Kanina pa siya nakatayo sa labas ng entrance ng subdivision nina Mr. Sevilla. Siguro'y magtatatlumpong minuto na simula ng umalis siya sa mansiyon. Pero hanggang ngayon ay wala pa ding bakanteng taxi na dumadaan.
Pasulyap-sulyap din 'yong mga guard sa kanya at natatakot na din siya lalo pa't alas siyete na ng gabi at nag iisang poste lang ang nakatutok sa kanya sa pwesto niya doon sa kalsada. Ang lalaki kasi ng agwat ng mga poste sa remote location na 'yon.
Plano niya'y magtawag na lamang ng taxi pero pagtingin niya sa cellphone niya..
Lowbatt.
Great!
Hinalughog niya ang bag niya if dala niya ba ang charger, baka pwede namang siyang makicharge mamaya if wala na talaga siyang choice. Pero wala! Hindi niya nadala ang charger!
'Ang galing ko talaga!'
Umangat ang tingin niya sa langit. And guess what? Parang nagkukulay-kahel na tapos walang bituin.
Fantastic! Hays!
Wala siyang dalang payong eh! Hindi naman kasi siya nakinig kay Grace kanina. Naku!
Napabaling na lang ulit ang tingin niya sa mga guard at akmang tatawid na papunta doon ng biglang umandar ang sasakyan na nakapwesto lang malapit sa guardhouse. Natulos tuloy siya sa kinatatayuan niya.
Kanina pa 'yon nandoon at hindi niya nga pinansin 'yon noong una. Pero nang tumigil 'yon sa harap niya ay agad na siyang kinalibutan.
Baka naman kasi masamang tao 'yong nasa loob. Jusko naman!
Tatakbo na lang siya agad if ever! Or magtitili! Bahala na!
Pagkababa ng bintana, imbes na tumakbo or tumili man lang ay hindi niya nagawa. Singhap ang lumabas sa bibig niya.
Masamang tao nga ang nasa loob ng sasakyan.
Isang halimaw.
Si Bryan halimaw. Tsss.
"Hey. Saan tungo mo?" Sabi nito.
Iniwas niya ang tingin dito at nagkunwaring hindi ito napansin at hindi narinig.
"Wow!" Sabi nito ulit at napahalakhak.
'Shocks! Ang halakhak ni halimaw makalaglag ng panty. Tsk. Ba't hindi na lang kasi ito umalis at hayaan na ko dito!'
Napatili na lang siya ng biglang kumidlat at kumulog ng malakas. Napatakip na lang siya sa tenga ng naulit 'yon.
"Hey, little nurse! Hop in! I'll give you a ride.." Sabi nito sa kanya.
"No thanks." Tipid niyang sagot dito at lumakad na pakaliwa.
'Bahala na nga kung saan siya aabutin. Basta aalis siya sa harapan nito.'
Habang naglalakad ay napapatingala pa din siya sa langit at nagdadasal na sana huwag na umulan. Patay siya kung ganoon. Wala pa siyang dalang payong.
Napaangat ulit ang tingin niya sa langit. Malayo-layo na ang nalakad niya at ang buong akala nga niya ay umalis na si Bryan at umuwi na. Pero napatili siya at muntik ng matapilok ng bigla itong bumusina sa likod niya.
"Halika na! Uulan na oh!"Sigaw nito sa kanya." Pakipot ka pala? Hindi halata." Malokong dagdag pa nito.
"Ayoko nga sabi! Mas mabuti pang maulanan kaysa sumakay sa kotse mo!" Galit na sagot niya dito lalo pa't iniinsulto siya nito.
Gago.
"Fine! Bahala ka! Ako na nga ang nagmamagandang loob sa'yo. Just wanna give you a warning, though! Walang masiyadong dumadaan dito lalo pa't gabi na." Sabi nito sa kanya at agad na pinaatras ang kotse at pinasibad 'yon pabalik.
