"Bakit ba kayo nag-away ni Alex?" tanong ko kay Ashleen habang hindi parin sya tumitigil sa pag-iyak.
Napuno na ng gamit na tissue ang trash bin ng kwarto nya.
"K-Kasi sya eh!" Hikbi nya. "N-Nakalimutan nya yung monthsary namin!"
"Nakalimutan ni Alex ang monthsary nyo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Parang hindi naman si Alex yon. "Baka naman busy lang sya?"
"B-Bakit naman sya magiging busy eh bakasyon naman ngayon. Walang klase ngayon diba? Ano pa ba ang pagkakaabalahan nya ngayon?"
Humagulgol na naman sya ng iyak. Niyakap ko nalang sya para kahit papaano maramdaman nyang di sya nag-iisa. Pareho pa kami ngayon na may problema. Si Ashton kasi eh!
"H-Hindi na nya ako mahal!" malakas nyang iyak. "M-May iba na siguro sya!"
"Ashleen, mag-usap muna kayo. Kausapin mo sya."
"Basta! Ayoko muna syang isipin ngayon. Naiinis ako sa kanya! Kinalimutan nya ang monthsary namin! Ni hindi nya ako binati ngayon. Nakakainis sya talaga!"
Pinunasan nya ulit ang mga mata nya gamit ang tissue. Namumugto ang mga mata nya.
"Gusto mo bang lumabas muna ng bahay? Nuod tayo ng sine? Laro tayo sa arcade? Matagal na tayong di nakakapag-mall," suhestyon ko. Sa totoo lang gusto ko rin talagang manood ng sine ngayon. Gusto kong maaliw.
"Sige. Wait lang ah. Di kasi ako nakaligo kanina, si Alex kasi!"
"Kaya pala kanina pa ako may naaamoy," biro ko sa kanya.
"Oy! Sobra ka Kayleen! Naligo naman ako kagabi," nakangiti nyang sagot.
Tumayo si Ashleen at pumasok sa bathroom nya. Humiga ako sa kama ni Ashleen at hinintay syang makatapos sa paliligo. Sa totoo lang ang sakit din ng puso ko ngayon, parang kinukurot. Di kasi mawala sa isip ko yung nakita ko kahapon. Bakit kaya sila nasa mall na dalawa?
May naramdaman akong nag-vibrate sa kama ni Ashleen. Nakita ko ang cellphone nya. Kinuha ko yon at tinignan. May nag-text sa kanya. Si Alex kaya?
Swipe to unlock lang cellphone nya kaya nabuksan ko. Si Ashton pala ang nagtext.
[Ashton: Ash, nandyan ba si Kayleen?]
Napanguso ako. Sabi ko sa kanya may date ako ngayon. Di ba sya naniniwala sa akin? Ano ba akala nya, walang ibang makikipag-date sa akin? Sya lang ba may kayang makipag-date sa iba? Di ko na namalayan na nagta-type na pala ako ng reply.
[You: Wala. May date daw sya ngayon. :)]
Pinindot ko ang send. Hah! Nilagyan ko pa ng smiley para mainis sya. Mabilis syang nag-reply. Ang bilis naman nyang mag-type.
[Ashton: kanino?]
Napasimangot na naman ako. Wala naman talaga akong ka-date eh. Si Ashleen nga lang ang ka-date ko. Pero syempre hindi nya yon alam. Hindi ko sya nireplyan. Binura ko rin ang palitan namin ng texts sa phone ni Ashleen para di nya mabasa.
May napansin pa ako sa phone ni Ashleen kaya kinalikot ko muna para itama ang date. Medyo advance kasi eh. Inilagay ko na iyon sa lamesa nya para di ko na mahawakan pa.
Umupo ako sa kama at niyakap ang malaking bear stuff toy na nandon. Haay, Ashton. Kahit naiinis ako sayo parang ang saya parin kasi mukhang concerned ka. Katuwa pero kainis din. Hindi muna tayo bati ngayon. Hangga't hindi ko nalalaman kung bakit kayo magkasama ni Trisha dun sa mall, hindi muna tayo bati!
Sasabihin mo kaya sa akin yung rason kahit na di ko itinatanong? O ililihim mo kaya?
Napili namin ni Ashleen na manood ng isang Disney movie pagkarating namin sa mall. Umiwas kami sa love story at mas pinili yung pambatang movie para makalimutan nya si Alex. Hindi nya alam na ako rin gusto kong malimutan muna ang kapatid nya.
