webnovel

Destined to be Undestined.

A story of lovers who just met, but not destined for each other.

iamkeytlinnn · 青春言情
分數不夠
6 Chs

Last Part.

Destined to be Undestined - Last Part.

Lucas.

"Hey, Daddy!" Napatingin ako kay Kiara.

Itinigil ko na muna ang pag-aayos ng pagkain at lumapit sa kaniya.

"Yes, baby?"

"Saan po tayo pupunta?" inosente nitong tanong.

Lumuhod ako para maging kapantay ko siya. Nginitian ko lamang ito.

"We will visit your Mom," wika ko sa kaniya. "Are you excited?"

Itinaas naman niya ang kamay niya, "Yes! I'm so excited, Daddy!"

"I will finish packing food for your Mom, then after that, we will go to your Mom's place. Okay?"

"Yes, Daddy!" masigla nitong sagot.

Nang matapos ang pag-aayos ko ng pagkain ay inilagay ko ito sa isang plastic.

"Let's go na baby," wika ko sa kaniya, tinanguan niya lamang ako.

Kinuha ko ang pagkain na nakalagay sa isang plastic bago tuluyang lumabas ng bahay.

Pumasok na kami sa kotse. Ini-start ko na ang engine at pinaandar ang sasakyan.

Maya-maya pa ay nakita ko na ang karatula.

Almond's City Jail.

Kinuha ko na ang mga pagkain at saka lumabas ng kotse.

Hinawakan ko ang kamay ni Kiara, "Let's go, baby."

Hawak-kamay kaming naglakad papasok sa loob ng rehas.

"Kay Faith Guitterez po." wika ko sa isang pulis.

Nagtungo na kami kung saan doon nag-uusap ang mga nakakulong at kamag-anak nito.

Umupo na kami sa isang upuan at matiyagang naghintay.

"Kiara," napatingin ako sa nagsalita.

Agad namang nagtatakbo si Kiara patungo sa kaniya. Niyakap ni Kiara ang babaeng nagbigay ng buhay sa kaniya.

Pinagmasdan ko naman ang babaeng kayakap ni Kiara — si Faith.

Talagang nag-iba na ang itsura niya kumpara dati. Ang mahabang buhok niya ay pinaiklian na niya ngayon. Katulad ng ibang preso, nakasuot siya ng damit tulad ng karaniwang suot ng mga ito.

Pagkatapos nila magyakapan ay lumapit sila sa akin. Umupo si Faith sa tapat ko habang si Kiara ay nasa tabi ko.

"L-lucas," sambit nito. "Mabuti at n-nakadalawa kayo d-dito ni K-Kiara."

"Ina ka niya, at alam kong may karapatan ka sa kaniya." walang emosyong wika ko. "At isa pa, gusto ka makita ng anak mo."

"— ng anak natin." pagtatama niya.

Hindi ko na lamang 'yon pinansin at bahagyang inilapit ang isang plastic na may lamang pagkain.

"S-salamat." nahihiya niyang tugon. Ibinaling naman niya ang tingin niya kay Kiara. "Baby, how are you?"

"I'm fine, Mommy." sagot ni Kiara. "Daddy take me to school. And he always take me to the playground."

"I'm so happy to hear that you're happy and fine, baby." nginitian niya ito. "How about your Dad, baby?"

Napatingin pa siya sa akin pero agad akong umiwas ng tingin.

"Daddy is always happy." Kiara exclaimed. "But, sometimes, he cry. When I ask him, he always said that she miss Tita Kira."

Napatingin muli sa akin si Faith na nangingilid ang mga mata.

Agad akong tumayo.

Hinawakan ko na ang kamay ni baby Kiara, "Kiara, we need to go. Magpaalam ka na sa Mommy mo."

"L-lucas, pwede bang sandali lang—"

Hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang lumapit si Kiara at yinakap siya, "Bye, Mommy! See you soon po."

"Alis na kami, Faith. Bibisita na lang ulit kami kapag may oras ako."

Hindi siya tumango bagkus, bumagsak lamang ang mga butil ng luha niya.

Nakakaisang hakbang pa lang kami ni Kiara nang biglang may humawak sa paa ko.