"Whatever! Jerk!" Sigaw niya dito pero wala na umalis na ng tuluyan ang sasakyan nito.
Dumiretso na ulit siya sa paglalakad at taimtim na nagdadasal na huwag nga sana umulan. Basang sisiw talaga siya at ang problema pa niya ay wala talagang dumadaan na kahit isang kotse man lang. Kanina meron pa eh! Pagtingin niya sa relong suot ay lampas alas otso na pala ng gabi.
Nagpatuloy pa ulit siya sa paglalakad pero malas yata siya sa gabing 'yon kasi bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Napatakbo tuloy siya sa ilalim ng isang puno pero kahit anong tago niya doon ay nababasa pa din siya ng ulan.
Nanginginig na siya sa sobrang lamig. Naiiyak na din siya tuloy. Parang gusto niyang sisihin ang sarili niya kung bakit hindi niya tinanggap ang alok ni Bryan. Eh kaso ayaw niya nga makaharap ito 'di ba? Kaya nga nandito siya at uuwi na lang muna sa kanila.
'Ang malas mo talaga, Kyra Mae!'
Mawawalan na sana siya ng option at ang naisip na lamang niyang gawin ay bumalik sa mansiyon.
Eh kaso andoon nga si Bryan. Pagtatawanan lang siya nito panigurado.
"Makitawag na lang kaya ako sa guardhouse at magpatawag ng taxi? Or magpasundo na lang kaya kay daddy?" Tanong niya sa sarili.
Nag iisip pa siya kung ano ang gagawin niya nang may nakita siyang sasakyan na parating. Hindi nagdadalawang isip na pinara niya 'yon pero nang makita na ito ng malapitan ay gusto niyang umurong at magtago.
Sasakyan kasi 'yon ng halimaw!
"Pasok!"Sigaw nito sa kanya pagkababa nito ng bintana.
Bakas yata ang pag-aalinlangan sa mukha niya. Napamulagat na lang siya ng mabilis itong lumabas sa sariling sasakyan at itinakbo ang pwesto niya. Napatili siya ng binuhat siya nito ng mabilisan na para siyang isang sakong bigas.
"Ang tigas ng ulo mo!" Sigaw nito sa kanya at agad siyang binalibag sa loob pagkabukas ng pinto sa front seat.
Pinasuot nito sa kanya ang seat belt at kinuha ang maleta niya at ipinasok din 'yon sa likod. Tumakbo na ulit ito paikot at pabalik sa driver's seat. Basang-basa tuloy ito at ang damit nito. At parang nakonsensiya naman siya kahit sobrang inis siya sa taong ito.
"T-Thank you." Usal niya dito.
Tiningnan siya nito ng masama habang nagpupunas ng ulo. "Saan ka ba tutungo? Huh?!"
"Uuwi sa 'min.. N-Nagpaalam na ko kay Mr. Sevilla kanina.." Mahinang sagot niya dito.
Binalingan ulit siya nito at napangisi. "Ah. So, magreresign ka na? Good!"
Nairita na ulit siya dahil sa sinabi nito at hindi na napigilan ang sarili sa pagsagot dito. "Hindi no! Ayoko lang makita ka! Kaya uuwi muna ako sa amin at ng malayo ako sa halimaw na kagaya mo!"
Napahalakhak ito sa sinabi niya, "Kung ako sa'yo. Magreresign na lang ako."
"Apat na buwan na lang. Huwag ka mag-alala at hindi mo na ako makikita ulit." Sabi niya dito.
Natawa ulit ito na parang halimaw talaga tapos bigla itong sumeryoso. "So, saan na kita ihahatid mahal na prinsesa?"
'Bipolar na halimaw! Wow!'
Inirapan niya ito bago sinabi ang address nila. "Malayo pa ang sa amin. Kaya kung may taxi na dadaan mamaya ay pwede na akong bumaba."
"'Kay." Tipid na sagot nito at pinaandar na nga ang sasakyan.
