Chapter ²8
Third Person PoV
"Be ready guys." Biglang sabi ni Kyler sa lahat. Kasalukuyan silang nagtatago sa isang gusali kaharap ang bagong laboratoryo ni Alfonso.
Naghanda na si Lee, Aries at abegail para sa security cameras. While Mia and Kyler is incharge para sa pagkuha sa dalaga and the rest, Vans, Xander and Christine ay magsisilbing look out and back up.
Maingat silang lumapit sa isang sink hole na magkokonekta kung saan naroroon ang dalaga. Nadiskubre ito ni Aries at naipakita na niya ang blue print na magiging gabay nila para hindi sila maligaw.
"Go! Go!"
Bahagyang tumunog ang kanilang earpice.
"Guys do you hear me?"
Tanong ni Abegail na nag-mumula sa earpice. Nagbigay naman sila ng kompirmasyon na nagkakarinigan ang lahat.
"Vans and Christine, kayo na bahala sa control room."
Sumang-ayon naman ang dalawa.
Magiging madali lang ang kanilang pag-galaw dahil nahack na nila ang lahat ng security cameras at may access na sila dito ang tanging kailangan lang ay puntahan ang control room at ligpitin kung sino man ang naroroon.
"Control Room, east wing, second door to the right, no camera's on tha't floor."
Dumaan sila mula sa cieling ng floor.
Pagkababa nilang lahat ay tumungo si Christine at Vans sa control room, nadatnan nila ang dalawang lalaki habang naglalaro ng baraha ngunit bago pa man maka react ang dalawang lalaki ay agad na pinatulog ito ng dalawa.
"Bilis! Hubaran mo na iyang isa at isuot mo damit niya!"
"Wengya! Sigurado ka ba?!" Biglang protesta ni Christine.
"Bilis na!"
Kaya wala ng nagawa si Christine at isinuot ito. Itinago nila ang dalawang lalaki sa isang sulok at tinakpan ng Tela. Pinatay nila lahat ng monitor at nagmadaling lumbas.
"Your free now guys." Sabi ni Vans.
Agad na nagtago sina Mia, Kyler at Xander ng may paparating na isang scientist at dalawang armadong lalaki at ang kanilang pinagtataguan ay kung saan liliko ang mga ito kaya bago pa man sila makita at agad na nilang sinunggaban at kinuha ang baril sabay hampas sa mga ulo nito.
Agad nilang kinaladkad ito papunta sa isang silid at hinubaran. Mia is now the scientist at ang dalawa naman ay iyong dalawang armado. Kaswal silang lumabas ng silid.
"Turn right, may makakasalubong kayo, act natural."
Dinig nila sa kabilang linya at tama nga ito may dalawang lalaki ang makakasalubong nila. Pasimpleng inayos ng dalawa ang kanilang sumbrero at inilagay ni Mia ang kanyang mask.
Tumango ang dalawang panig sa isa't isa.
Nakahinga naman ang tatlo ng malampasan na nila ito.
"Hey!"
Biglang sumibol ang kaba kay Mia at halos pagpawisan na siya sa takot na baka mabuko sila ngunit ang dalawa ay kaswal lang na humarap.
"Pupunta ba kayo sa laboratoryo?" Tanong nito.
"Oo, doon nga bakit?" Normal na tanong ni Xander.
"Wala naman, sige." Saad ng lalaki at umalis rin naman.
Napahinga ng maluwag si Mia at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Muntik na kayo dun guys ah. Hahaha." Narinig nilang tawa ni Lee.
Napairap na lamang si Mia.
"Turn left, may hagdan kayong makikita, pagkarating niyo sa taas ay may bantay, be careful guys."
Lumiko ang tatlo at may umakyat sa hagdanan. Pagkarating nila sa itaas ay may mga armadong lalaki ang nagbabantay sa isang pinto.
"Tha't door is the laboratory, walang bantay sa loob at tanging mga scientist lang ang nandoon. Kayo ng bahala sa tao sa loob then your clear."
Dere-deretso lang ang kanilang lakad. Pasimpleng nakatingin si Mia sa mga armadong lalaki and she swipe the access card para mabuksan ang pinto.
