webnovel

Death Kill Academy

Death Kill Academy School of Death Is a school full of game. Larong pwede at Hinding pwede pangbata Larong puno ng mystery Larong puno ng dugo. Dadaganak ang dugo sa panibagong yugto ng buhay sa pagpasok ng mga students sa Death Kill Academy. Let's the game begin.

MissHYchii · 历史言情
分數不夠
33 Chs

Kabanata 28

Kabanata 28: Mhia Rainya Reyas and Jerome Aaron Yu Moment

#Death University

****

(Mhia Rainya Pov)

Inaya ako ni Jerome na magmall. Ewan ko nga ba kung bakit biglaan niya akong inaya?

Saka Kakatapos ko lang din magbihis.  Wala si Mama at Papa. Close na kami masyado ni Jerome parang nga kaming magbestfriend eh.

May bagong palabas daw sa cinema action movie. Ayon sa kanya.

Akala ko kuripot si Jerome tapos biglang nag-aya na pupunta kami sa mall.

Edi Shing...

(Beep beep.....)

Mukhang nandito na siya. Sabagay

may kotse na siya regalo daw ng papa niya sa kanya. Lumabas ako sa bahay.

Nakita ko siyang nakasandal sa kotse. Feeling gwapo ang langya. Pero gwapo naman talaga siya. Ayaw ko lang sabihin sakanya baka kasi lumaki pa ang ulo niya.

"Chicks! Ang ganda mo ngayon ah" Puri niya saka ngumisi. Gago to ah.

Pagkalapit ko sakanya ay binatukan ko na. Tss alam ko naman na may respeto siya pero nagmumukha siyang manyakis minsan eh.

"Anong chicks ha? Manok ba ako?! Well inborn ang kagandahan ko"

Tumawa siya ng mahina saka dumiretso sa kotse niyang bulok. Joke lang!

Agad niyang binuksan ang pinto ng passenger seat.

Wow gentleman. Infairness

Umupo na ako at agad niya itong sinirado.

Isa sa mga nagustuhang kong ugali sa kanya ay responsible at may respeto sa iyo. Kahit na manyakis siya minsan. Malapit na kami sa mall ang tahimik namin hindi ako sanay.

"Jerome na try mo bang mainlove?"

Ewan ko kung bakit yan ang naitanong ko sa kanya. Siguro dahil masyadong tahimik ang paligid at hindi ako sanay.

"Oo naman. Bakit mo natanong?" 

Umiling lang ako sa kanya. Kanino kaya siya nainlove? Sa akin ba? Iniwaksi ko nalang yun sa isipan ko. Ang feeler ko naman saka hindi ako magugustuhan niyan kasi nga may standard siya sa babae.

Nagparking na siya sa parking lot hindi ko na hinantay na buksan niya ang pinto ako na ang bumukas.

Sumimangot naman siya. Para siyang pato. May mga lalaki palang marunong sumimangot. Sabagay may nguso sila eh.

"Hindi ako paralisado" Pairap kong sabi at nagmartsa papasok sa mall

sumunod naman siya sa akin.

Maraming nagbago sa mall. Sabagay halos ilang buwan akong hindi nakapunta sa mall. Dumiretso kami sa cinema at pumili ng movie.

Bumili na rin kami ng popcorn at drinks. Siyempre libre niya.

Umupo kami sa may gitna at nag- umpisa na ang movie.

Bwiset naman tong nagheheadset naririnig ko ang music niya.

Kainis.

Pumunta pa sa mall

["I fell inlove with my bestfriend"]

Bwiset tinamaan ako sa kanta. Oo inaamin ko na may gusto ako sa kanya. Pero tinago ko lang kasi ayaw kong masira ang friendship namin.

Pero ang tanong may gusto rin kaya siya sa akin?

Malabo.

Habang nanonood ako ng movie hindi ko alam kung bakit ako umiiyak eh hindi naman ito nakakiyak. Comedy movie tapos iniiyakan ko lang.

Boung panonood namin ng movie ay umiiyak ako. Mabuti nga lang walang nakarinig.

Tumigil lang ako sa pag-iyak pagkatapos ng movie. Napakunot noo pa nga si Jerome siguro nahalata niyang pula ang mata ko. Pero hindi nalang siya nagtanong.

Dumiretso kami sa may mga stuff toy.

Bakit kaya siya bibili ng stuffs toy? Sa pagkaka-alam ko ayaw niya ng stuff toys.

"Para kanino yan?" Nakangiwing kong tanong sa kanya.

Pahalatang bitter ang mode ko.

"For my Special Someone" Ngumiti pa siya. Halatang sa taong

Boom.

Umasa ka pa Mhia na magugustuhan ka niya. Sadyang kaibigan lang ang turing sa'yo. Saka hindi ka naman maganda at malayo ka sa ideal girl niya.

Panda ang napili niyang stuff stoy  at ang worse pa favorite ko. Tss same pala kami  ng favorite ng taong gusto niya.

Binarayan niya ito sa counter.

"Tara gutom na ako. Sa Mang Inasal tayo" Aya niya. Nanatili lang akong nakatayo nilingon niya ako Saka kumunot noo.

"Ano pang ginagawa mo dyan? Malayo pa ang pasko"

Tsk. Anong connect ng pasko sa pagtayo ko?

"Libre mo?"

"Oo naman."

Sumama nalang ko sa kanya Saka pumasok sa Mang Inasal. For the first time niya ako nilibre. Bakit kaya?

