webnovel

Doctor Alucard Treasure

Monina Catherine Alvarez, is a Journalist Student who is fond to her Father camera. She is a little witchy by selling some information and pictures wanted by her customers. The victim of her doesn't have idea that she is making a money about them. Knowing she have this stalker skills, her customer one day dare her to get a confidential information and pictures to a Mysterious Multi-billionaire, CEDRICK MARLAN WU. He is a doctor... but never be a real doctor. They called him, Dr. Alucard. Every Patient he handle is mysteriously pull away from death, and he do the surgical Operation during FULL Moon, only means ... Once a Month. He is not an employee.... He is not a natural doctor doing his solemly promise to do his part to save the patient. He is the person behind the Multi-billionaire GO Pharmaceutical Company. Monina accepted the challenge. The opportunity knocks to her kindly. But One day she wake up... She's carrying his heir. Who really he is? What he will do now... @International_Pen Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels ❤️ TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much ❤️

International_Pen · 现代言情
分數不夠
99 Chs

Chapter 46 Kiss Memory

((( Monina POV's )))

Kahit nga nakakalambot ng tuhod ang mga titig nito. Di ako natigilan. Tao lang naman siya. Napapa-utot ng dis-oras.

Since nga pinapatawag ako. Siya yung humihingi ng pansin ko. Edi wala ako nitong kasalanan sa may ari ng restaurant.

Ngumiti ako sa kanya ng pilit.

Napahakbang palapit dito. At tinignan ako mula ulo hangang paa. Ano ka? Naghahanap ng model para titigan ako ng ganyan?! Talaga palang nakaka-insulto kapag tinititigan ka mula ulo at paa no? Sa di ka naman manikim. Kahit nga manikim walang perpekto. Ako pa kayang tao lang?

"Hi Mister. Monina po pala." lahad ko ng kamay sa kanya. Be professional.

Ngunit ngumisi lamang siya sa akin. Nangalay ang kamay ko na di niya tinangap. Ako ang napahiya ah. Saka Monina, sa unang pagkakataon bakit ka naman makikakamay sa kanya? Alam mo naman na di niya tatangapin. Tanga.

Okey. Kung being rude lang naman ang pag-uusapan. Meron din ako niyan Mister Manyak. Saka sino ka ba talaga para nga paki-tunguhan na may professional behaviour. Tss. Sino nga ang nanghalik sa akin?!

Biglang tumubo ang sungay ko. Hahaha. Nagpapaka-anghel ako tapos matatapakan lang ng ganoon?

Kaya hinila ko na yung upuan. Sarap mangagat ngayon. Ngipin ko nangigil. Di ba niya alam ako yung babaeng magaling magbalat ng niyog, gamit ngipin? Ako yun!

Joke lang. Last chanced ko na ito magkaroon ng ngipin. Ayoko gumamit ng postiso. Kaya alagang-alaga parin sa ngipin.

mahal ang dentista. Ni minsan di sumagi sa isipan ko na magkaroon nga ng montly check ng ngipin.

Di ko binitiwan ang titig namin sa isat-isa.

Ayaw din niya paawat. Saka ngumisi ng mapakla. Saka ibinaba ang baso na kanina pa niyang pinaglalaruan sa kamay.

Pagkalapag niya. Inilapag ko din yung bag ko.

"Kilala mo si Kuya Gwapo no?"

Ang tanga ng tanong ko. Monina maraming gwapo sa mundong ito. Isa na doon si Lee Min Ho my labs.

"I mean, uhmmm. Natatandaan mo pa ba yung sa hospital?" saka nga may kinuha ako sa bag. Yung camera ko.

Hinanap yung picture na nakunan ko sila sa hospital at ng mahanap ko nga. Napatayo ako saka lumapit sa kanya, pinakita yung picture.

"Ikaw ito diba?"

Ngunit sinalubong ako ng mga titig niya.

Nagtatanong ang mga mata nito kung bakit makalapit ako, feeling close lang?

Ngunit…

"Tsk! Wag ka ngang mantitig ng ganyan! Kapag ikaw nanghalik na naman!"