webnovel

Daydreaming (Filipino)

Sort of a cliche love story between a celebrity and one of his fans. ----- Note: Sinulat ko 'to way back in 2012 pa. Kaya pasensiya na ulit sa mga wrong grammars and everything. Hi everything! **If may magbabasa po nito just wanna say that I'm still revising this po. English kasi ang orig eh dumugo ilong ko sa englishan ko doon kaya taglish na lang. :)) Thank you!

Aybeeming · 现代言情
分數不夠
69 Chs

Chapter 19

Nakatulog agad si Georgina pagkatapos nilang mag-anuhan sa kama. Nakatatlo sila, and hindi makapaniwala si Bryan na kahit nalabasan na siya ngayong araw ng apat na beses, isama na 'yong kanina sa sasakyan niya, ay hindi siya nakakaramdam ng kasiyahan katulad ng dati.

Parang may kulang.

Parang hindi na siya nakokontento.

Parang.. Parang mali.

Naguguluhan na talaga siya sa sarili niya.

And he's fucking frustrated with himself right now!

Kakatapos niya lang maligo at maingat siyang nagbihis para hindi magising and girlfriend niya. Lalabas muna siya ng kwarto para mapuntahan ang mga kaibigan. Baka gising na kasi ang mga ito. He checked the time and its almost 8 in the evening.

Paakyat na sana siya sa ikatlong palapag ng nasalubong niya ang isang kasambahay nila galing sa kwarto ng ama. Sinabihan agad siya nito na nasa gazebo daw ang mga kaibigan niya at nagkakasiyahan daw doon. Handa na rin daw ang dinner nila, pero inaantay pa siya ng mga ito para sabay-sabay na silang kumain.

Nasa pintuan na siya ng garden nila ng bigla siyang natigilan ng may narinig na isang boses na humahalo sa tawa at boses ng mga kaibigan niya. Nagmamadali siyang pinuntahan ang mga ito.

Noong medyo malapit na siya sa mga ito ay hindi nga siya nagkakamali. Kasama ng mga ito si Kyra, ang 'magaling' na nurse ng ama niya. Tawang-tawa ang mga kaibigan niya habang nagkukwento ang babae. Tss. Sinasabayan din ng apat na ungas. Napatiim bagang na lang siya.

"Oy, big bro!" Agad na bati sa kanya ni Justin na siyang unang nakapansin sa kanya. "Buti naman at gising ka na!"

Napabaling ang lahat sa direksyon niya, except kay Kyra na hindi man lang siya tiningnan. Agad siyang lumapit sa mga ito pero ang galit na tingin niya ay nananatili sa nag-iisang babae doon sa gazebo. Inisang sulyap lang siya nito at agad na yumuko at tumahimik.

"Nagkakasiyahan kami dito, 'tol. Grabe magkwento 'tong si Kyra." Natatawang sabi ni Russel.

"Oo, big bro. Nauutot na nga sa tawa si Wilbert!" Sabi ni Justin pero agad itong binatukan ni Wilbert.

Wala siyang reaksiyon sa mga sinabi ng mga ito. Diretso lang siyang umupo sa isang bakanteng upuan na nakapwesto paharap kay Kyra. Hindi niya pa rin hinihiwalay ang mga mata niya sa magaling na babae. Kita niyang napakagat-labi ito. Ramdam siguro nito ang init ng pagtingin niya dito.

Agad itong tumayo sa inuupuan. "Uhm. Puntahan ko muna si Uncle, guys! Bye!" Nagmamadaling pamamaalam nito sa kanila.

"Ahay! Kyra ganda! Come back! Don't leave us!" Madramang sabi ni Justin na gusto pang pigilan si Kyra pero nagmamadali ng umalis ang babae at pumasok na sa bahay.

Nakasunod pa rin ang mga mata niya sa likod nito at natigil lang ng nawala na ito sa paningin niya. Hindi niya alam sa sarili kung bakit siya nakakaramdam ng galit.

Nagseselos ba siya?

No. Hindi. Ba't siya magseselos? His girlfriend is here for Christ's sake! Hindi lang talaga matino ang pag iisip niya lately kaya nawawala siya sa sarili. 'Yon lang 'yon. Maybe its because of his problems? Pressure sa trabaho niya? Pressure sa plano nila ni Georgina?

But this should be stopped immediately, kailangan na niyang itigil ang tanginang atraksiyon na 'to. Nakaya nga niyang iwasan ang mga fans niya, ba't sa nurse na 'to nahihirapan siya?