Fifteen minutes na nag-start ang movie pero hindi parin ako mapakali sa upuan ko. Gusto kong mag-concentrate pero di ko magawa. Pinuno ko nalang ng popcorn ang bibig ko. Ano kayang ginagawa ni Ashton ngayon? Nandun na naman sya sa bahay ni Trisha. May practice nga kaya sila o baka naman may date na naman? Baka nga silang dalawa lang sa bahay. NO! Ano ba 'tong iniisip ko? Kumain nalang ulit ako ng popcorn at nagconcentrate sa movie.
Lumabas kami ng cinema at bumaba sa first floor para sana tumingin tingin sa mga shops. Kaso nabigla ako nang higitin ni Ashleen ang braso ko at nagtago kami sa isang ice cream stall.
"Si Alex yon!" turo nya sa isang direksyon. "Kita mo?"
Sinundan ko ng tingin ang tinuturo nya at nakita ko nga si Alex na naglalakad.
"Sundan natin!" Hinigit nya ulit ang braso ko para sundan ang boyfriend nya. "Sino kaya ang babaeng kasama nya?"
"Wala naman syang kasama Ashleen."
"Baka magkikita sila! Lagot talaga sya sakin! Sasampalin ko sya kapag nakita ko may iba syang babae!"
"Baka ma-youtube ka rin. Katulad dun sa babaeng nanampal ng gangster sa mall."
"Movie lang yun Kayleen. Hindi ako mayu-youtube."
"Libro muna yun bago naging movie. Tsaka pano mo alam na hindi ka mayu-youtube? Uso yun ngayon."
Tumingin kami sa mga taong naglalakad sa mall. Karamihan sa kanila ay may nakalabas na touchscreen na cellphone. May tablet pa yung isang bata na naglalaro yata ng candy crush.
"Ah basta! Kung hindi dito sa mall, dun sa bahay nila ko sya gugulpihin."
Nakita namin si Alex na pumasok sa isang jewelry store.
"Sinasabi ko na nga ba may babae sya eh!"
"Bakit mo nasabi? Baka bibili lang sya ng relo."
"Sa Tiffany sya pumasok!"
"May Tiffany pala dito? Bagong tayo siguro."
"Tara sundan natin sya!"
"Teka baka makita nya tayo."
"Good, para masampal ko sya!"
"Hwag dito, mayu-youtube ka."
"Basta! Lagot sya!"
Pumasok nga kami sa Tiffany at nakita namin si Alex. Nakatalikod sya sa amin at kausap yung babaeng staff. Mabilis namin syang nilapitan ni Ashleen.
"Oo para sana sa girlfriend ko," sabi ni Alex dun sa babae. "Monthsary kasi namin bukas."
"Ang sweet nyo naman Sir. Ito po baka magustuhan nya."
"Hmm. Maganda nga."
Para namang nanigas sa kinatatayuan nya si Ashleen. Bigla ulit nya akong hinila palabas ng store. Nagmamadali nya akong hinigit papunta sa ladies room.
"Oh my God!" naiiyak nyang sabi. "Magka-sunod yung monthsary namin ng babae nya!" Malakas syang umiyak kaya naman napatingin sa amin ang ilang babae na nandon.
"Ashleen!" niyakap ko sya. "Hwag kang umiyak Ashleen."
"Hindi nya kinalimutan yung monthsary namin, sadyang di lang talaga nya ako binati! May iba na kasi sya!" malakas na iyak nya.
"Ashleen! Huminahon ka! Baka ikaw yung mali!"
Bigla syang humiwalay sa yakap nya sa akin. Tinignan nya ako na hindi sya makapaniwala.
"A-Ano?! Kayleen, bakit mo nasabi yan?!"
Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Naalala ko kasi kanina yung phone mo, nakita ko na mali ang date. Itinama ko kanina."
"H-Huh? Ano?" tulala nyang tanong sa akin.
"Check mo yung phone mo."
Kinuha nya ang phone nya sa purse nya. Tinignan nya yon at natampal nya ang noo nya.
"I'm so stupid," bulong nya. "Pero paano nagkamali ang date nito?"
"See?" nakangiti kong sabi. "Hindi nya nakalimutan."
Niyakap nya ako at tumawa sya habang umiiyak.
"Ang tanga ko Kayleen! Hahahaha!"
"Makipag-bati ka na kay Alex. Kawawa naman yon, inaway mo. Puntahan mo na sya."
Malapad ang ngiti nya nang humiwalay sa akin. Pinunasan ko ang pisngi nya at inayos ang eyeliner nyang medyo kumalat na.
"P-Pero pano ka?"
"Sus! Okay lang ako. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Ang importante magkaayos na kayong dalawa."
Muli nya akong niyakap nang mahigpit. "Thank you so much!"
"Go Ashleen!"
Hinalikan nya ako sa pisngi at tumakbo na sya papunta kay Alex.