webnovel

Diario dela Morte (FILIPINO)

奇幻
連載 · 15.8K 流覽
  • 3 章
    內容
  • 評分
  • N/A
    鼎力相助
摘要

Ulila at lumaki sa ampunan si Seraphiel Yriel, kahit na siya ay walang magulang ay punong-puno ng kabaitan at pagmamahal ang kaniyang puso. Masipag din siya dahil handang-handa siyang sumuong sa kahit anong trabaho upang siya ay mabuhay. Maayos siyang namumuhay kahit nasasalat man, ngunit- May kakaiba na hindi niya masasabing normal! May isa siyang munting kakayahan na halos ikamatay niya na dahil sa takot na siyang gugulo sa kaniyang tahimik na pamumuhay. At ang pagdating isang trabahong pinataw sa kaniya ng tadhana na hindi niya inaasahan at maaring makapagbigyang linaw sa kaniyang pagkatao...

標籤
3 標籤
Chapter 1Prelude

MADILIM at tahimik ang buong pasilyo, walang ibang naririnig kung'di mga yabag lamang ng mga paa ng naglalakad at ang paghinga nito. Tila niyakap na ni kamatayan ang lugar dahil wala itong kabuhay-buhay, pati rin kasi ang mga muwebles, dekorasyon at estilo ng lugar ay purong itim at disenyong gugustuhin ni kamatayan.

Palibhasa ay palasyo talaga ito ni kamatayan.

Tila sumayaw dahil sa hangin ang suot na balabal ng naglalakad, hawak-hawak nito ang isang papel; isang kasulatan. Ang lalaki, mukha'y maputla at mata'y walang buhay (palibhasa ay totoong patay na siya).

Kailangan niyang dalhin ang importanteng kasulatan sa pinuno ng palasyong ito na—si kamatayan mismo. Nagkakagulo na kasi sa apat na mundo: Ethereath: mundo ng mga diyos, Sancticus: mundo ng mga anghel, Infernus: mundo ng mga demonyo at sa mundo ng mga tao. Kailangan ng tatlong mundo ang kapangyarihan at kooperasyon ni kamatayan na ayaw nitong ibigay kung'di sa mga tao lamang na hindi sapat upang protektahan ang mga ito sa napipintong kaguluhan.

Kahit na siya'y patay na at nararapat wala nang maramdaman na kahit anong emosyon, hindi pa rin maiwasan ng kanang kamay ni kamatayan at pinuno ng mga "reapers" ang mainis dahil sa katigasan ng ulo ni kamatayan.

Napabuntong hininga na lamang siya at pumasok sa isang malaking itim na pinto na gawa sa metal at marmol; sa likod ng matayog na pintong ito ay matatagpuan ang trono ni kamatayan at ang ilog ng mga umaatungal na ispirito.

Natagpuan niya si ang isang lalaki na naka-upo sa trono nitong gawa sa apoy ng kabilang buhay, metal na namimina sa kweba ng kasakiman at bilang dekorasyon dito ay ang bungo ni Cronos na ang mata ay may asul na apoy. Kasing itim ng uwak ang kulay ng buhok nito, mga matang dalawa ang kulay; pula at ginto (sa gintong kulay ng mata ay may ukit ng orasan at sa pulang mata ay may baligtad na bituin), maputlang kulay ng balat na kasing putla ng kaniya. Walang kaemo- emosyon ang mukha at mata nito habang hawak-hawak ang isang pulang mansanas na kinalaunan ay nabulok dahil sa hawak nito, agad nitong tinapon ang bulok na mansanas sa ilog ng mga ispirito na nais makawala sa kanilang pinagkulungan.

Tumingin si kamatayan sa kaniya at sa kasulatang hawak niya. "Kung pipilitin mo akong tulungan ang mga mapagsamantalang iyon, kalimutan mo nang sinubukan mo," seryoso at malamig nitong wika; ang lamig sa boses na iyon ay makakapagdala ng takot sa sinumang buhay.

Swerte siyang patay na siya.

