"Hubby.. Naalala ko pala. Nagsabi ka rin kaya ng 'I love you' sa 'kin noong isang araw." Sabi niya sa asawa niya pagkatapos niyang lunukin ang hiniwang piraso ng waffle na gawa nito.
Ngayon lang kasi pumasok sa isip niya. Na overwhelm siya masyado sa pag-amin nito kagabi.
My gosh!
Sobrang saya talaga ng puso niya kahit ngayon.
Her husband woke her up with a breakfast in bed, kaya eto ngayon at sobrang saya na talaga ng pakiramdam niya habang sinusubuan siya nito.
Kita niya ang pagkagulat sa sinabi niya dito. "I did?"
"Oo. Remember noong tumawag ka after ng concert niyo sa Araneta? Nakatulog ka while we're still talking over the phone? You said "I love you, wife" kaso parang 'di ako sigurado kaya hindi ko na sinabi sa 'yo." Sabi niya dito.
Natawa ito sa sinabi niya.
"Baka nga. I kept it for a long-time, wife, kaya siguro hindi ko na napigilan." Sabi nito.
Ito naman ang sinubuan niya ng waffle at kinain din naman nito 'yon.
"S-Sana sinabi mo na lang habang nag-uusap tayo. B-Baka pumayag pa akong maging PA mo kung nangyari 'yon." Sabi niya dito na ikinahalakhak lang ulit nito.
"I don't want to confess over the phone, wife. Plano ko nga kahapon is pagkatapos nating magmahalan sa kama ay sasabihin ko na, kaso nagugutom pa talaga ako sa 'yo kaya hindi ko na nagawa. Tapos tinulugan mo pa ako. Ayoko namang sabihin 'yon habang nilalabasan ako baka pagdudahan mo pa." Sabi nito at sinubuan ulit siya.
Naramdaman niyang nalagyan ng maple syrup ang gilid ng bibig niya at akmang pupunasan na sana niya 'yon pero inunahan na siya nito gamit ang daliri nito.
Shocks! Kilig bes!
"Kilig na kilig yata ang maganda kong misis ah. Papaisa yata?" Malokong sabi nito.
"Tse!" Naasar na sabi niya pero nangingiti naman. "Mamaya after natin kumain, hubby." Sabi niya dito na na siyang nagpabilis sa asawa niya sa pagsubo at pag hiwa ng waffle.
Natatawa tuloy siya dito, lalo na noong muntik na itong mabulunan pagkatapos nitong mabilis na ninguya at nilunok ang malaking piraso ng waffle. Agad niyang inabot ang baso ng gatas dito at inisang lagok lang din nito 'yon.
"Dahan-dahan, hubby!" Saway niya dito pero nakangisi lang itong nakatingin sa kanya.
"Finish na!" Natatawang sabi pa nito.
Akmang tatanggalin na nito ang tray sa kandungang niya ng bigla silang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pintuan nila.
"Big bro! Yoohoo!"
"What the f-!" Anas ni Bryan ng marinig nila 'yon.
Boses 'yon ni Justin kulit.
"Dude! Open up!" Boses naman ni Russel.
"What the fuck are they doing here? Shit naman!" Anas ni Bryan na tumayo na para lumapit sa pinto.
Natatawa lang siya sa naging reaksyon nito. Galit na galit eh!
"Go inside the bathroom, wife! And change your damn clothes! Ayokong makita nila ang pag-aari ko." Inis na sabi nito sa kanya.
Lokong 'to! Sa kanya na binunton ang inis!
Hirap pala talagang mabitin ang halimaw na 'to. Gusto niya ring asarin pa ito lalo kaya hindi muna siya bumangon sa kama at pinadapo ang tingin sa bukol nito sa gitna.
"Big bro! Hoy!" Dinig nilang sigaw ni Justin sa labas at kumatok ulit ang mga ito.
"Wifey!! Isa!" Sigaw na nito na parang nauubusan na ng pasensiya. "Teka!" Inis naman na sigaw nito sa mga kaibigan.
"Eto na! Sungit naman.." Sabi niya ditong nanatiling nakangiti pero hindi pa rin tumayo.
"Dalawa! Huwag mong hahayaang umabot ito sa tatlo, wifey. Baka hindi na ako makapagpigil!" Pasigaw na sabi na nito.
"Big bro! Anong ginagawa mo kay Kyra ganda?! Kyra ganda! I'll be your knight in shining and shimmering hair!"
