Tinignan ko rin siya nang matalim at diretso sa mga mata niya. Alam ko kung anong iniisip niya. Iniisip niya kung bakit ganun nalang ang tingin sakin nang headmaster. Nakita niya ba yun? Kanina pa ba niya ako pinagmamasdan? I can read his mind clearly but I can't read his eyes.
I raised my eyebrows nang mapagtantong hindi pa niya binabawi ang tingin niya sakin. Bigla naman niya akong tinignan ng nakamamatay dahil sa ginawa ko. You think you can scare me? Tanong ko sa sarili ko. I smirk at ako na ang unang umiwas nang tingin dahil wala akong planong makipagtitigan sakanya buong magdamag. Nagfocus nalang ako sa pagkain at nang matapos na ako ay umalis nako nang dining hall at dumiretso sa kwarto nang makatulog na. Hindi ko na pinansin kung andito na ba ang dorm mate ko dahil wala rin naman akong pakialam sakanya. Nagshower muna ako bago matulog, nakasuot ako nang itim na sando at itim na sweatpants. Nang makapagbihis na ako ay naglakad ako papunta sa may balcony. Hindi pa kasi ako inaantok kaya magpapahangin nalang muna ako at baka sakaling antukin na rin ako mamaya. Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan nang eskwelahan. Napakaganda nang eskwelahang ito, hindi ito pang ordinaryo. Aakalain mong ang mga estudyanteng narito ay kasing ganda at tahimik nang unibersidad na ito pero hindi mo aakalaing napakalayo nito sa reyalidad at ito ang totoo na ayaw paniwalaan nang mga tao. Hindi nila alam kung ano ang katotohanan sa kasinungalingan, and this is the real one.
Pabalik na sana ako sa loob nang nakarinig ako nang kaluskos sa baba. Masyadong malakas ang pandinig, pakiramdam at pang amoy ko kaya alam kong may nagmamasid sakin. Tumingin ako sa baba at sinuring muli ang napakalawak na ground sa baba at hindi nga ako nagkakamali, may kung sinong nagmamasid sakin pero ang hindi ko lang malaman ay kung bakit hindi man lang siya nagtago sa punong kinalalagyan niya. Hindi ko maaninang ang kanyang mukha dahil madilim narin. Napalingon nalang ako nang narinig kong bumukas na ang pintuan nang kwarto which means nandito na ang kadorm ko, saglit ko lang siyang tinignan at binalik ko ang atensyon ko sa kung sino mang nagmamasid sakin ngunit sa kasamaang palad ay wala na ito doon. Bumalik na lang ako sa loob at nahiga na. Iwinaksi ko nalang sa isip ko ang kung sino mang yun at natulog nalang.
***
Kinabukasan
Sinadya ko talagang malate sa klase dahil wala rin ako sa mood pumasok at dahil hindi rin naman ako napasok nang maaga. I mean never pa ata akong pumasok on time or nang mas maaga. Why bother?
Tinignan ko ang unang subject ko sa umaga. Math. Boring. Hindi ko alam kung anong meron sa subject na yan at nagugustuhan siya nang iba. I mean kelangan ba natin ang mga ito sa araw araw nating buhay? Like hello, okay lang kung basic math just like the addition, subtraction and etc. pero yung mga algebra, trigonometry and fucking statistcs? I don't fucking get it. Ang sarap hambalusin nang blackboard ang nag imbento nang math subject. Well I am not saying this 'coz mahina ako sa math or something, I am good with it, fuck I can probably comprehend and has the highest grade in math but I just hate it most especially when your teacher is boring as hell.
Hinanap ko ang room kung san ako magkaklase at nang makita ko na ito ay hindi na ako nag abala pang kumatok at sinipa ko ang pintuan at mukhang nakakuha nanaman ako nang atensyon. Lahat sila napatingin sa kung sino mang sumipa nang pintuan. Napatingin naman ako sakanilang lahat at napansin kong they are all in their uniforms. A dark maroon below the knee skirt, white long sleeves, maroon necktie and maroon blazers with a fucking maroon knee sock and black shoes, for the girls, for the boys it's maroon pants, white shirt, and maroon blazers and black leathers and I am wearing my usual outfit which is a black leather jacket, tight jeans, and black boots. Like hell, is this some sort of a Korean school? Damn! I hate their uniforms, they should just make the color, black. It suits me and it fucking suits the school. Dark and dangerous.
Dumiretso nalang ako sa bakanteng upuan ko at hindi na pinansin ang mga mapanuring tingin nila.