Alam niyang sasabihin nito ang mga salitang iyon, ngunit hindi siya makakapayag na hindi magbabago ang desisyon nito. "Kahit protektahan mo ang mga tao, Yriel, kung hindi ka makikipagtulungan sa tatlo pang mundo..." Tiningnan niya sa mata si kamatayan na walang sinuman ang kayang gumawa.

"Mapupuno nang mga taong hindi pa nila oras mamatay ang bulwagan mo at sa oras na iyon, ang mundong kinagagalawan nila ay mamatay at mawawala at alam mong sa oras na mangyayari iyon, isusunod ang tatlong mundo at ikaw... Tama si diyosang Atisha na oras nang magsama-sama ang lahat upang lumakas dahil...baka ikaw na si kamatayan ay makakaranas muli kung papaano mamatay." nakita niya ang galit sa mga mata nito na dati nitong sarili ay wala; ang galit na sinisira ang lahat at pati si kamatayan ay wala ring kawala.

Tumayo ito sa trono nito at matalim siyang tiningnan nito; namumuo sa katawan nito ang maitim na anino at itim na apoy na alam niyang kayang makapagpatapos sa kaniya kahit na siya ay patay na. Nakaramdam siya ng lamig kahit na malamig na ang kaniyang laman at takot na ngayon niya lang naramdaman sa tanang buhay at pagkamatay niya. Ngunit, hindi siya pwedeng magpadaig dito, nawala na sa kaniya ang buhay niya, ang kapatid niya at hindi niya hahayaang mawala ang kaniyang kaibigan dahil sa pagkalunod nito sa galit.

Dalawa na lang ang naiisip niyang alas upang mapa-oo si kamatayan, dalawang alas na nalaman niya sa tatlong mundo ng hindi niya sinasadya na ayaw ng mga ito na ipaalam sa nino man.

"Kapag papatayin mo ako ngayon, Yriel. Hindi lamang na winawaksi mo na ang totoong ikaw na nawala noong namatay ang aking kapatid—" mas lalong uminit ang apoy sa katawan nito na nagawang patigilin ang pag-aatungal ng mga kaluluwa at magtago sa ilog.

Tiningnan niyang muli sa mata ang nangangalit na kaibigan. "...Hindi mo na maiiligtas ang iyong ina at tanggalin ang sumpa mula sa kaniya, ang iyong ina ay nasa mundo ng mga anghel, buhay. At kapag tutulungan mo ang tatlong mundo ay pupwede kang humiling sa mga diyos upang palayain ang iyong ina." nawala ang mga apoy sa likod nito at hindi makapaniwalang siya ay tiningnan, wala pang ilang segundo ay nasa harapan na siya nito; kamay ay mahigpit na nakahawak sa kaniyang braso na nagsisimula nang mabulok dahil sa hawak nito.

"Ayaw na ayaw ko sa sinungaling, alam mo iyon," malamig nitong asik ngunit hindi pa rin siya nagpadala sa takot.

Kaibigan niya si Yriel at ito ang tumulong sa kaniyang magbagong buhay noong buhay pa siya at humingi ng tawad sa kaniyang mga pagkakasala. Ngayo'y siya naman ang tutulong dito.

"Totoo ang sinasabi ko, Yriel. Buhay pa ang iyong ina at sa tingin mo gugustuhin niyang makitang nagiging ganiyan ang anak niya? Puno nang galit ang puso at nawala ang kabaitan sa ugat. At sa tingin mo maililigtas mo rin ang aking kapatid na yumakap sa dilim kung ikaw mismo ay nasa dilim?" tinanggal nito ang hawak nito sa kaniyang braso at bumalik ang kaniyang dating naagnas na laman sa dati.

Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Yriel. Umatras ito nang umatras at nakita niyang tumulo ang mga luha nito na matagal-tagal nang hindi nito nagagawa. "B-Buhay pa si Calli?" Nakita niyang umiyak ang kaibigan; ang iyak nang kilala niyang Yriel.

