"Ano ka bang babae ka Ang haruut haruuut moh!!!" biro ni Graesia baka sakaling may ma spill na beans si Wei sa kanila dahil parang lutang na naman to dahil sa tanong nila.
Inaaplayan na lang ni Majirica ang mga pulang marka sa leeg ni Wei. Marami silang nakitang ganung mark sa leeg ni Ella sa iba pa niya part sa braso one time noong wala pa sa University nila ang pinsan ni Wei na si Rhino. At ngayon na bigla uli nawala yung pinsan niyang iyon ay balik sa dating kalandian si Ella.
"Anong tingin mo Graes, uwi tayo mamaya?"
"... wag na lang muna, isa pa pag ayaw niya ipaalam wala tayong magagawa... kailangan lang eh hindi malaman ng pinsan niya ang nakita natin..."
"something is fishy... anong nakita niyo? hmm?" Si Gii na pinsan ni Wei.
"Aysus... wala ka na dun Gii! atupagin mo si Gwen mo antagal mo na nagliligaw dun di kapadin sinasagot!" si Majirica na kunwaring cool lang. "or baka ikaw lang may alam na nanliligaw ka?"
"pffft" si Graesia na nagpipigil ng tawa.
'Aist... buti magaling akong artista! kundi baka... erase erase. Babawi ako mamaya!!! '
Pauwi na si Wei at naisipan niya na mag skateboard naman.
"Do you enjoy using skateboard that much? Aren't you lonely going home alone?"
"ay kamote!!!" nagulat si Wei ng may biglang nagsalita sa likuran niya eh mag-isa lang naman siya kanina pa. Pagtingin niya. 'si Sebastien lang pala kala ko kung sino na.'
"Come I'll drive you home." matamis na naka ngiting si Sebastien habang inaalok si Wei at lumabas ng kotse tsaka binuksan ang pinto nito.
"Why are you still standing there?"
"Pasesya po kailangan ko ikaw tangihan. Sabi mo nga nag eenjoy po ako maglakad." naka ngiting sagot din ni Wei. 'May asawa na ako kaya dapat di ako gumawa ng bagay na maaari naming pagtalunan. Isa pa baka seloso ang bee bee ko ahihihihi'
Medyo nagulat si Sebastien sa inasta ni Wei. Parang hindi ito ang babaeng nagustuhan niya. Sobra naman ata ang pagiging magalang nito at parang medyo matured, di gaya dati may sariling mundo at napakakulit.
Nalungkot din siya sa pagtanggi nito.
"Are you sure? I will walk with you then."
Huminga muna ng malalim si Wei bago sumagot. Kaibigan lang talaga ang turing niya kay Sebastien simula pa lang or di kaya nakakatandang kapatid. 'mapapasabak English skills ko dito...'
"No need to walk with me... You have a car you can't leave it there. Besides your house is a lot farther away from here.Takot lang ng kung sino man jan na may balak gumawa ng masama sa akin. Baka sila pa ang mapasama."
'di ko parin talaga kaya mag english ng straight wahahaha.'
"Are you perhaps avoiding me Wei?"
"Did I do something wrong or something you don't like?"
"Gusto mo talaga sumabay sa akin maglakad?"
"yes!" napangiti naman si Sebastien dahil dun
"Then let's walk." at pumanaw na nga si Wei.
Pero sino ang niloloko niya nag skate siya ng mabilis at naiwan si Sebastien na speechless.
***
Pagdating ni Wei sa bahay nakita niya na sobrang seryusong nakatingin sa kanya si Orion.
"Hi bee bee... ay rhino na walang sungay sa ilong ka!!!" nagulat at napatigil siya sa paglapit kay Orion ng makita ang pinsan.
"Anong ginagawa mo dito Kuya Rhino?"
"Why don't you answer me why is it there's a man here in your house?"
"Susmeh... ayun lang pala eh! syempre para gumawa ng baby. Ano ka ba naman po Kuya Rhino... hep hep patapusin mo po ako magsalita... my blessings na siya galing kina Mudra kaya no say kana po ok Kuya?" mabilis niyang tinabunan ng kamay niya ang baba ng pinsan kaya nasabi niya ang paliwanag niya na mas nagpa alarma sa pinsan, pero nakalimutan nito ang sasabihin.