webnovel

Deity Of Darkness

PurestBeggarBlood · 奇幻
分數不夠
125 Chs

Chapter 108: Chris versus Hundreds of ZombieOrcs.

Chapter 108: Chris versus Hundreds of ZombieOrcs.

.

.

Lumipas ang mga makawasak lupain na mga spells mula sa Meta-Dragon kay Mocci.

.

Unti unting naaalis ang mga pasa, galos at maging ang dugo na nawala kay Mocci ay bumabalik dahil sa passive nito bilang isang Astarothian.

'tsk!!, masyadong mabilis magamit ang Qi energy dahil sa Passive kong Regeneration!! ----sadyang napaka lakas nya talaga!'.

.

Isang bundok nanaman ang nahukay mula sa isang suntok ng Meta-Dragon na ito.

"oh?!, hanggang takas ka nalang ba?, sa tingin mo makakatakbo ka pa saken?".

Sabi nito at magkabilang kamay na itinutok kay Mocci ang kanyang sandata.

.

Gablam!! -----(Aura beams)

.

Hindi nakatakas si Mocci at sinalubong nalang nya ng kanyang Aura beam ang atakeng ito.

.

Boom!! -----(huge explosion)

.

Tumilapon ng ilang kilometro si Mocci at hindi nito binitawan nag sandata.

.

Tang!! ----

.

Bang!! ----

.

Clang!!! ----

.

Mga malalakas na Palitan ng atake gamit ang kanilang sandata. Masasabing sanay na sanay na si Mocci sa paggamit ng kanyang lance.

.

Magiba ang parte ng lupa kung saan nagpapalitan ng atake ang dalawa.

.

Unti unti naman nakakaramdam ng Qi depletion ang kaharap ni Mocci.

'parang may mali------'.

.

Unti unti namang naiipon ang Qi sa bawat palitan nila ng atake sa sandata ni Mocci.

'malapit na----tatapusin ko sya sa isang bagsakan, tiyak hindi na sya makakatayo pa pagkatapos nito!'.

.

Nawala ang anyo ng Meta-Dragon at nabigla si Mocci dahil may tumagos mula sa kanyang likuran.

.

Sshhhrriik!! ---(pierced)

.

"tsk. Hindi pa kita sineryoso".

Sabi ng Meta-Dragon.

.

Bigla naman syang natulala dahil may anyo sa 200 meters ang layo mula sa kanilang dalawa. At ito ay si Mocci?

.

"tsk, nahuli din kita. ------100% Heavenly meteor descent!!!".

Sambit ni Mocci sa kanyang kalaban na tila nasa isang Bind sa fake clone ni Mocci.

.

Hhhoooonngg!! ---(Heavy pressure)

.

Isang giant Meteor naman ang tila pabagsak mula sa kalangitan at nagmula pa ito sa kalawakan.

.

May kabuoang laki ito na 2.5miles radius.

.

Ikinatakot naman ng Limang nasa malayo na mga DarkGuardians ng Meta-Dragon na iyon.

.

Sumeryoso ang anyo sa mukha ng Meta-Dragon na ito.

.

Slash!! ------(flesh ripped apart)

.

Nawasak ang buong clone ni Mocci sa isang hatak lang ng kaliwang kamay ng Meta-Dragon na may suot na Gauntlet.

.

"Isang Meteor laban sa aking ultimate skill--------Magma Blast!".

Nakakuyom ang gauntlet ng Meta-Dragon at naglabas ng matinding pressure sa kanyang buong paligid. Nagliparan ang mga maliliit na bato at maging ang mga ilang malalaking bato ay nawalan ng bigat at lumutang sa palibot ng Extreme Aura nya.

.

'Mental, Physical, Qi energy at higit sa lahat ay ang Will'.

Sa isipan ng Meta-Dragon ay parang isang bato lang ang nasa kanyang itaas na laya nyang burahin sa isang sandali lang ng kanyang atake.