Ang lakas pa din talaga ng ulan. At feeling niya mas lalong lumalamig sa loob ng sasakyan nito sa sobrang tahimik nila. Siguro ay mag fifteen minutes na silang bumabiyahe pero hanggang ngayon ay wala pa ding sasakyan na dumadaan.
Ayaw niya magkaroon ng utang na loob sa halimaw pero wala na talaga siyang choice. Ang lakas talaga ng buhos ng ulan at ang hirap ng makita ang dinadaanan nila. Medyo binabagalan din ni Bryan ang pagmamaneho.
Limang minuto pa ang lumipas ng bigla silang nagulantang at napatili din siya. Malakas na pagputok kasi ang narinig nila at gumewang na ang sasakyan nito. Buti na lang talaga at mabagal lang ang pagmamaneho ni Bryan kundi ay baka matinding disgrasya ang aabutin nila.
"Fuck!" Sabi ni Bryan at sinuntok ang manibela. Lumabas ito sa sasakyan kahit umuulan pa para tingnan kung ano ang nangyari. Sumusunod rin ang tingin niya dito at nakita niyang sumipa ito at tumakbo na lang pabalik sa pwesto nito.
"A-Ano nangyari?" Tanong niya pagkapasok nito sa loob.
Basang-basa na naman ito kaya inabot niya dito ang panyo niya at tinulungan ito sa pagpupunas gamit ang tissue.
Parang natigilan ito sa ginawa niya at nagkatitigan silang dalawa ng ilang saglit. Nakita niyang pinilig nito ang sariling ulo at nag-iwas na lang ng tingin bago siya sinagot.
"Flat tire."
Nakaramdam tuloy siya ng awkwardness dito. "Ahmm.. Ano na ang gagawin natin kung ganoon? Wala ka bang spare tire? Tawagan mo kaya sila sa mansiyon? Manghingi tayo ng tulong!" Suhestiyon niya dito.
"I forgot to bring my phone." Simpleng sagot nito sa kanya.
"Huh? Lowbatt din ang phone ko! Hala! Paano na 'yan? Anong gagawin natin?" Tanong niya dito pero nanatiling tikom ang bibig nito. "Hoy! Ano na? Ano na ang gagawin natin? Ano?"
"Will you fucking shut up?!" Malakas ang boses na sabi nito sa kanya. "Ba't hindi mo kasi chinarge ang phone mo? Kung hindi ka ba naman tanga! Aalis ka tapos lowbatt ang phone?!"
"Ikaw din naman ah! Naiwan mo nga phone mo! So sino mas tanga? Huh? At least sa akin dala ko!" Matapang na sagot niya dito.
"Sinundan kasi kita pagkaalis mo, kaya naiwan ko phone ko." Mahinang sabi nito.
"Ano?!" Hindi niya narinig eh.
"Wala!" Pagalit na sagot nito sa kanya.
Wala talaga sila makita sa daan sa sobrang lakas ng ulan kaya laking pasalamat niya ng tumila na 'yon ng kunti.
"Parang may umiilaw na karatula doon. Like some sort of business or something?" Biglang sabi ni Bryan sabay turo sa direksiyon na kung saan ito nakakita ng ilaw. Malayo-layo pa 'yon sa pwesto nila.
Pagtingin niya doon ay meron nga siyang nakita. "Hala! Oo nga!" Sabi niya na parang nabuhayan ng loob.
"Tara! I don't want to get sick wearing these wet clothes. Let's check if we can borrow their phone and call for help." Sabi nito sa kanya sabay patay ng sasakyan.
"Huh? Baka naman pwedeng ikaw na lang ang pumunta doon? Dito na lang ako."
"Yeah right! Do you think I would allow you to stay here all by yourself?" Sabi nito sa nanunuyang tono.
"Fine! Sasama na ako!" Sagot niya sabay bukas ng pinto.
"Wait!" Tawag sa kanya ni Bryan pero hindi niya ito pinakinggan. Mabilis na siyang lumabas at sinarado ang pinto ng kotse nito.