"'Bry?" Tawag sa kanya ni Nathaniel.

Napatulala pala siya at nang napabaling ang tingin niya sa mga ito ay nakatingin na pala ang mga ito sa kanya.

"Okay ka lang 'tol?" Tanong naman ni Russel.

"Yeah. Gutom na ba kayo?" Ayaw niya magpahalata na may gumugulo sa isip niya.

Pero sa tagal na nilang magkakasamang lima ay kilalang-kilala na nila ang isa't-isa.

"May problema ka yata, bud." Diretsong sabi ni Wilbert.

"Oo nga, big bro. Hmm. Nakarating na ba si Georgina?" Tanong naman ni Justin sa kanya.

"Yeah, natutulog. At baka pagod lang ako. Alam niyo na." Sabi niya sabay ngiti ng pilit.

Pero imbes na alaskahin siya, ay nanatiling seryoso ang mga ito.

"A-Ano nga pala 'yong sinabi ng nurse kanina? Lakas ng tawanan niyo dito." Sabi niya sabay ngisi. Hindi niya napigilan ang sariling magtanong.

Curious lang siya, okay?

"Ah! Fan pala natin siya, big bro! Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga bts (behind-the-scenes) at bloopers natin na naupload sa youtube at sa websites ng mga fans natin." Sabi ni Justin na sa wakas ay tumawa na ulit. "Naalala mo 'yong bago pa lang tayo? Tapos nag feeling sikat si bro Russel?"

"Ulol!" Sabat ni Russel pero natatawa sa ginawang katangahan dati.

"Ah. 'Yong first concert natin na akala niya bubuhatin siya ng mga audience 'pag tumalon siya galing sa stage? Tapos nahulog na lang siya sa sahig kasi nagulat din ang mga tao sa ginawa niya!" Sabi niya sabay tawa ng malakas.

"Oo, oo! 'Yon! May video pala doon sa youtube sabi ni Kyra ganda! Tawang-tawa nga din kami ng naalala 'yon! Epic 'yon eh!" Dagdag ni Justin sabay tawa ulit.

"Bry.. Naalala ko pala. 'Yong kwento mo pala kaya napasugod ka dito? Si Kyra ba 'yong pinamblackmail sa'yo ng daddy mo?" Biglang tanong sa kanya ni Nathaniel.

"Yeah." Mahinang sagot niya.

"Huh? Si Kyra ganda? Ano ba naman yan! Gusto ko siya big bro eh!" Sabi ni Justin sabay simangot.

"Mas nauna ko siyang nakita kaysa sa'yo, gago, kaya mas nauna talaga akong nagkagusto sa kanya! So, back off! Manatili ka na lang sa sugar mommy mo!" Sabi naman ni Russel.

"Anong ikaw, bro? Nauna akong lumabas sa garden at nakita siya dito! Ako nga ang nagyaya sa kanyang samahan tayo sa gazebo 'di ba? Kaya ako talaga ang naunang nagkagusto sa kanya!" Sabat ni Justin.

"Ba't pinag-aagawan niyo si Kyra eh may fiancee na oh." Seryosong sabi ni Wilbert sabay turo sa kanya.

Kahit si Nathaniel pala ay mariin na nakatingin sa kanya. Napabaling na lng tuloy ang dalawang nagtatalo at tiningnan din siya ng seryoso na parang inaantay siyang magsalita o kontrahin man lang ang sinabi ni Wilbert.

Agad na lang siyang umiwas ng tingin sa mga ito at tumayo na, "Magdinner na tayo. Gigisingin ko lang si Georgina." Sabi niya ata agad ng tinalikuran ang mga ito.

Pagkaakyat niya kanina sa kwarto ay wala na sa kama ang girlfriend niya. Nasa loob na pala ito ng CR at naliligo. Kaya sinabihan na lang niya itong sumunod sa dining at magmadali na para makakain na silang lahat.

Pagkagaling sa gazebo ay agad na dumiretso si Kyra sa kwarto niya imbes na kay Mr. Sevilla. Pinakalma niya muna ang emosyon niya bago magpakita sa butihing Don. Habang hindi pa siya tinanong ulit ni Mr. Sevilla tungkol sa desisyon niya ay iiwasan na muna niya si Bryan, lalo pa't nandito ang girlfriend nito.

Bagay na bagay talaga si Bryan at ang magandang girlfriend nito.