.

Wha---bam!! ----(Power burst)

.

Isang projection ng isang giant Volcanit gauntlet ang lumabas sa suntok ng Meta-Dragon na ito-----dumiretso ito patungo sa dambuhalang meteor.

.

Sa lahat ng pangyayaring ito ay naganap lamang sa loob ng ilang segundo.

.

Rrruuuummmmbbbllle!! (Atomic explosion)

.

Sa atakeng iyon na bumutas at naglagay ng malalaking cracks sa Giant meteor na ito, ang atakeng iyon.

.

Ganun namang nagkaroon na ng pagkakataon para si Mocci ay atakehin ang kanyang kalaban.

'tsk. Tapos ka na ngayon!! ----'.

.

Ibinato ni Mocci ang kanyang DarkLance direkta sa kanyang kalaban. (Infused with Poison at dark chaotic energy.)

.

Tila pagod na pagod naman at tagaktak ng pawis ang buong katawan ng Meta-Dragon dahil sa ginamit nyang ulitmate spell.

.

Zrrrrriiinnng!----(Piercing shot)

.

Sumangga ang Meta-Dragon sa sandatang iyon ni Mocci. Pero tinamaan parin sya ng Effect nito na Poison.

.

Thud!----

.

Napa luhod sa isang tuhod ang Meta-Dragon. At napadura sya ng itim na likido sa kanyang kanang palad.

"L-lason? -----isang kang Poison battleMage!? ".

.

Nanghihina na sya ng tuluyan at ganun namang bumalik ang DarkLance sa kamay ni Mocci. Pero ganun din ito at mukhang nanghina narin dahil sa ginamit syang skill kanina.

"tsk!, swerte ka, dahil mahina ang lason na nagamit ko sa iyo---- hanggang dito narin lang naman ang lakas nyo, subukan nyo lang sumunod saken at may mga alas pa ako na maaari kong gamitin laban sa inyo".

.

Pabantang sabi ni Mocci at umangat na sya sa ere.

"kung sakali mang magkita tayo muli----tiyak akong katapusan nyo na!".

May pride at confidence sa mukha nya na hindi maaalis o mababago kailanman.

.

(kung hindi lang sya Korean Faced, KPOP alike. Tiyak mas maiinis ang mga Babae sa pagiging Mapagmataas nya)

.

*hindi eepekto yan kay Idol-----takot sya kay idol pero-----ngayon mukhang gusto nya na mag-re-match sila dahil bago na si Mocci. May bagong dating at lakas na taglay*.

.

-----

.

Malakas ang pagbuhos ng nyebe sa lupain kung saan naroon sina Chris.

.

Sa ilalim ng lupa 20,000ft+.

.

Gablam!! -----(Destructive tremors)

.

"ika sampung Zombie Orc-----sigh! "

Tila medyo nakaramdam na ng Strain si Chris sa kanyang dalawang kamay na nakahawak sa kanyang Destruction (BroadSword).

.

*ang mga ZombieOrcs ay may matitibay na Skeletal system, at ganun din ang kanilang mga naagnas or hardened skins*.

.

Huminga ng malalim si Chris, at hindi nya inakala na tinamaan sya ng isang mabilis na hampas ng isang ZombieOrc at napa-atras sya ng ilang metro hanggang sa tumama ang likod nya sa pader.

.

Bam!! -----(heavy impact)

.

"Rrraaaagghhh!!! ------".

Isang Rage Shout naman ang inilabas ni Chris dahil narin sa halong pag-aalala kay Marie, at sa maraming bagay patungkol sa kanyang mga barkada.

"-----Mukhang maglalabas muna ako ng Galit sa lugar na ito!".

.

Nabalutan na ng tuluyan ng inky color ang mata ni Chris, ganun naman sa kanyang magkabilang kamay. At ang kulay ng kanyang kutis ay napakaputi.

.

