webnovel

Darkness: the beginning of legend (Filipino/Tagalog)

Ang kwento ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang dalaga upang makamtan ang katarungan sa mapait na sinapit ng kanyang pinagmulang nayon. Ngunit bago ang lahat ay kailangan muna niyang sunduin ang tagapagmana ng Hari at ibalik ito sa lugar na nararapat dito ng buhay at boo.

Sept_28 · 奇幻言情
分數不夠
25 Chs

9

Nailagan ng ginoo ang panang siya ang punterya dahil sa angking liksi ng pangangatawan ngunit sa kasamaang palad ay hindi lamang nag-iisa ang panang yun at may mga kasunod pa ito.

Nagawang makahabol ni Aya sa ginoo at mabilis niyang iwinasiwas ang kanyang sibat upang hindi makatama ang nagliliparang pana sa ginoo.

"Tigil!" Sigaw na narinig nila mula sa mataas na bahagi ng lupa.

Nakikilala ni Aya ang tinig na iyon na sumigaw at siyang nagpatigil sa pagpapaulan sa kanila ng pana.

Si Makoy ang sumigaw na iyon at nakita sila na sila ni Aya.

"Kayo pala!" Sigaw niya sa mga kawal na pinamumunuan niya at nagsipagbaba na ang mga ito upang lapitan sila.

"Paumanhin pinuno ngunit inaakala kasi naming kalaban ang hinahabol mo na nais mong patayin ayun sa sigaw mo kanina." Paliwanag ni Makoy sa nangyari. "Hindi po namin inaasahan na magkakaroon kayo ng ibang kasama."

Kasama? Napaisip si Aya kung paaano nga ba ipaliliwanag na may kaibigan siyang daang taon ng naninirahan sa gubat at nakalimot na sa sariling pangalan. Nangangamba pa si Aya na baka pagsinabi niya ang totoo ay maging dahilan pa iyon upang mawalan ng tiwala ang mga ito sa kanya.

"Kinabahan ako doon." Pag-amin naman ni Aya. "Mabuti na lamang at mabilis na nakaiwas ang prinsipe kundi ay baka kung ano ng nangyari."

"Prinsipe?" Pag-uulit ni Makoy sa isa sa mga salitang winika niya.

Ito namang kaibigan niyang walang pangalan, sa pagtataka'y biglang nawalan ng ngiti at nabigla sa ibang pagpapakilala sa kanya ng unang naging kaibigan niya makalipas ang mahabang panahon.

Taas kilay lamang ang naging sagot Aya sa tanong ni Makoy.

"Mahal na prinsipe." Pagbati ng mga kawal at nangagluhuran ang mga ito sa harapan ng ginoong kaibigan ni Aya.

"Parusahan niyo po kami dahil sa pinagtangkaan namin ang buhay ninyo at hindi namin kayo agad na nakilala." Dugtong pa ni Makoy.

Ang ginoong walang pangalan naman ay biglang nakaramdam ng pananakit ng ulo at kamuntik pang matumba sa lupa. Buti na lamang at agad na nasakluluhan siya ni Aya.

"Prinsipe! ano pong nangyayari sa inyo?" Nag-aalalang si Aya na pinaninindigan ang ibinalita sa mga kawal na pinamumunoan niya.

"Aluna?" Biglang tawag ng ginoo kay Aya at agad din naman nitong napagtanto ang pagkakahilig nito kay Aya kaya naman ay umayos na ito ng tayo. "Huwag niyo tayong intindihin, sumakit lamang ang ating ulo."

Napangiti si Aya na nasakyan siya agad ng kanyang kaibigan at kahit na matagal na itong naninirahan sa kagubahan ay kabisado parin nito kung paano manalita ang isang tunay na tagapagmana ng kamahalan.

Lumapit kina Aya si Aso na sakay parin ang totoong prinsipe na animoy himbing parin sa pagtulog.

"Isang kambit!" Sigaw ng isa sa mga kawal at mabilis na nagsipagtayuan ang mga kawal at agad na nagsipaghanda upang paslangin ang malaking aso.

"Huwag!" Pigil naman ni Aya at mukhang mapapahamak pa tuloy yata ang totoong prinsipe.

"Hindi ito isang kambit." Hinimas pa ni Aya ang Aso upang ipakita sa mga kawal niya na hindi isang banta si Aso at maamo ito. "Isa lamang itong karaniwang hayop na alaga ng prinsipe mula pa noong kabataan niya. Bigay ito mismo sa kanya ng tiyuhin niyang hari upang kahit papaano ay maibsan ang kanyang kalungkutan."

Muling napaluhod na naman ang ang mga kawal. "Mahal na prinsipe, parusahan niyo po kami."