"So since all of you are already finished introducing yourselves why don't we give the pleasure to miss DOOR KICKING to introduce herself?" the teacher asked. She's I think in her late 20's with a long black wavy hair, blue eyes, skin as white as snow-fucking-white, red plump lips and freckles on her cheeks. Why does every staff here so young, just like that fucking headmaster of ours. He's I think 20 or 22. Ayoko sana nang ganitong mga eksena but I don't wanna be rude and I think I want to be a little good girl for today. JUST FOR THE DAY. Being a good girl sucks and boring. Well everything for me is absolutely boring.
Tumayo nako at naglakad sa harapan. I faced them all and "Aeon Hitter Black" I said nonchalantly. Pabalik na sana ako sa upuan ko nang bigla nanamang marahas na bumukas ang pintuan at mula sa pintuan ay iniluwa nito ang limang lalaking nakaitim. Hindi sila nakauniporme gaya ko. Baguhan din ba sila?
"They're here" mahinang sambit nang isang lalake na nakaupo sa unahan which is kaharap ko lang rin. Nanatili akong nakatayo at tinignan lang sila. Sino ba kasi tong mga to? They are not absolutely newbies, kilala sila rito.
"Why am I having a disrespectful students always kicking the bloody door open?" hopeless na sabi nang teacher saka inikutan nang mata ang mga lalaki. Naglakad sila papasok nang hindi pinansin ang sinabi nang teacher at huminto sa harapan. Nilapitan naman ako nang isa sakanila nang may nakakalokong ngiti.
"Hi there hotty" he said still wearing that annoying smile. Ang sarap niyang bugbugin. Inikutan ko nalang siya nang mata at hindi na pinansin pa.
"So introduce yourselves for the sake of the novice" sabi nang teacher. Humakbang ang isang lalaki paharap at nagsalita ito.
"Hi everyone. My name is Adrion Rohan and I love girls" he said at nagwink pa dahilan para humagikgik ang mga kaklase naming babae. Tss. Napatingin ako sa lalaking kakatapos lang nagpakilala. May pagkachinito, maputi, matangkad, matangos ang ilong at may magandang ngiti. Kung tutuusin gwapo siya, I mean lahat sila pero wala akong pakialam. Siya yung lalaking sinipulan ako kahapon. Guess he's a bona-fide playboy after all .
"I'm Colton Hale. And if Adrion here loves girls, I love guys" sabi naman nang isang lalaki na mukhang tanga. Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya habang ang iba sa mga kaklase ko ay nakangiti at nakangisi. Seriously? What's with these students? And what's with these guys? Napatingin nalang ako sa reaction nang iba. Halos mga babae ang nakikita kong nakangiti at ang mga lalaki naman ay nakangisi, habang ang iba ay parang natatakot. What are they afraid of? Dapat ba silang katakutan at dapat ko rin ba silang katakutan? May iba namang walang pakialam gaya nalang nang isang babae sa dulo malapit sa glass wall na abalang nagbabasa nang libro na wari mo'y may sariling mundo. She's bloody Maria Clara, my dorm mate.
Napalingon nalang ako pabalik sa limang lalaki nang biglang batukan nang isa sakanila ang lalaking kanina lang nagpakilala na hindi ko naman alam kung ano ang pangalan.
"Wala ka na bang ibang masabi Colton? You love guys? Are you gay?" nakakalokong tanong nung bastos na sumipol sakin, not still knowing what the heck is his name. I told yah. I. DON'T.CARE.
"Eh bakit ba? Masama ba yun? Tsaka dude I'm not gay" sabi nito sabay tulak sakanya. Natahimik naman silang dalawa nang biglang naglakad paharap ang lalaking sa tingin ko ay ang pinakatahimik sakanila.
"Clay Hale. The twin brother of that stupid guy earlier" he said blankly. Magpoprotesta sana yung sinasabi niyang kambal niya pero natutop ito nang samahan niya nang tingin bago bumalik sa kanyang pwesto. So they are twins. Hindi sila magkamukha and definitely magkaiba sila nang ugali.
"Well some of you know who am I already but for the fucking sake of those who don't, my name is Arius Phillips and nice meeting you all" sabi naman nang isang lalaki pagkatapos ay ngumiti. Ang amo nang mukha niya kahit na napakaseryoso nito at mukhang palakaybigan din siya. Kung normal lang ako na babae magkakagusto na ako sakanya but sorry to say, I am not normal.
Napatingin naman ang lahat sa isang taong nananatiling nakatayo lang sa harap na waring wala siyang pakialam kung anong nangyayari sa mundo masunog man ito o kung ano. Umaasa ata silang magpapakilala ito. Nabalik lang ito sa reyalidad nang mukhang naramdaman niyang may nakatingin sakanya? He raised his brows at us then rolled his eyes looking pissed.