Nagtinginan ang anim o sampung Zombie orcs na nakapalibot kay Chris. Tila ramdam nila ang lamig ng kamatayan mula sa titig ng mga mata nito.

.

Masasabing Zombies sila na may mga controlled movements dahil sa Heavenly Array na nag-kukulong sa kabuoang lupaing iyon. At hindi malaman ang kabuoang sakop ng Array na ito na maske si Chris ay hindi kakayanin dahil nasa mababang stage palang sya para gamitin ang ano mang alas nya para masira ito.

.

Humaba ang darkGreen na buhok ni Chris at may bahid ito na inky black color.

.

Sabay sabay na nag-unahan ang mga ZombieOrcs at ang ilan ay armored, meron ding mga mapalad at may hawak na mga Giant Weapons.

.

Ruuummmbbblle! ----(Stampede)

.

Mula sa ibat ibang lagusan may mga nagdatingan na mga GreatApeZombies. Meron ding Mga HumanZombies na tila mga Cultivators nuong namatay sila sa lupaing iyon.

.

Walang emosyong itinapat ni Chris ang kanyang kaliwang kamay sa mga nasa unahan ng Stampede na ito.

.

Zzzwwwwaaaabb!! -----(Aura Burst)

.

Sa isang pagsabog ng Aura mula kay Chris ay nahinto nito sa isang sandali ang 50-80 na mga Zombies.

.

Zwwuuung ----Splash!! ----(Heavy Aura slash)

.

Nahati naman ang lahat ng mga tatamaan ng Sword Slash ng Sandata ni Chris. Dahil may nakabalot, Matalim na itim na usok na tila materialized Aura.

.

"Lapit lang-----at gagawin ko kayong bopis sa lupang ito.".

Walang emosyong sinabi ni Chris.

.

Sa katunayan sa dalawang Linggo oh higit pa, ay mabibilang na sa Hundreds of thousands ang napaslang ng sandata ni Chris. At ngayon madami pang malalakas na Zombies ang naghihintay para patayin nya.

.

(whut!!!?, kung normal na Killer yan tiyak masisiraan na sya ng bait dahil sa dami ng napaslang nya-----)

.

*bro iba ang tindi ng isipan ni Idol, diba base sa ala-ala ni Dread, ilang trillions of Deities na napatay nya nuong nakaraang buhay nya----kulang ang millions eh----dahil 9th layer ng Divine Realms ang pinamunuhan ni Dread bilang isang Deity of Darkness*.

.

-----

.

Si Marie ay nakahilata sa lupa na puno ng Zombie corpses-----at mukhang nagpapahinga na si Marie. Mapapansin din na may mga scars sa papad nya at dumudugo na din ito.

.

'kailan ba ako makakalabas sa Nightmare na ito----- sana hindi nalang ako naging cultivator----sana nasa isang opisina nalang ako at nagbibilang ng Phoney money----sana kasama ko mga normal na babae at nakikipag usap sa mga breezy----kaso----'

Bumangon si Marie.

"Hindi ako ganung Mahina!!! -----".

.

Sigaw nito na halos yanigin ng Soundwaves ang ilang mga parte ng Underground catacombs na iyon.

.

Nag echo ang sigaw nito patungo sa isang secret Chamber.

"Hmmmfp? -----may nakapasok sa Catacombs ko ng ganito katagal? "

Boses babae ito, at nasa dilim at may hawak na Scythe sa kanyang kamay.

.

Tumayo ito at ganun namang may isa pang anyo ang sumunod na tumayo sa kanyang likod.

.

"Mahal na Reyna, wag kayong lalabas baka mga kampon sila ng mga Lordes!, at napasok na nila ang ating Frozen Lands".

Boses babae din at may takot at kaba sa tono nito.

.

Dalawang anyo at dalawang babae?, sino kaya sila at bakit sila naroon sa loob ng isang Walang hanggan na maze at trapped Catacombs na puno ng Undead.

.