webnovel

CHAPTER 5

AN: Hello po, minsan talaga dumarating sa point na wala talagang laman ang isip ko para sa update. Kaya gumagawa ako ng kung anu-ano upang malibang. Like new story or sumali ulit sa mga club, sana'y makapaghintay kayo lagi. 🙃😌

======================================

RUBY P.O.V

Tulala ako habang nakatingin sa kisame, dahil tumatakbo sa isipan ko kung tama ba 'yung mga nakikita ko. No'ng unang mangyari sa amin iyon 'ay nakita ko na nagbago ang kulay ng mga mata niya. Sumunod ito, bakit pinainom niya ako ng dugo mula sa kaniya? Tapos anong nangyayari sa katawan ko kanina?

Pakiramdam ko kasi malalagutan na ako ng hininga dahil nagsisikip ang dibdib ko. At totoo kaya itong nararamdaman ko sa may puson ko? May pumipintig kasi siya.

"Ruby, kumain ka na muna."

Napalingon ako sa pumasok na si Michael, bumangon ako at dahan-dahan na tumayo.

"Ah... Michael, may itatanong sana ako sa'yo?" Alanganin na salita ko na kinakunot noo niya.

"Mas magandang huwag ka ng mag-isip ng kung ano man, Ruby." nakangiting sagot naman niya.

Napatango na lang ako at mayamaya'y napatingin siya sa akin at hindi ko alam kung bakit.

"B-bakit?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Wala naman, magaling na pala 'yung mga pasa sa braso mo." sagot lang niya at lumabas na ng pinto.

Tiningnan ko naman ang braso ko at napansin ko nga na wala na 'yung mga pasa na nakita ko kanina bago ako mamilipit sa sakit kanina.

Pagbaba ko katahimikan ang sumalubong sa akin, naghanap ang mata ko kay Michael at Nigel. Ngunit walang bakas na may tao dito kaya nagtungo na ako sa may kusina. Habang naglalakad ako bigla na lang may humawak sa braso ako at malakas na sinandal ako sa pader.

Napapikit ako sa sobrang sakit na pagkakasalya niya sa akin, nagulat naman ako sa pagmulat ng mata ko at sumalubong sa akin ang nagbabagang mata ng isang babae. Napakaganda niya kahit ganoon ang kaniyang itsura.

"Sino ka!? Isa kang mortal?" natitigilan na sambit nito. "Ikaw 'yung babae na nakita-"

"Miranda!"

Parehong napalingon kami sa napakalakas na boses ni Nigel, galit ang mukhang nakatingin dito sa babaeng mahigpit ang kapit sa braso ko. Hindi naman ako makapaniwala sa nakita ko at naalala ko na katulad niya ganon rin itong babae, na biglang na lang nagiging pula ang bahagi ng mga mata nila.

"Bitiwan mo siya." muling salita nito at dahan-dahan na naglakad papalapit dito.

Naramdaman ko naman ang pagluwag ng kamay niya sa braso ko at tiningnan niya ako. Nawala na 'yung kulay ng mata na nakita ko kanina, normal na ito. Tuluyang binitiwan na niya ako at lumakad papunta 'kay, Nigel.

Napayuko naman ako ng biglang sunggaban ng babae ang labi ni Nigel, may konting kirot akong naramdaman dahil sa tagpong iyon.

"I'm sorry, akala ko kasi may masamang tao na nakapasok dito," malambing na pagkakasabi nito kay, Nigel.

"Ah, Nigel. Aakyat na lang muna ako sa itaas," paalam ko na dahil parang nakakailang naman kung nandito pa ako para panoorin sila. Hindi naman siya sumagot dahil tiningnan niya lang ako gayon rin yung babae.

Umakyat na ako sa hagdan at sumulyap pa ako sa kanila, nakita ko pa kung paanong yakapin ng mahigpit ng babae si, Nigel. Pinagpatuloy ko na ang pag-akyat diretso sa kuwarto at ni-lock ito, nahiga ako at tumingala sa kisame.

"Kamusta na kaya si mama at ang kapatid ko?" mahinang sambit ko at  napahawak ako sa puson ko. "Bakit ganon? Ang lakas ng pintig, hindi naman siguro ako buntis agad. Dahil araw palang ang lumipas simula ng may mangyari sa amin," muling mahinang wika ko.

Pinilit ko na lang makatulog upang maalis ang maraming katanungan sa isip ko.

-------

Hindi ko alam kung panaginip ba na may humihimas sa hita ko paitaas, natutuyo ang lalamunan ko at tila gustong kumawala ang isang ungol. Napabaling-baling ang ulo ko ng maramdaman ko na sa hiyas ko na dumadampi ang palad na 'yon.

Napadilat ako bigla ng maramdaman ko na binaba ang suot kong panty, at marahan na hinihimas ang ibabaw ko. Nagsalubong ang mata namin ngunit napapikit akong muli dahil parang sinasabi ng mata niya na hayaan ko lang siya. Napakapit ako sa kumot ng simulan niyang paglaruan ang pagkababae ko, hindi ko malaman kung paano ako gagalaw upang mabawasan ang kiliti na nararamdaman ko.

Itinaas pa niya lalo ang dalawang hita ko habang busy sa lagusan ko, para akong tinatrangkaso dahil sa sarap na pinaparamdam niya sa akin. Matapos iyon ay umangat siya paitaas at binigyan niya ng munting halik ang bawat parte  ng balat ko, hinalik-halikan rin niya ang puson ko at parang may binubulong doon.

