webnovel

Darkness: the beginning of legend (Filipino/Tagalog)

Ang kwento ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang dalaga upang makamtan ang katarungan sa mapait na sinapit ng kanyang pinagmulang nayon. Ngunit bago ang lahat ay kailangan muna niyang sunduin ang tagapagmana ng Hari at ibalik ito sa lugar na nararapat dito ng buhay at boo.

Sept_28 · 奇幻言情
分數不夠
25 Chs

7

Ramdam ng Prinsipe ang sakit ng katawan sa naging pagbagsak sa lupa.

"Aray... Kainis! Wala man lang pasabi." Pagmamaktol nito at naupo sa lupa.

"Pagbati sa prinsipe." Agad na hinagilap ng paningin ng prinsipe ang pinanggagatingin ng tinig babae na iyon at nakita naman niya agad ito.

Tanging kaunting sinag ng buwan lamang ang liwanag sa loob ng kagubatang ito ngunit kahit na ganoon ay nasisiguro ng prinsipe na ang soot ng nagsalitang iyon ay ang kanyang kasootan na ibinigay niya kanina sa babaeng punong pangkat at siyang may-ari ng damit pangkawal na soot niya ngayon.

Tumalon pababa si Aya at nilapitan ang prinsipe. "Humihingi po ng paumanhin ang inyong lingkod kung may naging pagkukulang man kami."

"A-alam mo na ako ang prinsipe?" Tanong niya dito na nagpipigil ng inis. "Ngunit bakit mo ako ipinahiya kanina at hinayaan mong pagtawanan ako? At isa pa pala, tama bang basta nalang itinatapon ng nagsasabing lingkod ang kanyang pinaglilingkuran?"

"Sasagutin ko po lahat ng katanungin niyo—"

"Ahhh! Wag na! Ayuko ng makita pa yang pagmumukha mo. Alis na." Pagpapaalis ng prinsipe kay Aya.

Ngunit imbis na umalis si Aya ay nagulat pa ang prinsipe ng bigla nalang dumikit sa likuran niya ito at tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang dalawang palad nito.

"Lapastangan!"

"Pauman po ngunit kailangan ko itong gawin, huwag po kayong gumalaw." Wika naman ni Aya.

"Lumayo ka sa akin ang baho mo!" Dagdag pa ng prinsipe at ito namang si Aya ay napaamoy sa sarili.

Mabaho na nga siya. "Lalayo po ako ngunit kailangan ko pong mangako kayo hindi ididilat ang mga mata."

"Ano?" Hindi maintindihan ng prinsipe si Aya.

"Nasa harapan niyo po ngayon ang Usa ng panaginip, kapag magtagpo ang inyong paningin ay dadalhin ka niya sa iyong panaginip na maaaring hindi mo na magustuhan pang gumising." Paliwanag ni Aya.

"Alam ko kung ano ang nagagawa ng Usa ng panaginip!" Sabi naman ng prinsipe. "At hindi na ako bata para matakot sa isang alamat na nilalang."

Nagawa ng prinsipe na matanggal ang dalawang kamay ni Aya na nakatakip sa mga mata niya.

Ni hindi na nga nagkaroon ng pagkakataon ang prinsipe na paniwalaan ang kanyang nakikita na isang Usang nagliliwanag sa dilim at kaagad na nawalan siya ng malay.

Mabuti na lamang ay nasalikiran niya si Aya at siya ay nasalo nito at di tuluyang bumagsak sa lupa.

"Mga lapastangan! Ano ang ginagawa ninyo sa bahahing ito ng kabundukan?" Narinig ni Aya ang malulutong na mga salitang iyon na nagmumula sa unahan nila.

Sa una ay nangamba si Aya at baka isang kalaban iyon dahil hindi niya naman magawang dumilat dahil tiyak na nakaabang ang usa ng panaginip sa kanya.

Usa ng panaginip, naalala ni Aya kung sino ang panginoon ng nito at ang tinig lalaki na iyon ay nakikilala niya.

"Kaibigan ako ito, si Aya." Pagpapakilala niya. "Ang sabi mo ay hindi mo kakalimutan ang aking tinig, hindi ba?"

Naramdaman ni Aya ang paglapit sa kanila ng panginoon ng Usa dahil ang nakikita lamang nito ay ang nasa paligid nito na hanggang tatlong hakbang lamang.