"What?" he growled, dahilan para matakot sila sakanya. I rolled my eyes at him. Oh please! Are you the King here? I want to asked him that pero pinigilan ko nalang.
"Oh come on! It's not like you don't fucking know me at all" aniya na kinakausap ang mga tao sa paligid niya. Kilala siya nang lahat? Bakit ako hindi ko siya kilala, well maliban nalang kung siya nga ang lalaking yun.
"Mr. Howard, introduce yourself for the sake of the rookies here" the teacher demanded.
"Introducing my fucking self is not my fucking job 'coz it's fucking yours. Our job here is to fucking study with this fuck up school and yours is to fucking teach us" sabi niya na nanlilisik ang kanyang mga mata. Natutop naman ang guro namin at pati narin ang mga kaklase ko. I smirk. Is this who you really are? Ito lang ba ang makakaya mo Mr. Howard? Tanong ko sa sarili ko.
"Fine! He is Mr. Ire Trasher Howard, the son of the owner of this school and the brother of the head---" hindi na naituloy nang guro ang kanyang sasabihin nang sa isang iglap ay nasa harap na niya ang lalaki na hawak nang mahigpit ang leeg nito. This is quit a show. I want to have a pop corn and a fucking milk shake in my hands.
"Ire" pigil naman sakanya nang mga kasama niya.
"Your job is to only teach so cut the crap if you want to live. I didn't fucking told you to speak of my fucked up life" singhal niya sa guro bago niya ito itinulak ng marahas dahilan para matumba sana ito kung hindi ko sana siya nasalo. Paalis na sana siya nang bigla akong nagsalita na kinagulat nilang lahat.
"Asshole" sabi ko. Napalingon siya sa sinabi ko, looking at me angrily.
"What did you say?" galit na sabi niya habang palapit siya sakin.
"You're an asshole" ulit ko pa.
"And who the hell are you?" galit na sabi niya. Nakita kong kinuyom niya ang kanyang kamao kaya alam kong nagtitimpi lang siya.
"What? You wanna shred me to pieces already? Where's the fun in that?" I said smiling evilly. Tinignan niya ako nang masama ngunit hindi ako nagpatinag. Nanonood lang samin ang mga tao sa paligid ngunit hindi sila kumikibo at walang balak umawat dahil natatakot sila. Cowards. What's with this school? Akala ko ba school of monsters to? Mas maganda pa ata kung School of cowards eh.
"Aren't monsters supposedly be tyrants and heartless? Aren't you supposed to kill people slowly and painfully? Aren't you supposed to skin me and drop me in a boiling water or dash me with alcohol or acid? I mean where's the fun in killing me in just a snap?" pang iinis ko sakanya. Napatingin nalang ako sa reaction nang tao sa paligid ko. Ang kaninang gulat ay napalitan nang pandidiri. Napatawa nalang ako sa mga reaction nila. Well that's a very painful ending. Ayoko na pag namatay ako ganyan ang danasin ko, I just said that to annoy him even more.
"You piece of shit!" singhal niya sakin pagkatapos ay sinakal niya ako gamit ang kanyang kamay. Napaigtad nalang ako dahil ang higpit nang pagkakasakal niya sakin. Napatingin ako sa mata niya. Ang lamig, ang lamig nang mga mata niya.
"Of course I won't kill you like that! Wanna know how I'll kill you slowly but painfully?" he asked while smirking like a lunatic. Pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa leeg ko.
"I'll just kill your entire family in front of you," he said. I felt numb. I felt numb by him saying that. Parang nawala na ang kaluluwa ko sa katawan ko but I am not afraid. I just felt nothing. Napangiti nalang ako nang madilim.
"And who the hell are you to talk to me like that?" he asked na para bang sinusubukan ako.
"Fiery Pummel Black" banggit ko sa pangalan niya. I felt his grip loosened by saying her name. I look into his eyes grimly and there, doon ko nakita ang halo halong expresyon sa kanyang mga mata. There's the rage, pain, and longing. I smirked at him and left everyone dumbfounded especially him. Finally, I found him. Just by seeing his expression earlier made everything clear.
Iniwan ko silang lahat doon na hindi makapaniwala sa ginawa ko. Ewan ko ba. Why? Does anyone doesn't dare to defy them? Well I can. Nainis ako dahil siguradong bukas pag uusapan nanaman ako. Wala sa plano ko na maging attention seeker sadyang hinahabol lang talaga ako nang kamalasan. I am a walking trouble after all.