Naramdaman ko na lang ang mabigat na katawan niya sa ibabaw ko, humihimas ang mga kamay nito sa balat ko habang inaamoy-amoy ang leeg ko. Naisip ko hindi kaya adik siya kaya mapula ang kaniyang mga mata minsan?

Kumawala na lang bigla ang ungol sa akin ng biglang ipasok niya sa loob ko, sa una'y dahan-dahan lang hanggang sa pabilis na ng mapibilis. May kung ano akong nararamdaman na init na gustong kumawala sa katawan ko, pati ang mga mata ko parang nag-iinit na hindi ko malaman.

"M-masakit, masakit na..." hirap na hirap na wika ko dahil mas lalo siyang bumibilis sa ibabaw ko. "A-aray ko," sambit kong muli hanggang sa para na akong malalagutan ng hininga, bigla ko siyang tinulak at sa gulat ko dahil tumalsik ito sa sulok ng tokador.

Nagtataka na napatingin siya sa akin dahil sa nangyari.

"S-sorry, h-hindi ko sinasadya." natataranta na bigkas ko habang nakatitig sa mukha niya na gulat na gulat na nakatingin sa akin.

Dahan-dahan na tumayo siya at pinakatitigan ako.

"Who you?"

Napamaang na tiningnan ko siya dahil sa tanong ko.

"Hindi kita maitindihan?" Sagot ko at naguluhan bigla.

"Nothing, matulog ka na." seryosong sagot pa niya at inayos  ang suot na damit.

Naiwan na naguguluhan ako dito habang nakaupo sa kama dahil sa sinabi niya. Nakatulog na ako sa kakaisip sa bagay na 'yon.

"Huwag! Hayaan mo mabuhay ang aking anak, kahit hindi siya naging bampira. Nakikiusap ako sa inyo!"

"Dapat sa kaniya ay bawian ng buhay dahil walang kuwenta ang batang ginawa mo!"

"Papa!"

Malakas na sigaw ko at bigla akong napabangon dahil sa panaginip na 'yon. Kapit ang dibdib at hinihingal na lumibot ang mata ko sa paligid. Madilim at bukas ang bintana habang hinahangin-hangin ito.

Tumayo ako at sinara ito ngunit bigla itong nasira at nahulog sa ibaba, lumikha ito ng ingay. Bigla akong napalingon sa biglang pumasok sa pinto.

"Nigel!" Sambit ko na gulat na gulat. "Ba't gising ka pa?" Nagtataka na tanong ko dahil hating gabi na.

"Nagising ako sa ingay mula dito," sagot lang nito.

Tiningnan ako nito ng mapanuri simual ulo hanggang paa na pinagtataka ko.

"Maaari ba akong magtanong?" Lumabas bigla sa bibig ko ang katanungan na 'yon.

"Hindi ako isang ordinaryo na tao," sagot nito at lumapit sa bintana na nasira na.

Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinagot niya. "Ako, bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit, bakit kita natulak ng ganon kalakas." seryoso na wika ko at tuwid ang mata na tiningnan siya.

"Isa akong bampira na matagal ng nabubuhay sa mundo ng mga tao," sagot nito at naglakad papunta sa higaan.

Natigilan ako sa mga narinig ko at may isang alaala na nagbalik sa isipan ko no'ng bata pa ako. Sabi ng papa ko huwag raw ako matatakot sa mga bampira kapag nakarinig ng tungkol sa kanila.

"Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa pagkatao mo, pero isa lang ang naiisip ko. May lihim sa pagkatao mo,"

Mas lalo akong natigilan dahil sa sinabi niya at nakita ko ang kaseryosohan sa mga sinabi niya. Sino ba talaga ako? Bakit iyon ang pumasok sa isipan ko? Piping bulong ng isipan ko.

"Sandali, totoong bampira ka talaga? Ibig sabihin hindi imahinasyon ang nakita ko ng mga nakaraan?"  bigkas ko ng maglakad na siya papunta sa pintuan.

"Yes, at hindi iyon magbabago. Ipagpatuloy mo lang ang pagdadala sa anak ko, dahil pagtapos nito wala na tayong koneksyon sa isa't-isa."

Matapos niyang sabihin iyon lumabas na siya ng pinto, nanghihina na naglakad ako sa higaan dahil bigla akong nanghina dahil sa sinabi niya. Kumikirot ang puso ko sa isipin na hanggang doon lang talaga ang habol niya sa akin.

Muli akong natulog na may luha sa mga mata, dahil may damdamin na unti-unti ng umuusbong sa puso ko.

--------

"Ahhh... N-Nigel..." Impit na sigaw na tawag ko sa kaniya dahil biglang lumaki ang tiyan ko.

"Ruby!" Gimbal na bigkas ni Michael. "Ang bilis ng paglaka ng tiyan niya, ano'ng nangyayari?"

Napalingon ako sa gitna ng napakasakit na nararamdaman ko, nandoon sa likod ni Michael si Nigel, na hindi makapaniwala sa nakikita.

"N-Nigel... N-nahihirapan akong h-huminga," hirap na sambit ko. Lumapit naman siya sa akin at muli niyang kinagat ang pala-pulsuhan niya at tinapat sa bibig ko.

Tila uhaw na uhaw na ninamnam ko ang dugo na iyon, ngunit nagtuloy-tuloy pa rin ang sakit at pakiramdam ko hindi ko na kakayanin. Nanlalabo na ang paningin ko tanging boses nila ang naririnig ko na lang na nagkakagulo.

Bago ako mawalan ng ulirat narinig ko ang boses ng sanggol na sobrang lakas ng iyak. Dito na ako nawalan ng malay tao.

-------

Pasensyan na po sa matagal na update, medyo blangko po talaga ang isip ko.