Papasok na sana sina Kyler at Xander ngunit pinigilan sila ng mga nagbabantay.
"Patulugin niyo sila."
Nagsenyasan ang dalawa at kaagad na kinuha ang baril sabay palipit ng kamay at malakas na pinag-uuntog sa pader hanggang sumalampak ito sa sahig at mawalan ng malay.
"Go go guys!"
Mabilis silang pumasok sa loob at nakita si Mia na pinatulog ang dalawang scientists.
"Nasa loob ng may puting pinto si Aira."
"Already done, kunin niyo na si Aira." Sabi nito sabay senyas sa isang puting pinto.
Nagmadali sila sa pagpunta sa sinasabing pinto at hindi nga sila nabigo dahil nandoon nakaratay ang dalaga.
Pinagkukuha nila ang mga aparato na naka tusok sa kanyang katawan.
Ngunit bigla nalang nagmulat ang dalaga.
"She's awake!" Masayang wika ni Kyler ngunit bago pa man nito hawakan si Aira ay bigla niya itong sinipa dahilan para tumilapon si Kyler.
"Kyler!" Sigaw ni Xander at nilapitan si Aira.
"H-hey." Nagulat si Xander ng sinunggaban ito ng suntok. Napahawak siya sa kanyang ilong na nagdurugo.
"Guys, anong nangyayari diyan?" Pagtatanong ni Vans.
"Aira's out of control." Sagot naman ni Aries sa kabilang linya.
"Anong nangyayari?!" Biglang sulpot ni Mia at nagulat siya ng lumapit si Aira para atakihin siya, nagulat man ito ngunit nagawa niyang iwasan ang suntok ng dalaga.
"Hoy! Aira kami to!" Sigaw nito at panay parin ang pag-iwas sa dalaga sa bawat atake nito.
"Aira--" Hindi na natapos ang sasabihin ng dalaga dahil sinampal siya nito.
"What the heck Aira!!!!" Sigaw nito at sinunggaban si Aira.
"Gaga ka talaga! Gumising ka!" Sigaw nito habang inaatake ang kanyang kaibigan.
"Humanap kayo ng pwedeng maiturok sa kanya! Kahit ano basta mapakalma siya!" Saad ni Lee sa kabilang linya.
"Baliw ka ba? Anong kahit ano?!" Protesta ni Mia.
Natatatanta namang naghanap si Kyler ng kung ano ng may makita siyang syringe na may laman sa gilid ng higaan.
Kinakabahan man ay agad na tinurok ng binata ito sa dalaga, unti-unting tumigil ang dalaga at bago pa man ito matumba ay mabilis na sinalo ito ng binata sa kanyang mga bisig.
"Guys! We have a problem!" Saad ng mga tao sa kabilang linya.
"Alfonso is coming! Get out of there now! Hurry!" Maawtoridad na utos sa kanila ni Aries.
"Bilis! Isampa mo sa likod si Aira!" Pagmamadali ni Mia at hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa at umalis, ngunit bago pa man sila makalabas ng laboratoryo, may kinuha si Mia sa isang cabinet na mga tube at batid niya na ito ang antidote.
"Proceed to the west wing, your clear."
Agad nila itong sinunod, ng lumiko sila ay agad silang napaatras ng may makasalubong na kalaban.
"H-hey! Kami 'to!" Agad naman na huminto sila sa pagtakbo ng marinig ang pamilyar na mga tinig, kasabay 'nun ang pagkuha ng sumbrero nina Vans at Christine.
"Bilis dito!" Anyaya nila at kaagad silang sumunod.
"Meet us on the exit, hurry guys, natataranta na si Alfonso, marami ng mga bantay ang kumikilos."
"Lee, ihanda mo na ang sasakyan. Aalis na tayo."
Nakasampa ngayon si Aira sa likod ni Kyler at hanggang ngayon ay wala paring malay.
Hindi iniinda ni Kyler ang pagod kahit hinihingal na ito at puno na ng pawis ang kanyang katawan.
Ang tangi niya lang na iniisip ay ang makalabas na silang lahat sa lugar na ito kasama
ang babaeng mahal niya.
Done