"Ulol!" Sigaw naman ni Bryan pabalik at binalingan ulit siya. "Tat-"
"Eto na, oh! Tatayo na!" Sabi niya ditong natatawa pa rin at tumayo na nga sa kama.
Nakasunod ang tingin nito sa kanya hanggang sa nakapasok na siya sa loob ng CR. Pero bago pa niya isinarado ang pinto ay hinubad na muna niya ang lingerie at panty na suot niya na siyang ikinanganga nito. Ilang beses din itong napalunok. Ibinalandra muna niya ang hubad niyang katawan sa mga mata nito bago niya isinarado at inilock ang pintuan.
"Wife!! Humanda ka mamaya!" Dinig niyang sigaw pa ni Bryan na mas lalong naubusan yata ng pasensiya dahil sa ginawa niya.
Natatawa na lang siya sa loob sa ginawa niyang panunukso dito. Bumawi lang naman siya eh. Binubully at tinutukso din naman kasi siya nito.
'Lintik lang ang walang ganti, hubby.' Sabi niya sa isip niya at nagsimula na nga siyang maligo.
Kahit malakas ang lagaslas ng tubig galing sa shower ay dinig na dinig niya pa rin sa loob ng CR ang mga boses at pagkakagulo ng mga ito sa labas. Pati na ang malakas na tawa ni Wilbert. Mukhang kompleto yata ang grupo! Napangiti tuloy siya.
"Kyra ganda! Gusto akong patayin ni big bro! Tulong, Kyra ganda! Papasukin mo ako!" Dinig niyang boses ni Justin kulit at kumakatok pa sa pintuan ng banyo.
Natawa na lang siya ulit ng marinig ang malakas na sigaw ni Bryan. "Umalis ka diyan! Gago!"
"Huwag mo siyang buksan, wifey! Kundi papatayin ko talaga 'to!" Dagdag pa ng asawa niya.
Mga loko-loko talaga! Jusko!
"Ang sakit ng bewang ko, big bro! Muntik na 'kong mamatay!" Reklamo ni Justin sa kanya habang nakaupo na sila sa dining area kung saan kumakain na ang mga ito ng agahan.
"Gago! Ipa-CPR na lang kita sa sugar mommy mo kung mawalan ka ng hininga!"
Hindi niya kasi tinantanan ang pagkiliti dito hanggang sa nagtatakbo na ito palabas ng kwarto nila ng asawa niya. Malakas ang kiliti nito sa bewang kaya 'yon ang tinatarget nilang magkagrupo kapag sobrang naasar sila dito.
Gago, eh! Gusto pang pasukin ang asawa niya sa loob ng banyo!
Naalala na naman niya ang ginawang panunukso ng misis niya kanina noong pumasok ito sa CR. Tangina! Hindi kasi sila nag ano sa kama kagabi kasi alam niyang masakit pa din ang gitna nito at ngayon sana siya babawi. Pumayag naman ang asawa niya pero dumating ang apat na ungas! Bukas na ng gabi ang flight nila eh!
Kwento ng mga ito ay pinayagan daw ang mga ito ni Lander na magpahinga muna ngayong araw kaya eto at pinili ng mga itong pumunta sa kanila. Dito na rin ang mga ito matutulog mamayang gabi at sabay na silang anim na pupunta sa airport bukas.
Kasama din kasi ng apat na pumunta dito ang girlfriend ni Wilbert na si Grace, na naninilbihan dati sa kanila, na ngayon ay PA na ng kaibigan niya. Naiinggit tuloy siya, kasi kasama nito sa buong concert tour nila ang girlfriend nito habang siya naman ay mamimiss ang asawa niya.
Naiintindihan naman niya ang pagtanggi ng asawa niya. Isa pa medyo hindi pa rin nakakamove on ang ibang fans niya tungkol sa naganap doon sa restaurant. Marami pa din ang kumakalat na pictures at videos sa internet pero agad na pinapablock at pinapatanggal 'yon ng kompanya nila.
Napabuntong-hininga tuloy siya.
Kung pwede lang sanang ilabas na ang totoo tungkol sa kanila ng asawa niya sa publiko ay ginawa na niya. Para wala na sanang hadlang sa kanila at malaya na silang gawin ang gusto nilang dalawa. Ni ayaw na rin niyang itago at isekreto ang asawa niya sa mga tao.
Baka hihilingin niya 'yon sa susunod na contract signing niya, kung hindi papayag ang kompanya ay mas gugustuhin na lang niyang umalis sa industriya at tutukan na lang negosyo ng ama. His friends will understand. Kahit ang mga ito ay napapagod na din sa trabaho at gusto na ring umalis sa limelight.
