webnovel

EMBRACE OF WINTER

Helia and her family moved to a new place to start a new life but unexpectedly, she met her mother's bestfriend. They met again after so many years of being apart to each other. Everything is fine not until she excountered a cold and unapproachable guy with trust issue and trauma. Helia become very curious about the guy behavior and why he became like that so she involved her self into the life of this mysterious boy but what would Helia do if she found out that the strange guy is the son of her mother's bestfriend and worse, her neighbor.

glitterr_fairy · 现实
分數不夠
33 Chs

Chapter 24

Sa lahat ng pwedeng mangyari ay bakit ngayon pa ako nagkaroon?!

Masyado akong nalibang kaya hindi ko na napansin kung ano date ngayon. Halos mamalipit ako sa aking kama dahil sa sakit ng puson ko. Maski tumayo ng tuwid ay hindi ko magawa. Tinawagan ako ni Tita kanina dahil anong oras na ay hindi parin ako pumupunta sa kanila. Sinabi kong na lang na sumasakit ang tyan ko kaya dito muna ako sa bahay.

Pumunta ako ng banyo para magpalit sana ng napkin kaso wala akong makita. What the fuck?!

Halos mapamura ako sa aking isipan. Bakit pati napkin ay wala kami?! Ang malas ko naman ngayon.

Kinuha ko ang aking phone saka nagdial ng number. Ilang beses 'yong nagring bago sagutin ng nasa kabilang linya.

"Helloooooo" mahabang bati ni Blythe.

"May ginagawa ka ba ngayon?" tanong ko agad kay sa kanya

Pasensya na Blythe pero ikaw lang ang alam kong makakatulong sakin ngayon.

"Wala naman, bakit?" sagot niya

"P-pwede bang bili mo 'ko ng napkin?" nahihiyang tahong ko

This is so embarrassing! Why am I asking a eighteen year old boy to me buy me a freaking napkin?!

"Sure, No problem" sagot agad ni Blythe

Nakahinga ako ng maluwag nang maraning na pumayag siya.

"Yung may wings sana hehe" nahihiyang sabi ko.

Pinatay na niya ang tawag pagkatapos non. Bumalik ako sa kwarto saka humiga ulit. Iintayin ko na lang si Blythe.

Ilang minuto ang lumipas bago tumawag sakin si Blythe. Sinagot ko agad ito.

"Nakabili ka?" tanong ko agad

"Oo pero pinagtatawanan ako ng nagtitinda" sagot niya

"Bakit naman?"

"Sabi ko kasi 'meron po ba kayong napkin na lumilipad?' "

"Lumilipad?"

"Sabi mo kasi yung may wings kaya akala ko lumilipad"

Ay gago.

Napaface palm na lang ako at halos mapamura sa aking isipan. Minsan talaga nagdududa na ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay wala talaga siya sa tamang pag iisip.

"Pakiiwan mo na lang sa pinto yung pinabili ko sayo. Thank you. Babawi na lang ako next time" sabi ko sa kanya

"Always welcome" sagot nito saka pinutol ang tawag.

Hinayaan ko muna siyang makaalis. Sumilip muna ako sa pinto, nang masigurong walang tao ay bahagyan binuksan ko yung pinto. Gaya ng sabi ko ay iniwan nga ni Blythe yung pinabibili ko sa harap ng pinto.

Nagulat pa ako nang makita iba ibang klase yung nakalagay sa plastik. Ganado bumili si Blythe. Wala sa sariling napangiti na lang ako. Bibihira lang sa lalaki ang may lakas ng loob na bumili ng nakpin sa tindahan. Buti na lang ay pumayag agad siya. Si Blythe na ang lifesaver.

Mas komprtable na ako nang makapagpalit. Babalik na sana ako sa kwarto ko kaso biglang may kumatok sa pinto.

Nagtaka naman ako nang si Brynthx na ngayon ang bumungad sakin. Nahihiyang inabot niya sakin ang plastik na naglalaman ng lollipop, chocolate, iba't ibang flavor ng fruit juice at iba pang matatamis na pagkain. Parang batang naglaway naman ako sa aking nakita. Pakiramdam ko ay nagniningning pa ang aking mata.

Aalis na sana si Brynthx pero mabilis na hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanya.

"P-pasok ka muna" nauutal na sabi ko saka binuksan nang tuluyan yung pinto. Maski ako ay hindi alam kung bakit bigla ko na lang siyang pinigilan.

Ngayon ko lang narealize na first time niyang pumunta dito sa bahay. Kulay puti ang pintura ng dingding at sky blue naman ang kulay ng kurtina kaya maliwanag at maaliwalas tignan ang bahay namin. Buti na lang ay hindi ganoon kakalat dito kaya hindi nakakahiya para kay Brynthx.

Tabi kaming naupo sa sofa. Hindi siya kumibo kaya ganon din ang ginawa ko. Para hindi akward, nagbukas na lang ako ng lollipop na dala niya saka 'yon inabot kay Brynthx.

"It's yours. Why are you giving it me?"tanong niya sakin

"Because I want to....?" walang kasiguraduhang sabi ko.

Hindi ba pwedeng gusto ko lang gusto ko lang siyang bigyan?

Naiiling na tinanggap niya naman yung candy. Kumuha ulit ako ng isa pa sa plastik saka binuksan 'yon pero ayaw. Masyadong madikit yung pagkakabalot sa candy kaya medyo nahirapan akong buksan. Nakita naman ako ni Brynthx na nahihirapan sa pagbubukas ng lollipop.

Bigla niyang kinuha sa kamay yung candy.

"It's okay. I can open it by mysel-----" hindi ko na naituloy ang balak kong sabihin nang bigla niyang isubo sakin yung candy na inabot ko sa kanya kanina.

"No, you can't" sabi ni Brynthx saka niya nabuksan yung lollipop at sinubo 'yon ng may ngiti sa labi.

"Tch" na lang ang nasabi ko

Kapag sakin ayaw bumukas, kapag sa kanya parang ang dali lang gawin.

"Nga pala....." sabi ko kaya napatingin siya sakin. "Bakit laging nakapatay yung ilaw at nakasarado ang pinto at bintana sa kwarto mo?" matagal ko nang gustong itanong niya sakin ang bagay na 'yon pero ngayon lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya.

"Hindi ko rin alam" sagot niya

"Ang dilim sa kwarto mo kaya halos wala akong makita" reklamo ko sa kanya na parang nakatira ako sa bahay nila.

"Maybe because for me, black means darkeness and darkness is my comfortzone"