Chapter ¹9
Kiera Pov
My body stiff, umalingaw ngaw ang mga kalansing ng kung anong bagay.
May ideya na ako kung ano ito ngunit hindi mag sink-in sa utak ko.
Naramdaman ko ang panginginig ng aking paa, tila nanghihina ako.
No, please not now
"Guys! They're coming!"
Bumabagal ang aking paghinga, gusto kong tumakbo ngunit tila ba napako ako sa kinatatayuan ko.
"They're not alone!"
Nadagdagan ang aking takot dahil sa isang napakalakas na ungol, ungol na para bang isang halimaw.
"Paking tape! Katapusan na ba natin?!"
"Gago! Tumahimik ka diyan!"
"Kiera Come here!" Narinig kong tawag nila sakin mula sa likuran.
Ngunit isang atras lang ang nagawa ko. Napahigpit ako ng kapit sa hawak ko.
Naramdaman ko nalang ang marahas na paghila saakin. Hindi ko kayang manlaban.
Kyler
I don't know why my heart can't stop beating everytime he's near.
Napahinto kami sa harap nilang lahat.
"Hey are you okay?" Alalang tanong ni Mia saakin. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko napigilang mapaluha. Dahan dahan kong iniling ang aking ulo.
Gusto kong tanggalin ang takip ko sa mukha. Gusto kong tanungin kung ano ako sa kanila. Kung may koneksiyon ba ako sa kanila or wala, ngunit may isang bagay na nagpipigil saakin na gawin ang mga bagay na iyon.
Takot
Hindi ko alam kung takot ba na malaman na isa ako sa kanila, takot na malaman na itatakwil nila ako, takot na malaman na hindi nila ako tanggapin at takot na malaman na hindi talaga ako ang babaeng nasa litrato.
"Guys, be ready parating na sila." Seryosong saad ni Kyler.
Huminga ako ng malalim. I don't care kung sino ba ako sa kanila ang alam ko lang I need to protect them, I need to protect the people whom I called friends. I need to protect them from this creatures at sa mga taong gustong saktan ako.
Itinapon ko ang baril na hawak at kinuha ang katana na bigay saakin ni DenDen.
Palapit na palapit sila at bumibilis ang aking paghinga. Napahigpit ako ng hawak sa katanang dala.
Hindi pa ako nakakagamit ng isang ito ngunit hindi ko alam kung bakit malakas ang kumpyansa ko sa aking sarili na para bang matagal na akong nakahawak ng bagay na ito.
Agad na nagpaulan ng putok ang mga kasama ko. Tumakbo ako para salubungin ang isang napakalaking halimaw. Dalawang tao ang taas nito at triple ang laki ng katawan. Itim ang kanilang mga mata at may malaking bunganga at matutulis na ngipin na tila ba isang lunok ka nalang nila.
Iwinasiwas ko ang hawak kong katana habang tumatakbo sa kasalubong kong halimaw. Sumigaw ito at handa handa na akong patayin ngunit bumwelo ako patalon at agad na tinarak ang katana sa kanyang dibdib sabay bulwak ng itim at masangsang na amoy na dugo habang hinihiwa ko ang kanyang dibdib pababa.
Pinilit niyang manlaban at dahil sa malakas na panlalaban nito sumalampak ako sa lupa at agad namang napatayo dahil sa pabalik na atake nito saakin.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nagpadausdos sa ilalim nito at pinadaan ang aking katana sa maselang parte ng kanyang katawan.
Napangiwi nalang ako sa diring nararamdaman ko.
Naramdaman ko nalang ang isang pagbagsak na nanggaling sa likuran ko.
Agad akong tumayo at tinulungan ang ibang mga kasama ko.
"Ano 'to?! Zombieng nag evolve?!"
Mabilis ang aking pagtakbo at tumapak sa isang kahoy para mapunta ako sa batok ng halimaw sabay tarak na katana sa ulo nito.
Napahawak ako sa katana ng maramdamang babagsak na ito.
Nalalasahan ko na ang dumi sa aking bibig. Ngunit hindi ko pwedeng kunin ang takip.
Agad kong nilingon ang kalansing na nanggagaling sa likuran ko. I manage to dodge that Skeleton at walang kahirap-hirap na pinutol ang bungo nito.
Nakikita ko ang pagod sa kanilang mga mukha.
Mayroong napapaluhod na lamang, meron ding pilit na lumalaban.
Agad kong dinaluhan si Abegail ng bigla itong mapaupo.
"Hey, are you okay?" Tanong ko.
Nagpakawala siya ng buntong hininga.
Iling lang ang kanyang tanging nasagot. Tinapik ko lang ito sa balikat at tumayo.
Muli akong sumugod sa isang halimaw na akmang sasakalin si Christine ngunit mabilis kong iwinasiwas ang aking katana dahilan para maputol ang kamay nito at mapasigaw, agaran ko itong tinusok sa gitna ng kanyang noo.
"Thanks!" Pagpapasalamat nito at agad na ding tumayo.
Hapong hapo ang lahat habang nakaupo sa lupa at ang iba naman ay napasalampak na ng tuluyan.
"Is everybody okay?"
"Kyler, may isa ditong may sugat pero okay lang naman."
"Bakit bigla silang umatake? Takte sakto pang walang security system ang buong lugar ngayon." Biglang sulpot ni Mia sa tabi ko habang hingal na hingal.
"Mukhang hindi ka napagod ah, kalmado ang paghinga mo, hahaha."
"I don't know why." Mahinang saad ko at tumingin sa kanya.
"Ang galing mong humawak ng katana kanina, hindi ko maiwasang mapatingin sayo kanina habang lumalaban." Saad nito habang naglalakad kami.
"San mo nga pala nakuha 'yan? Ngayon ko lang nakita sayo iyan."
"Ah, bigay kanina ni DenDen."
"Hmm, matagal ko ng gustong itanong sayo 'to." Napatingin naman ako sa kanya.
"Anong nangyari sayo simula 'nung nangyari ito? Ako kasi nasa school kami nun." Panimula niya at ikinuwento niya kung ano ang pinagdaanan nila bago makarating sa safezone hindi rin niyang nakalimutan ang pagkukwento tungkol sa babaeng nagngangalang Aira.
Bakas sa kanyang mukha ang lungkot at hindi ko manlang naramdaman ang patuloy na dumadaloy na likido mula sa aking mga mata habang siya ay nagsasalita.
"Oy! Ang daya mo, ikaw naman ang magkwento." Pag-iiba nito ng usapan.
Napabuntong hininga ako.
"Hindi ko alam kung saan ako nagsimula." Tahimik naman itong nakikinig saakin.
"I woke up one day in an unknown place. Nagising ako na hindi ko alam kung saan ako nanggaling, kung ano ang nangyari saakin o kung ano ng nangyayari sa mundo. I'm afraid to admit it to myself that I don't know who am I. Kiera is not my name. I can't find myself. I don't know how to seek the truth tila ba isa akong boteng walang laman, walang makikita and I'm afraid na kung malaman ko ang katotohanan, wala naman pala akong pupuntahan."
Done