He never thought na dadating nga ang panahong makapagdesisyon siya ng ganito. Mahal niya ang trabaho niya, pero mas mahal niya talaga ang asawa niya at gusto na rin niyang magawa ang mga usual na bagay na ginagawa ng mag girlfriend/boyfriend or mag-asawa. He wants to experience na mag date sila sa mga public places na wala siyang suot na disguise, katulad ng panonood ng sine, pag gala sa mga tourist spots ng bansa o abroad, pag gala sa mall, at lalo na ang kumain sa restaurant katulad ng ginawa nito at ni Arthur dati.
Nagseselos pa rin talaga siya minsan kapag naaalala niya 'yon. Pero laking pasalamat na lang niya at hindi na ulit ito nagparamdam sa asawa niya. Baka tuluyan na niyang mapatay ito.
"Kyra ganda!" Dinig niyang sigaw ni Justin na nagpabalik sa isip niya sa kasalukuyan.
Agad siyang napabaling doon at napangiti ng makitang suot ng asawa niya ang T-shirt niyang malaki at leggings nito.
"Hi! Mabuti naman at nakapasyal kayo!" Maligayang bati ng asawa niya sa mga kaibigan at bumati din ang mga ito pabalik.
His wife can get along with his friends quite well. Pero naasar talaga siya sa kakulitan ni Justin.
"Upo ka dito, Kyra ganda!" Sabi ni Justin at akmang tatayo na sana pero agad niyang hinila ang braso ng asawa at ini-upo ito sa kandungan niya.
"This is her rightful place." Sabi niya at nakangising tumingin kay Justin na nakasimangot.
Narinig niyang parang bumulong-bulong pa si Justin sa sarili kaya tinawanan niya ito. Natawa na rin ang ibang kaibigan nila.
"Justin." Simpleng saway ni Nathaniel dito.
"Hubby.." Saway naman ng asawa niya sa kanya at akmang tatayo na sana pero agad niyang pinulupot ang mga braso niya sa tiyan nito.
"Hubby, nakakahiya." Bulong nito sa kanya sabay tingin sa mga kaibigan niyang nakangiti sa kanila, except kay Justin.
"Huh? Kinakahiya mo 'ko sa mga kaibigan ko?" Nagtatampong sagot niya dito.
"Hindi! Ano ba. Sige, dito na ko. Oh! 'Di na 'ko aalis oh." Sabi nito at hinawakan pa ang mga kamay niyang nakayapos sa tiyan nito.
"Good." Sabi naman niya at agad na hinalikan ang likod nito.
Fuck! Nagrereact na naman ang alaga niya sa baba. He's having a fucking hard-on again! Tangina!
Kaso baka mahiya lalo ang asawa niya sa mga kaibigan niya kung yayain na niya itong umakyat. Pero natural naman kasi ang gagawin nila dahil mag-asawa sila, 'di ba?
Tangina! Behave junior!
Kinalma niya ang sarili at inisip na marami pa naman siyang oras mamaya at bukas ng umaga at hapon. Bago sila aalis papuntang airport bukas ay hihiling ulit siya sa asawa niya. Kailangan talaga niyang bumawi, lalo pa't isa at kalahating buwan siyang magiging tigang na naman nito.
Kung yayain niya kaya ang asawa niyang mag anuhan sila sa video call?
Napangisi siya sa naisip. Mukhang ganoon nga talaga ang hihilingin niya dito. Paniguradong hindi pa alam ng asawa niya 'yon kaya siya ulit ang bibinyag dito.
Tangina!
Proud na proud nga siya sa sarili dahil ang ibang bagay na hindi pa nito naranasang gawin sa tanang buhay nito ay ginagawa na nito kasama niya!
"Kyra!" Maligayang bati ni Grace sa asawa niya noong pumasok ito sa dining galing sa kusina. Nakipagkumustahan kasi ito sa mga dating kasamahan sa trabaho.
"Grace!" Bati din ng asawa niya dito at akmang tatayo na pero napabalik lang ito dahil 'di niya ito pinakawalan.
"Hubby?" Sabi nitong napabaling sa kanya at mukhang naguguluhan kung bakit ayaw niya ito pakawalan. Gumalaw-galaw pa ito sa kandungan niya.
Fuck!
"I'm having a hard-on, wife.. Huwag kang malikot.." Pabulong na sabi niya dito sa mismong tenga nito.
