webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · 青春言情
分數不夠
71 Chs

Dead 21 (Part 2)

Chapter ²¹

Kiera POV

"Where's Kuya Aries?" Tanong nila kay DenDen.

"Ewan ko po, kahapon pa po siya wala dito, ang sabi po ni Tyler nakita niya lang na lumabas ito ng kanyang opisina kahapon."

Nagtinginan naman kami.

"Who's that little girl over there? Kanina pa siya tingin ng tingin sa'tin.

Nabaling naman ang aking atensiyon sa kanyang tinuro.

"Oh! She's Chiena, friend nila DenDen. Chiena come here!" Pagtawag ni Mia sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang kunting hiya at may pagka excitement hahaha.

"Guys! I want you to meet Chiena! Denden and Tyler new friend, nakilala na namin siya 'nung pumunta kami dito at gusto niya daw kayong makilala!" Nakangiting wika ni Mka

"Hi! Chiena! I'm Christine!"

Abot ngiti naman na nakikinig si Chiena sa pagpapakilala ng iba pa.

"Teka po! Parang kulang po ata kayo!" Naguguluhan niyang pasigaw na tanong.

Nagkatinginan uli kami at napabuntong hininga.

"Pasensya na Chiena, may kunting problema lang, promise namin sayo na makikilala mo rin ang iba." Alanganing ngiti naman ang ibinigay sa kanya ni Christine.

"Oo nga asan sina Kuya Lee at ate Abegail?" Nakangusong tanong ni DenDen.

"May inasikaso lang, babalik din sila."

"Awww, ganun po ba? Sayang naman. Sige po! May aasikasuhin pa po kaming tatlo! Hehehe!" Saad nito at nagpaalam na saamin.

"So guys? Let's go?"

Naiwan sa labas sina Vans at Christine, kaming tatlo naman ay pumasok sa opisina na pagmamay-ari ni Kuya Aries.

Kaagad akong naglibot libot sa loob at dumeretso naman si Kyler sa isang laptop na nakalagay sa ibabaw ng mesa.

Napadako naman ang aking tingin sa isang picture frame kung saan may dalawang tao. Napakagat labi ako ng makilala ito. This is Aries and the girl beside him is Aira.

"Guys! Check it out." Nawala ang aking atensiyon sa bagay na iyon at pumunta kay Kyler na kasalukuyan na nagtitipa sa laptop.

"Anong meron?" Pagtatanong naman ni Mia.

"Look" Sambit ni Kyler habang nakatro sa isang petsa.

"Nakakapagtataka. Ang huling log in sa laptop ay 3 weeks ago at tingnan niyo ang alikabok na nasa keyboard nito, walang bakas ng fingerprint." Paliwanag nito.

"So, ang ibig mong sabihin. Habang nandito siya sa opisina, hindi niya ginagamit ang kanyang laptop?" Tanong naman ni Mia.

"Pero, imposible naman ata, kapag pumupunta kasi ako dito ay nakaharap siya sa laptop niya eh." Dugtong pa muli nito at nag-isip.

"Nakita ko ba siyang nagtitipa?"

"Hindi eh, kada punta ko dito ay naabutan ko siyang nakaharap lang sa kanyang laptop."

"Something strange happening here." Napatingin kaming dalawa ni Mia kay Kyler.

"3 weeks tayong nawala, and we did'nt even know what happened here 3 weeks ago. Hindi ba kayo nagtataka? Those guards of the zone, they're not familliar to me. Parang napabayaan na itong zone na ito at wala tayong kahit anong contact kay Sir Arthur." Dugtong ni Kyler.

"And Tito Arthur will definitely Ask us about the update! Kay Kuya Aries niya pinapadala saatin ang kanyang mensahe and Kuya Aries will difinitely relay it to us! So anong gustong ipahiwatig ng konklusyon natin na 'to?"

"Maybe hindi na siya yung Kuya Aries na nakilala niyo or Hindi talaga siya ang Aries na kuya niyo." Sabat ko.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Mia at seryoso naman si Kyler.

"An impostor." Deretsong saad ni Kyler at napatingin saamin.

"Maybe he is an Impostor and we should do something that prove whether he is an Impostor or not." Dugtong nito.

"Paano?"

"Kailangan nating bantayan ang bawat kilos niya." Saad nito.

"Magagawa ba natin 'yun?"

Nakikinig lang ako sa kanila habang nag-uusap, hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko.

"Hindi tayo, kundi ang tatlong bata."

"What? Baka mapahamak sila!"

"That will never happen."

"Eh tayo? Anong gagawin natin?"

"Huhulihin natin siya sa salita."

"My Gosh Kyler, kinakabahan naman ata ako sa plano mo."

Kyler smirk at tumingin saakin. Iniwas ko na lamang ang aking paningin ng magtama ang aming mga mata.

"Guys! Parating na siya!"

Agad kaming napalingon kay Vans na humahangos papunta saamin.

Agad naman kaming umakto ng normal tsaka lumabas, saktong paglabas namin ay bumungad siya.

"Ah, kuya! Hinahanap ka namin eh wala ka sa loob kaya lumabas na kami."

Alanganin naman akong tumingin sa lalaking nasa harap namin.

"So, anong kailangan niyo?" Nakangiting tanong nito.

"We want to ask if nagpadala si Sir Arthur ng mensahe." Kaswal na sabi ni Kyler.

"Oh! Si Daddy? Well, yes ofcourse. Hindi ko na pinaalam sa inyo dahil hindi naman importante." Saad nito at dumeretso sa kanyang opisina. Sumunod naman kami dito.

"Maari ba naming malaman Kuya if kelan siya huking nagpadala ng mensahe?"

"Hmmm, 2 weeks I guess? Wait you're acting weird guys." Sabi nito habang tumatawa.

Tagilid namang tumawa si Mia.

"Hahaha, no Kuya, we just want to make sure that's everything is fine at gusto lang namin sanang kumustahin si Tito Arthur."

"Don't worry guys, everything is fine." Saad naman nito at hindi ko alam kung pinag-didiinan niya talaga ang salitang fine.

"So! Do you still need anything?" Tanong nito at sumandal sa kanyang upuan.

"Kuya yung nangyari pala kina  Lee at Abegail? May balita ka na ba?"

"Hmm, don't worry guys ako ng bahala."

"So, may kailangan pa kayo?",

"Wala na, sige kuya alis na kami."

Tumango lang ito saamin habang nakakingiti, ngunit hindi ko alam kung bakit ko pa siya nilingon kung kaya't nakita ko ang kanyang matalim na tingin saamin o saakin.

Sakto namang paglabas namin ay ang pagdating  ng tatlong bata. Nilapitan naman sila ni Kyler at pinaliwanag siguro ang kanilang gagawin.

"Woah! First ever mission!" Sigaw ni DenDen.

"Shhh, don't get caught little fellas." Bilin sa kanila ni Kyler.

"Aye Aye Sir!" Sabay na saad ng tatlo habang sumaludo pa.

Napatawa naman kami.

They are cute, indeed.

Nilapitan ko ang tatlong bata, hindi ko matiis.

"Ate Kiera!" Bungad saakin ni Tyler. Namiss ko 'tong batang to.

"Na miss po kita!"

Kinurot ko ang kanyang pisngi

"Na miss din kita, be careful okay? Huwag kayong magpapahuli." Saad ko habang tinitingnan sila isa isa.

"Siyempre po!"

Done