Pagkatingin ko rito ay nakita ko si Faith-nakaluhod habang umiiyak.

"I-I'm sorry, L-lucas..." pabulong na sabi nito. "I'm sorry for what I've done. I'm really really s-sorry..."

Napatingin ako kay Kiara na humihikbi.

Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga.

Lumuhod din ako para mapantayan si Faith.

"I'm sorry Lucas, sana mapatawad mo ako after what I've done to Kara," hagulhol pa nito.

Niyakap ko naman siya, "Ssshhh, don't cry, Faith. Napatawad na kita, matagal na panahon na. Alam kong mas malulungkot si Kara kung 'di kita patatawarin."

Mas lalo siyang napahagulhol sa balikat ko.

"T-thank you, L-lucas."

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya. Hinawakan ko ang balikat niya at saka siya pinatayo.

"Ssshhh, tahan na." saad ko. "Kiara will going to cry too."

Agad na yumakap si Kiara sa Mommy niya.

"T-thank you s-so much, Lucas." she said as she hug her daughter.

~*~

"Dad," pagtawag sa akin ni Kiara.

"Yes, baby?" tanong ko habang nagda-drive.

"Bibisitahin po rin ba natin si Tita Kiara?"

Tinanguan ko siya, "Yes, she will be happy if we'll going to visit her."

Dumaan muna kami sa isang flower shop bago magtungo sa kinaroroonan ni Kira.

Kinuha ko na muna ang bulaklak para kay Kira bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

Umupo ako sa may damuhan at saka pinagpagan ang isang lapida — Kira Salvador ang nakalagay dito.

Umupo din sa tabi ko si Kiara at inilapag ang bulaklak.

"Hi, Kira." pagkausap ko sa puntod nito kahit alam kong hindi sasagot ito. "Nandito muli kami ni baby Kiara. Gusto ka niyang bisitahin."

Nagsalita naman si Kiara, "Hi Tita Kira! Sayang po at 'di kita nakilala nang personal. But, I'm sure, you're happy kung nasaan ka man."

"Bumisita kami ni baby Kiara kay Faith." pagkukuwento ko. "Pinatawad ko na siya dahil alam kong ikaw, napatawad mo na siya. Ayaw ko din magtanim pa ng galit sa kaniya."

"Tita, did you know? Daddy misses you so much. He always cry at night—"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Kiara, "Nako, Kiara. Ang daldal mo. Don't worry about me, Kira. I'm fine, really fine. I hope that you're happy kung nasaan ka man. I love you, and I do always love you."

"And I love you too, Tita Kira!"

Napatawa na lamang ako kay Kiara.

Tumayo na kaming dalawa, "Kira, alis na kami. Babalik ulit kami ni baby Kiara. We love you. "

Bigla namang humangin nang malakas.

Sa halip na matakot ay napangiti na lamang ako. Alam kong nasa paligid lang namin si Kira.

Bigla ko naman naalala ang pinakamahalagang nagawa ko ngayong araw-ang mapatawad si Faith. Mahirap man pero nagawa kong magpatawad. Kung ang Diyos nga ay nagagawa ang magpatawad, ako pa kayang tao at makasalanan din?

Nang maaksidente si Kira ay nalaman namin na siya ang nag-utos para banggain ng isang driver si Kira kung kaya't sinintensiyahan siya ng pagkakakulong. Ngunit, pinatapos muna ng hukuman ang pagbubuntis nito bago tuluyang makulong. Oo, si Kira ang anak ni Faith. Hindi man ako ang tunay na ama nito ay itinuring ko siyang isang tunay na anak.

Nawala man si Kira ay dumating naman ang isang prinsesa sa buhay ko, at 'yon ang anak ko — si baby Kiara.

Isinunod ko ang pangalan niya kay Kira bilang tanda ng walang katapusang pagmamahal ko sa Kira.

Bago pa man kami tuluyang pumasok sa kotse ay napangiti ako.

"Thank you Kira, you'll stay forever in our hearts. I love you," I uttered before going to the car.

We're destined to be undestined but, she'll stay in my heart — forever.

— End —