Mas lalong nagreact ang alaga niya ng makita ang pagkagat-labi ng asawa niya.
Shit!
"Hehe. K-Kumusta na?" Sabi ng asawa niya na umupo na ng tuwid sa kandungan niya pagkatapos nitong bumaling ulit sa kaibigan.
"Okay lang! Loka! Parati naman tayong nag-uusap sa phone!" Sagot ni Grace na natatawa na at umupo na rin sa tabi ni Wilbert.
"Ay! Oo nga pala! Buti at nakabisita ka rin dito!"
"Oo nga eh! Namiss ko kayo at 'tong mansiyon tsaka sabay na kaming anim bukas na pupunta sa airport. Akala ko nga sasama ka eh. Ahay! Sama ka na kasi!" Sabi ni Grace na nalungkot.
"Ayaw talaga, Grace eh." Siya na ang naunang sumagot sa sinabi ni Grace.
"Sige lang. Next time na lang." Sabi ng asawa niya at binalingan siya. "Next time na, hubby." Masuyong sabi nito sa kanya.
"Ahay! Sayang naman!" Sabi naman ni Grace na nalungkot na talaga.
"Hmm.. Total hindi ka makakasama, Kyra. Sama na lang kayo sa 'min ni baby mamaya. Double date?" Sabi ni Wilbert na nakangiti.
"What?!" Agad na reklamo ni Justin at Russel, habang ngumisi lang si Nathaniel.
"Eh 'di kayo na may partner! Basta sama ako! Walang double-double date!" Inis na anas ni Justin.
"Makakakuha naman ako ng kadate ngayon kung gusto ko. Kaya sama na ako sa inyo. Tapos si Justin at 'tol Nathaniel na lang ang magpartner!" Suggestion pa ni Russel na agad namang binatukan ni Justin at akmang gaganti din si Russel dito.
"Tarantado!" Usal naman ni Nathaniel na natawa na lang din.
Natatawang pinigilan ang mga ito ng asawa niya. "Sige na. Sama na kayo! The more, the merrier, 'di ba?"
"Yes!" Sabay na sigaw ng dalawang gago.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ng asawa niyang tunog excited na.
"Enchanted Kingdom!" Sagot ni Grace na ikinamaang nilang lahat, except sa mag-syota na nakangiti.
Fuck!
This is fucking suicide! Maraming tao doon panigurado kaya paano sila makakapasok ng matiwasay doon?
"We have a plan, don't worry, bud." Sabi ni Wilbert. Napansin yata ang pag-aalinlangan niya.
"Baka magkagulo doon, Wil." Si Nathaniel naman.
"Kaso-" Tatanggi sana siya pero bumaling sa kanya ang asawa niyang nagpapaawa na naman ang itsura.
"Sige na, hubby. Please.."
Shit! His wife knows how to do the trick just to make him say yes. Tangina! Kahinaan na niya ito!
"Fine!"
"Yehey!" Sabi ng asawa niya at napahalik pa sa pisngi niya. Pero dahil hindi pa siya nakuntento ay inabot niya ang mga labi nito.
"All right!" Sabi naman ng mga kaibigan niya.
"Sa hapon na tayo aalis, let's say mga 3:30pm? Para pagdating natin doon ay lampas 5pm na at malapit ng gumabi, at least hindi na delikado kung sakali." Sabi naman ni Grace.
Halatang planado na talaga ng magsyota ang lakad nila.
Napa-oo na lang talaga siya. Gusto niya din naman ito. He wanted to take his wife out in public places, anyway, kaya ito na rin siguro ang chance niya para matupad 'yon. Sana hindi mabulilyaso ang plano ng magsyota.
May oras pa naman sila bago sila aalis papuntang EK, kaya makaka isa o dalawa pa sila ng asawa niya ngayon. Kailangan niyang pagbayarin ito sa panunukso nito sa kanya kanina. Napangisi tuloy siya sa naisip.
Pagkatapos nilang pagplanuhan ang gagawin mamaya ay nagpaalam na ang mga kaibigan niya na aakyat na muna para magpahinga. Bababa na lang silang lahat mamaya para sa tanghalian. Kaya alam niyang ito na rin ang oras niya para makabawi sa asawa niya.
"Akyat na rin tayo, wife." Malanding bulong niya sa tenga nito na siyang ikinataranta ng asawa niya at ikinapula ng mga pisngi nito.
'Lintik lang ang walang ganti, wife.' Anas niya sa isip niya habang hinihila ito.