webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · 青春言情
分數不夠
26 Chs

Kill #7

Agad na itinulak ni Eyz si Watch papasok sa cabinet, medyo malaki 'yon kaya naman alam niyang kasya do'n si Watch. At wala rin naman siyang choice kahit hindi siya kasya dahil mahuhuli sila. Member kasi nang Student Council si Shella, kaya hindi imposible na isumbong sila nito. Masama pa naman ang ugali ni Eyz kay Shella, kaya baka gantihan siya nito.

"Maghintay ka aba! bakit mo ba kasi iniwan ang susi? Ang tanga mo talaga." Sigaw ni Eyz. Palusot niya lang 'yon para hindi magmadali si Shella, pabor nga sa kaniya ang hindi pagdala ni Shella sa susi nang kwarto nila.

Nang maisara niya at cabinet at masiguro na hindi mapapansin mi Shella si Watch ay binuksan niya na ang pinto. Nakasimangot si Shella nang makita niya ito, nasaktan siguro sa sinabi ni Eyz.

"Ang sama mo talaga."

"Wala kang pake. At anong ginagawa mo dito may klase ka pa 'di ba?" Umupo si Eyz sa kama. At si Shella naman ay binuksan ang cabinet niya at may kinuhang dalawang makapal na libro.

"Naiwan ko ang libro ko. Ikaw din naman ay may klase pa, pero nakatambay ka dito." Saglit na tiningnan ni Shella ang cabinet ni Eyz bago bumalik ang tingin niya kay Eyz. Hindi marunong magtago si Eyz dahil nakita niya sa maliit na siwang ang daliri nang isang tao.

"Kasalanan niyo 'to e, siraulo kasi kayo sa pagpapauso nang Chase Game na 'yan. Mga wala kayong magandang magawa sa buhay, hindi na nga kayo maganda 'di pa maganda mga tumatakbo sa isip niyo." Singhal ni Eyz. Hindi niya talaga nakalimutan na laitin ang mga Student Council members.

Ngumiti si Shella. Iba ang dating no'n kay Eyz, natakot siya— hindi 'yung takot na baka may hindi magandang gawin si Shella. Ang naramdaman niyang takot ay takot na baka baliw na 'tong kasama niya. Edi siya pa ang nagulo. Parang baliw naman kasi si Shella sa uri nang pagngiti niya, parang gusto na tuloy siyang dalhin ni Eyz sa mental. "Kailangan e, at saka paghahanda niyo na rin 'yan nang kasama mo." At sumulyap siya sa kinaroroonan ni Watch. Umalis na rin si Shella matapos ang pag-uusap na 'yon.

Paghahanda your face, baka gusto mong kabaong mo ang ihanda ko. Saad ni Eyz sa isip habang masama ang tingin kay Shella na paunti-unting nawawala sa paningin niya. Baliw na talaga si Shella sa paningin niya, siguro kailangan niya nang sabihin 'yon sa Headmistress, baka makasakit pa si Shella kapag nagtagal siya dito. At baka masaktan niya lang din si Shella kapag nainis siya sa mga sinasabi nito.

Hindi niya alam pero unang kita niya pa lang kay Shella ay naiinis na siya dito sa 'di malamang dahilan. Pero wala naman sigurong ibang dahilan 'yon dahil halos lahat nang tao ay kinaiinisan niya.

Tiningnan nang masama ni Eyz si Watch na ngumiti lang at humiga sa kama ni Eyz. Kumakapal na din ang mukha ni Watch, unti-unti nang nawawala ang hiya niya sa katawan. Hindi magandang sign 'yon.

"Hoy, Relo umalis ka na nga dito at baka maabutan ka pa nang maingay na 'yon." Hindi siya pinansin ni Watch na ikinainis niya. Bwisit talaga minsan si Watch sa kaniya, kung hindi lang talaga bawal na pumatay ay pinatay niya na ito.

Umalis mula sa pagkakaupo sa sofa si Eyz at umupo sa kama. Sinipa niya si Watch hanggang sa mahulog ito, hindi niya na pinansin ang pag-angal nito dahil masakit daw ang pagkakahulog niya. Humiga siya at pumikit.

"Hoy Relo, matutulog ako. Umalis ka na lang kung kailan mo gusto." At natulog na siya.

Si Watch naman bilang isang 'tagahanga' ni Eyz ay umupo sa sahig at nangalumbaba, nakatitig lang siya kay Eyz habang parang tangang nakangiti. At oo, crush niya si Eyz kaya naman sunod siya ng sunod dito. Hindi naman siya mag-aaksaya nang oras sa pagsunod, at hindi niya rin hahayaan na laitin siya lagi ni Eyz kung hindi niya ito crush.

"Ang ganda talaga ni Eyz." Mahinang bulong niya habang parang tangang nakangiti na naman. Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa mukha ni Eyz at tumayo. Nakontento na siya sa pagtitig niya dito. Hinalikan niya ang nuo ni Eyz at bumulong. "Bye Eyz, see you. Sweet dreams." At umalis na siya.

Habang naglalakad pabalik sa dorm niya ay hindi niya maiwasan ang mapangiti. Crush niya lang talaga si Eyz, pero parang hindi lang naman crush dahil hindi naman gagawin nang isang taong crush lang ang tingin sa isang babae katulad nang ginawa niya kay Eyz.