Mabilis na siyang naglakad papunta sa signage na nakita ni Bryan kanina. Narinig niya na din ang malakas na pagsarado nito sa pinto at naagapan din siya nito sa paglalakad.
"Tss. Hindi marunong makinig!" Galit na sabi nito sa kanya.
Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy na lang ang paglalakad. Ilang dipa na lang ang layo nila sa nakitang karatula kaya nababasa na nila iyong nakalagay doon.
24hrs na inn pala 'yon.
Nang malapit na sila ay napatigil siya sa paghakbang. Nakakatakot kasi ang inn na nakita. Mukhang abandona na 'yon at sira-sira na.
"What?" Tanong ni Bryan sa kanya. Hindi umaalis ang tingin niya sa inn kaya napabaling ito doon. "Takot ka?"
"H-Huh? Hindi ah!" Nagtapang-tapangan siya at nauna pang lumapit sa gate ng inn. Nakita niya sa pinto na may nakalagay ding 'Please Come In, We're Open' sign. Inaantay niyang mauna si Bryan pumasok pero pagbaling niya dito ay nakangisi ito na parang inaabangan ang reaksiyon niya.
Inirapan niya ito at umaamba ng maunang pumasok sa loob. Bigla itong napahalakhak sa likod niya at inunahan na siya sa pagbukas ng pinto. Hinawakan din muna nito ang pinto para sa pagpasok niya.
'Wow. Gentleman kuno.'
Pagtingin niya sa loob ng inn ay nawala na din ang takot niya. Mukhang naminemaintain naman kasi 'yong inn. Parang lumang bahay 'yon na ginawang inn kaya merong homey feeling kahit doon pa lang sa tanggapan nito.
"Hello? Tao po?" Sabi ni Bryan.
Wala kasing front desk doon tapos wala ding taong lumabas pagkapasok nila. Malaking sofa lang ang naroon, coffee table, at mga pictures na naka frame na dinikit sa dingding. Maya-maya lamang ay may narinig silang yabag na galing sa taas ng hagdanan na gawa sa kahoy.
"Ay hijo, hija! Kukuha kayo ng kwarto?" Agad na bungad sa kanila ng isang masayahin at matandang babae pagkababa nito sa hagdanan. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Bryan.
"Ah. Hindi po, Lola. Nasiraan po kasi kami ng sasakyan sa daan. Baka po pwedeng makigamit ng telepono niyo? Tatawag lang po kami sa bahay." Magalang na sabi ni Bryan dito.
Napabaling tuloy siya dito. Kaya naman pala nito maging magalang sa ibang tao. Ba't hindi nito magawa 'yon sa sariling ama?
"Ay naku, iho. Wala kaming telepono dito. Pasensiya na. Luma na kasi itong bahay namin. Kung gusto niyo pwede kayong manatili muna dito. Pero mas mabuti kung mag renta na lang kayo ng kwarto at mukhang nilalamig na ang maganda mong girlfriend." Nanunudyong sabi ng matanda kay Bryan.
'Girlfriend? Ako ng halimaw? No way! Pero 'yong maganda tanggap ko!'
Gusto niyang umalma pero natigilan siya ng napabaling ito sa kanya at mariin siyang tiningnan. Tumingin ulit ito sa matanda. "Sige po dalawang kwarto ang kukunin namin, Lola."
"Nakuw! Tatlong kwarto lang ang pinaparentahan namin dito, iho. Tapos ang dalawa occupied na kaya isang kwarto na lang talaga ang bakante." Sabi nito tapos tiningnan silang dalawa ng nakangiti. "Huwag na kayong mahiya. Mga batang ire! Aba'y moderno na tayo ngayon."
"Uhm.. Lola nagkaka-"
"Sige, Lola. Kukunin na po namin." Sabi ni Bryan na naunahan siya sa pagkontra sa sinabi ng matanda.
'WHAT?!'