Tumango siya. "Ngunit, siya rin ang taong nakamaskara na nais kang patayin."

"P-Paanong?" itinuro niya ang kasulatang hawak niya at ang trono ni kamatayan na agad namang naintindihan ni Yriel.

Niyakap niya na lang ang kaibigang si kamatayan habang umiiyak ito. Alam niyang kahit na pinipilit nitong maging malamig at masama ay may puso pa rin ito; puso para sa mga importanteng nilalang sa buhay ni kamatayan.

"Lalaban ka ba, Yriel? Ipagpapatuloy mo ba ang buhay mo bilang si kamatayan nang hindi inaalis ang buhay sa puso mo?" wika niya sa kaibigan.

Alam niyang kaya nito, kaya nitong iligtas ang sarili nitong ina at si Calli.

Hindi sumagot si kamatayan na umiiyak pa rin, sumunod sa iyak ni kamatayan ang mga ispirito at naging maingay ang dating tahimik na paligid.

Nahuli ng kaniyang tingin ang diyosang si Atisha na nasa likuran ng pader na gawa sa marmol, umiiyak din ang diyosa habang pinagmamasdan sila; narinig ata nito ang kanilang pag-uusap tungkol sa kapatid niyang si Calli.

Bumuntong hininga siya. "Ang buhay ni kamatayan ay mas magulo at maintriga pa kaysa sa mga nilalang na buhay pa, kakayanin mo kaya ang lahat ng ito, Seraphiel Yriel Morte?" bulong niya at napangiti.

你也許也喜歡

BREAK THE WORLD(Living Is Dying) BOOK 2 of Hunting Kendra[ FILIPINO]

BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA Genre:Vampire/Werewolf SYPNOSIS NAGMULA sa angkan ng mga Bampira sina Halls, Oreo at Zain. Lumaki sila na busog sa pagmamahal sa kanilang ina na si Kendra, kalahating Bampira at mortal. Habang ang ama naman nilang si Timothy ay kalahating Lobo at Bampira. Naging matiwasay ang mga taon na nagdaan para sa pamilya nila sa mundo ng mga tao. Matapos na maganap ang pagkawasak sa tagong mundo--- ang Acerria. Kung saan nanirahan dati ang mga lahi ng Bampira, Lobo at mga naagnas na nilalang kung tawagin ng mga mortal ay Zombie. Ngunit sa pagdaan ng mga taon ay nagkaroon ng malaking digmaan sa kabilang mundo. Kaya upang sa ikalawang pagkakataon ay tuluyang mawasak ang Acerria. Nakaligtas sina Kendra at Timothy, ngunit sa kasawiang palad ang lahat ng nilalang sa Acceria'y tuluyang nakasama sa pagkaguho. Sa mga lumipas na taon ay muli silang bumangon, hindi nila hinayaan mabalewala ang sakripisyo ng ina ni Timothy; ang huling may purong dugo ng Bampira. Ngunit iyon ang inaakala nila... Dahil isang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Pangyayaring kasugpong ng nakaraan. Nakaraan na siyang hahabol sa kanila sa kasalukuyan. Muling dadanak ng dugo sa magkabilang lahi sa mundo ng mga mortal. Na magiging dahilan ng pagkasawi nina Kendra at Timothy. Paano kung sa pagkawala ng mga magulang ay ang siyang pagdating ng bagong nilalang na magbibigay sa kanila ng ibayong pag-asa. Ngunit paano kung ang natitirang pag-asa na iyon ay tuluyang mawala at mapalitan ng 'di matatawarang pighati. Pighati na siyang wawasak sa mundong kanilang ginagalawan. "Dugo at laman ng banal ang siyang papawi sa lahat ng sakit, hanggang wakas upang bigyang daan ang bagong sibol na mundo..."

Babz07_Aziole · 奇幻
分數不夠
17 Chs

評分

  • 全部評分
  • 寫作品質
  • 更新穩定度
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景
評論
哇! 如果您現在填寫評論,您將會是第一個評論的人!

鼎力相助