"Kaibigang Aya!" Natutuwang tawag nito sa kanya. "Masaya akong muli tayong nagkita—"

"Kaibigan, mamaya na tayo magkwentuhan." Putol niya sa pagsasalita ng kausap dahil sa nabibigatan na siya sa prinsipe. "Kailangan namin ang tulong mo, maaari na ba akong dumilat?"

"ah!" Napatayo ng tuwid ang ginoo ng mapagtanto nitong masyado pala siyang nasabik sa muling pagkikita nila ng kanyang kaibigan. "Maari mo ng idilat ang iyong mga mata." Pahintulot nito.

"Salamat." Wika ni Aya. Pagdilat ng mga mata ni Aya ay nakita niya ang usa sa karaniwang anyo nito katabi ang ginoong tinawag niyang kaibigan.

"Wala iyon. Ang ganda pala ng iyong soot, ngayon lamang kita nakita ng ganya." Hinawakan pa ng ginoo ang soot ni Aya at halata sa mukha nito ang paghanga. "Mamahalin pa ito kaysa sa aking soot."

"Kaibigan baka naman pweding dalhin muna natin sa inyong tahanan ang aking kasama." Sabi ni Aya na animoy nagmamakaawa na at digat na bigat na siya sa prinsipe.

"Ang iyong kasama?" Tinitigan ng ginoo ang prinsipe at kinilatis pa ang soot nito. "Nagpalitan ba kayo ng kasootan? Sino ito at mukhang mahalaga siya sa iyo?"

"Kaibigan naman."

"Nagbibiro lamang ako kaibigan, tulungan na kitang dalhin siya sa aking balay."

May kalayuan pa ang kanilang nilakad patungo sa tahanan ng ginoong kaibigan ni Aya.

"Dito na natin siya ihiga." Wika ng ginoo ng makapasok na sila sa nag-iisang silid ng malumbay na tahanang iyon sa pusod ng kagubatan.

Iniyos ni Aya ang pagkakahiga ng prinsipe saka muling kinausap ang kaibigan.

"Paumanhin at narito na naman ako upang mangambala sa iyo kaibigan." Wika ni Aya.

"Wag mong isipin yun, paaanhin pa't akoy itinuturing mong kaibigan."

Lumabas sila ng silid na iyon saka ipinagpatuloy ang kanilang pag-uusap.

"May mahalaga kaming pupuntahan ng aking kasama kung kayat hindi kami maaaring magtagal rito, maaari mo ba siyang magising mula sa kanyang panaginip sa lalong madaling panahon?"

Natawa ang ginoo na ipinagtaka naman ni Aya sapagkat wala namang nakakatawa sa kangyang tinuran.

"Anong nakakatawa kaibigan?" Tanong niya pa dito.

"Hindi ko magagawang gisingin ang iyong kasama sapagkat siya ay wala sa kanyang panaginip." Sagot ng ginoo.

"Anong ibig mong ipakahulugan?" Pagpapalinaw ni Aya sa mga winika ng ginoo sapagkat alam niyang ang pagkakahimbing ng prinsipe ay kagagawan ng usa ng panaginip na kambit nito.

Sa nayong pinagmulan ni Aya ay lahat sila doon may kambit. Ang kambit ay napapalabas ng kanilang panginoon kapag sila ay may sapat ng lakas, karaniwan sa pagitan mula lima hanggang pitong taong gulang ang panginoon saka nito mapapalabas ang kambit.

"May salamangkang nagsasara sa kalahati ng kanyang mida kung kayat hindi tuluyan makapasok ang hiwaga ng usa ng panaginip." Paliwanag ng ginoo.

"Ibig sabihin ay magigising siya agad." Natutuwang wika ni Aya. "Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay hindi ba't walang salamangkang magagamit sa bahaging ito ng lupain?"

Muling natawa ang ginoo, marahil ay sadyang nasisiyahan lamang ito at matagal ding panahon noong huli siyang dalawin ni Aya. Ngayon lamang siya ulit naglaroon ng kausap liban sa mga hayop at ibon sa paligid.

"Ang salamangkang ipinangsasara sa mida ng isang salamangkero ay hindi karaniwan, isa itong sumpa na maaaring ikamatay ng sinumang magsasagawa." Paliwanag ng ginoo. "Ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit pag-aaksayahan ng buhay itong kasama mo? Mukhang isa siyang mahalagang salamangkero, maaari ko bang malaman ang katauhan ng iyong kasama kaibigan?"