Ano man ang nararamdaman niya ay malalaman niya rin 'yon sa mga susunod na araw. Ang mahalaga ay masaya siya, dahil nalalapitan niya si Eyz. Hindi naman kasi lahat nang tao ay nalalapitan ang mga crush nila, 'yung iba ay nahihiya at walang lakas nang loob. Habang si Watch naman ay sadyang masyado nang makapal ang mukha.

At walang mangyayari sa kaniya kung ang gagawin niya lang ay tumitig kay Eyz mula sa malayo. Hindi siya magkakatoon ng progress kapag gano'n lang ang ginawa niya, kailangan niya din na gumawa nang move. Wala siyang mararating kung hiya ang paiiralin niya.

Natigil lang ang pagde-daydream ni Watch nang makita niya ang mga estudyante na humahabol sa kaniya kanina. Napatakbo tuloy siya nang mabilis.

Malas.

                                ****

Sa loob nang isang classroom ay nando'n si Eyz at nakapalumbaba. Isang linggo na din ang lumipas simula nang magsimula ang Chase Game na silang dalawa ni Watch ang kasali. At sa isang linggo na 'yon ay wala silang ginawa ni Watch kung hindi ang tumakbo. Minsan ay nakikipagsuntukan sila kapag kaunti lang ang mga humahabol sa kanila.

Tinigilan na rin sila nang mga estudyante, at ngayon pa lang sila ulit makakapasok sa klase. Hindi naman kasi sila nakapasok nang isang linggo dahil sa laro na 'yon, kung pumasok sila edi baka kahit nasa classroom sila ay habulin pa rin sila nang mga 'manliligaw' nila ni Watch na gusto silang patayin.

Excused naman na daw sila sa klase ayon kay Shella. At sa isang linggo naman na 'yon ay kinukulit siya ni Kevin na parang isang manliligaw. Pinapapunta siya sa detention room pero hindi naman siya sumusunod. As if naman kayang pasunudin ni Kevin si Eyz.

Ayon kay Shella ay Kevin San Gabriel ang pangalan nang Student Council President. At sabi din ni Shella ay gano'n daw talaga ang ugali no'n, ayaw magpatalo at 'di agad sumusuko. Ang kaso ay sa sobrang tigas nang ulo ni Eyz ay sumuko din si Kevin sa pangungulit, hindi na kinaya ang ugali ni Eyz. Mainitin din daw ang ulo no'n at pumapatol sa babae, na proven at tested na naman ni Eyz.

Napairap si Eyz nang may kumalabit na naman sa kaniya, for the fifth time. Hindi niya kilala ang baliw na kalabit ng kalabit sa kaniya, feeling close lang. At mukha pa lang ay halata na niya na malandi ito, hindi siya judgemental nagsasabi lang nang totoo. Tatawagin niya na lang ito na Jollibee dahil masyado itong bida-bida.

"Are you free tonight?" Malanding saad niya. Hindi niya pa ba nasabi na GGSS din 'to?

"Back off, fucker." Blangko ang mukhang saad ni Eyz. Naiinis na siya sa totoo lang. Malapit nang maubos ang pasensya niya. Napa-english pa nga siya sa sobrang inis.

"Well, your right I'm a fucker. And I fuck hard, wanna try?" At wala na ubos na ang pasensya ni Eyz kay Aaron— si Jollibee na GGSS. Hindi naman kasi nakakakilig ang pick up lines nito, nakakainis lang.

Tumayo si Eyz at hinatak ang kwelyo ni Aaron, nakangisi lang nang tagumpay si Aaron. Mukha tuloy siyang manyak, kahit na medyo guwapo naman siya. Nakarating sila sa bandang likod nang building na hindi pinupuntahan nang mga estudyante, actually meron namang pumupunta dito 'yung mga gumagawa nga lang ng mga milagro.

Pabalibag na binitawan ni Eyz ang kwelyo ni Aaron, muntik na nga siyang matumba, pero na-balance niya naman ang sarili niya. Hinubad ni Eyz ang suot na blazzer at itinapon ito sa kung saan, wala na siyang pake kung madumihan man ito ang mahalaga ay magawa niya ang gusto niyang gawin. Binuksan niya din ang unang dalawang butones nang suot na blouse, itinupi ang sleeve nito hanggang siko.

Itinali niya na rin ang lagpas hanggang balikat na buhok, istorbo ito sa gagawin niya. Habang si Aaron ay nakangisi na naman nang parang manyak. Akala siguro niya ay papayag si Eyz na gawin ang gusto niya, asa siya. Kahit sa panaginip niya ay hindi mangyayari 'yon.

Maangas na lumapit si Eyz kay Aaron at bigla niya itong sinapak! Napaatras si Aaron at hindi makapaniwalang nakatingin kay Eyz. Muling lumapit si Eyz kay Aaron at sinipa ang tuhod nito kaya naman napaluhod siya. Sinabunutan ni Eyz ang buhok ni Aaron at itiningala sa kaniya, walang emosyon niya itong tiningnan.

"Ako ay tigilan mo sa kalandian mo Jollibee, bakit hindi si Mcdo ang hanapin at landiin mo? Wala akong interes sayo kaya tigilan mo na ako, kung hindi ay may malala pa d'yan ang makukuha mo. Gets mo?" Sunod-sunod na tumango si Aaron. Medyo natakot siya do'n nang slight.

Akmang bibitawan na ni Eyz si Aaron nang may biglang may nagsalita mula sa likod niya. Napapikit si Eyz, ang malas niya talaga.

"Detention for two hours."

****