Siya ang umorder habang ako naman ay naghihintay sa kanya. Naghihintay na mahalin niya rin ako.

#Sanaol Naghihintay

Hayst lahat nakikita ko dito sa paligid ay puro couple. Nagsusubuan pa tss.

Tsk. Kailan pa ako naging bitter? Siguro sa nararamdaman ko.

"Tulala ka dyan" Sabi ni Jerome. Hindi ko namalayan na nandyan na pala siya.

"Ay kabayo! pambihira huwag kang mangugulat dyan"

Ngumiti lang siya sa akin agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. What happen to me? Parang hindi na ako ito.

Masyado siyang gwapo para titigan baka mainlove pa ako masyado sa kanya. Saka mukhang wala akong pag-asa sa kanya.

"Sir and Ma'am, Here's your order"

Sabi ng waiter habang inilapag sa mesa ang order namin.

Dalawang Chicken  at kanin, sabaw na parang may lupa at kalamnsi.

Gumawa siya ng sawsawan namin.

Masyadong siyang maasikaso. Isa rin yan sa nagustuhan ko.

"Hugas muna tayo ng kamay" Sabi niya. Bakit kailangan pa namin maghugas ng kamay kung gagamit kami ng kutsara at tinidor.

Tayo daw? I hope so.

Pumunta kami sa may lababo.

Bumalik kami sa upuan namin. Kumain na kami. Kaya pala naghugas kami ng kamay ay dahil nagkakamay lang ang kumakain dito. Siguro mahirap magkutsara at tinidor dahil sa manok.

"Masarap ba?"

Tumango lang ako sa kanya. Masarap magmahal ng taong kaibigan lang ang turing sayo.

Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit sa kanya? Diba ang bestfriend susuportahan niya kung ano ang gusto ng kaibigan niya. Mag bestfriend lang kami at hanggang doon lang.

Atsaka bakit ako nagagalit?

Tama kailangan mong kalimutan ang damdamin mo sa kanya. Suportahan mo siya sa gusto niya kahit masakit.

Kaya nga kasabihan ni Hayden.

'Ang Pagmamahal ay dapat may kaakibat na kasiyahan at kasakitan.'

Tinanggap ko na may iba siyang gusto.

Kahit kati-kati na akong tanungin siya kung sino ang gusto niya.

Pero huwag na masakit mareject. Lalong-lalo na masisira ang pagkakaibigan namin.

Pagkatapos namin kumain ay binayaran niya ito. Libre niya daw eh.

Dumiretso  kami sa Arcade. Wala nga akong gana maglaro.

Bumili siya ng token.

"Anong gusto mong laruin?" Nakangiti niyang tanong.

Ano nga ba ang gusto ko? Siyempre siya.

"Kahit ano"

Kumunot ang kanyang noo. Bakit kaya?

"May sakit ka ba?"

Sarap niyang sagutin na. Oo sa puso kaso pinigilan ko. Baka mahalata niya eh.

"Wala"

Dumiretso ako sa may mga bubunot ng manika. Yung claw machine yata ang tawag doon. Hindi naman ako marunong maglaro nito.

Nagtry ako pero hindi ko talaga makuha. Katulad niya kahit anong gawin mo ay hindi mo talaga siya makukuha.

#Hugot

"Gusto mo tulungan na kita dyan?" Nakangiti niyang tanong. Peste talaga siya. Bakit ang manhid niya?

"Ayoko!"

Napatingin naman sa amin ang mga tao. Ang sakit pala ng ganito.

Lumabas ako ng Arcade. Ang sakit na Tang*na.

"Mhia. Ano bang nangyayari sayo?"

Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin. Litong-lito na ako.

"Ang problema kasi sayo ay napakamanhid mo" Hindi ko alam na nahabol pala niya ako. Nahawakan niya kasi ang braso ko.

"Ano bang sinasabi mo?"

Kumot ang kanyang noo saka mataman na nakatingin sa akin.

"Kitams. Ang manhid mo mabuti pa ang iba nahalata na minsan ko lang makasama. Pero ikaw lagi kong kasama ay hindi mo alam"

Pinagtitingnan na kami ng mga tao dito.

Ang Manhid mo sobra.

"Mhia hindi ako manghuhula para malaman yan kaya sabihin mo na"

Napakamanhid niya.

"Tsk. Gusto mong marinig fine! Gusto kita!"

Wala akong pake kung marinig kami ng mga tao sa mall. Ang sakit na kasi.

"Gusto mo ako?"

Tumango ako sa kanya at umiyak. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Bakit niya ako niyayakap?

"Ikaw ang gusto kong bigyan ng regalo yung stitch na manika na binili ko ay para sayo surprise ko sanang ibibigay sayo kaso nagalit ka kaya hindi ko na napigilan. Special ka sa akin Mhia. Ikaw ang tinutukoy ko na Special. Gusto rin Kita Mhia"

Hindi ko na mapigilan ang saya. Kanina malungkot ako ngayon masaya na tama talaga ang sabi ni Hayden nakita ko pang naghiyawan ang mga tao pero wala akong pake.

Ang masaya gusto namin ang isa't-isa.

"Paano mo ako nagustuhan. Diba si Hayden ang gusto mo?"

"Crush ko lang si Hayden. Dahil nagandahan ako sa kanya pero ikaw. Gusto kita dahil iyon ang sinasabi ng puso ko"

Nakakakilig naman ang sinasabi niya.

*********

Mhia Rainya Reyas as Kim Yoo Jung

Jerome Aaron Yu as Jeon Jungkook

-@missHYchii