webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · 青春言情
分數不夠
71 Chs

Dead 9 (Part 1)

Aira POV

Patuloy kaming tumatakbo ni Abegail parang ayaw kong tumigil.

"Aira! Nahihiwalay na tayo sa kanila!"

Sigaw ni Abe sa likuran ko

What?!

Bigla nalang akong napahinto at napatingin sa kanyang hawak hawak ang tuhod.

"Nahiwalay ta-yo sa kanila." Hapong Hapong sabi nito.

"Tara balikan natin sila!" Sabi ko at akmang babalik pero pinigilan niya ako."

"No Aira, it's very dangerous there. Nakagat ang iba nating kasama and I'm really sure na infected na sila ngayon."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Abegail. Parang nanlumo ako at napaupo sa sahig.

"No! sina Mia?! DenDen?! Yung mga kaklase natin?!"

" Aira! Please calm down! I trust Mia and I think they are safe! Sa ngayon sarili muna natin ang ating aalahanin because there is a zombie aproaching us!" Sigaw nito at hinila ako patayo.

Nakailang mura ako sa isipan ko nang muntik na akong hablutin nito.

"Bilis Abegail!" Singhal ko sa kanya at ako na ang humihila sa kanya.

Huminto ang paghinga ko nang may mabangga ako at bigla akong hinablot.

"Shit! Abe Run!" Sigaw ko,habang nagpupumiglas sa isang zombie.

"Pero--"

"I SAID RUN AND HIDE!" Galit na sigaw ko. Nataranta naman ito at biglang tumakbo.

Nang makawala ako ay tumakbo ako pa second floor ngunit nahuli nito ang paa ko at napadaing nalang ako ng humampas ang muka ko sa hagdanan.

"Arrgghhh!" Patuloy parin ako sa pagtadyak sa muka nito pero ayaw paring bumitaw.

"Get off! Get off!" Singhal ko kasabay ang pag sipa ko dito pero ang higpit ng kapit! Nang makawala ako ay dali-dali akong umakyat pero isang napakalakas na pwersa ang nagpasakit ng katawan ko.

"Arrgggg!" Daing ko nang mahulog ako sa hagdanan. Hinawakan ko ang ulo ko dahil naramdamam kong umiikot ang paningin ko. Dumudugo na rin ang ilong ko. Tumayo ako ngunit bumagsak parin ako.

"Arrggg! Ang sakit ng paa ko!"

Takte. Nadislocate pa yata. Argg! Malas! Malas! Sinubukan kong igalaw pero mas lalo pa itong sumakit. Sinubukan ko ulit tumayo, humawak ako sa railings para may suporta. Hindi ko kakayaning maghagdan sa lagay 'kong to!

Wala na akong choice kaya bumalik nalang at naghanap ng magagamit ko para sa paa ko.

Pumunta ako sa front desk. Pero napabalik nalang ako dahil sa gulat. Those zombies ay mga kasama ko kanina!

Sinubukan kong pumunta sa kitchen ng hotel. Nasisiguro kong may magagamit ako doon. Paika-ika akong naglalakad napakasuwerte ko ngayon at wala akong nakasalubong na zombies! Pagnagkataon katapusan na ng buhay ko! Grrrr!

Nang makarating ako sa kitchen una kong hinanap ay mahabang kutsilyo pagkatapos 'nun ay planggana na may mainit na tubig at bimpo para sa paa ko. Madilim dito sa kusina at tanging maliit lang na bumbilya ang nagbibigay liwanag dito. May mga nag spaspark pa na mga wirings dito kaya mas lalong nagiging hazardous ang paligid.

Naupo na ako sa tabi, inilagay ko ang hot compress para 'wag tuluyang mamaga ang paa ko. Inilapag ko muna ang towel ng makakita ako ng telepono. Unti-unti akong tumayo at naglakad palapit doon. Nag dial ako ng number ng mag ring ito.

"Hello? This is~"

Naihampas ko nalang ang telepono ng biglang naputol ang linya, pesteng black out.

"Bakit ngayon pa?!" Halos wala na akong maaninag dahil sa sobrang dilim at naninindig ang aking balahibo na baka may sumulpot nalang kung saan at sakmalin ako.

Wala na akong nagawa at bumalik na sa puwesto ko kanina buti natandaan ko pa kung saan ako galing. Naupo uli ako at sumandal sa dingding.

Napabuntong hininga ako ni hindi ko manlang naramdaman na nag-alala ako kila Mia. It's really weird feeling na nasisiguro ko na ligtas sila. Unti-unti nalang akong nakaramdam mg antok and I hated myself ng tuluyan na akong nilamon ng antok.

                              ✖✖✖

Nagising ako dahil sa mga tunog na naririnig ko, unti-unti kong binuksan ang mga mata ko nararamdaman ko rin ang sakit ng buo kong katawan, nang mabuksan ko ang aking dalawang mata nagulantang ang buong pagkatao ko nang maraming nagalalakad na zombie ang tumambad sa harapan ko.

Pigil hininga akong napalunok.

Iginalaw ko ang mga paa ko. Mukang okay nanaman ito pwede na akong makatakbo. Pero ang tanong paano ako makakatakas dito?!

Napaisip naman ako. According sa mga pinapanood kong zombies they are attracted to sound. Naghanap ako ng isang bagay na pwede kong gamitin. Ayun may kalderong malapit saakin. Kinuha ko iyon at dahan dahang tumayo. Kumuha ako ng pagkakataon upang maitapon ang kaldero sa malayo.

Then I found myself running . Hindi ako makaayos ng takbo dahil lalong sumasakit yung paa 'ko.

Sa bawat kantong madadaanan ko parami ng parami ang humahabol saakin. Namamanhid na ang mga paa ko sa katatakbo. Pumasok ako sa isa sa mga pinto and luckily bukas naman ito but unluckily may zombie sa loob. Binuksan ko muli ang pinto pero bigla ko rin itong sinarado dahil napakaraming zombie sa labas.

Inihampas kong ang vase sa zombie na nakuha ko sa gilid ko. And it causes a loud bang. Napaatras ito ngunit hindi parin natinag. I quickly punch it's face really hard sinubukan ko ring sipain siya gamit ang isa ko pang paa ngunit napaka tibay nito.

I quickly grab my knife ng maalala kong may dala ako. Sinaksak ko ito mismo sa ulo na naging sanhi ng pag labas ng kulay itim na dugo.

Binuksan ko ng kaunti ang pinto. Para masilip ang mga nangyayari sa labas. Dahan-dahan akong lumabas ng pinto ng wala akong makitang zombie. Nang papaliko na ako may nakasalubong ako it's a bunch of Zombie! Tatakbo na sana ako but meron akong napansin sa kanila. They are moving slowly no they are walking slowly papunta saakin and I think they are walkers they may not be as immediately threatening as Runners, but they tend to attack in groups, and have astounding durability which makes them a major threat to humans. Kahit na mabagal sila kesa sa Runners delikado pa rin sila especially when you caught off guard lalong lalo na kapag sila ay umaatake ng grupo. I immediately run opposite to their direction. Alangan naman na sasalubungin ko sila?! Hindi ko sila makakaya.

Kailangan ko nang hanapin ang iba. Sigurado akong dito pa sila sa loob ng hotel.

I hear zombie growl kaya napagpasyahan kong mag tago muna sa isang kwarto. Binuksan ko ng bahagya ang pinto at pumasok pero suddenly nakaramdam ako ng matigas na bagay sa muka ko dahilan para matumba ako at before I lost my consiousness I heard a voice.

"Who the hell are you?!"