"Tumayo na kayo, sadyang marami lang talaga tayong mga bagay na hindi agad natin naiintindihan." Wika ng ginoo habang nakatingin kay Aya dahil siya mismo ay hindi naiintindihan kong bakit ipinakilala siyang prinsipe nito. Naisip niya na lamang na marahil ay prinsipe nga ang walang malay na nakasakay sa Aso.

Nagsitayo naman na ang mga kawal. "Salamat po mahal na prinsipe."

"Kalo," tawag ni Aya at kaagad namang lumapit ang tinawag. "Ibigay mo sa prinsipe ang aking aking kabayo."

"Masusunod po at sa inyo na lamang po ang aking kabayo." Wika naman nito.

"Ah hindi na Kalo." pagtututol niya. "Doon na lamang ako sa lubo sasakay at baka mahulog pa tagapagsilbi ng prinsipe."

Tiningnan ni Kalo ang tinutukoy ng kanyang pinuno at doon niya pa lamang napansin kung sino ang katutulog sa ibabaw ang aso.

"Pinunong pangkat, iyan po ang inakala naming prinsipe at tinakasan kami." Wika ni Kalo na itinuro pa ang natutulog at saglit pang sinulyapan  ang pinakilalang prinsipe na nakakaramdam parin ng pananakit ng ulo. "Mapalad na tagapagsilbe, sadyang magkamukha nga sila ng prinsipe."

Narinig iyon ng ginoo kaya natigil ito sa paghihilot ng sariling ulo at napatingin doon sa tagapagsilbe daw ng prinsipe. Naalala niyang nabanggit niya kay Aya na namumukhaan niya nga ito marahil ay dahil nga sa sadyang kamukha niya ito.

Samantalang si Aya naman ay hindi na nagulat dahil napansin na niya iyon kanina habang karga sa likuran ng ginoo ang prinsipe.

"Sinundan ko lang at naituro niya ako sa kinaroroonan ng totoong prinsipe." Sabi naman ni Aya.

"Makinig kayo!" Wika ni Kalo sa mga kasamang kawal. "Magpapatuloy na tayo sa ating paglalakbay patungong Paldreko!"

"Huhu!" Sigawan ng mga kawal at nagsikilos na upang kunin ang kanya kanyang kabayo.

Higit pang napalapit ang ginoong walang pangalan kay Aya. "Talaga bang mga kawal kayo ng kaharian o mga tulisan?"

"Ang totoo ay mga tulisan ang mga yan." Pabulong din namang sagot ni Aya. "Naanyaya ko lang na maging kawal upang magkaroon sila maayos na pagkakakitaan."

Hindi nagtagal ay nagsibalikan din ang mga kawal at dala ni kalo ang kabayo ni Aya.

"Pinuno narito na po." Iniabot ni Kalo ang tali ng kabayo kay Ayo na agad namang ibinabot din ni Aya sa ginoo.

Hindi naman iyon tinanggap ng ginoo bagkus ay hinila pa si Aya palayo sa mga kawal.

"Bakit?" Tanong dito ni Aya.

"Eh ano kasi." Nahihiwang wika nito at hindi alam kung papaano nga ba sabihin kay Aya.

"Ano yun?" Tanong pa dito ni Aya. "Wag mong sabihing hindi ka marunong mangabayo?"

"Aya naman ni pangalan ko nga ay hindi ko na maalala papaano pa kaya ang pagsakay lamang sa kabayo." Wika naman ng ginoo.

"Anong gagawin natin? Hindi naman pweding sabihin natin na hindi marunong mangabayo ang isang prinsipe."

"Paano kung ako na lamang ang sasakay sa kambit mo? Hindi bat sinabi mo namang tagapagsilbe ko yang kasama mo?"

Napaisip si Aya. "Anong pinagkaiba sa pagsakay sa kabayo at sa kambit?"

"Ang kabayong ibinigay mo sa akin ay isang karaniwang hayop lamang samantalang ang kambit naman ay nag-iisip katulad ng panginoon nito."

"Talaga?" Naitanong pa ni Aya. "Nakalimutan mo na lahat pati pangalan mo ngunit hindi ang tungkol sa kambit at salamangka, galing ah."

"Hay!"

"Sige na." Pagpayag naman ni Aya. "pero ikaw lang mag-isa ng sasakay kay Aso ng hindi ito mabigatan. Ipalilipat ko namang sa akin ang tagapagsilbing yan."

"Pagdating natin ng Paldreko ay magpapaliwanag ka." Sabi pa ng ginoo habang naglalakad na sila pabalik sa karamihan.

"Opo magpapaliwag po ako sa inyo mahal na prinsipe." Wika naman ni Aya.