Kahit kumikirot ang puso niya sa naisip ay tanggap na niyang bagay talaga ang dalawa. Gusto niya tuloy sapukin si Bryan kung bakit pa nito nagawang lokohin ang girlfriend nito sa katauhan niya.

Panloloko naman 'yon talaga, hindi ba?

Natural lang ba ang ganoon sa isang relasyon? Kung natural 'yon mas maganda ngang maging NBSB na lang siya. Ayaw niyang maranasan 'yon kung siya ang girlfriend. Masakit 'yon panigurado lalo na kung malaman mong nagcheat ang boyfriend mo.

Ngayong nakita na niya sa personal ang girlfriend nito ay nagdadalwang isip ulit siya sa naging desisyon niya. Baka nga hindi naman na itutuloy ni Uncle ang plano nito kapag nalaman at nakilala na nito ang girlfriend ni Bryan. Mukhang hindi yata alam ni Uncle na may girlfriend na ang anak nito, kaya siguro nag alok ito ng ganoon sa kanya. Kaya nga mas mabuti na ring hindi niya nasagot ang tanong nito sa kanya noong nakaraan.

Noong naayos na niya ang sariling damdamin ay bumaba na rin siya ng tuluyan sa kwarto ni Mr. Sevilla. May tira pa kasi itong gamot na iinumin at ichicheck din niya ulit ang vital signs nito. Pagkapasok niya sa kwarto nito ay nandoon rin pala si Manang Rosa sa loob.

"Oho, Don Eduardo. Inaantay na lang po nila si Senyorito dumating. Nasa hapagkainan na po silang lahat." Pagbibigay-alam ni Manang Rosa kay Uncle.

"Anong oras na, Rosa. Nandoon na ang mga bisita niya ba't natagalan pa si Bryan?" Tanong ni Uncle.

Sasagot na sana si Manang Rosa sa tanong ni Uncle, pero napansin na siya ng huli na nakatayo malapit sa pinto ng kwarto nito. "Kyra, iha."

Doon lang siya tuluyang lumapit sa mga ito. "Uncle. Check ko po muna vital signs mo, at 'yong gamot mo pa po." Pagreremind niya dito.

"Mamaya na, iha. Hindi ka pa raw nakakain ng hapunan sabi ni Rosa. Kumain ka na muna at sasama na ako sa pagbaba mo. Gusto ko din munang batiin ang mga bisita ni Bryan bago ako matulog." Sabi nito sa kanya.

Its already quarter to nine kaya paniguradong gutom na talaga ang mga kaibigan niya. Kahit siya ay gutom na din. Pagkababa niya ay nasa hapagkainan na ang mga kaibigan niya at nagkukwentuhan at nag-aasaran. Umupo din siya doon at nakisali sa pang aasar kay Wilbert na parang teenager kung makaasta habang pasulyap-sulyap sa isang katulog nila na crush yata nito.

Nailagay na sa mesa ang lahat ng inihandang pagkain at inumin, at lampas 9pm na yata pero wala pa din si Georgina. Nang may narinig na silang mga yabag na papalapit sa dining area ay agad na pumalakpak si Justin.

"Kainan na!" Masayang sabi nito at akmang kukuha na ng pagkain.

Ang buong akala nila ay si Georgina na 'yong dumating, pero napatayo agad ang mga kaibigan niya ng nakitang ang ama niya at si Kyra pala 'yong dumating.

"Magandang gabi po, Sir."

"Good evening po, Sir."

Magalang na bati ng mga kaibigan niya sa ama.

Habang siya ay nanatiling nakaupo lang at pinanatili ang tingin sa mga nakahandang pagkain. Ayaw niyang tingnan ang mga ito, lalo na ang kasama ng ama niya.

"Good evening din mga iho, and please call me Tito." Masayang sabi ng ama niya. "Ba't hindi niyo pa sinimulan ang pagkain ? Lampas alas nuwebe na ng gabi."

"Uhm.. May inaantay pa po kami, Tito." Sabi ni Nathaniel.

"Huh? Who?" Naguguluhang tanong ng ama niya.

Bago pa masagot ang tanong nito ay may narinig na silang tunog ng mga takong na papalapit na sa kanila. And his girlfriend came in the picture wearing a very sexy dress and a pair of red stilettos.

"Oh, hello everyone! Good evening!" Nangingiting bati ni Georgina sa kanila, at nang dumapo ang tingin nito sa ama niya ay lumapit ito agad at bineso ang ama niyang nagulantang.

"Hello, father-in law. I'm your son's girlfriend and future wife. Its nice to finally meet you."